Kabanata 1

2141 Words
“Good Morning, Teachers! Nasaan po si Ma'am Santos?” tanong ko sa mga guro sa loob ng faculty. “Sinong Ma'am Santos? Dalawa kase ang Santos dito.” sabi ng isang guro. “Ang isa ay mahaba ang buhok. Ang isa naman ay naka bob cut.” “Ung naka bob cut po, Sir.” “Ahh.. si Ma'am Emily. Wala pa siya dito, mamaya pang..” tumingin siya sa kaniyang relo. “12pm siguro. Dahil ang sabi niya may dadaanan pa siya. Kung gusto mo siya antayin, umupo ka na lang muna sa upuan diyan sa labas, neng.” Tumango ako sa sinabi nya and i said Thank you, Sir to him. Pagkalabas ko ng faculty, ang kaninang malamig na tumatama sa balat ko naging mainit na. Ang sinag ng araw ay tumatama sa pintuan ng faculty, kaya nang lumabas ako.. init ng araw ang sumalubong sa akin. Agad naman ako naghanap ng mauupuan, sabi ni sir may upuan daw sa labas. Well, meron nga, pero wala ng bakante pa. Kaya naman naglakad ako pa hagdanan para doon umupo. Hindi pa naman uwian ng Grade 11 kaya okay lang na umupo muna ako doon. Habang nag aantay, natulala ako sa kung saan at naalala ang nangyari kanina. Pogi iyong lalaki kanina. Pero mukhang mayabang.. Naalala ko tuloy huli niyang sinabi bago kami makababa. Mahuhulog, saan? Sa kaniya?? Wala sa sarili kong naitampal ang noo. Sa jeep shempre! Ano ba ang iniisip mo, Denim? Bawal pa mag boyfriend ha! Buti na lang kanina pagbaba ko, may mga estudyanteng naglalakad kung saan din ang pakay ko. Palibhasa, maraming likuan sa Taysen, kung hindi ka pa familiar sa lugar na iyon.. pwede ka maligaw o tumagal sa paglalakad. Kaya akala ko tricycle lang ang pwede sakyan, may jeep pa pala. “Oh, Villarreal. Aga mo ah?” Sa sobrang pagtulala sa kung saan, di ko man lang napansin si Ma'am Santos na nasa harap ko na. “Hello po, Ma'am! Good Afternoon po..” bati ko. “Sumunod ka sa akin,” aniya. “ Ipapakilala kita sa mga magiging guro mo.” Agad naman ako sumunod kay ma'am at pumasok ulit sa Faculty. Pagkapasok ay agad niya ako nilapit sa mga magiging teacher ko. Si Ma'am Diaz ang guro ko sa Empowerment Technologies, at si Ma'am Agat naman sa 21st CLFTPATW. Parehas silang dalawa na mukhang bata pa at magaganda, mukha rin mabait lalo na si Ma'am Diaz. Niloko pa nga ako, Ang sabi ay baka pagkaguluhan ako ng mga estudyante nyang lalaki dahil maganda raw ako! “Pumila ka na sa court, kasama mo rin ang mga transferee na kagaya mo. Doon mo rin malalaman kung sino ang Adviser mo at ang section mo sa G12.” sabi ni Ma'am Santos after niya ako ipakala sa mga magiging teacher ko. “Okay po..” “Pumasok ka araw-araw ha, Nawa’y mahawakan ko ang magiging section mo.” sana nga po. “Good luck, iha.” “Opo ma'am, makakaasa po kayo sa akin! Thank you so much po!” masayang sabi ko. nginitian ko pa si ma'am bago siya tuluyang umalis. Pagkaalis ni ma'am, napatingin ako sa aking relo. 12:10 pm na. Kailangan ko na maglakad pa court. Malaki ang school ng Taysen, Nahahati ito sa tatlong Building. Ang nasa kaliwa ay building ng TVl, ang nasa gitna naman ay para sa Sports and TVL ( pa rin) while ang nasa kanan ay para sa Academic Strand. Kaya naman ng dumating na ako sa court, hindi na ako nahirapan kung saan ako pipila. “Ano strand mo, iha?” bungad na tanong sa akin ng isang guro. “ABM po..” Sabi ko, pero hindi niya na iyon pinansin pa at nag simula ng maglista. “Pumila kayo nang maayos diyan sa likod!” napalingon ako sa likuran dahil sa sinabi ni Ma'am. “Aba’y hindi pa nag u-umpisa ang klase, sinusubok niyo na ang pasensya ko!” Malikot kase ang tatlong lalaki sa likod, nagtatawanan at nagtutulakan. Pansin na pansin pa sila dahil kami kami na lang ang nasa court. "Maglabas kayo ng 1/4 na papel. Isulat ninyo ang buong pangalan niyo. Pagkatapos niyo gawin iyon, pwede kayo lumapit sa gusto nyong makasama sa mapupuntahan ninyong section.” “Ma’am, ilan po