IKA-TATLONG BAHAGI

2293 Words
Dawnyel POV “ Oh kuya nandyan ka na pala, bakit namumula ka?” Tanong sa akin ng kapatid ko na si Donny. “Wala lang ito.” Tipid kong sagot, sabay pasok sa kwarto naming dalawa. “ Hindi nga kuya?,Namumula ka eh, galit ka ba? May sakit? Oh nag blu-blush ka dahil sa kinikilig oh nahihiya ka?.” Makulit na tanong ng kapatid ko. “ Pwede bang hayaan mo na akong mag pahinga ngayon Donny?.” Seryoso kong sabi sa kanya at tumango lang sya at saka bumalik uli sa sala para gawin ang mga takdang-aralin nya. Napa buntong hininga na lang ako habang inaalala ang nangyari kanina bago ako makauwi ng bahay. FLASH BACK>>>>>>>>>>>>>>>>> Agad ko syang tinulak at sinapak Matapos kong marealize kung anong ginawa nya sa akin. “ Ano bang problema mo?!.” Inis long sabi sa kanya sabay hawak sa sarili kong labi na sa tingin ko ay namumula na dahil sa sinipsip nya ito kanina. Sa tana ng buhay ko ay di ko na imagine na makakahalik ako ng isang lalake. “ Masasabi kong baliw ka nga, isang kang takas sa mental. ” Inis kong sabi sa kanya at nakatingin pa din ako sa kanya ng masama. Habang sya naman ay pinupunasan ang kanyang dumu-dugong labi. “ Sorry di ko din, Alam kung bakit ko ginawa.Iyon marahil trip trip lang– tama ganoon na nga iyon. ” Sabi nya Lang sabay lapit sa akin kaya medyo napa atras ako dahil hindi ko alam, kung ano ang tumatakbo sa isip nya. “ Pero hindi ginagawa ng normal na mga lalake ang ginawa mo kanina Jahleel, umamin ka nga bading ka ba?.” Seryoso kong tanong sa kanya pero naka tingin lang sya sakin deretso sa mga mata ko at dahan-dahan syang lumalapit sa akin habang ako naman ay unti unti ding humahakbang palikod.Hanggang sa maramdaman ko na ang pader sa likod ko. At bigla syang ngumiti at tuwa sabay sabing. “ Hindi ako bading , baka ikaw?.” Sabi nya sakin at saka tumawa tawa pa sya baliw nga sya. “ Ewan ko sayo,Mauna na ako bye.” Sabi ko sa kanya at saka ko pinatay ang mga ilaw sa loob at saka lumabas ng shop, sumunod sya sakin at saka sabay sabing. “ Teka lang ihahatid na kita, Kaya nga ako nandito eh dahil ikaw ang sadya ko baka mapagalitan pa ako ni Tito pag nagkataon.” Sabi nya sabay nguso napa eww na Lang ako dahil sa ginawa nya. Akala mo naman bagay nyang ngumuso mas bagay ko pa nga pag ako iyong ngumuso. “ Bahala ka dapat talaga pingutin ka nya.” Inis kong sabi at saka sabay sara ng shop.Saka ni-lock ito akmang aalis na sana ako,Ng hinawakan nya ang braso ko at saka nya ako hinila. Papunta sa kotse nya. “ Ano ba bitawan mo nga ako!, gusto mo bang masaktan sasapakin uli kita pag di mo ako binitawan.” Sabi ko sa kanya pero hinila nya parin ako. Pinipilit nya ako na pumasok sa loob ng Kotse nya,pero nag matigas ako at sinabi kong ayoko .pagkatapos ay bigla na lang syang naging seryoso at saka tinitigan ako deretso sa mata ko. “ Papasok ka sa loob at ihahatid Kita. Oh gusto mong halikan uli kita?.” Sabi nya,Ewan pero sa tono ng boses nya parang kinilabutan ako. Kaya tumango na lang ako bago pumasok sa sasakyan. At sa huli wala akong nagawa kung hindi ang hayaan syang ihatid ako sa bahay namin uli. <<<<<<<<<<<<<<<<<<<<END OF FLASH BACK “ Kuya!.” Nabalik ako sa reyalidad Ng bigla akong sinigawan ni Donny. “ Donny! Ano ba?, bakit ang lakas lakas ng boses mo?” Tanong ko sa kanya. “ Kasi ang lakas ng ulan sa labas.” Sabi nya sakin,kaya napa kunot ang noo ko. “ Eh ano naman ngayon? Mas maganda nga iyon para hindi na masyadong uminit ang panahon.” Sabi ko sa kanya at saka humiga uli sa luma naming sofa. “ Oo alam ko iyon kuya, pero kasi yung lalakeng naghatid sayo kanina. Nasa labas parin at mukhang nasira iyong sasakyan basangbasa na nga sya ng ulan eh.” Sabi nya. At bigla naman akong tumayo at tumakbo papalabas ng bahay at tama nga ang kapatid kong si Donny .Nasiraan nga sya dahil panay ang sipa nya sa gulong ng sasakyan nya at saka—niyakap ito. Napa iling naang ako kahit kailan talaga mahal na mahal nya ang sasakyan nya. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya kahit na nabasa na ako ng ulan. “ Sabi ko na nga takas ka talaga sa mental,walang matinong taong niyayakap ang sasakyan nya. ” Sabi ko sa kanya, kaya tumingala sya sa akin at saka ngumuso at napa hawak na lang ako sa ulo ko sa inasta nya, Hindi ko alam kung sinong mas bata sa aming dalawa sa inaasal nya ngayon. “ Nasira kasi yung gulong eh, baka kasi pagod na itong baby ko. Kaya hindi nya na kinaya, inaalagaan ko naman sya araw-araw.” Halos mangiyak-ngiyak nyang sabi . Minsan talaga nagtataka na ako kung may saltik ba ito sa utak, dahil ang bilis nyang magbago ng mood. “ Tara na muna sa loob ng bahay namin, bukas mo na iyan ayusin at baka magkasakit ka pa.” Sabi ko sa kanya at tumango sya pero hinalikan nya pa talaga iyong Kotse nya bago ako sinundan. Pagbukas ko ng pinto ay agad kong tinawag si Donny at agad na pinakuha ng tuwalya, dahil talagang basang-basa na kaming dalawa ni Jahleel, Kung bakit kasi nakalimutan kong kumuha ng payong bago lumabas ng bahay. Agad ko syang pina una na sa banyo para mag shower. Pumunta na lang ako sa kusina para doon ko tanggalin ang damit ko,at saka ko nilagay ang tuwalya paikot sa bewang ko. Agad kong nilagay sa labahan ang basa kong damit bago lumabas ng kusina para kumuha ng damit para sa takas sa mental na lalake na yun. Pinili ko ang damit ko malaki sa akin,dahil pag yung mga damit ko lang na sinusuot ko araw-araw ang ibibigay ko tyak na hindi ito magkakasya sa kanya. Mayroon din naman akong bagong boxer dyan. Pero wala akong extra na underwear kaya itong boxer na lang ang isuot nya. Lumabas ako sa kwarto, saka dumaresto sa maliit naming banyo. Kumatok ako sa banyo ng tatlong beses at narinig ko syang tinatanong ako kung bakit. “ Buksan mo itong pinto at ng maibigay ko sayo itong damit na pag papalitan mo,saka pwedeng paki bilisan dahil nilalamig na ako dito sa labas.” Sabi ko sa kanya. At Maya-maya ay bumukas ang pinto ng maliit naming banyo. At nilabas nya lang ang ulo nya. “ Hindi pa ako tapos maligo.” Sabi nya sa akin. “ Teka nabasa ka lang naman ng ulan.Bakit ang tagal tagal mo dyan sa loob para ka namang babaeng kumilos?.” Sabi ko sa kanya. “ Naliligo nga ako, at Hindi ako babaeng kumilos sadyang nag e-enjoy ako sa pagligo.” Rason nya sa akin. “ Baka may konsiderasyon ka din sa may ari ng bahay di ba?, Nilalamig na ako oh. ” Sabi ko sa kanya sabay pakita sa itsura ko, at saka ko lang na realize na mali ang ginawa ko dahil nakatingin uli sya sa katawan ko at saka napa lunok ng ilang beses bago nya ako nginitian ng parang demonyo. “ Hehehe–di ba sabi mo kanina nilalamig ka na?. ” Sabi nya sa akin at kinilabutan naman ako sa narinig ko kaya agad akong umatras. “ H-hindi na pala ako nilalamig. Sige enjoy mo lang ang maligo kahit magdamag pa wag mo akong isipin. ” Sabi ko sa kanya at saka handa na akong umalis pero masyado syang mabilis. Kaya bago pa ako maka alis nahawakan nya na ang kamay ko. Kaya nabitawan ko ang damit na hawak ko at hinila nya ako papasok sa loob ng banyo. At saka sinandal sa pader ng banyo. Sobrang lapit nya sa akin ay hindi ako maka hinga dahil iilang pulgada na lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko. Hindi ko alam pero kusang bumabalik sa utak ko ang alaala nung hinalikan nya ako bigla. Napatingin ako sa labi nya na sing pala din ng sakin,at Ewan pero bigla na lang akong napa lunok, nanunyo ang lalamunan ko. “ A-Ano bang ginagawa mo?.” Nauutal kong sabi sa kanya. ngunit ngumiti lang sya bago mag salita. “ Sabi mo nilalamig ka na , eh di sabay na lang tayong maligo. ” Pilyo nyang sabi kaya doon palang ay tinulak ko na sya ng mahina sapat na para lumayo sya sa akin at makahinga ako ng maayos dahil parang mawawalan ako ng hininga sa ginawa nya. “ Baliw ka ba?—Ay hindi baliw ka talaga. Bakit Nlnaman ako makikisabay sayo Huh?.” Sabi ko sa kanya at saka ko sya tinignan mula sa mukha nya pababa sa paa nya. Ay lumaki Ang singkit kong mata sa nakita ko, napa mura ako dahil sa nakita ko bakit ang haba? Pilipino pa naman sya hindi ba?, O baka may lahi din sya kaya ganoon kalaki. “Oy, ayos ka lang? Ikaw ata ang baliw sa atin. natutulala ka na lang bigla bigla.” Sabi nya sabay lapit sa akin. “ Putek! Wag kang lalapit sa akin. Kung hindi masasapak na talaga kitang manyak ka.” Inis kong sabi sa kanya. Itong baliw na to bakit sya nakahubadhubad na naliligo.I mean as in wala syang tinirang saplot sa katawan nya. “ Bakit na naman ako manyak?.Hindi nga kita inaano eh, saka kung may manyak man dito ikaw yun.kanina kapa naka tingin sa alaga ko, malaki kasi di ba?.” Mapangasar nyang sabi at hindi ko alam kung namumula ako ngayon, pero putek nag-iinit ang buong mukha ko hindi ko alam kung dahil sa inis o galit o hiya. Ewan basta ang ginawa ko lang ay umalis na ako sa loob ng banyo at baka kung ano pang gawin ng taong iyon sa akin. “ Oh kuya? Kanina pa kita hinahanap nandyan ka lang pala,at anong ginagawa mo dyan sa labas ng banyo? Di ba nandyan yung lalake na nag hatid sa iyo kanina wag mong sabihin na naninilip ka?.” Sabi sa akin ng kapatid ko. Kaya agad akong lumapit sa kanya at saka binatukan sya. “ Sira ulo kang bata ka, bakit ko naman gagawin yun. Kung anong meron sya meron din ako.” Sabi ko sa kanya. “ Sorry na kuya ,Kasi yung mukha mo kanina parang mukha ng nahuli na namboboso eh.” Sabi nya sa akin. Kaya ba-batukan ko na sana uli sya ng bigla syang tumakbo papunta sa kusina at saka sabay sigaw na. “ Paki bilisan nyo dyan kuya at ng makakain na tayo.” Sabi nya at saka narinig ko ang pag click ng pinto ng banyo at nakita ko si Jahleel na naka bihis na at saka hinihila pababa ang damit nya. “ Gumaganti ka ba? Bakit wala ka man lang underwear na binigay sa akin, saka bakit naman boxer lang ang binigay mo alam mo bang—Basta alam mo na yun.” Sabi nya sa akin at napa iling ako bago ko sya nilagpasan at nag tungo sa banyo. “ Wala na akong ibang damit na mag kakasya sayo,at baka pati lahat ng underwear ko punit pag sinuot mo ang laki mo kasi.” Sabi ko sa kanya sabay sara nang pinto ng banyo. ****************************** Heto kami ngayon sa kwarto ko at naghahanda na sa pag tulog. “ Saan ako matutulog ngayon?. ” Tanong ni Jahleel sa akin, Oo dito matutulog ang Takas sa mental na ito, dahil hindi sila kasya sa kwarto ni Donny. “ Malamang sa sahig ka.” Sabi ko sa kanya. “ Pero bisita ako. Hindi mo ba alam ang salitang hospitality?.” Tanong nya sa akin. “ Alam ko pero sorry ha?, Wala ako nun. ” Sabi ko sa kanya at saka hihiga na sana ako ng bigla syang humiga sa higaan ko. “ Putek umalis ka dyan, Kung ayaw mong masipa. ” Banta ko sa kanya pero ang takas sa mental na to nag bingibingian lang. “ Umalis ka na dyan!.” Inis kong sabi sa kanya at saka sinipa ko sya gamit ang kaliwa kong paa, pero nagulat ako ng bigla nyang hinawakan ito at napunta kami sa maling posisyo. Naka patong sya sa akin habang ang isa kong paa ay naka taas at ang isa ay naka lagay sa hita nya at halos mag kalapit na ang mukha namin sa lapit nya. Pero mas nawindang ako ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. “ Kuya bakit ka sumisiga–Owww.” Biglang sabi ng kapatid ko na si Donny. “ Sira ulo kang Bata ka!, Mali ang iniisip mo!.” Sabi ko sa kanya pero,ang sira ulo kong kapatid ay ngumisi lang sa akin. “ Sorry mukhang na abala ko pa kayo,pero kuya paalala ko sayo may pasok ka pa bukas,wag masyado baka hindi ka makalakad bukas, saka next time mag lock kayo ng pinto para hindi kayo ma istorbo.” Sabi nya sabay sara ng pinto. Pag kasara nya ay sinipa ko sa tyan si Jahleel, Kaya nakawala ako sa pag kakahawak nya at saka ko sya pinag hahampas ng unan. Ano na lang ang sasabihin ng kapatid ko sa akin sa nakita nya, putek! Talaga eh kasalanan ito ng takas na Lalake na ito!. Para mawala ang inis ko sa lalakeng nasa harapan ko na ngayon ay naka ngisi at mukhang nasisiyahan sa pinagsasabi ng kapatid ko ay sinuntok ko sya ng malakas. Kaya ang kinalabasan knocked out sya at napa ngisi na lang ako sa ginawa ko buti nga sayo. Wakas Ng Pangatlong Bahagi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD