IKA-APAT NA BAHAGI

2096 Words
Dawnyel POV Halos isang linggo na Ang lumipas simula nung makitulog si Jahleel sa Amin simula nun parati syang pumupunta sa Milktea shop nya tuwing Gabi para ihatid ako dahil sinabi daw ni Teacher Gil,Hindi ko Naman masabi Kay Teacher Gil na wag nya Ng ipagawa iyon sa Pamangkin nya dahil Kaya ko Naman Ang sarili ko. " David!" Sigaw Ng isang lalake sa akin kinawayan nya ako mula sa labas Ng Gate Ng School namin. Nasabi ko na Rin ba na halos isang linggo na Rin nung pabalik balik itong si Cooper para bumili Ng Milktea at saka para hinihintay nya akong lumabas Ng Campus at sabay kaming pumupunta sa loob Ng shop at saka sya mag o-order pag naka palit na ako. Ang weird nga eh dahil bakit nya ginagawa yun pero baka gusto Lang nya Ng kaibigan. "Cooper kanina ka pa? Bakit Kasi Hindi ka pa dumadaretso sa shop para bumili Ng Milktea baka mamaya gabihin ka sa daan" Sabi ko sa kanya. Pero nginitian nya Lang ako "Wala naman akong ibang pupuntahan eh saka okey na Rin muna na tumambay sa Milktea Shop na pinag tratrabahuan mo para may makausap ako hehehe" Sabi nya sa akin Kaya Napa iling na Lang ako habang naglalakad kami papunta sa shop. Huminto kami pareho at luminga linga muna sa kaliwa at kanan dahil baka may mga sasakyan na sobrang bilis at kamuntik na akong namatay dahil dun. " Tara na habang Wala pang sasakyan" Sabi sa akin ni Cooper at sabay hawak sa kanang kamay ko at sabay kaming tumawid sa Kalsada. " Grabe Ang saya talagang tumawid sa daan" Nakangiti nyang Sabi sa akin Kaya Napa kunot Ang noo ko dahil halos sa isang linggo ko syang nakakausap ay nag sasalita sya na para bang Ang tagal nya Ng Hindi na gawa Ang mga simpleng bagay na yun. " Oo nga Ang saya nga nun" Sakay ko na lang sa sinabi nya at agad kaming pumasok sa Milktea shop. Agad na bumungad Ang nakangiting si Ate na para bang Ang mga ngiti nya ay may ibig sabihin. " Good evening" Magalang na Sabi ni Cooper Kay Ate at ganun din Naman si Ate sa kanya. " Katulad parin sa akin" Naka ngiti nyang Sabi Kay Ate at tumango Lang si Ate at gumawa Ng Milktea ni Cooper umupo sya Kung saan sya Unang umupo Ng una nyang punta dito at ako Naman ay pumunta sa Locker ko at saka kinuha Ang uniform ko at saka sinuot Ito. Paglabas ay madami Ng Tao agad Kaya nag madali akong tulungan si Ate ako Ang taga bigay at tagalinis, maraming customer ngayon dahil biyernes na Naman karamihan Ng mga Tao dito sa loob ay mga Estudyante marahil nga ay Wala Ng pasok bukas Kaya igagastos na nila Ang mga natira nilang allowance sa buong linggo. Habang nag tratrabaho ako ay panay Ang tingin sa akin Ng mga Estudyante na Ang iba pa ay mga kaklase ako may mga iba nga na naririnig Kong pinagtatawanan ako. Sabi ko na nga ganyan talaga sila. Paglingon ko sa kabilang Banda at sakto Naman na nakita ko si Cooper na naka tingin sa akin at naka ngiti Ng ubod Ng tamis. Ngumiti Lang ako sa kanya at saka pinagpatuloy Ang trabaho ko. **************************** Gabi Ng Matapos ko Lahat Ng gagawin ko pero nandito parin si Cooper at mukhang balak nya pa ata akong hintayin bago umalis. " Hmmm Cooper bakit ka pa nandito? Akala ko ba aalis ka na nung maubos mo Yung Milktea mo?" Sabi ko sa kanya. Ngayon Lang Kasi sya nag tagal Ng ganito sa shop nato. " Pinapaalis mo na ba?" Sabi nya Naman at medyo nataranta ako dahil Mali Ang pagkakaintid nya sa sinabi ko. Winagayway ko Ang pareho Kong kamay sabay iling. " Naku Hindi ganun Ang ibig Kong sabihi Kasi Hindi ba pag ganitong oras umaalis ka na Kasi Sabi mo may gagawin ka pa bukas" Sabi ko sa kanya. At napa 'ah' na Lang sya Ng narealize nya Kung ano Ang gusto Kong sabihin sa kanya. " Kasi...Gusto Sana kitang yayain na samahan akong kumain sa labas Wala Kasi akong kasamang