ARJHAY SAAVEDRA “Are you happy na babalik ka na sa bahay?” Tanong ko kay Elara. Sakay kami ngayon ng aking sasakyan at tinatahak namin ang daan pauwi sa aking mansion. After ng ilang buwan kong panunuyo sa kanya ay sa wakas pumayag na siyang bumalik sa buhay namin ni Heaven. “Oo naman, happy ako kasi makakasama ko na si Heaven, ang hirap kasi na sa video chat lang kami nag uusap na dalawa.” Nakangiti niyang sabi. “Ibig sabihin nag-uusap kayo ng anak ko?” Hindi makapaniwalang sabi ko. Ngumiti lang sa akin si Elara, ni walang ibinigay na sagot. "Pwede ba tayong dumaan sa bilihan ng cake? Gusto ko sanang ibili si Heaven ng pasalubong niya." "Sure, matutuwa yun kapag nakita ka niya, hindi ko nga alam kung ano ang pinakain mo sa amin ng anak ko at nahuhumaling kami sayo." biro ko sa kan