pwede?” tanong ng nasa harap. Hindi ko kita kung sino, pero babae iyon. “Dalawa lang,” sagot niya. sabay baling sa tatlong kalalakihan sa likod. “At kayong tatlo, hanapin niyo ang section Blue. Ako ang magiging Adviser niyo.” Wala ng nagawa pa ang tatlo kundi kumamot sa ulo. wala tuloy sa sarili akong napangiti. Lagot kayo mga boi! hahahah “Hi, may kasama ka na?” napabaling ako sa nagsalita. medyo nagulat pa ako dahil sa biglaan nyang pagsulpot. Mukha boyish etong nagtanong sa akin dahil sa kaniyang Wolf cut at sa kaniyang Baggy Pants. “Wala pa..” di pa man ako tapos magsalita ay hinila niya na ako pa harap. “Kami po ang magkasama, Ma'am!” magiliw niyang sabi. Tumingin sa akin si ma'am. “Where’s your 1/4?” napanguso ako ng bahagya, hindi pa ako nakakasulat! “Susulat pa lang po..” ani ko sabay kuha ng bag sa aking likuran. “Huwag na, Ano na lang ang buong pangalan mo?” ohh.. mukhang masungit itong teacher ah? Sabagay, mga gantong teacher na matanda na ay parang mabilis maubusan ng pasensya, e. “Khaira Denim Villarreal, po.” “Ganito ba?” pinakita niya sa akin ang pangalan ko na sinulat ni Ma'am. “K-H-A-I-R-A, po. at dalawa po ang 'r' sa Villarreal po.” magalang kong sabi. Agad naman niya iyon sinulat agad. “Elle nga pala,” pakilala sa akin ng humila sa akin. “Sorry at hinila na kita agad kahit hindi ka pa nakakasulat ng pangalan mo.” dagdag niya pa sabay Peace sign. Natawa ako. “Okay lang! hindi ko rin naman alam kung sino lalapitan ko, e.” natatawa kong sabi, sasalita sana siya ng magsalita ulit si ma'am. “Oh, Section Red kayo. Third Floor. Bilisan ninyo dahil oras na ng klase!” pagmamadali niya sa amin. Kaya naman dali dali na kaming umalis at umakyat pa third floor. “Letcheng buhay ‘to! Wala man lang elevator, ” ani ni Elle na hinihingal na. Hindi ko na siya pinansin pa dahil hinihingal din ako. "Araw-araw pa tayo aakyat - baba! My gulay!” salita niya pa. Dahil sa sinabi niya, napagod tuloy ako lalo kase totoo ang sinabi nya e. araw-araw kami mag a-akyat baba! “Exercise na rin to, boi!” pabiro kong sabi. tumawa naman siya.. “Sabagay, hindi nga pala ako nag e-exercise hahhaha” umiling iling na lang ako na natatawa pa rin. Nang makatungtong na kami sa third floor ay agad sumalubong sa amin ang ingay ng bawat room, ngunit wala ng katao tao sa floor na iyon, kaya naman nagkatingina kami ni Elle, at nagsimula nang hanapin ang section namin. Yellow. White. Blue. and.. “Red. Nahanap din sa wakas,” bulong ko. “Tara Elle, katok at excuse muna tayo ha?” tumango naman siya sinabi ko. Kaya naman agad ako kumatok sa pintuan ng unahan ng room. Lahat tuloy bumaling sa akin. Ramdam ko tuloy ang pisnge ko na uminit dahil sa hiya! “Excuse me po, Good Afternoon po, Ma'am. Transferee po kami.” nahihiya man pero lakas loob kong sabi habang nakangiti. Ngumiti naman ang teacher sa amin, and she sign na tuloy kayo, pasok kayo. “Good Afternoon din sa inyo, Kakatapos lang namin mag Introduce yourself.” bati niya sa amin, “Kaya naman, ipakilala niyo sa amin ang sarili niyo. "Ikaw una!” bulong ko kay elle. Nagkamot siya ng ulo sabay punta sa harapan. “Ano po mga sasabihin, Ma'am?” tanong niya. “Pangalan, Edad, hobby, at mga favorite niyo.” ngiting sabi ni ma'am. Tumango naman si Elle doon at nagsimula nang magpakilala. “Good Afternoon, mga boi! hahhaha” bati niya, natawa tuloy ang iba sa kanila dahil tumawa siya. "Ryelle Avila, kaka 18 ko lang kahapon..” pagsisimula niya na. “Ang hobby ko? hmm, siguro mag overthink at mag backread..” biro niya Natawa ako, ganun din ang mga kaklase namin at pati si ma'am. "Ibang hobby ata yan te?” sabi ng isang babae sa harap. kaya naman mas lalo kaming nagtawanan. “Ang favorite ko naman, siguro ang mga ngiti niya na galing sa akin.” hahaha.. Ang corny pala neto ni Elle! Napatingin ako kay ma'am, nakangiti rin ito habang