Dawnyel POV
" Kuya saan ba Ang lakad mo at Ang aga mong gumising sa pag kakaalam ko Wala ka namang pasok at trabaho tuwing sabado?"
Sabi ni Donny sa akin habang abala ako Sa pag aayos Ng aking buhok.
" Pinapatawag Kasi ako Ni Teacher Gil may sasabihin daw eh importante siguro"
Sabi ko sa kanya sabay lagay Ng konting pulbo sa mukha ko,konti Lang dahil sa maputi na ako.
" San daw Kayo mag kikita kuya?"
Tanong uli ni Donny sa akin.
" Sabi ni Jahleel sa Mall daw kami mag kikita Ni Teacher Gil"
Sabi ko sa kanya at sabay tingin muli Kung okey na ba Ang itsura ko. Hinarap ko si Donny at saka pumustura Ng maayos.
" Sa tingin mo Donny okey na tong suot ko?"
Sabi ko sa kanya. Tumango Lang sya at saka ngumiti sa akin.
"Ano Naman Ang kailangan mo Donny?"
Tanong ko sa kanya sa mga tango at ngiti nyang nyan alam kong may gusto na Naman syang sabihin sa akin.
" Kilala mo talaga ako Kuya"
Nakangiti parin nitong Sabi.
" Ano nga iyon?"
Tanong ko uli sa kanya at saka nag hinintay ako Ng sasabihin nya.
" Kasi kuya may Project kami sa Isang Subject namin, Ang Sabi Kasi nila pag hati hatian namin Ang mga materyales na gagamitin sa pag buo nun Kaya gusto ko sanang sumama para makapamili Ng gamit"
Sabi nito sa akin sabay kamot sa kanyang ulo. At Napa buntong hininga Naman ako.
" Sabagay medyo malaki laki narin siguro yung ipon natin, sige mag bihis ka na at baka mainip Lang si Teacher Gil sa kakahintay sa atin"
Sabi ko Naman sa kanya. At agad syang nag pasalamat sa akin bago tumakbo papunta Ng banyo.
*****************************
" Hayyyy Ang tagal ko na ring Hindi pumunta dito sa Mall kuya, nung huling punta ko dito nung may binili uli ako na materyales para sa project namin tagal na pala nun"
Sabi nya sa Akin at medyo may naramdaman akong Guilt sa sinabi nya dahil sa pag tratrabaho ko at pag aaral Hindi na talaga kami nakaka labas at nakakapasyal Ng kapatid ko Hindi ko na nga Rin Alam Kung may kasintahan na ba sya oh Wala pa, parang Ang walang kwenta ko Naman kuya pag ganoon.
" Hayaan mo Donny sa susunod na sabado mamasyal tayong dalawa parang bonding Ng magkapatid kumbaga"
Sabi ko sa kanya.
" Sya nga pala kuya Saan daw Kayo mag kikita Ni Teacher Gil?"
Tanong ni Donny sa akin habang naglalakad kami papunta sa ikalawang palapag Ng building.
" Ang Sabi...Walang sinabi sa akin. Basta Ang Sabi sa akin pumunta Lang ako sa mall dahil may sasabihin si Teacher Gil"
Sabi ko sa kanya.
" Bakit hindi mo tawagan so Teacher Gil Ng sa ganoon ay malaman mo Kung saang eksatong lugar Kayo magkikita, bakit kaya Hindi ka na Lang nya tinawagan kuya?"
Takhang Tanong ni Donny naisip ko na Rin sya pero dahil si Teacher Gil Ang nag Sabi kaya Naman Hindi na ako nag taka.
Pag labas ko Ng Telepono ko ay agad Kong nakita Ang isang Hindi nakarehistrado na numero. Isa itong mensahe Kaya agad ko itong pinindot at binasa Ang laman nito.
' Sa harapan Ng Starbucks daw' Kayo magkita Ni Tito.
-Jahleel
Napa taas Ang kilay ko dahil bakit sya Naman Ang nag sasabi? . Hindi Kaya...Wala talaga so Teacher Gil dito at niloloko Lang ako Ng Takas sa mental na iyon?.
" Hmmm Donny magkano pala Yung kakailanganin mo para sa mga materyales na bibilhin mo?"
Tanong ko sa kanya at Napa isip Naman sya.
" Siguro kuya aabutin Ng mga 300 Lang"
Sabi nya sa akin at kumuha ako Ng 500 at binigay ko Ito sa kanya..
" Ito pumunta ka na bilihin at mag Kita na Lang tayo mamaya sa Starbucks pagkatapos mong mamili Mauna na ako papunta roon"
Sabi ko at saka tumango sya at saka ngumiti sa akin bago umalis.
Bumuntong hininga Naman ako bago ako naglakad papunta sa Starbucks.
Pagkalipas Ng ilang minuto ay nakarating na ako Sa harapan Ng Starbucks at mula sa loob ay hinanap Ng mga Mata ko si Teacher Gil pero Ni anino nito ay Hindi ko mahagilap.
Pero naging seryoso Ang mukha ko Ng Makita ko Ang isang lalake na kumakaway sa akin mula sa loob.
Agad akong pumasok sa loob at dumaresto ako papunta sa kinauupuan nya.
" Sabihin mo nga sa akin Wala talaga si Teacher Gil dito Hindi ba? "
Agad Kong Sabi sa kanya Kaya Ang kanina nyang mukha na naka ngiti at naging seryoso.
" Oo, Hindi ka talaga pinapatawag ni Teacher Gil dito sinabi ko Lang Yun dahil ayoko na sumabay ka sa Cooper na Yun Malay mo Kung anong balak sayo nun"
Deretso nya namang Sabi nagulat ako sa sinabi nya pero Hindi ko pinahalata .
" Ano Naman ngayon Kung samahan ko syang mamasyal? Saka ikaw Rin Naman Hindi Naman Kita masyadong kilala ah? "
Sabi ko sa kanya at Napa tingin sya sa ibang direksyon at nakita ko syang lumunok Ng dalawang beses.
" Basta ayoko Lang na kasama mo sya saka wag mo nga akong sasagutin Boss mo ako"
Sabi nya sa akin at Dali daling umiwas uli sya Ng tingin.
" Uulitin ko to sayo uli Jahleel Boss Kita pag nasa trabaho Lang ako, at sya nga pala Mauna na ako tutal Wala Naman pala si Teacher Gil para kausapin ako mas mabuting umuwi na ako"
Sabi ko sa kanya at tinalikuran ko na sya at aalis na Sana ako Ng bigla nyang hinawakan Ang Kamay ko.
" Sandali Lang"
Pigil nya sa akin. Kaya tinignan ko sya at saka sa kamay Kong hawak hawak nya.
" Bakit? Magsasabi na Naman ba Ng purong kasinungalingan na Naman Jahleel? Alam Ang hirap mo talagang kausapin minsan, bahala ka dyan may lakad pa ako"
Sabi ko sa kanya.
" Teka Lang, Ang totoo nyan may dalawang rason ako Kung bakit ko sinabi na pumunta ka rito una dahil ayaw Kong makasama mo di Cooper at pangalawa...Kasi gusto Kong mamasyal tayong dalawa"
Sabi nya sa akin at sa Pangalawang pagkakataon ay nagulat muli ako pero Hindi ko Naman Ito pinahalata at bagkus tinaas ko pa sya Ng kilay ko para iparating sa kanya na Hindi ako maniniwala at may bahid ako Ng pagdududa sa kanya.
" Hindi Ito katulad Ng iniisip mo, Wala akong balak na masama o kahit Ano man Ang iniisip mo gusto Kong mamasyal tayo Kasi Hindi pa Kita kilala Ng lubusan Hindi ba? Ganun ka Rin Naman sa akin, iyon Ang gawin Ng Boss sa mga trabahador nya Hindi ba?"
Sabi nya sa akin at Napa tango Naman ako.
" Okey ,sige na pero saan ba tayo pupunta? Mag lilibot Ng buong mall ganun ba?"
Tanong ko sa kanya at tumango Naman sya sa akin.
" Kung ganoon Hindi ako pwede dahil kasama ko Ang kapatid ko ngayon at may binibili Lang sya sa dito ngayon"
Sabi ko sa kanya.
" Wag Kang mag alala sinabihan ko na sya kanina itinext Sabi nya okey Lang Naman daw at bibilhin ko na Lang sya Ng pasalubong"
Sabi nya sa akin.
" Tsk, pati ba Naman kapatid ko kinakotchaba mo?"
Tanong ko sa kanya.
" Syempre ganun talaga pag pogi"
Sabi nya sabay pogi post at Napa ewww Naman ako dahil umaandar na Naman Ang pagiging Takas nya sa mental.
" So?...Ano Tara na?"
Tanong nya sa akin.
" Ano pa nga bang magagawa ko Kung Yan Ang gusto mo Boss sige sasama na ako"
Sabi ko Naman sa kanya at Sobrang lawak Naman Ng ngiti na sinukli nya sa akin na parang kamukha nya na si 'MoMo' sa lawak Ng ngiti nya nakakatakot tuloy Ang itsura nya at parang Mali ata Ang desisyon Kong sumama sa isang Takas sa mental na taong katulad.
" Tara na"
Sabi nya at sabay kaming lumabas Ng Starbucks at pinagdadasal ko na Lang na Sana Hindi topakin tong taong to dahil Kung Hindi tyak mag babangayan Lang kami buong byahe.
******************************
Donny POV
' Donny Mauna ka Ng umuwi mamaya may lakad kami Ng Kuya mo, baka gabihin kami, saka nga pala Yung Sapatos na gusto mong bilihin? Pina deliver ko na sa bahay nyo abangan mo na Lang pag uwi mo'
Basa ko sa Text sa akin ni Kuya Jahleel. Napa iling na Lang ako habang binabasa Ito.
