Dawnyel POV
“ Mag makilala kayong dalawa? ”
Tanong ni Teacher Gil sa Amin.
“ Hindi po ”
“ Oo ”
Sabay uli naming sabi,Napa tingin na naman ako sa kanya ng masama, ganoon din sya sakin, gaano ba ako kamalas?.
“ Teka-teka, Isa-Isa lang, mahina ang kalaban, at saka paano kayo nag kakilalang dalawa? ”
Tanong uli ni Teacher Gil at magsasalita palang sana ako ngunit , inunahan ako ng lalakeng takas sa Mental.
“ Tito kasi, habang papunta ako dito. Biglang may tatanga tangang tumawid sa daan na akala nya superhero sya na kamuntik nang nagasgasan yung kotse ko, Buti na lang at walang sira iyong baby ko,
” Naku kung hindi?,Hindi ko alam ang gagawin ko Tito, at sya din ang taong nagsabi sa akin na takas ako sa Mental, sa gwapo kong ito takas ako Sa Mental mukha ba akong baliw sa itsura ko huh? ” OA na sabi nitong Lalake.
“ Teka ka lang Jahleel huh?,Ikaw Naman ngayon ang magsalita Dawnyel naguguluhan ako sa sinabi ng pamangkin ko. ”
Sabi ni Teacher Gil sa akin, Jahleel pala ang pangalan ng taong ito?.
“ Kasi nga po Teacher Gil patawid na po ako ng kalsada, Wala naman po kasing masyadong sasakyan kanina, pero ng malapit na akong makatawid bigla na lang may sumulpot na sasakyan, at kamuntik na akong nabangga, at imbes na tulungan ako sinisi nya lang ako,
“ Baka daw nagas-gasan yung sasakyan nya, at sinabi nya pa na wala akong pambayad. Kasi estudyante palang ako at Kinakausap nya rin po iyong sasakyan nya hindi naman po nag sasalita iyon ” Naka tingin ako ng masama kay Jahleel at ganun din sya sakin parang may namumuong invisible na kuryente sa pagitan ng mga mata namin.
“ Tama na iyang tinginan nyong dalawa ”
Malumanay na Sabi ni Teacher Gil sa Amin.
Inirapan na lang ako ni Jahleel, tsk parang bading.
“ So...sa narinig ko ngayon ay tatanungin kita Jahleel, ta-tanggapin mo ba?,Si Dawnyel sa trabaho?. ” Sabi ni Teacher Gil.
Napa buntong hininga na lang ako dahil, alam ko kung anong sasabihin nya.
“ Aba!, Tito tinatanong pa ba iyan? Syempre ayoko! Hindi ako tumatanggap ng taong masama ang ugali, ” Masungit nitong sabi.
Nahiya naman ako sa kanya ang bait, nya sobra.
“ Mas lalong ako ayokong maging Boss ang katulad mo.” Sabi ko naman sa kanya.
“ Tama na iyang away nyong dalawa, saka Dawnyel malaking tulong Ito para sa iyo, bakit a-ayawan mo? ” Sabi ni Teacher Gil.
Alam ko iyon at saka naalala ko na sya mismo ang nag pasok sa akin dito nakakahiya kung hindi ako papayag sayang din ito.
“ Pero kahit pumayag sya Tito, Hindi ko talaga sya tatanggapin dito ” Masama ang tingin nito sa akin.
Hindi na ako nakipag sukatan pa ako ng tingin, Sabi ng Mama ko noong nabubuhay pa sya, dapat kung sino ang nakakaunawa,sya na lang ang umunawa, lalo na kung hindi marunong magpakumbaba ang kaharap mo.
Ngunit maya-maya ay bigla na lang sya nag sisigaw sa sakit.
Gusto kong matawa nang makita ko si Teacher Gil na hawak hawak ang tainga ni Jahleel.
“ Aray Tito masakit Po Aray!, ” Reklamo nya habang namimilipit sa sakit.
“ Ikaw na bata ka, Hindi ka na nag babago, kanina pa kita gustong pingutin pero nahihiya lang ako sa harapan ni Dawnyel, pero sobra na yang kasungitan mong bata ka kamuntik mo na syang mapatay,Kaya sa ayaw at gusto mo tatanggapin mo sya dahil kung hindi,isusumbong kita sa Papa mo! ”
Banta ni Teacher Gil at saka binitawan nito ang tainga nya na namumula na.
“ Tito, nag bibiro lang ako tatanggapin ko naman talaga sya, Kayo naman po di na kayo mabiro ”
Sabi ni Jahleel na parang batang nag tatampo sa kanyang Tito, at ngayon ko lang uli narinig ang maton na boses ni Teacher Gil.
