Dawnyel POV
Tatlong araw na Ang nakakaraan matapos Ang tagpong iyon namin Ni Jahleel sa Amusement park.
At halos tatlong araw na rin ng simula Kong taguan si Jahleel.
Oo,tinataguan ko sya dahil ayoko munang Makita sya dahil baka Hindi ko mamalayan nahulog na pala Ang loob ko sa kanya Ng tuluyan at Yun Ang ayaw Kong mangyari. Nandito ako ngayon sa hall way Ng school at papunta na ako Sa Unang klase ko ngayong araw. Ng bigla Kong makasalubong si Teacher Gil.
" Oh Dawnyel! Long time no See"
Masayang Sabi ni Teacher Gil sa akin, ngumiti Naman ako Sa kanya at ganun din sya sa akin.
" Kamusta Naman Ang pag aaral mo?"
Tanong nito sa akin.
" Mabuti Naman Po Teacher Gil, mas nakakapag pokus na Po ako Sa pagaaral ko dahil hindi na Po ako masyadong napapagod sa trabaho"
Sabi ko sa kanya.
" Mabuti Kung ganun konting tiis na Lang malapit ka Ng magtapos Ng pag aaral mo"
Sabi nya sa akin at ngumiti Naman ako at proud ako Sa sarili dahil may Taong nakaka pag appreciate sa mga ginagawa ko.
" Sya nga pala kamusta Naman yung Pamangkin ko? Hindi ka ba nya binibigyan Ng sakit Ng ulo?"
Biglang Tanong ni Teacher Gil sa akin Kaya Napa ngiti ako Ng pilit.
" Hindi Naman Po minsan may konting pag babangayan pero mamaya okey na Naman Po sya,saka maraming salamat Po pala Kasi pinakiusapan nyo sya na ihatid ako Sa bahay...nakakahiya nga Po eh kasi Yung Boss pa Ang naghatid sa Empleyado nya.
Sabi ko sa kanya. At saka napansin ko Naman na Naka kunot Ang noo nya at saka may bahid ng pagtataka sa mukha nya.
" Huh?...Pinakiusapan ko ba kamo si Jahleel?...sa naaalala ko? Wala Naman akong sinabi sa kanya"
Sabi ni Teacher Gil sa akin Kaya nag taka Naman ako, Kung Hindi sya Pinakiusapan Ni Teacher Gil? , Bakit nya ako sinusundo Gabi Gabi?.
Hindi Kaya....Hindi Hindi Naman siguro Yun Ang dahilan marahil dahil Boss ko sya at Empleyado nya ako siguro ganun Lang Yun.
" Hmmm hayaan mo ba yung Pamangkin ko na yun minsan Hindi mo talaga mabasa Ang nasa isip nya"
Sabi Naman ni Teacher Gil.
" Ay Oo nga pala Mauna na ako Sayo Dawnyel dahil may meeting pa kaming mga Teacher, paki kamusta na Lang ako sa Kapatid mong si Donny"
Sabi nya sa akin sabay nag lakad na sya papalayo sa akin.
Agad Naman ako nag lakad na Rin papaalis at saka dumaresto ako papunta sa classroom namin.
Pag punta ko ay agad akong umupo sa upuan ko at sabay tingin sa bintana at hinayaan ko Lang Ang mga kaklase kong nag iingay.
Hindi Naman na bago sa akin Ang ganitong Paligid araw araw.
Wala Naman masyadong nangyari sa araw na to dahil Wala kaming Teacher dahil sa may meeting Ang mga Teacher Kaya pag katapos Ng klase ko ay agad akong lumabas Ng Classroom at saka agad akong bumaba Ng building namin at naglakad uli ako Sa hall way para pumunta sa Canteen.
Pero habang naglalakad ako ay may naririnig akong mga nag uusap.
G1: Alam mo ba Fren Kanina may Gwapong lalake na pumunta sa admin office may hinahanap daw
G2: Talaga? Sa Canteen nga kanina eh may lalake Rin na may hinahanap
G3: Alam nyo Ang swerte naman Ng hinahanap nila dahil dalawang Tao Lang Naman Ang Ang naghahanap sa kanya at take note mga gwapo pa, Yung Isa Ang hot at Yung Isa Ang cute naman.
Yan Ang narinig Kong Sabi Ng mga Estudyante na dumadaan mga babae ang kadalasan na naririnig Kong nag sasalita tungkol sa dalawang Tao na may hinahanap.
Umiling na Lang ako at saka nag patuloy ako Sa pag lalakad.
Maya Maya ay bigla akong nakarinig Ng sumisigaw habang binabanggit Ang pangalan ko.
" Kuya! Dawnyel! Kuya!"
Sigaw nito mula sa likuran ko Kaya Napalingon tuloy ako at nakita kl Ang humihingal na si Donny.
" Kuya-"
" Sandali Lang Donny huminga ka nga muna Ng malalim bago mag salita Wala akong maintindihan pag nag salita ka"
Sabi ko sa kanya at pagkasabi ko nun ay bigla syang Napa hawak sa tuhod nya bago huminga Ng malalim at tumayo Ng matuwid at tumingin sa akin.
" Ano bang dahilan at tumatakbo ka sa hallway? May nakaaway ka ba? Binubully ka ba nila?"
Tanong ko sa kanya.
" Hindi, Hindi nila ako binubully o may nakaaway ako..Kuya Kasi kanina habang papunta ako Sa klase ko nakita ko si Kuya Jahleel"
Sabi nya sa akin at nagulat Naman ako Ng marinig ko Ang pangalan nito pero Hindi ko Ito pinahalata sa harapan Ng kapatid ko.
" Marahil ay binibisita nya si Teacher Gil"
Sabi ko Naman sa kanya dahil Yun Lang Naman Ang pwedeng maging dahilan para pumunta rito si Jahleel.
" Hindi si Teacher Gil Ang pinunta nya rito dahil naka usap ko sya kanina, hinahanap ka nya sa akin nag tataka sya Kung bakit mo daw sya iniiwasan"
Sabi ni Donny sa akin.
" G-Ganun ba?...mmm mauna na Lang ako sayo Donny Kita na Lang tayo mamaya sa bahay
Sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na Ang kapatid ko dahil ayoko pang Makita si Jahleel Hindi pa ngayon.
Pero dahil sa masyado ata akong lutang ay Hindi ko namalayan na may na bangga na pala ako Sa hallway,
" Pasensya na Hindi ko sinasadya Hindi Kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko pasensya na"
Sabi ko dito habang naka Yuko parin.
" Ayos Lang Yung, sa dibdib ko ka Naman bumangga,ikaw ayos ka Lang ba?"
Tanong nya sa akin at pamilyar Ang Boss nito sa akin at pag tingala ko ay nagulat ako Ng makilala ko Kung Sino Ang kaharap ko ngayon.
"Cooper?"
Tanong ko sa kanya. Ngumiti Lang sya sa akin at Ewan parang ibang iba ngayon Ang itsura nya sa nakilala ko, dahil parati naka leather jacket at maong na pants Ang suot nya Kaya nag mumukha syang Rockista. Pero ngayon naka suot sya Ng puting long sleeves at hindi naka buttoned Ang dalawa nitong butones pag katapos ay naka itim syang pantalon at isang itim na Sapatos para syang estudyante Kung titignan o di Naman Kaya anak Ng isang mayaman.
" Hello David, Kanina pa ako paikot ikot dito sa school mo pero Hindi Kita Makita,kanina pa ako nagtatanong kung nakita ka nila pero bakit parang Wala man Lang nakakakilala sayo dito?"
Tanong nya sa akin. At Napa ngiti na Lang ako Ng pilit sa kanya.
" Ganun talaga Ang mga tao dito Wala silang pake sa kapwa nila estudyante"
Sabi ko sa kanya.
" Kuya! Bakit okey ka Lang!?"
Biglang sumulpot si Donny sa harapan ko at may pag aalalang mukha.
" Okey Lang ako Donny, saka Wala ka bang pasok?"
Tanong ko sa kanya at umiling sya bilang sagot.
" Ay sya nga pala Cooper kapatid ko si Donny"
Pakilala ko Kay Donny Kay Cooper at pag tingin Ng kapatid ko Kay Cooper at pareho silang nagulat.
" Ikaw" " Ikaw Yun"
Sabi nilang pareho sabay na sabay pa sila.
" Mag kakilala kayo?"
Sabi ko sa kanilang dalawa.
" Oo, nakilala ko sya sa Isang Book store namimili ata sya tapos nakita ko syang umakyat sa isang shelves at may kinukuha, pagkatapos Ng baba na sya tinanong ko sya Kung anong ginagawa nya dun nagulat ata sya Kaya nahulog sya buti na Lang at nasalo ko sya Kung Hindi baka na bagok Ang ulo nya"
Sabi ni Cooper sa akin sabay ngiti.
Naka tingin Naman ako Sa kapatid ko na naka ngiti Lang habang naka tingin Kay Cooper.
Parang may hindi ata ako nalalaman sa Kapatid ko, matanong ko nga sya mamaya sa bahay.
" Dawnyel!"
Mula sa malayo ay narinig ko Ang Boses nya at Napa iling Naman ako dahil Ang Taong tinataguan ko Ng ilang araw ay nandito na ngayon sa papalapit sa akin habang sya ay tumatakbo.
Naka itim syang long sleeves at naka blue na maong at saka naka ngiti itong papalapit sa akin at ilang Segundo Lang ay nasa harapan ko na sya. Inayos nya Ang magulo nyang buhok pag katapos ay bigla syang tumingin Kay Cooper pag katapos ay sa akin.
" Wala ka namang pasok ngayon oras na to Hindi ba?"
Tanong nya sa akin at tumango Lang ako, at nagulat ako Ng bigla nyang hinawakan Ang Kamay ko.
" Teka anong ginagawa mo? Bitawan mo nga ako baka Kung anong sabihin Ng mga ibang Tao"
Sabi ko sa kanya at pinipilit Kong bawiin Ang Kamay ko sa kanya pero Hindi nya parin binibitawan.
" Donny pahiram Ng Kuya mo ikaw na Ang bahala sa isang Yan"
Sabi nya bigla at sabay hila sa akin papalabas Ng Campus.
" Te-Teka San mo ako dadalhin!"
Tanong ko sa kanya pero Hindi nya ako sinagot at patuloy nya Lang akong hinila papunta sa Kung saan.
At nilingon ko Sina Donny at Cooper na nakita Kong naka tingin sa Amin at nakita ko Rin sa mukha ni Cooper Ang galit? Tama ba ako Ng nakita oh baka guni guni ko Lang Ito.
Maya Maya ay huminto kami dito sa parking lot Ng School at saka binuksan nya Ang pinto nito.
"Pasok"
Sabi nya sa akin at tinaasan ko sya Ng kilay.
" Inuutusan mo ba ako? Kung maka hila ka na Lang bigla sa akin ano bang problema mo!"
Inis Kong Sabi sa kanya.
" Problema ko? O baka Naman problema mo Dawnyel, bakit iniiwasan mo ako? "
Tanong nya sa akin at dun ay nanahimik ako Sa sinabi nya.
" Ano? Nanahimik ka Hindi mo ba sasagutin Ang Tanong ko sayo?"
" Hindi Naman Kita iniiwasan pinagsasabi mo?"
Sabi ko Naman sa kanya.
" Ah ganun.. Hindi pala iniiwasan Yun pag tumatawag ako sayo ay Hindi mo sinasagot, at pag pumupunta na ako Sa Shop Hindi na Kita na aabutan dahil nauna ka Ng umalis, sabihin mo Hindi pa ba pagiwas ang tawag dun? "
Sabi nya sa akin at Napa iwas na Lang ako Ng tingin dahil totoo Naman Lahat Ng sinabi nya.
" Sumakay ka na at Maya Maya ihahatid din Kita dahil Alam Kong may klase ka pa"
Sabi nya at siguro dahil sa Wala na akong masabi sa kanya at sumunod na Lang ako sa sinasabi nya at pumasok ako Sa loob Ng Kotse nya at pinaandar nya Ito at Hindi ko Alam Kung saan nya ako dadalhin.
******************************
Huminto kami sa Mall at naglakad sya papunta sa likod nito at sumunod Lang ako hanggang sa nakarating kami sa pinaka likod Ng Mall, at Napa pikit ako Sa lakas Ng hangin.
Pag dilat Ng Mata ko ay bumungad sa akin Ang Napa lawak na lupain.
" Nagustuhan mo ba?"
Biglang Tanong ni Jahleel sa akin at Napa tingin ako sa kanya naka upo sya isang mantel na may mga nakalapag na pagkain parang nasa picnic Lang sya.
" Bakit mo ba ako dinala dito?"
Tanong ko sa kanya.
" Wala gusto ko Lang ipakita sayo tong lugar nato dito Kasi ako pumupunta pag stress o di Kaya Naman ay depressed ako o pag may iniisip Lang ako"
Sabi nya sa akin.
" Kung ganun bakit..bakit mo pa ako hinila hila dito? Pwede mo namang sabihin Ng maayos"
Sabi ko sa kanya at sinenyasan nya ako na lumapit sa kanya kaya Wala Naman akong nagawa at lumapit sa kanya at umupo sa tabi nya.
" Dahil nandun si Cooper, hindi ko Alam pupunta Rin pala sya dun tsk"
Sabi nya sa akin.
At Napa kunot Naman Ang noo ko dahil sa sinabi nya bakit ba Ang laki Ng problema nya Kay Cooper.
" Bakit ba Ang laki Ng galit mo Kay Cooper Hindi ka Naman nya inaano? Wala Naman syang ginawang masama sayo at saka mabait Naman sya"
Sabi ko sa kanya. Tumingin sya sa akin Ng seryoso.
" Maniniwala ka ba pag sinabi ko Ang dahilan?"
Sabi nya sa akin at sa Tanong nya ay kinilabutan ako.
" Ano bang dahilan"
Matapang ko namang Sabi sa kanya kahit na kinakabahan ako Kung ano Ang isasagot nya.
" Hindi ko Alam Kung maniniwala ka sa sasabihin ko pero ayokong Makita na kasama mo sya at kinakausap ka nga Hindi ko Alam naiinis na Lang ako bigla, Kung Ito man Yung tinatawag nilang selos oo nag seselos ako pag nakikita Kong masaya ka at sya Ang dahilan nun"
Seryoso nyang Sabi sa akin at nagulat ako sa sinabi nya nakanganga Lang ako na naka tingin sa kanya.
Tama ba Ang narinig ko? Nag seselos sya...pero...pero bakit? May gusto ba sya sakin? Hindi pwede! Walang patutunguhan Ang ganitong relasyon masasaktan Lang kaming pareho.
Waka Ng Pangpito na Bahagi