umiiling. “May maloko na tayong estudyante agad, ah?” nakangiting sabi ni ma'am. “Baka meron pa?” Natatawang umiling si Elle, "Wala na po ma'am!” sabay tabi sa akin. " Ikaw na boi!” Napanguso ako ng bahagya at napatingin kay ma'am, nakangiting tumango siya sa akin. Kaya naman naglakad na ako sa harapan. “ Good Afternoon po, I'm Khaira Denim Villarreal po. You can call me Denim or KD.” nakangiti kong sabi. Hindi ko pa man ako tapos ay may nagsalita bigla. "Oh, parehas kayo ni Pres! KD din siya!” sabi ng babaeng naka hairband. "Tapos mukhang bagay pa kayo, parehas kayong matangkad!” gatong naman ng isa. Nag-init na naman tuloy ang aking pisngi dahil sa sinasabi nila. Anong paki ko?? “Shh, patapusin niyo muna si Denim.” sabi ni ma'am, agad naman silang tumahimik. Magsasalita na sana ulit ako ng may kumatok. Lahat kami napalingon doon. “Eto na po iyong Laptop niyo, Ma'am.” ani ng lalaki. Nagulat ako ng mamukaan ko siya! Siya ung nasa jeep kanina, ah! Ano ginagawa niya dito? "Thank you, KD. Umupo ka na.” sabi ni ma'am. OWEMJI?? KAKLASE KO SIYA?? Napaaatras ako ng biglang magtama ang mata namin! Katulad ko ay nagulat din siya, pero maya maya tumaas ang kilay niya at ngumisi bago siya umiwas ng tingin at umupo. Gwapo sana, pero mukhang mayabang! “Denim, iha.. Pakilala ka na, Ulitin mo ulit.” biglang sabi ni ma'am, nawala tuloy ang paningin ko sa lalaking kakapasok lang at napatingin kay ma'am. “Uulitin ko po?” paninigurado ko. tumango siya at ngumiti. Huhuhu.. bakit uulitin pa? kinakabahan na tuloy ako! “Uh.. uhmm, ehemm..” pag tikhim ko. “Good Afternoon, I'm Khaira Denim Villarreal. You can call me uh.. Denim or uh..” nag aalinlangan tuloy ako sabihin ang KD! "KD” " Ang hobby ko po ay mag Badminton at Magbasa. mahilig din po ako mag sulat ng kung ano ano.” wag ka mahiya, Denim! “Uhm, Ang Favorite ko po na color ay Red. sa mga pets naman ay Cats and Dogs, Since may alaga akong ganon.” dugtong ko pa. Wala sa sariling napatingin ako sa lalaki. Ramdam ko kase ang titig niya at ang pangisi niya. At hindi nga ako nagkakamali, nang mapatingin ako ay nakatitig siya sa akin habang nakangisi! Bruh. "Done?” nakangiting tanong ni ma'am. Agad naman akong tumango sa kaniya at binalik ang ngiti. “So dahil tapos na kayo, hanap muna kayo ng mauupuan habang inaayos ko ang laptop, okay?” "Okay po ma'am,” sabay naming sagot ni Elle. “Dito ka, Elle!” sabi ng babae na nasa harapan. Pumunta naman agad si Elle doon. napanguso tuloy ako, akala ko magkatabi kami.. “Dito ka, Denim!” sabi ng isang babaeng naka long sleeve kahit napaka init. Tinuro nya ang katabi nyang upuan na bakante. Naglakad naman ako patungo doon at umupo. Pero huli ko ng narealize na pag umupo ako doon, nasa harap ako ng lalaki na iyon! Nainis ako dahil sa naisip, kaya wala sa sarili ay lumingon ako sa likuran ko. Nasalo ko agad ang kaniyang mga mata. ang ngisi ay hindi pa rin nabubura. “What?” he mouthed. Hindi ko na iyon pinansin pa at humarap na ulit. pero wala pang segundong nawala ang tingin ko sa kaniya, kinalabit niya ako. "Ano ba?” inis kong lingon sa kaniya. "What is your name again?” tanong niya. Di ko natuloy napigilang magtaray. "Hindi ka ba nakinig?” "Nakinig, pero nakalimutan ko.” aniya. “So, what is your name?” Kinagat ko ang dila ko para pigilang magsalita ng kung ano sa kaniya. “Denim. Okay na? So Back off na!” naiinis kong sabi. Pero instead na matahimik siya, kinalabit niya ako ulit. “Denim or what again?” tanong niya na naman. “Binigay ko na ang pangalan ko, Ayun na ang itatawag mo sa akin.” pag mamaldita ko pa. “ I'm just asking you, okay? Hindi mo naman kailangan maging rude.” ani nito. Na guilty tuloy ako! Umirap ako bago mag buntong hininga. “Denim or KD..” maliit na boses na sabi ko. “KD huh? cute..”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD