Dawnyel POV
" Amusement park?"
Tanong ko Kay Jahleel habang naka tingin ako sa mga rides at malos marindi ako Sa mga sigaw Ng mga Taong sumasakay sa mga rides na buwis buhay katulad Ng Roller Coaster, Flying fiesta at Viking.
" Oo bakit? Hindi mo ba nagustuhan dito?... Pero Sabi Naman sa internet halos Lahat Ng mga babae gustong puntahan Ang mga masasayang lugar at romantic"
Sabi bigla Ni Jahleel at Napa taas Naman Ang kilay ko sa kanya at nilapitan ko sya at halos Wala Ng space sa pagitan naming dalawa.
Pansin Kong napalunon sya sa ginawa ko.
" Hindi ko Alam na Hindi ka talaga nag iisip, dahil Hindi Lahat Ng laman Ng internet ngayon ay Tama at oo halos Lahat Ng babae gustong pumunta rito pero tandaan mo?, Hindi ako babae at saka ayoko Ng romantic na bagay at Kung iniisip mo na may gusto ako sayo, wag Kang managinip Ng gising"
Sabi ko sa kanya sabay layo sa kanya at sabay nag lakad ako papunta sa isang bleachers.
At doon umupo, saka ko Lang naisip Kung ano Ang ginawa ko kanina. Kaya napailing na Lang ako.
" Teka nga Bakit ba? Iniisip mo na may gusto ako sayo? Di ba Sabi ko ginagawa ko to dahil gusto kitang makilala dahil boss mo ako at dahil Empleyado Kita naintindihan mo ba? "
Sabi nya sa akin at Napa iling na Lang ako Ang bilis talagang mag bago Ng mood Ng taong Ito kanina Lang parang nag aalala sya Kung nagustuhan ko ba itong pinuntahan namin, tapos ngayon bigla syang naging seryoso at sinabi nyang ginagawa nya Lang ito dahil Boss ko sya Ang gulo, may kinalaman Kaya Ito sa aksidente na sinasabi ni Ate nung Bata pa so Jahleel?.
Sa susunod na Makita ko nga si Teacher Gil ay itatanong ko sa kanya.
" Okey okey Sabi mo eh"
Sabi ko Naman sa kanya sabay tingin sa mga Batang kasama Ang ngaa Magulang nila at bumubili Ng Kung ano anong pagkain katulad Ng cotton candy at mga lobo, Hindi ko maiwasang malungkot at mapangiti Ng mapait habang pinagmamasdan na kumpleto pa sila.
" Hmmm Bakit parang malungkot ka ata Dawnyel? "
Biglang Tanong ni Jahleel na katabi ko na palang nakaupo dito sa bleachers.
" Wala iniisip ko Lang Kasi Kung nandito pa Kaya so Nanay at Tatay Sana masaya pa Sana kaming namamasyal katulad Ng mga Batang kasama Ang mga Magulang nilang namamasyal na parang walang mga problema at walang iniisip... Minsan nakakainggit din pala Ang ganitong mga bagay"
Malungkot Kong sabi sa kanya dahil sobrang ikli Lang Ng buhay Ni Nanay at Sobrang ikli Lang Ang mga panahon na kasama namin sya.
" Alam mo... Tama ka minsan nga Rin iniisip ko Kung hindi nawala si Mama Sana may pagsasabihan ako Ng mga hinaing ko at mga sikreto dahil Alam Kong maintindihan nya ako, sobrang bait nga ni Mama eh pero mukhang ganoon talaga Ang patakaran ni Lord, Kung sobrang bait mo maaga ka nyang kukunin dahil gusto ka nya kaagad makapiling sa piling nya,
Alam mo nga minsan masama Ang loob ko dahil bakit Hindi na Lang Yung mga masasamang Ang kunin kaagad Ni Lord para Wala Ng kasamaan sa mundo? Bakit kailangan Yung mga mabubuting Tao pa katulad Ng mga magulang at Mama ko Ang kinukuha nya na Wala namang ginawang masama kundi Ang alagaaan tayo"
Malungkot Naman na Sabi ni Jahleel, Napa tingin Naman ako Sa kanya dahil hindi ko Alam may ganito pa pala syang pagkatao, oo Tama nga sya pareho Lang kami na Wala Ng Mama pero mabuti pa sya dahil may Papa pa syang kinalakihan.
" Pero Alam mo Hindi natin dapat kwestyonin si Lord palagi mong isip na Lahat Ng mga nangyayari sa buhay natin ay pag subok Lang nya para mas lalo tayong maging matatag sa buhay at isipin mo Rin na Lahat Ng bagay ay may dahilan at parating may Plano sya para sa atin"
Sabi ko Naman sa kanya.
At tinignan nya ako at ngumiti sya at sinukliaan ko Naman sya Ng Isang ngiti parang sa pag uusap naming iyon ay parang nawala Ang harang sa pagitan naming dalawa.
