ARJHAY SAAVEDRA Nakabalik na si Elara sa bahay namin at naging masaya na ang anak kong si Heaven, ramdam ko ang pananabik ng anak ko sa kanyang yaya. Kampante na ako na maaalagaan ng maayos ang aking anak dahil alam ko kung gaano kamahal ni Elara si Heaven. Maagang akong pumasok sa opisina ngayon, maraming kailangan gawin at tapusin na trabaho. Habang abala ako sa pag babasa sa mga dokumentong nasa harapan ko ay biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at iniluwa noon si Charlotte. Nagulat na lang ako ng bigla itong umiyak sa harapan ko, kaya nataranta ako. "Why are you crying? What happened?" agad kong tanong sa umiiyak na dalaga. "Charlotte, tell me, bakit ka ba umiiyak?" muling tanong ko. Halip na sumagot ay yumakap si Charlotte sa akin, hindi ko naman magawa na itaboy dahil naaa