kumain" Sabi nya sa akin. " Ganun ba? Pero bakit Naman ako?" Tanong ko sa kanya. Dahil marahil marami syang ibang kaibigan Kaya bakit ako?. " Kasi ikaw Lang Naman Ang kilala ko at kaibigan ko dito Yung iba Kasi kinakaibigan Lang ako dahil kilala ako" Sabi nya sa akin Kaya Napa kunot Ang noo ko dahil sa sinabi nya mag tatanong pa Sana ako Ng biglang may bumusinang sasakyan sa labas Ng shop puting Kotse kilala ko Kung kanino Ito. " Mukhang nandyan na Yung sundo mo Dawnyel sige na mauna ka na at ako na Ang magsasara nitong shop" Sabi ni Ate sa akin Kaya sabay kaming lumabas ni Cooper sa shop at bumungad sa Amin Ang naka kunot na noo ni Jahleel habang masama Ang tingin nya Kay Cooper, problema Ng taong to? Tinopak na Naman ba sya?. " Hmmm Jahleel bakit ganyan Ang itsura mo? May nakaaway ka ba sa daan kanina?" Tanong ko sa kanya. " Wala, Wala lang akong sa mood ngayon may panira Kasi Ng araw ko" " Sya nga pala Jahleel si Cooper kaibigan ko" Sabi ko Kay Jahleel at tinignan nya Lang si Cooper. "Tara na ihatid na Kita" Sabi nya sa akin pero pinigilan ko sya at saka hinarap si Cooper. Saka hinarap ko uli so Jahleel. " Mauna ka na, Sasamahan ko Lang kumain so Cooper mukhang kailangan nya Ng nakakausap ngayon" " Pero Gabi na delikado na sa daan" Sabi nya sa akin. " Okey Lang Hindi nama ako mahina eh saka ako Ng bahalang nagsabi Kay Teacher Gil mamaya saka Wala Naman akong pasok bukas " Sabi ko sa kanya. " Pero Pano Yung kapatid mo na si Donny? Wala syang kasama" Sabi nya uli. " Malaki na sya at Hindi Naman sya katulad Ng iba na mahina" Sabi ko sa kanya. " Pero may pasok ka pa bukas Sa Milktea shop Hindi ba? Tandaan mo Boss mo parin ako" Sabi nya sa akin. " Jahleel sasabihin ko sa Iyo to, Wala akong pasok bukas Sa Shop dahil hanggang biyernes Lang Ang oras Ng trabaho ko at saka, Oo Boss Kita pag nasa trabaho ako pero...tandaan mo Wala na ako ngayon sa trabaho Kaya Hindi Kita Boss ngayon" Sabi ko sa kanya. " Tara na?" Tanong ni Cooper sa akin at saka tatalikuran ko na Sana si Jahleel Ng bigla syang magsalita. " Teka, Pumapayag na ako pero Hindi Kayo pwedeng pumunta Ng Kayo Lang" Sabi nya sa akin. " Anong ibig mong sabihin Jahleel" Sabi ko Naman sa kanya. " Sasama ako Mahirap na sa panahon ngayon maraming Hindi makakapagkatiwalaan" Sabi nya at saka sabay tingin Kay Cooper. " Tama na Yan Tara na" Sabi ko na Lang sa kanila. " Sandali Lang tatawagin ko Lang Yung driver ko para sunduin tayo" Sabi ni Cooper at saka akmang kukunin na Sana nya Ang telepono nya Ng pinigilan sya Ni Jahleel. " Tawagan mo na yung drive mo at sasabay sya akin" Sabi nya at nagtingin na Naman sila no Cooper at Napa iling Naman ako Sa ginagawa nila. Pumagitna ako Sa kanilang dalawa bago pa sila mag sapakan Ng tuluyan. " Ano ba Tama na nga Yan Hindi ba pwedeng sa iisang sasakyan Lang tayo sumakay pwede namang sa Sasakyan mo na Lang Hindi Jahleel?" Sabi ko sa kanila pero nakatingin parin sila sa isat-isa at tumingin si Jahleel sa Akin at tinaasan ko sya Ng kilay. " Sige na nga ngayon Lang" Sabi ni Jahleel sa Amin at saka sya pumasok sa loob Ng Sasakyan. Saktong papasok na kami pareho Ni Cooper sa backseat pero bigla kaming pinigilan Ni Jahleel,Hindi Mali ako Lang pala Ang pinigilan nya. " Saan ka uupo Dawnyel? Dito ka sa harapan sa tabi ko" Sabi nya sa akin at tinaasan ko uli sya Ng kilay ko. " Pero walang kasama si Cooper dito sa likod" Sabi ko Naman sa kanya sabay tingin Kay Cooper ngumiti Lang sya sa akin at saka tumango. " Sige na okey Lang ako dito saka magkahiwalay Lang Naman tayo Ng upuan saka mag uusap naman tayo" Sabi nya Kaya tumango ako at saka pumunta sa frontseat Ng Kotse Ni Jahleel. At sa huli ay bumyahe narin kami. **************************** Habang nag bya-byahe ay tumitingin ako Sa paligid at sa tingin ko parang pamilyar Ang dinadaanan namin. " San pala tayo pupunta Cooper?" Tanong ko sa kanya sabay lingon sa kinalalagyan nya. " Malapit na tayo sa isang restaurant Lang tayo dyan". Sabi nya at saka ngumiti sa akin " Sya nga pala David pwede ba kitang yayain na mamasyal bukas tutal Sabi Wala ka Naman pasok bukas pwede ba sa mall Lang naman? " Tanong nya sa akin at saka. Napa isip Naman ako, Wala Naman akong gagawin bukas dahil kakatapos Lang nung lunes Yung project na ginagawa namin. " Pero Kasi walang kasama Yung kapatid ko bukas" Sabi ko naman sa kanya saka iniisip ko Rin mawawalan na Naman kami Ng bonding na mag kapatid dahil halos wala na akong oras kahit makipag kwentuhan Lang sa kanya dahil nga Naman kasi sobrang busy ako Sa pag aaral at pag tratrabaho ko Kaya minsan Hindi na kami nakakapag usap Kaya sa tingin ko Hindi na Lang. " Wag Kang mag alala pwede mo Naman syang Isama mas masaya nga Kung marami hindi ba?" Nakangiting Sabi ni Cooper sa akin, may Tama naman sya dun bukod sa masasamahan ko sya ay makakapag bonding Rin kami ni Donny. " Sige Sasamahan Kita" Sabi ko naman sa kanya. " Hindi pwede" Nagulat ako at Napa tingin sa katabi ko dahil Hindi ko Alam na nandito pa pala sya Kung Hindi pa sya umimik at hindi ko na sya mapapansin dahil sobrang tahimik nya kanina pa. " At bakit Hindi? Wala Naman akong gagawin bukas saka okey Lang naman" Sabi ko sa kanya. "Kasi...Kasi pinatawag ka Ni Tito, Tama oo Yun nga Kasi pinapasabi sa akin ni Tito na gusto ka nyang makausap sa mall bukas, at kilala mo Naman si Tito siguro Hindi ka nya papuntahin dun Kung Hindi importante Hindi ba? " Sabi ni Jahleel sa akin at Tama sya dun saka Hindi ko pwedeng tanggihan si Teacher Gil,si Teacher Gil Yun eh malaki Ang utang na loob ko sa kanya at marami na Rin syang na tulong sa akin. " Pasensya na Cooper pero kasi emergency eh" Sabi ko sa kanya. At nakita ko sa mukha nya Ang panghihinayang pero ngumiti Rin sya kaagad. Nakakaramdam tuloy ako Ng Guilt . " Okey Lang may susunod pa Naman Hindi ba?" Sabi nya sa akin at tumango Naman ako. " Oo pangako sa susunod Sasamahan na kitang mamasyal" Sabi ko sa kanya. " Teka paki tabi sa gilid nandito na tayo" Sabi ni Cooper. " Hindi mo ako driver kaya Wala Kang karapatan na utusan ako saka Kotse ko to tandaan mo" Sabi ni Jahleel sa kanya at saka sinamaan ko sya Ng tingin. " Jahleel paki gilid na Lang " Sabi ko sa kanya at Napa tsk Naman sya bago hininto Ang Sasakyan sa isang gusali. Naunag lumabas si Cooper at pinag buksan nya ako Ng pinto. Nag pasalamat Naman ako Sa kanya pero narinig Kong may binubulong si Jahleel sa tabi ko pero Hindi ko na Lang sya pinansin. Pag baba ko ay tumingin ako Sa paligid at nakita ko Ang isang pamilyar na gusali. " Sandali Hindi ba iyon Yung restaurant Ng Papa mo? Jahleel" Sabi ko Kay Jahleel na kakalabas Lang Ng Kotse nya. At tumingin sya sa gusali at tumingin sa akin. " Oo Yun nga,Hindi sinabi na dito pala tayo pupunta, Tara na libre ko..pero ikaw Lang Dawnyel" Sabi ni Jahleel. At sinamaan ko sya Ng tingin. Tumingin ako Kay Cooper na naka tingin sa akin. "Wag na it's my treat dito na Lang tayo kumain sa restaurant namin" Sabi nya sabay tingin sa gusali na katapat Lang Ng restaurant nila Jahleel Ito Yung kakompetensya nila. Pero Tama ba Ang pag kakarinig ko?. " Namin? Wag mong sabihin na sa inyo Ang restaurant na Yan?" Takhang na Tanong ni Jahleel. At ngumiti si Cooper at hinarap kami ni Jahleel. " Hindi ko pa ba nasabi sa inyo na Ang restaurant na Ito ay pag mamaya ari Ng pamilya ko at ako Ang may Ari ng restaurant na to" Sabi nya at Napa nganga na Lang ako dahil sa narinig ko. Wakas Ng Pangapat na Bahagi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD