ELARA LANILAO Ngayon ang araw ng Graduation ko, masayang masaya ako dahil sa wakas matutupad na ang pangarap kong makapagtrabaho ng maayos at sa malaking kumpanya kagaya ng Fashion House ni Ate Weng sa Pilipinas. Kilala ang Fashion House niya maging dito sa Hongkong, mga malalaking personalidad ang mga bumibili at nagpapagawa ng design sa kanya. Nang malaman ko ang background kung paano niya naitayo mag isa ang negosyo niya ay talagang napahanga ako sa sipag at determinasyon ni Ate Weng. “ELARA LACANILAO, Graduate Best in Fashion Design” Narinig kong sabi ng EMCEE, gulat ako sa award na nakuha ko. Hinila ko na lang si Ate Weg maging si Sam at Heaven at kasama ko silang umakyat sa stage. Hindi ako makapaniwala na mayroon akong award. Habang umiiyak ako sa pagtanggap ng certificate ko