May mga bagay talaga na Hindi natin maipaliwanag hindi ba? Katulad Ng Kung anong meron o namamagitan man kina Kuya Jahleel at Kuya Dawnyel ko.
Minsan talaga mapapatanong ka nalang Kung bakit ganoon bakit ganya pero Wala ka namang makukuhang sagot sa mga Tanong mo.
Pero hayaan na nga Lang sila busy ako Sa pag hahanap Ng mga materyales na gagamitin namin para sa proyekto na gagawin namin, Kaya Naman nasa isang book store ako o nasa pandayan book store ako dahil isang prototype paper Ang gagawin namin.
Kumbaga gagawa kami Ng isang proyekto at mag pre-present kami Ng model Ng proyekto na iyon gamit Ang mga materyales bibilhin ko ngayon.
Napa kamot Naman ako Ng ulo habang binabasa Ang listahan Ng mga bibilhin ko at panay din Ang paglagay ko Ng mga check sa bawat mga gamit na nakukuha ko.
Hanggang sa isang gamit na Lang Ang kulang.
Paikot ikot ako Sa buong store pero hindi ko talaga mahanap Ang isang materyales na kailangan ko.
Kaya pumunta ako sa isang salesman at saka nag Tanong.
" Kuya Saan Po matatagpuan Yung mga Cartolina na malaki?"
Tanong ko sa kanya.
" Sa pinaka dulo nitong store, sa taas Ng shelves"
Naka ngiti Naman Sabi Ng Lalake Kaya nag pasalamat ako at bumalik uli sa pinaka dulo Ng shop kanina pa ako paikot ikot nandito Lang pala Ito.
Pag tingala ko sa taas ay halos mapakunoot Ang noo ko Kung Pano ko kukunin Ito, kasalanan ko bang sadyang maliit ako at masyadong mataas Ang kinalalagyan Ng kailangan Kong materyales?.
Wala akong nagawa kundi talunin Ito para makuha ko.
Pero kahit darili ko ay Hindi man lang nahawakan Ang Kartolina iyon. Naiinis na ako dahil Hindi ko talaga Ito makuha.
Luminga linga ako Sa paligid at tinitignan ko Kung may Tao bang makakakita sa akin.
Pero sakto at Wala Kaya ngumiti ako bago tinignan Ang Kartolina sa taas.
Kung hindi ko Ito maabot bakit Hindi ko na lang akyatin Ang shelves para kunin Ito?. Kahit siguro sinong taong maliit ganito Ang gagawin Hindi ba?.
Ng wala akong nakita na Tao na dumadaan dito sa parteng Ito Ng shop ay Dali Dali akong umakyat sa shelves medyo nahihirapan akong umakyat dahil na Rin sa dami Ng mga ibang materyales na tinitinda nila takot ako na Baka makasira pa ako at Wala akong pambayad pag nagkataon
At isang hakbang na Lang ay makukuha ko na Ang Kartolina at nakuha ko nga Ito at tuwang tuwa Naman ako Ng mukuha ko Ito parang napakalaking achievement Ito para sa akin.
Medyo nakakatawa pero sadyang mababaw Lang Ang kaligayanhan ko Yun Kasi Ang turo Ni Nanay nung nabubuhay pa sya.
Habang tuwang tuwa akong naka lambitin dito sa shelves ay Hindi ko namalayan na may Tao palang parating.
" Huh? Anong ginagawa mo dyan?"
Bigla nitong Tanong at dahil sa gulat ko, ay gusto ko na kaagad bumababa pero pag tapak ko Ng paa ko pababa ay sa maling bagay ako Napa apak sa isang cardboard Kaya nawalan ako bigla Ng balanse at nahulog mula sa taas Ng shelves.
Akala ko sa pag kakahulog ko mababagok Ang ulo ko sa sahig mag kaka amnesia ako at hindi ko na maalala si Kuya naku malaking problema pag ganun.
Pero di ba dapat? Pag nahulog ka mula sa itaas at nahulog ka dapat matigas na sahig Ang sasalo pero bakit parang....braso at saka nakalutang ako?.
" Hello? Okey ka Lang ba?"
At kumunoot Ang noo ko dahil narinig ko uli Ang Boses Ng lalake kanina na dahilan Ng pag kagulat ko.
Pag mulat Ng Mata ko ay nasilaw ako Sa liwanag parang...parang nasa harapan ko ngayon Ang isang anghel na bumababa sa langit para sagipit ako.
" Okey ka Lang?"
Tanong nya uli sa akin at ngumiti Lang ako at saka tumango bilang tugon Ewan...pero kanina tinatanong ko Kung ano ba talaga sila Kuya Jahleel at Dawnyel at ano ba talaga Ang naramdaman nila sa isat Isa..ngayon naramdaman ko na Ito ngayon Alam ko na Ang sagot.
Dahil mukhang na love at first sight ako Sa lalakeng kaharap ko ngayon.
Wakas Ng Panglimang Bahagi