Dawnyel POV
“ Magandang umaga po ”
Magalang at masaya kong sabi pag pasok ko sa Milktea Shop,ng Takas sa mental na lalake at agad kong nakita. Ang isang Babae na maganda,maputi katulad ko at balingkinitan ang kanyang tawanan, pero halata mong mag ka edad lang sila ng lalakeng takas sa mental.
“ Oh?,Ang aga mo naman ngayon?. Hindi ba mamayang Alas-sigko pa ng hapon ang oras ng labas mo?”Tanong nito,
Ito ang unang araw ko sa trabaho kaya minabuti kong pumasok ng maaga, dahil wala naman akong pasok sa huli kong klase.
“ Ah, Wala po kasi akong klase ngayon. Kaya naisipan ko na lang na maaga akong pumasok para mahabahaba pa po, Ang oras ko dito at para matutunan ko Lahat ng mga gagawin ko.” Masaya kong sabi sa kanya.
“ Ganoon ba?, Kung ganoon magsimula na tayo pero bago iyon mag papakilala pa pala ako, Denise Saldo at your service at wag mo din akong i-po nakakatanda,Namang pakinggan labing-dalawang taong-gulang palang ako. Pero Ate na lang ang itawag mo sakin, tutal wala naman akong kapatid na lalake. ” Masaya nyang, Sabi sa akin sabay ngiti kaya napa ngiti din ako.
“ Ako naman pala si Dawnyel David Alvaro Twenty years old. ” Masaya ko namang sabi sa kanya.
“ So,Tara na ituturo ko na ang gagawin mo.”
Sabi ni Ate,Kaya naman tumango ako at sumunod sa kanya.Simple lang ang gagawin ko, ako lang naman ang taga serve,taga linis ng table, at pag medyo konti lang ang tao ako narin ang mag lilinis sa sahig at bintana.
Madali lang naman ito dahil sa isang building lang ako ang mag lilinis.Hindi katulad sa Campus na dalawang building ang nililinisan namin Ng Janitor doon.
Bibigyan nya din ako ng uniform, isang puting panloob na pinatungan ng apron na kulay, baby pink, at pati ang design ng sumbrelo nito ay may tenga ng kuneho at kulay pink din ito.
At sa totoo nga nakakamangha ang kulay ng buong building, dahil kulay pink lahat.Kaya nung una akala ko babae ang may-ari nito pero dun ako nag kamali at dahil, hindi ko din matanggap na magugustuhan ng isang lalake ang pambabaeng kulay na ito. Pero sa nakita ko at napansin ko sa Boss ko?, Hindi malayong magustuhan nya ang ganitong kulay dahil isa syang isip bata at baliw na takas sa mental.
Ngayong araw din na ito, nag simula ang unang-araw ko. Maraming tao ang pumupunta dito marahil ay masarap nga ang Milktea nila dito, sa una kong sweldo siguro–o pag naka luwag-luwag ako sabay kaming pupunta dito ng kapatid ko para uminom nang Milktea.
Hanggang alas-siete lang ng gabi ang trabaho ko, dahil may pasok pa ako kinabukasan yun ang sabi ni Teacher Gil sa akin, at pinag bantaan nya din si Jahleel na wag na wag akong pag overtime-min dahil estudyante pa ako.
At um-Oo na lang din ang Boss kong takas sa mental.
Halos wala ng tao sa loob ng Milktea shop. Kaya nag lilinis na ako ng buong paligid at, maya maya ay a-ayusin ko na rin ang mga upuan.
“ Sya nga pala Dawnyel, paki baliktad na nga iyong sign board natin.Gabi na di
in at ilang oras na lang mag se-seven na kaya mag sara na tayo ” Sabi ni Ate habang nag bilang ng kinita ngayong araw.
Sya na kasi ang taga gawa ng Milktea at cashier ng Shop dahil da-dalawa lang naman kaming nagtratrabaho dito.
“ Sya nga pala Ate curious lang ako,talagang ganun ba talaga ang ugali ng Boss natin? ”
Tanong ko sa kanya habang papalapit sa kanya sa Counter.
“ Sinong Boss natin?.” Sabi ni Ate.
“ Edi iyong taka–I mean si Jahleel
” Sabi ko uli sa kanya.
“ Ahhh sya ba?, Oo ganoon talaga sya actually nung bata sya na akasidente sila ng Mama nya, at sa aksidente na iyon mamatay ang Mama nya kaya Papa nya na lang ang nagpalaki sa kanya,at dahil sa trauma siguro kaya ganoon na ang ugali nya. Ang weird nya din minsan saka minsan isip bata at minsan naman matino mo syang makakausap pag seryoso sya. ” Sabi ni Ate sa akin.
