"Alam mo ba na posibleng hindi ka makaka graduate dahil transferee ka?" tanong ng guro na nasa harapan ko.
Kinabahan naman ako bigla. Napaayos tuloy ako ng upo at seryoso ang tingin kay Mrs. Santos
Natawa naman siya dahil sa reaction ko ngunit agad nag seryoso sabay baling sa card ko.
"Maayos ang grades mo, matataas. Pero possibleng hindi ka makakasabay sa graduation next year dahil transferee ka ." aniya. "May babalikan kang subject, Tatlo iyon.. Dalawa sa 1st Sem at Isa naman sa 2nd Sem.." bumaling siya kay Lola.
"Kaya naman po, Nanay, dahil tanghali ang oras ng Grade 12 dito. Papasok siya ng umaga para sa babalikan niyang subject. Magbibigay naman ako ng schedule sa kanya sa pasukan. At siya na rin ang mamimili kung anong oras at araw siya makiki sit in. Kung hindi niya papasukan iyon, Babagsak siya." tumingin siya sa akin ng diretso. "Bakit naman kase nag transfer ka pa kung kelan graduation na next year?"
Napanguso ako sa tanong ni Ma'am. Hindi ko alam kung sasagutin ko pa ba o hindi. Nang biglang nagsalita si Lola.
"Makaka graduate itong apo ko. Matalinong bata ito at masipag e."
Napangiti naman ako dahil doon. Ganun din si Ma'am.
"Hehehe si Lola talaga..." nakangiti kong sabi sabay baling kay Ma'am. "Kering keri ko 'to Ma'am!" paninigurado ko bago kami tumayo ni Lola.
"Mabuti kung ganon. See you on Monday, Villarreal." huling sabi ni Mrs. Santos
Paglabas namin ng opisina, sinalubong kami ng mainit na hangin sa corridor. Kahit tirik ang araw, hindi ko mapigilang mapahinga nang malalim.
Denim, tatlong subjects lang 'yan. Basic.
"Lola, okay lang po ba kayo? Pawis na pawis na kayo oh," pag-aalala ko habang pinapaypayan siya gamit ang folder ko.
"Ayos lang ako, apo. Ang mahalaga ay nakapag-enroll ka na. Huwag mo nang intindihin ang sinabi ng guro mo, basta mag-aaral ka nang mabuti at huwag magpapagutom," sagot ni Lola sabay haplos sa balikat ko.
Pag-uwi sa bahay, sinalubong ako ng amoy ng nilulutong hapunan at ang pamilyar na kalat sa maliit kong mesa-mga tira-tirang satin ribbons, glue sticks, at gunting. Kahit pagod sa byahe, naupo muna ako sa harap ng mga gamit ko. Kinuha ko ang isang kulay pink na ribbon at nagsimulang itupi ito para makabuo ng isang talulot ng rosas. Ito ang stress-reliever ko. Ang paggawa ng satin rose bouquets.
Ipinagpatuloy ko ang pagtiklop hanggang sa makabuo ako ng isang dosenang rosas. Habang tinititigan ko ang mga ito, hindi ko maiwasang maisip ang magiging buhay ko sa bagong school. Magiging mahirap ba? May makakasundo ba ako?
Parang gusto ko na lang tuloy umatras at bumalik sa dating kong School.. Kung hindi lang kase private iyon at maganda ang grading system. Edi sana doon pa rin ako mag enroll.
Lumipas ang ilang araw, Monday na - unang araw na ng pagpasok ko sa TaySen. Kaya naman alas otso pa lang ng umaga ay gising na ako. Kahit sinabi naman ni Mrs Santos na Eleven am na lang ako pumunta para makausap ang mga magiging teacher ko sa subject na babalikan ko.
"Denim, Mag gatas ka.." sabi ni Lola habang inaabutan ako ng baso. Napangiti ako. Kahit Labing pitong taong gulang na ako, bata pa rin talaga ang tingin niya sa akin.
"Lola, Eleven pa naman po ang punta ko doon. Magpapakilala lang ako sa mga teachers para sa back subjects ko," paliwanag ko habang inuubos ang gatas. Pero sa loob-loob ko, kumakabog na ang dibdib ko. Dahil sa kaba at excitement.
Sana magkaroon ako ng friends!
Pagkatapos kong maghugas ng baso, pumasok na ako sa kwarto para sa huling yugto ng pag-aayos ko. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Heart-oval ang aking face shape. Napatingin ako sa sariling kong mga mata. Almond-shaped eyes iyon, lalong naging mapungay dahil sa haba ng aking mga pilikmata na tila laging naka-curl. Matangos ang aking ilong na bumabagay sa hubog ng aking mga labi. Nakalugay ang mahaba at kulot kong buhok na hanggang pa bewang na-ang bawat hibla nito ay maayos na bagsak sa aking balikat.
Sinuot ko na ang aking kulay gray na palda na eksaktong-eksakto sa aking 24-inch na baywang. Ang blouse kong puti ay may accent na kulay gray sa bandang manggas, at huling-huli ang pagkakabit ko ng aking gray na neck tie. Napaka-linis tignan; ang kombinasyon ng puti at gray ay lalong nagpatingkad sa kutis ko.
"Huwag mong kakalimutang magdala ng payong, ha?" paalala ni Lola nang lumabas ako ng kwarto. Kinuha niya ang kaniyang pitaka at may iniabot na barya. "Sumakay ka ng tricycle ha..Baka lakarin mo!"
Natawa ako at hinalikan siya sa pisngi. "Salamat, La."
Kinuha ko ang aking tote bag kung saan maayos na nakasalansan ang aking brown envelope para sa backload subjects, at ang aking scientific calculator.
"Alis na po ako, La!" sigaw ko habang isinusuot ang itim kong sapatos na pinakintab ko pa kagabi.
"Sige, apo! Mag-iingat ka!"
Lumabas na ako at naglakad hanggang sa Terminal papuntang Bagong Palengke. Napakainit, Buti na lang at pinagdala ako ng payong! Kundi baka wala pa ako sa school haggard na ako!
Pinaka ayoko pa naman nun, gusto ko malinis ako tignan, mabango. at maganda...
Napangiti ako sa huli kong naisip.
Pagbaba ko ng tricycle sa Bagong Palengke, naglakad ako at tumawid para sana sumakay sa pinagsakyan namin ni lola na tricycle. Ngunit walang nakaparada doon. Napanguso ako.
Edi mag aantay ako kung ganon? O di kaya'y may iba pa kayang sakayan?
Luminga linga ako para sana hanapin ang tricycle ngunit wala. Kaya naman lumapit ako sa isang lalaki na nagbibilang ng kanyang barya.
"Excuse me po.." Lumingon si kuya sa akin "Ask ko lang po if may iba pa pong sakayan pa Taysen? "
"Jeep, neng.." sagot niya.
Nag-alinlangan ako. Jeep? Akala ko tricycle lang? Pero bago pa ako makapagsalita, nahagip ng paningin ko ang isang lalaki na nakatayo malapit sa sakayan. Nakatagilid siya kaya namang malaya ko siyang tinitignan.
Napansin ko agad ang kaniyang suot-ang pamilyar na gray necktie at puting blouse na may gray accent sa manggas. Kaparehas na kaparehas ng sa akin, pero sa kaniya ay nakapares sa malinis na gray pants. Ang kaniyang itim na sapatos ay tila bagong kintab, at bitbit niya ang isang itim na leather messenger bag. May suot na rin siyang school ID na nakasabit sa leeg niya, samantalang ako ay papel na schedule pa lang ang hawak.
Heto na siguro ang swerte ko. Paniguradong sa TaySen din ang punta nito.
"Sige po, Kuya. Nakita ko na po 'yung ka-schoolmate ko, hehehe," pasasalamat ko kay Kuya. At dali dali sumunod sa lalaki na pasakay na sa jeep.
Halos magkandarapa ako sa paglakad, sapat lang para maabutan ang pag-akyat ng lalaking ka schoolmate ko.
Sana nga ka schoolmate mo 'to, Denim.
Huh? halata namang ka schoolmate ko 'to, dahil parehas kami ng uniform e.
Umiling ako, talagang may self vs self pang nagaganap.
Huminga ako nang malalim bago tumapak sa tungtungan ng jeep. Ligtas na ako. Humanap ako ng pwesto na eksaktong nasa tapat niya. Gusto ko kasing masiguro na kapag bumaba siya, makakasunod ako agad. Mahirap na, baka kung saan ako mapadpad at masayang ang pag-aayos ko ngayong umaga.
Nang makaayos na ako ng upo, Napatingin ulit ako sa lalaki at doon ko lang siya nagawang tignan nang maigi.
Naka-eyeglasses siya na lalong nagpatingkad sa kaniyang seryosong aura. Matangkad siya, halata sa haba ng mga binti niyang tila hirap pagkasyahin sa masikip na espasyo ng jeepney. Ang kaniyang panga ay matulis at maayos ang pagkakahubog, bumabagay sa kaniyang matangos na ilong na parang dinesenyo para maging perpekto. Pero ang nagnakaw ng atensyon ko ay ang kaniyang mga mata-mapungay pero matalas ang tingin.
Pogi hehe..
Pero agad kong iwinaksi ang isiping iyon.
Kailangang makapunta ako ng school nang maayos.
Kaya naman, bawat sulyap ko sa kaniya ay may halong 'surveillance.' Sinisiguro ko kung maghahanda na ba siyang bumaba o kung may pamilyar ba siyang tinitignan sa dinadaanan namin. Para akong ewan na hindi mapakaling panay tingin sa kaniya dahil kinakabahan ako!
Ngunit maya'y maya, Napansin ko ang bahagyang pagtaas ng kaniyang kilay. Tila nararamdaman na niya ang 'titig' ko na hindi maputol-putol. Ang kaba na kanina ay dahil lang sa pagkaligaw, ngayon ay humalo na sa matinding hiya.
Hala, nasobrahan na ata ako!
Nang titingin na sana siya sa akin ay agad akong umiwas ng tingin at hinarap ang labas ng sasakyan.
Nakakahiya ka, Denim!
Akala ko ay tapos na ang eksena nang bigla akong makarinig ng isang mahinang tawa-isang nangingising tunog na tila nang-uuyam.
Dahan-dahan kong ibinaling ang tingin ko
at muntik na akong malagutan ng hininga. Nakatingin na siya nang diretso sa akin, ang kaniyang mga labi ay nakakurba sa isang mapang-asar na ngiti na nagpalitaw sa dalawang malalim na dalia dimples sa kaniyang pisngi.
"Kanina ka pa panay tingin ah?" baritono ang kaniyang boses, sapat lang para marinig ko sa gitna ng ingay ng jeep. Inayos niya ang kaniyang eyeglasses at mas lalong idiniin ang tingin sa akin.
"Baka mahulog ka niyan?"
Nanlaki ang mga mata ko. Parang biglang tumigil ang ikot ng mundo pati ang takbo ng jeep. Uminit ang buong mukha ko hanggang sa dulo ng aking mga tainga.
Saan niya nakuha 'yon?