“ Ayan!,Mukhang wala ng problema at dahil halos hapunan na, siguro kumain na muna tayo sa restaurant ng Papa mo Jahleel,” Masayang sabi ni Teacher Gil at bumalik na ang dati nitong boses,Hindi na maton katulad ng kanina.
“ Sabagay Tito may point ka, Tara na po at ipapasara ko na lang kay Denise, mamaya itong shop"
Sabi ni Jahleel na parang naging maamong tupa sa harapan nang Tito nya, mukhang takot itong masumbong sa Papa nya.
” Kung ganoon po Teacher Gil, Mauna na po ako, marahil kanina pa ako hinihintay ng kapatid ko “ Sabi ko sa kanya at tinignan nya ako ng may nagtatakhang mukha.
“ Dawnyel bakit naman,di ba? Sabi ko mag hahapunan pa tayong tatlo?, saka don't worry it's my treat at bawal Ang tumanggi. ” Sabi sa akin ni Teacher Gil at apa buntong hininga na lang ako, dahil hindi ako makakatanggi sa kanya.
“ Teka!, Tito Hindi ba tayong dalawa lang ang pupunta sa Restaurant ni Papa?, Hindi pwede ang feeling superhero doon, ” Sabi ni Jahleel sa akin at tinignan naman nya ako ng masama sabay inirapan nito.
Bading ba talaga sya?, pangalawang bese nya nang irap iyan sa akin,Kung wala lang si Teacher Gil dito kanina ko pa sya sinapak.
“ Aray! Tito masakit po Aray! ”
Sigaw na naman nya, dahil sa hawak na naman ni Teacher Gil ang kanyang tainga .
Napa ngiti na lang ako dahil napa galitan na naman ito.
Sa huli, Wala na akong nagawa Kung hindi ang sumama sa kanila.
****************************
“ Pa-order ng: Crispy pata, Steak,Salad,Tuna,Shushi, Chicken fillet, and Adobong baboy, saka paki samahan na don ng Fresh Shake at isang Fresh Juice ”.
Tulala lang ako habang nakatingin sa menu kung saan naka lagay lahat ng in-order ng lalakeng takas sa mental,dahil bawat putahe na sinasabi nya ay sobrang mahal.
“ So–Tito mag order na kayo” Sabi nya kay Teacher Gil.
" T-Teka ibig sabihin sa iyo lang lahat ng sinabi mo kanina?"
Takhang tanong ko, Kasi sobrang dami nun at saka iyong in-order nya pwede nang kainin ng dalawang pamilya,pero para sa kanya lang iyon? Ang takaw naman nya.
“ Naku Dawnyel, don't mind him ganyan talaga kumain iyan kahit kumain iyan nang kumain, Hindi sya tumataba ” Sabi ni Teacher Gil at pumili na din ito ng putahe.
Ang hinihintay na lang nila ay ang mag order ako, pero syempre hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko, hindi dahil sa mahirap mamili dahil ,masarap lahat ng putahe dito.Ngunit mahal ang bawat isa sa mga putahe nila. Parang allowance ko na ng one week yung isang putahe palang,nag hihinayang ako sa pera na mawawala lay Teacher Gil.
“ Teacher Gil pwedeng tubig na Lang ako? Kasi parang Hindi ko ata kanyang lunukin Ang pag Kain dito sa sobrang Mahal. ” Sabi ko sa kanya na syang kinatawa nya at sya namang pag sabat bigla ng lalakeng takas sa Mental.
“ Aba? May hiya ka pala? Kanina lang parang gusto mo na akong suntukin tapos ngayon mahihiya ka pa? Magaling ka sa acting, di ikaw na ang Arista, eto bibigyan kita ng palakpak ” Sabi ni Jahleel sakin at pinalakpakan nya ako.
“ Tama na nga yang pang aasar mo Jahleel, Kung ayaw mong umorder Dawnyel,okey ako na lang mag order pa sa iyo ”
Sabi ni Teacher Gil at akmang pipigilan ko na syang mag salita, ngunit huli na ang lahat. Nasabi nya na ang order nya at umalis na ang waiter.
At pag katapos nun ay nag kwentuhan silang mag Tito habang ako? Wala saling-pusa lang ako sa kwentuhan nilang dalawa, Kaya tahimik lang akong nakikinig sa kanina.
Pag katapos naming kumain na hindi ko alam kung kain talaga ng ginawa ko,dahil halos hindi ko magalaw ang pag kain na in-order ni Teacher Gil sa akin. Kaya nga take out na lang namin ito para may makain ang kapatid ko.
“ Hay, Gabi na pala at may pasok ka pa bukas Dawnyel at mukhang wala ng sasakyan sa ganitong oras ”
Sabi ni Teacher Gil at ngumiti Lang ako sa kanya.
“ Okey lang po Teacher Gil,siguro meron pa po iyan,Mauna na po ako. ”
Sabi ko sa kanya at akmang aalis na ako nang pinigilan nya ako at sabay sabing.
“ Teka lang Dawnyel, ipapahatid na kita kay Jahleel ,para naman maka bawi sya sa kamuntik nya ng pagkabangga sa Iyo kanina. Pag pasensya mo na sya medyo kasi may sayad iyang pamangkin ko na iyan ”
Sabi ni Teacher Gil at natawa ako sa sinabi nya pero agad naman akong tumutol dahil ayokong makasama pa ang lalakeng takas sa mental.
“ Pero Teacher Gil,okey lang po ako malapit lang naman yung bahay sa school. ” Sabi ko sa kanya, Nakakahiya na at ayokong makipagbangayan sa lalakeng takas sa mental.
“ Whether you like it or not, ihahatid ka niJahleel ” Sabi nya at kinausap ang lalakeng takas sa Mental.
“ Ho?,Tito naman gabi na pagod ako,Kaya hindi ko na sya mahatid sa bahay nila. Saka wala sa way natin ang pa-puntang bahay nila, ” Reklamong sabi nya, at sabay tingin sakin Ng masama.
“ Aray! Tito!, ” Malakas nyang daing nang piningot na naman sya nito.
“ Isa ka pa, ano sasawayin mo din ako? Sabihin mo lang at pati sa kabila mong tainga pi-pingutin ko din ”
Banta ni Teacher Gil Kay Jahleel at halos mapangiwi naman ako pag na imagine ko, na sabay na pinipingot ang dalawa mong tainga sobrang–aray sakit nun.
“ Oo na Tito, wag ka nang manakit, ” Sabi ni Jahleel at saka bumusangot.
Napailing na lang ako habang naka ngiti. Ang laki nyang tao pero kung ngumuso parang isang maliit na bata,na pinagalitan at ayaw bilhan ng Candy.
“ Saan ka ba nakatira? at walang kailaw ilaw itong tinatahak natin,Wala man lang Street light?,O baka naman nililigaw mo na ako para ipa ransom sa papa ko, oh di kaya may balak ka sa aking ga—.”
“ Pwedeng manahimik ka na lang kung ayaw masabihan ng Takas sa Mental? ”
Sabi ko sa kanya habang naka tingin ako sa labas ng sasakyan,at naka tingin sa taas habang pinag mamasda ko ang mga kumikislap na mga bituin.
“ Okey, Okey hindi na ako mag sasalita nang mga kabaliwan ko okey? ” Sabi nya sa akin ngunit di ko sya tinignan, at tahimik lang akong nagmamasid sa paligid.
Makalipas ang ilang minuto ay nagsalita uli sya.
“ Sya nga pala, Hindi pa kita kilala at di mo pa ako kilala ”
“ Bakit naman kailangan iyon? Hindi naman tayo Close? ” Tanong ko bigla sa kanya at saka tumingin ako sa kanya,at inirapan nya lang ako putek! Isa pa sasapakin ko na ito.
“ Boss mo ako,at biglang Boss kailangan kong malaman ang background ng mga trabahador ko, Malay ko dati ka pa lang: magnanakaw,kidnapper,holdaper,Carnaper o di kaya care taker ” Sabi nya sabay tingin sakin ng mga singkit nyang mata. Pero siningkitan ko din sya at saka ako bago mag salita.
“ I'm Dawnyel David Alvaro 20 years old 3rd year college, at hindi ako mag nanakaw o kidnapper o lahat ng may per na binanggit mo.” Walang gana kong sagot sa kanya,at tumingin ako sa labas uli.
“ Single? ” Biglang tanong nya sakin.
“ Single ” Sagot ko na lang din, dahil busy ako sa pagtingin sa kapaligiran. Kaya hindi ko na alam ang mga sinasabi ko.
“ Oh! Single din?,ako single din,Pano kung tayo na lang kaya?, Para hindi ka na mahirapan mag hanap ng Jowa mo?,Anong say mo?.”
“ Oo na lang ang ingay-ingay mo ”
Sabi ko sa kanya, at tulala parin ako ng mga oras na yun.
“ Sure ka? Talaga Lang huh?.” Tanong uli nito, at mag oo na sana uli ako, pero bigla kong na realize ang sinabi nya.
“ Putek! Anong pinagsasabi mong takas sa mental! ”
At narinig ko na lang ang malakas nyang halakhak pagkatapos nyang makita ang gulat na gulat kong reaksyon.
Wakas Ng Unang Bahagi