" Hmmm nga pala gusto mong sumakay Ng Ferries Wheel?"
Sabi nya sa akin at tumango na Lang ako at sabay kaming bumili Ng ticket at sabay na pumila sa pilahan.
Pero dahil iilan Lang Ang mga Taong sumasakay sa Ferries Wheel ay kaming dalawa Lang ni Jahleel Ang naka sakay sa loob.
Nakaupo kami pareho at magkaharap pa kami naka tingin sya sa akin na parang pinag mamasdan nya ako.
" Bakit ganyan ka maka tingin sa akin?"
Sabi ko sa kanya pero bigla na Lang syang umiwas Ng tingin at tumingin na Lang sya sa labas dahil sa transparent Naman Ang dingding Ng sinasakyan namin ngayon Kaya Kita mo Ang buong Amusement park lalo na at nasa pinaka taas kami , huminto Ito Ng nasa pinaka tuktok na kami .
Kaya agad akong tumayo at saka tumingin sa baba at Napa Wow Naman ako Ng Makita ko Ang Napaka Fandango tanawin, dahil kitang kita mo Ang mga Tao na parang langgam Lang na naglalakad sa baba parang pakiramdam ko ay nasa langit ako dahil sa mga ulap Rin na nakikita ko.
Habang nawiwili ako Sa pag tingin sa buong paligid at hindi ko Malayan na nasa likod ko na pala si Jahleel.
At nagulat ako Ng maramdaman ko Ang kanyang mga braso na pumulupot sa baywang ko papunta sa tyan ko Kaya Naman niyakap nya ako Ng patakilod.
Nagulat man ako at pinilit ko paring mag salita.
" A-Anong ginagawa mo?"
Nauutal Kong Sabi sa kanya.
" Wala niyayakap Lang kita, na-miss ko Kasi bigla si Mama parati nya akong niyayakap nung nabubuhay pa sya pero Wala Ng yumayakap sa akin simula Ng mawala sya Kaya pakiusap pabayaan mo munang yakapin Kita kahit saglit lang"
Sabi nya sa akin Kaya Wala akong nagawa Kung Hindi Ang hayaan syang naka yakap sa akin, Wala namang malisya Ang ginagawa nya dahil ako Rin ay na-miss ko na Ang yakap ni Nanay.
Pagakalipas Ng ilang minuto ay nasa ganoon parin kami h posisyon Ng biglang umandar uli Ang Ferries Wheel Kaya Naman agad ko syang hinarap pero parang Mali Ang ginawa ko dahil nakahawal parin Ang Kamay nya sa bewang ko Kaya Ng umikot ako para harapin sya ay malos ilang pulgada na langal Ang lapit Ng mukha nya sa akin dahil nakayakap parin sya sa akin.
" Hmmm pwedeng bang bitawan mo na ako?"
Tanong ko sa kanya pero seryoso syang naka tingin sa Mata ko at sa mga labi ko at tumingin uli sya sa mga Mata ko, at Hindi ko alam bigla akong kinabahan Kaya bigla Rin akong napalunok.
Unti unti nyang pinag dikit Ang aming mga labi hanggang sa magtagpo Ang mga Ito Ang nakakapagtaka ay Hindi ko sya pinigilan,hinayaan ko syang halikan ako Wala na akong nagawa Kaya pumikit na Lang ako habang gumaganti na Rin ako Sa mga halik nya,Hindi ko Alam pero Ang bilis Ng t***k Ng puso ko.
Pero nagising ako Sa reyalidad Ng marinig ko ang malalakas na sigaw Ng mga Tao na sa palagay ko ay naka sakay sa ibat ibang mga rides dito.
Kaya Naman ay agad Kong minulat Ang mga Mata ko at saka ko tinulak si Jahleel at putulin Ang halikan namin.
" Anong ginawa mo Sa akin?"
Tanong ko sa kanya dahil kilala ko Ang sarili ko hindi ako Basta Basta. Pero bakit Ng Alam Kong hahalikan nya na ako ay hinayaan ko na Lang sya.
" Pasensya na nadala Lang ako"
Sabi nya sa akin sabay kamot sa ulo nya at sakto Naman na huminto Ang Ferries Wheel na sinasakyan namin Kaya agad akong lumabas kaysa sa kanya.
Gulong gulo Ang isipan ko dahil sa nagyari hindi ko matanggap na nahuhulog na Ang loob ko sa kanya, pero Hindi pwede dahil langit sya at Lupa Lang ako at Isa Lang akong hamak na estudyante,at pinakahuli ay pareho kaming lalake na kahit anong nangyari balitarin man Ang mundo hinding Hindi pwedeng magsama, dahil sa Mata Ng Diyos ay isang malaking kasalanan at makalaking kahangalan Naman para sa Iba.
******************************
Kasalukuyan kaming bumabyahe no Jahleel pabalik sa bahay, ayoko na sanang ihatid nya ako pero nag pumikit sya at dahil gusto ko naring umuwi ay pumayag na Lang din ako.
Pero simula kanina ay Wala kaming imikan, magmameho Lang si Jahleel habang ako ay naka tingin Lang sa labas Ng bintana Ng Sasakyan at pinagmamasdan Ang nga puno na nadadaanan namin.
Iniisip ko parin Ang nagyari kanina at hindi parin. Talaga ko makapaniwala.
" Hmmm Dawnyel salamat pala dahil pumayag Kang mamasyal kasama ako saka pasenya na ka-"
" Okey Lang Yun,saka Hindi ba ikaw na Rin Ang nagsabi obligadi iyon dahil Boss Kita at Empleyado mo ako"
Mabilis Kong Sabi sa kanya at Hindi ko na sya pinatapos na magsalita.
" Yah Tama ka"
Sabi nya at tumango tango sya hanggang sa huminto kami sa tapat Ng bahay namin.
" Dito na ako Salamat pala sa paghahatid sa akin"
Sabi ko sa kanya at ngumiti Naman sya.
" Walang anuman Kita na Lang tayo sa lunes Ng Gabi susunduin parin Kita tulad Ng dati dahil ayokong mapagalitan Kay Tito sakit nun mamingot eh"
Sabi nya bigla Kaya natawa ako Ng maalala ko Ang istura nya habang namimilipit sa sakit.
" Oh tumatawa ka dyan mag Isa wag mong sabihin na ikaw na Ang Takas sa mental sa ating dalawa?"
Sabi nya Kaya naging seryoso uli Ang mukha ko.
" Sige na salamat uli mauna na ako Sa loob baka kanina pa ako hinahanap ni Donny bye"
Sabi ko sa kanya at agad akong naglakad papasok sa bahay at hindi ko na sya nilingon pagkatapos nun.
Agad kong sinara Ang pinto Ng bahay namin at Tumingin ako Sa bintana Ng bahay namin para tignan Kung umalis na at sya at nakita ko Naman na umalis na sya hanggang sa Hindi ko na Makita Ang Sasakyan nya.
Ay Napa buntong hininga Naman ako Ng malalim.
" Ang lalim Naman nun Kuya Dawnyel"
Nagulat ako sa biglang pag sulpot Ng kapatid ko na si Donny.
" Donny aatakihin ata ako sayo eh bakit bigla bigla ka na Lang sumusulpot?"
Tanong ko sa kanya.
" Pero kanina pa Kita tinatawag pero naka tingin ka Lang sa labas Ng bahay tapos bigla Kang bumuntong hininga Kaya nagsalita Naman ako"
Sabi nya sa akin at Napa buntong hinga Naman ako at umupo sa luma naming sofa.
" Kamusta Ang lakad nyo Ni Kuya Jahleel?"
Tanong bigla Ni Donny sa akin.
" Ayos Lang Naman pumunta kami sa amusement park"
Sabi ko sa kanya.
" Pero Teka Lang Donny nabili mo ba Lahat Ng mga materyales na kailangan mo para sa project na gagawin nyo Ng mga kaklase mo?"
Pag tatanong ko sa kanya at ngumiti sya at tumango sa akin.
" Oo kuya Tapos na"
Nakangiti parin nyang Sabi pagkatapos ay nakita Kong sobrang lawak Ng ngiti nya na para bang may iniisip syang nakakakilig.
" Hmmm Donny okey ka Lang? Anong nginingiti mo dyan?"
Tanong ko Naman sa kanya.
At tumingin sya sa akin habang Hindi parin mabura Ang ngiti nya sa kanyang labi
" Wala kuya may iniisip Lang ako"
Sabi nya uli at saka ngumiti uli Ito at tinakpan Ang mukha Nya Ng Unan Ng sofa.
At para syang linta na binudburan Ng Asin dahil sa mga kinikilos nya.
"Donny tumigil ka nga Bakit ba parang kinikilig ka?"
Tanong ko uli sa kanya.
At tumingin uli sya sa akin.
" Kasi kuya kanina kuya Dawnyel may nakilala akong Tao , Hindi ko Alam pero mukhang na love at first sight ako Sa kanya"
Sabi nya sa akin at Napa nganga Naman ako Sa sinabi nya.
" Donny umiibig ka na ba?"
Tanong ko sa kanya.
" Kung Yun man Ang tawag dun kuya Kung pag ibig na bang matatawag Ito pwes Oo kuya siguro tama ka umiibig na siguro ako"
Sabi nya sa akin at saka sya nag paalam at pumunta sa kwarto nya.
Naiwan Naman ako salang mag Isa, mabuti pa Ang kapatid ko dahil Alam nya na sa sarili na umiibig sya pero sa akin? Hindi ko Alam Kung Mahal ko ba sya Basta Ang Alam ko hindi dapat ako naehulog sa kanya dahil Alam ko kahit kailan man hinding hindi nag tatagal Ang ganoon relasyon.
Wakas Ng Panganim na Bahagi