ELARA LACANILAO Mabilis lumipas ang panahon, isang buwan na lang ay matatapos na ako sa pag aaral ko ng fashion design. Masasabi kong ibang-iba na ako ngayon, mula sa aking pananamit hanggang sa aking hitsura ay binago na ng panahon. Hindi na ako ang Elara na simple kung manamit. Mag anim na buwan pa lang ako dito sa Hong Kong pero ibang iba na ako. Sinipat ko ang sarili ko sa harap ng salamin na mini skirt at croptop lang ako saka ko sinuot ang boots ko na hanggang tuhod. Medyo malamig na ngayon dito sa Hong Kong kaya nag suot na rin ako ng coat ko. Papunta kami ngayon sa Airport para sunduin si Ate Weng at Sam, darating sila ngayon para sa aking graduation bukas. Excited na akong makita sila, busy sila sa kanilang mga negosyo kaya bihira ko silang makausap. "Love, are you ready? I’