At mukhang pareho lang pala kaming, Wala ng Mama pero buti pa sya may Papa pa syang kasama ngayon pero ako? Wala na, kapatid na lang ang meron ako, Buti at close at mabait ang kapatid ko. Mana sa kabaitan ko.
“ Ahhh, Kaya pala.ngayon mas naintindihan ko na.”
Sabi ko sa kanya ng biglang timunog ang chime ng shop, Kaya tumingin kami ni Ate.
“ Sarado na po kami Sir bumalik na lang po kayo bukas.” Nakangiti kong sabi sa isang lalake na singkit mas matangkad sa akin at maputi rin katulad ko,at halata sa pananamit nya na may kaya sya sa buhay.
“ Hindi ba pwedeng tindahan nyo ako kahit isang Milktea lang?.” Sabi nito sa amin at tumingin naman ako kay Ate. Umiling ito para sabihing hindi na,pero tinignan ko uli ang lalake na halata namang puyat at saka pagod.
“ Ate baka naman pwedeng kahit isa lang?,Tutal wala naman na tayong gagawin mag tataas na lang ako ng upuan saka mukhang pagod na pagod sya galing siguro sa trabaho. ” Malambing kong sabi.
Dahil minsan kasi pag pagod ako, Kape lang mawawala lahat pagod ko. Baka naman Milktea ang comfort nya kaya pinilit ko si Ate at pumayag din naman sya.
Agad naman na nag order ng isang Coffee Caramel ang lalake at sinabing wala asukal.
Gumawa si Ate at pag katapos ay inayos na ang mga gamit at nag paalam na mag papalit lang sya ng damit,at tumango na lang ako sa kanya at sinabihan nya ako na bantayan ko daw iyong customer namin.
Inilapag ko ang order ng lalake sa harapan nya sabay sabing.
“ Enjoy your Milktea po, Sir.”
“ Thank you.” Sabi nya at ngumiti at dahil doon ay nawala na ang kanyang Mata, Dahil sa sobrang singkit ng mata nya.
Tumango lang ako at medyo lumayo ako sa kanya para naman hindi sya mailang.
Bago nya inumin ang Milktea nya at tumingin muna sya sakin at ngumiti uli at saka ito humigop.
Pag kalipas ng ilang minuto ay tumayo na ito kahit na kalahati palang mg Milktea ang naiinom nya.
Binayaran naman na nya kanina, Ang order nya bago gumawa si Ate.
“ Mauna na ako, Salamat pala sa pag kumbinsi sa kasama mo na gawan pa ako ng isang Milktea, Hindi kasi ako makatulog ng maayos pag hindi ako nakakainom nito, sarado na lahat ng Milktea shop kanina buti na lang nakita kong bukas ang ilaw dito salamat pala–”
“David” Sabi ko sa kanya.
Sabi lasi nila di ba?, don't talk to strangers tapos kahit magaan ang loob ko sa kanya siguro naman mabuti na iyong second name ko ang alam nya.
“ Ahhh,David .Cooper nga pala nice to meet you,David at salamat. siguro simula bukas dito na ako mag papabili ng Milktea.” Nakangiti nyang sabi at natuwa naman ako dahil mukhang nakakuha pa ako ng regular customer.
“ Naku talaga? Salamat Kung ganoon.” Sabi ko sakanya.
Nag paalam na syang mauna na at kumaway pa ito bago may isang puting sasakyan na huminto sa tapat nya, sumakay sya dito at ngumiti ito bago umandar ang sasakyan at nawala sa paningin ko.
Papasok na sana ako sa loob para mag ayos, ng mamataan ko ang isang pamilyar na puting kotse.
Ito ang sasakyan ng takas sa mental kong boss ah, anong ginagawa nya dito ng ganitong oras, Ang sabi sa akin ni Ate kanina. Hindi daw pupunta dito si Jahleel dahil busy ito sa ibang bagay.Hindi mo naman masisi ang isang anak mayaman.
Huminto ito sa harapan ng Shop. Maya-maya ay lumabas ito at halatang nakauwi na ito sa bahay nila, at mukhang din nag mamadali syang papunta dito.
Bakit ko nasabi? Dahil naka suot lang sya ng isang itim na T-shirt,at isang plain short na mukhang pambahay nga lang nya.
Lumapit ito sa akin, at binigyan ko lang sya ng walang emosyong na expresyon.
At dahil Boss ko sya dapat maging magalang ako.
“ Boss magandang gabi po, bakit po kayo nandito ng ganitong oras?.” Magalang kong tanong sabay ngiti.
Akala ko makikita ko iyong seryoso nyang side,na sinasabi ni Ate kanina pero mukhang hindi ko na iyon makikita.
“Yung totoo estudyante ka ba talaga? Natural Milktea Shop ko ito! Kaya kahit anong oras pupunta ako dito.” Sabi nya at talagang binigyan nya pa ng diin ang salitang ko.
Ang ngiti kanina sa labi ko at isa mo na ang maganda kong mood,ay napalitan ng pagkairita dahil sa sinabi nya.
“Alam mo?, Wala ka na talagang pag-asang tumino. Takas ka talaga sa ?mental dyan ka na nga, Wala kang kwentang kausap. ” Sabi ko sa kanya at akmang aalis na ako Ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.
Kaya napatingin ako sa kamay kong hawak-hawak nya ngayon, at tumingin ako sa kanya.Kaya binitawan nya ito at hinarap ko uli sya.
“ Dalian mong maglinis sa loob at ihahatid na kita sa bahay nyo, at wag kang mag assume na may pake ako sayo dahil utos lang ito ni Tito at ayaw kong mapagalitan.” Masungit nyang sabi at saka inirapan nya ako bago umalis at nag tungo sa loob ng kotse nya.
At napa iling na lang ako habang pumasok ako sa loob ng shop.
“ Oh?, Di Jahleel iyon?. ano naman daw ginagawa nya dito?.”Tanong ni Ate sa akin.
“ Ah, Ate sabi daw kasi ni Teacher Gil ,ihatid ako ni Boss kaya sya nandito ayaw ko sana pero kilala mo naman di Teacher Gil mapilit.” Sabi ko na lang sa kanya habang nag tataas ng mga upuan sa ibabaw ng lamesa.
Pagkalipas ng ilang minuto ay tapos ko na lahat ng gawain ko,at mag papalit na lamang ako ng damit ko.
“ Naku, halos lagpas Alas-siete na Dawnyel baka malate ka bukas. ” Sabi ni Ate sa akin.
“ Naku ate,hindi po iyan maaga naman akong nagigising sa umaga. Kaya kahit gabihin ako ay okey lang, saka Ate kung may pupuntahan ka pa, Mauna kana at ako na mamaya ang magsasara ng Shop dahil mag papalit pa ako ng damit ko. ” Sabi ko sa kanya
Noong una ayaw nyang pumayag pero dahil makulit ako ay pumayag din sya sa huli,binigay nya sa akin ang susi bago lumabas, nakita ko pa syang nakipag usap kay Jahleel at mukhang sinabi nitong mag papalit na lang ako ng damit.
Kaya naman ay agad akong pumunta sa hallway papunta sa restroom. pag pasok ko ay hindi ko na ni-lock dahil wala naman ng ibang tao sa loob,tinanggal ko ang apron na naka sabit sa akin pagkatapos ay isununod ko naman ang puting T-shirt ko. Kaya naman nakahubad na ang kalahating bahagi ng katawan ko.
Pumunta ako sa sink at saka nag hilamos muna bago ko mapag pasyahan na kunin ang damit ko sa loob ng locker ko, Oo may locker dito tutal mayaman naman yung may-Ari nito at saka da-dalawa lang naman kaming empleyado dito.
Tinanggal ko na rin ang pantalon ko, Kaya isang maikling boxer na lang ang natitira kong saplot. habang kinukuha ko ang damit ko sa loob ng locker ay nagulat ako sa biglang nagsalita.
“ Ano ba iyan ang tagal tagal mo naman!, para kang babaeng gumalaw gusto mo bang ako na mismo ang mag palit ng damit mo para bili—”
Napahinto sya pagsasalita habang naka tingin sa akin.
Mula sa ulo ko pababa sa paa ko ang pag tingin nya.
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba, O nakita ko syang lumunok kanina.
“ Pasensya na po,dahil naghilamos pa ako eto na nga at mag papalit na.” Sabi ko sa kanya sabay suot ng isang maong na short at saka isang pulang T- shirt.
Sinara ko ang locker ko bago tumingin sa kanya at tulala lang sya na parang tinuklaw ng ahas.
“ Oh? Wag mong sabihin na Statue ka na din ngayon at hindi na yakas sa Mental?. ” Tanong ko sa kanya at naririnig kong bumubulong ito ngunit hindi ko naririnig.
“ May sinasabi ka ba, Takas sa mental kong Boss?.”
Sabi ko sa kanya habang nakangiti ako ng mapang-asar pero akala ko nag wagi akong asarin sya pero mukhang hindi.
“ Ang Hot mo.”
Tatlong salita ang napakunot ng noo ko at kung alam ko lang sana na ganito ang mangyayari sanapala ni-lock ko na lang iyong pinto kanina.
Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.
Basta namalayan ko na lang na malapit sya sa akin at nakapat ang labi nya sa labi ko.
Wakas Ng Pangalawang Bahagi