IKA-WALONG BAHAGI

2096 Words
Dawnyel POV " My God! Mr.Alvaro! Kung Hindi ka Rin Lang nakikinig sa klase ko ay ba'y lumabas ka na dahil Wala akong panahon sa mga katulad mong matatamad na estudyante, Kung bakit Kasi naging Scholar ka Ang tamad tamad mo namang mag aral, sige labas!" Sigaw Ni Teacher Tim sa akin at tumawa Naman Ng walang tigil Ang mga kaklase ko at sinamaan ako Ng tingin ni Teacher Tim humingi ako Ng paumanhin sa kanya bago lumabas Ng aming classroom. Paglabas ko ay bumungad sa akin Ang mukha Ng naka ngiti Kong kapatid na si Donny. " Mukhang lutang ka Kuya ah? Anong nangyari sa lakad nyo Ni Kuya Jahleel kanina" Tanong nito sa akin at tinignan ko sya at Hindi parin mawala Ang ngiti sa Labi nya. " Anong nginingiti mo dyan Donny at parang mapupunit na Ang bibig mo Sa kakangiti?" Tanong ko sa kanya. " Waka kuya wag mong ibahin Ang Tanong ano ngang nangyari sa inyo ni Kuya Jahleel kanina?" Tanong nito sa akin bumuntong hininga Naman ako at inalala Ang nangyari kanina. Flash Back>>>>>>>>>>>>>>>>>> " Hindi ko Alam Kung maniniwala ka sa sasabihin ko pero ayokong Makita na kasama mo sya at kinakausap ka nga Hindi ko Alam naiinis na Lang ako bigla, Kung Ito man Yung tinatawag nilang selos oo nag seselos ako pag nakikita Kong masaya ka at sya Ang dahilan nun" " A-Anong pinag sasabi mo Jahleel? Takas ka nga sa mental siguro sasabihin ko Kay Teacher Gil na ibalik ka uli dun Kasi mukhang Hindi ka pa magaling eh" Sabi ko naman sa kanya habang pinipilit Kong pinoproseso Ang sinabi nya sa akin. " Sinabi ko na nga ba at Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, pero Yun Ang totoo Dawnyel" Sabi nya sa akin at saka naka tingin sya sa akin at nakikita ko sa mga Mata nya Ang sinseridan Kaya Hindi mo masasabi na na bibiro o nagsisinungaling sya. Nakanganga Lang ako at gusto Kong magsalita pero parang may Kung anong naka bara sa lalamunan ko. " Kaya mo ba ako hinalikan huh?" Yan Lang Ang sinabi ko dahil gusto Kong malaman Kung bakit nya ginagawa sa akin Ang mga bagay na ginagawa Lang Ng magkasintahan at uulitin ko Hindi ginagawa Ng mga lalake Ang halikan Ang kapwa nila lalake Ng walang dahilan. Imbes na sagutin ako ay bigla na Lang syang lumapit sa kinauupuan ko at naka tingin sya sa mga Labi ko lumaki Naman Ang singkit Kong mata pero Hindi ko Alam parang nanigas ako Sa mga titig Nya. " A-Anong gagawin mo?" Nauutal Kong Sabi sa kanya ngumiti sya at patuloy Lang syang lumalapit sa akin hanggang sa iilang pulgada na Lang Ang layo Ng Labi nya sa Labi ko. " Jahleel bakit mo ba ginagawa to sa akin" Yan Ang sinabi ko sa kanya dahil kusang umaayon Ang traydor Kong katawan sa sinasabi Ng utak ko na wag dahil Mali Ang ginagawa namin. Ngumiti sya at tinitigan ako Sa Mata. " Siguro Kasi.." Sabi nya at bigla nyang pinagdikit ang mga labi naming dalawa. Pinagalaw nya Ang Labi nya at Ewan kahit Hindi ko Alam Ang humalik at kahit Alam Kong Mali ay kusang gumalaw Ang mga Labi ko at nakikipagsabayan sa kanya. At Maya Maya ay pinutol nya Ang halikan namin at saka pinagdikit Ang among mga noo. " Kaya siguro Kita hinahalikan... marahil..." Pinutol na Naman nya Ang sasabihin nya. " Marahil Kasi trip trip Lang Alam mo Yun?" Bigla nyang Sabi sabay ngiti sa akin at sa Hindi ko napigilan Ang Kamay ko at tinulak ko sya Ng malakas Kaya napahiga sya sa damuhan. " P*Tang*na Jahleel! Kung malakas Ang trip mo wag ako! Nakakainis ka Mauna na ako sayo at wag mong subukan na pigilan akong umalis, Hindi ako makikipag biruan Sayo Jahleel" Sabi ko sa kanya at sabay sama Ng tingin ko sa kanya at tumakbo ako papunta sa daanan. Galit na galit ako Sa sinabi nya galit na galit ako Kasi nahuhulog na ako pero bakit ganun? Trip? Trip Lang para sa kanya Lahat Ng ginagawa nya sa akin? Inaasar nya Lang ako? Bakit?. Ang daming gumugulo sa utak ko Hanggang sa naka sakay na ako Ng Jeep at bumalik uli sa Campus. "Kuya okey ka Lang? Kuya!" Bumalik ako Sa reyalidad Ng bigla akong tinapik Ng kapatid ko. " H-Huh? May sinasabi ka ba Donny?" Tanong ko sa kanya. At tinignan nya Lang ako at umiling. " Kanina pa ako dada Ng dada kuya Hindi ka pala nakikinig sa akin, ano ba Talaga Ang nangyari kanina at ganyan ka na lutang na lutang ka Kuya" Sabi nya sa akin at umiling Lang ako. " Wala siguro pagod Lang ako" Sabi ko sa kanya. " Teka sandali... Pumunta ka dito para saan? Huh Hindi ka pumunta dito para sa Wala Hindi ba? " Tanong ko sa kanya at ngumiti uli sya Akin katulad kanina na halos mapunit Ang mga Labi nya sa sobrang lawak Ng ngiti nya. " Ah.. Kasi pinapasabi ni Cooper na yayain ka daw nyang mamasyal sa sabado sa mall syempre sabi ko pupunta ka Kung sasama ako" Sabi nya sa akin at napa kunot Ang noo ko sa sinabi nya. " Teka sinabi mong pupunta ako Kung sasama ka?" Tanong ko sa kanya at tumango tango Lang sya. " Oo naman kuya sige na pumayag ka na mabait Naman Yung Tao eh" Nakangiting Sabi ni Donny. Napa isip naman ako sandali at saka tinignan ko sya. " Teka... Hindi ba Sabi mo... May nakilala kang Tao sa mall at sinabi mong na love at first sight ka sa taong Yun... Hindi mo sinabi Kung babae oh lalake Yun Hindi ba? " Sabi ko sa kanya at tumango tango Lang sya habang naka ngiti at may iniisip. Lumaki Ang singkit Kong Mata dahil sa narealize ko... Hindi pwedeng mangyari Yun. " Wag mong sabihin na... Si Cooper yung Tao na Yun? At may gusto ka sa kanya!? " Gulat kong Sabi Kay Donny at nagulat din Naman sya at namula Ang buo nyang mukha dahil sa hiya. Katulad ko mabilis Lang din syang mamula dahil maputi Rin sya katulad ko. " Donny! Sa dinami dami Ng taong pwede mong magustuhan bakit sa kapwa mo pa na lalake? Bading ka ba? " Tanong ko sa kanya. " Hindi ako Bading kuya.... Sadyang gusto ko Lang si Cooper at saka anong masama Kung magkagusto ako Sa kanya ikaw Rin naman may gusto Kay kuya Jahleel ah?" Sabi nya sa akin. " Wala akong gusto Kay Jahleel Hindi ako mag kakagusto sa lalake" Sabi ko sa kanya. " Talaga ba kuya? Bakit parang...parang may namamagitan na sa inyong dalawa? Una sabay kayong maligo, pangalawa Naman nag katabi kayong matulog at may ginagawa pa-" " Mali nga Yung iniisip mo! Walang ganung nangyari na ganun Kung ano man Ang iniisip mo Donny Basta Hindi ka pwedeng maka gusto sa kapwa mo lalake" Sabi ko sa kanya pero tinaasan ako ng kilay Ng sarili Kong kapatid. " Hindi mo hawak Ang buhay ko Kuya, Hindi mo ako mapipigilan, Ang Sabi ni Nanay nung nabubuhay pa sya ay okey Lang naman na mag Mahal Ng isang tao maging Sino man oh ano Ito Ang mahalaga nag mamahalan kayo" Sabi Ni Donny at saka umalis na Ito at pumunta sa klase nya. Kaya Napa iling na Lang ako dahil Pati Ang kapatid ko ay natulad na sa Akin. ****************************** " Dawnyel, okey ka Lang? May sakit ka ba? Ang tamlay mo ata ngayon?" Sabi Ni Ate sa akin at ngumiti Lang ako sa kanya habang nag pupunas ako Ng mga table dito sa Milktea shop. " Okey Lang ako Ate Hindi lang ako maka tulog kagabi dami ko kasing iniisip" Sabi ko sa kanya. " Naku Dawnyel alagaan mo Ang sarili mo tandaan mo iisa Lang Ang mayroon tayong buhay Kaya pangalagaan mo" Sabi Ni Ate sa akin at sinagot ko Naman syang 'Opo' At sinabihan nya ako na wag Kong syang I-opo dahil nakakatanda daw pakinggan. " Uy Dawnyel Nandyan na Naman Yung manliligaw mo oh" Sabi Ni Ate at kumunot Ang noo ko at tumingin ako Sa likuran ko Kung Sino Ang sinasabi ni Ate. Pag lingon ko at nakita ko si Cooper na naka ngiti sa akin. " Ate anong sinasabi mong manliligaw? Hindi Ate Hindi ako Babae para ligawan at Hindi ako Bading para magkagusto sa kapwa ko lalake" Paliwanag ko Kay Ate. At ngumiti Lang sya sa akin. " Dawnyel nasa 21st Century na tayo Hindi na bago Ang ganitong relasyon marami Kaya akong nakikitang ganyan sa daan Ang lambing nila sa isat-isa" Sabi Ni Ate na wari mo ay kinikilig pa habang sinasabi iyon. Umiling iling na lang akoa t nilapitan si Cooper. " Maganda Gabi Sayo" Sabi nya sa akin. " Magandang Gabi Rin sayo Cooper" Sabi ko Naman sa kanya. " Sya nga pala David pwede ba tayong mag usap ngayon?" Sabi nya sa akin at tumingin ako Sa paligid Ng Shop Wala masyadong Tao ngayon dahil martes. " Sige ba" Sabi ko na Lang sa kanya at umupo kami sa isang table Ng shop. " Naku pasensya na pala kahapon...Hindi ko tuloy nalaman Kung anong sasabihin mo Sa akin, sya nga pala bakit mo ako pinuntahan sa School namin kahapon?" Sabi ko sa kanya. " Ah gusto Sana Lang kitang bisitahin Kasi nitong nakaraang araw parang Ang tahimik mo Kaya yayain Sana kitang kumain sa labas pero bigla ka namang hinila Ni Jahleel" Sabi nya sa Akin at Napa Yuko sya at nakita ko na medyo nalungkot sya. Yun Yung mga araw na iniiwasan ko si Jahleel Ang takas sa mental na Yun kasalanan nya to Kung bakit ako mag kakaganito!. Pero may gusto akong linawim kay Cooper. " Cooper...tapatin mo nga ako? Bakit mo ba ginagawa Lahat Ng to?" Tanong ko sa kanya. " Anong ibig mong sabihin?" " Itong Lahat, hindi ginagawa Ng isang taong Hindi mo Naman masyadong kilala Ang yayain syang kumain sa labas at palagi Kang pumupunta dito bakit? Dahil...Dahil ba may gusto ka sa akin?" Deretso Kong Sabi sa kanya. At nakita Kong nagulat sya sa sinabi ko pero bumalik Rin Ang dati nyang reaksyon. " Masyado na ba akong halata?" Sabi nya sabay kamot Ng ulo nya, ngayon ko Lang napansin cute pala sya Kaya Hindi ko masisi so Donny Kung bakit na love at first sight sya Kay Cooper. " Alam mo Hindi ako maniniwala nung una na may gusto ka sa akin pero napagtanto ko base sa kilos at Lahat Ng ginagawa mo" Sabi ko sa kanya at ngumiti Lang sya sa akin at nawala na Ang Mata nya dahil sa sobrang singkit. " Kung ganun...dahil Alam mo na,na may gusto ako sayo pwede ba akong manligaw sayo?" Tanong nya sa akin at Napa kagat ako Sa labi ko dahil Hindi ko Kung Pano sasabihin sa kanya. " Hmmm Cooper Ang totoo nyan Hindi Kasi ako nagkagusto sa kapwa ko lalake, lalake ako Hindi ako Bading" Sabi ko sa kanya. " Hindi Rin ako Bading David...pero Basta Ang Alam ko Lang Kasi gusto Kita" Sabi nya sa akin. " Hindi mo Kasi naintindihan Cooper...Hindi pwede Ang gusto mong mangyari dahil lalake tayo pareho" " Ano Naman ngayon? Gusto Kita" Sabi nya sa akin. " Pero huhusgahan ka Ng mga Tao pagtatawanan" " Wala akong pake Hindi Naman sila ang gusto Hindi ba?" " Pero Hindi Kita gusto" Sabi ko sa kanya at dun sya Napa tahimik. At saka bumuntong hininga ako. " Sorry pero Kung ano man Ang naramdaman mo...Hindi tayo pareho Ng nararamdaman Kaya paki usap itigil mo na to Cooper.. maging mag kaibigan Naman tayo Hindi ba?" Tanong ko sa kanya at tumango tango naman sya at ngumiti sya sa Akin. "Oo Naman mag kaibigan tayo pero, Kasi Hindi Kasi ako mabilis sumuko David, iba ako mag kagusto Kaya itutuloy ko parin Ang panliligaw sayo kahit ayaw mo Sabi nga nila pwedeng magpalit Ang iniisip Ng Tao ano manh oras" Sabi nya sa akin. " Pero-" " Kita na Lang tayo sa sabado sa mall kasama Yung kapatid mo, pumunta ka ha? Mag tatampo na talaga ako Kung Hindi mo pa ako Sasamahan" Sabi nya sabay ngumiti sya at nag paalam na Mauna na sya. Mag sasalita pa Sana ako pero naka Alis na sya. Anong gagawin? Bakit ba nangyayari sa akin to? Nag kagusto ako sa isang taong walang gusto sa akin at may gusto sa akin Ang Taong gusto Naman Ng kapatid ko? Hindi ko na talaga Alam Ang gagawin ko. Wakas Ng Pangwalo na Bahagi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD