ELARA LACANILAO Gabi na pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Sir Arjhay, nag aalala na ako sa kanya. Saan kaya siya nag punta? Dati naman tumatawag yun kay Nay Ising kung malalate ng uwi pero bakit ngayon ni isang tawag ay wala. Bumaba kami ni Heaven sa kusina, nagugutom na ang alaga ko pero wala pa talaga ang daddy niya. Nangako kasi si Arjhay na sa labas kami kakain na tatlo pero 9 P.M. na wala siya. "Baby, baka may important meeting pa ang daddy mo, kung gusto mo tayo na lang muna mag sabay sa pagkain. Masarap naman ang ulam na niluto ni Nay Ising, diba you love sinigang naman?" "Yes po yaya, hungry na po kasi ako. Baka busy po si Daddy kay hindi pa po siya nakakauwi." Sagot ng alaga ko. Pinaupo ko na siya sa dining at pinakain, magana naman siyang kumain at naubos niya ang pag

