PANGLABING-APAT

2150 Words
Donny POV Araw Ng lunes ngayon at Hindi katulad Ng dati pumasok ako Ng malamya. Dahil Hindi ko parin maisip na ganoon Ang mangyayari, Tumawag si Kuya Jahleel sa akin noong nakaraang at inamin nyang may gusto sya Kay Kuya Dawnyel at balak nyang ipag tapat Ito Kaya kailangan nya Ang tulong ko. Dahil narin sa kagustuhan kong makabawi Kay Kuya Dawnyel ay pumayag ako pero hindi ko Alam na ganoon pala Ang mangyayari akala ko ay magiging okey na Ang Lahat at magiging masaya na si Kuya Dawnyel pero biglang sumulpot Ang babaeng Yun at Kung ano ano Ang sinabi Kay Kuya Dawnyel Kaya Ang kinalabasan ay Hindi maganda. Nag lalakad ako papunta sa Dean office Kung nasaan si Teacher Gil . Pag dating ko doon ay nakita ko Si Teacher Gil na naka upo at busy sa mga papeles na binabasa nya. Kumatok muna ako Ng tatlong Beses dahilan upang Napalingon sya sa akin at ngumiti muna ako bago mag salita. " Kamusta Po Teacher Gil pasensya na Po sa abala" Sabi ko sa kanya at ngumiti naman sya. " Naku okey Lang Yun Donny halika pasok" Sabi nya sa akin Kaya pumasok Naman ako at umupo sa sofa. " Ano palang sadya mo rito Donny?" Tanong Ni Teacher Gil sa akin. " Teacher Gil,Pumunta Po ako dito dahil natatakot ako Sa pwedeng gawin Ng babaeng Yun na sumugod nung nakaraan, Teacher Gil masyadong marami na Po Ang naranasan Ni Kuya Dawnyel na sakit at pangaalipusta...Hindi ko Po Kaya na Makita na Naman syang umiiyak...Alam nyo Po ba? Pag kauwi namin sa bahay Ng gabing iyon ay agad syang pumasok sa kwarto nya at sinara Ito at kinandado pa Ang pinto nito At kahit sabihin nya pong okey Lang sya at Wala Lang Yun sa kanya Hindi ako maniniwala dahil Hindi nya tumahan da kakaiyak Ng gabing iyon Ni kumain ay hindi nya nagawa Kaya lubos akong nag aalala para sa kanya Teacher Gil" Sabi ko sa kanya habang naka Yuko. " Donny, wag Kang mag alala kausapin ko si Jamaica mamaya at Sana ay maintindihan nya na sa loob Ng ilang taon marami Ng nag bago at Hindi na katulad Ng dati na inaasahan nya." Medyo malungkot na Sabi ni Teacher Gil. " Sino Po ba Ang Babaeng Yung Teacher Gil? Bakit Po sinabi nya na ikakasal na sila Ni Kuya Jahleel? Ang gulo Lang Po eh tinawagan ako Ni Kuya Jahleel para sorpesahin si Kuya Dawnyel pero bakit ganun? Pati kami na sorpresa sa pag dating Ng babaeng iyon." Tanong ko sa kanya. " Donny...bago mag kakilala Ang Kuya Dawnyel mo at Kuya Jahleel mo dating may kasintahan si Jahleel nun, masaya silang dalawa noon hanggang sa nag pasya silang mag pakasal...pero bago Ang kasal nila nalaman Ni Jahleel na ginagamit Lang sya Ng Dad nya para mapalago pa Ang negosyo nila para makapag patayo sila sa ibang panig Ng mundo ng Restaurant nila at saka nakita Ni Jahleel mismo sa harapan nya Kung paano maki pag halikan sa ibang lalake Ang babaeng papakasalan nya Kaya Hindi na pumayag si Jahleel sa kasal, at Si Jamaica ay umalis Ito papuntang state at Hindi na sya nag paramdam hanggang lumipas Ang dalawang taon at ngayon...ngayon na Naman sya nag paramdam Kung Kailan may may Mahal Ng iba di Jahleel...sa totoo Lang naawa na ako Sa Pamangkin Kong iyon dahil Simula Ng mamatay Ang Mama nya Parang naging kagamitan na Lang Ang Turing sa kanya Ng Dad nya" Malungkot na Sabi ni Teacher Gil at nagulat din Naman ako Sa nalaman ko Kay Kuya Jahleel mas masakit pa rin sa kanya dahil meron pa nga syang Tatay na kinagisnan pero Hindi Naman sya tinuring na anak at ginagamit Lang sya para mapalawak Ang negosyo nila. Napa tingin ako sa relo ko at saka nagulat ako dahil malapit Ng mag umpisa Ang susunod Kong klase ngayon araw na Ito. " Hmmm Teacher Gil Mauna na po ako may klase pa Po ako...salamat Rin Po sa oras nyo" Magalang Kong Sabi sa kanya at nginitian nya Lang ako bago nag salita. " Walang anuman at ako Ng bahalang kumausap Kay Jamaica sa ngayon Ang maganda mong gawin ay iparamdam mo Sa Kuya mo na Hindi sya nag iisa" Sabi naman nito at nag paalam na uli ako at saktong pag aalis ko ay Dali daling may isang estudyante na pumasok sa loob Ng Office Ni Teacher Gil. Kaya Napalingon ako Sa estudyante na pumasok. " Teacher Gil! Dalian nyo Po Kailangan Po Kayo sa Pathway!" Sabi nito at halos hinihingal ba dahil sa pag takbo nya kanina. " Teka Iha huminahon ka muna at bakit? Anong nangyari sa Pathway?" Sabi Ni Teacher Gil. " Teacher Gil Kasi Po nakita ko Po si Dawnyel sinasabunutan Po sya Ng Isang babaeng taga labas nagkakagulo na Po sa Pathway" Sabi nito at halos mamutla Naman ako Ng marinig ko Ang pangalan Ng Kuya ko Kaya walang anu-ano'y ay agad akong tumakbo papunta sa Pathway na sinasabi nung babae kanina Wala na akong paki Alam Kung may klase ako oh Wala Ang mas mahalaga ay Makita ko ang kapatid ko dahil masama Ang kutob ko. Nag nakarating ako Sa pathway ay nakita Kong maraming nag kukumpulan na tao at maraming nakikiososyo . Kaya agad akong tumakbo at sumingit singit sa maraming mga estudyante na nakaharang sa dinadaanan ko. At pag hawi ko sa huling estudyante ay halos manlumo ako Sa nakita Kong itsura Ng kapatid Kong si Kuya Dawnyel. " Kuya Dawnyel!!!!" Napasigaw na lang ko at Napa yakap sa kanya at Napa iyak sa kalunos lunos nyang kalagayan. ****************************** Dawnyel POV Wala ako Sa sarili Kong nag lalakad papunta sa loob Ng Paaralan, Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari Ng gabing iyon. Hindi ko Alam Kung among nararamdaman ko Ng mga oras na iyon, natatakot ako, nagagalit naiinis at nalulungkot. Lalo na Ng marinig Kong sinabi nung babae na yun na ikakasal sila Ni Jahleel Parang binagsakan ako Ng langit at lupa nun. At iniisip ko na Ito na marahil Ang karma sa ginawa Kong desisyon sa buhay ko...Oo Tama sila Malaya tayong mahalin Ang Taong gusto at sinisigaw Ng puso at damdamin natin...pero minsan dahil sa pag mamahal natin na to hindi na natin inaalam Kung anong magiging kapalit nito sa atin katulad Ng nangyari sa akin. Pero kahit anong gawin ko at nangyari na Ang nangyari Wala na akong magagawa. Kaya kahit na masama pa Ang pakiramdam ko ngayon ay pumasok parin ako Sa Paaralan dahil ayoko namang um-absent dahil baka may mga ma-miss akong mga quizzes at mga lecture ay Wala akong pag hihiraman Ng noted dahil Hindi ba? Masama Ang ugali Ng mga kaklase ko Lahat Ng estudyante dito Kaya walang mag papahiram sa akin. Habang nag lalakad ako Sa Pathway papunta sa una Kong klase ay bigla ako Ng Napa hinto dahil sa isang umaalingaw ngaw na boses Ng isang Babae habang sinisigaw Ang pangalan ko. " Oh! Dawnyel! Saan ka Pupunta! Na bading ka!" Sigaw nito sa akin Kaya Lahat Ng nakarinig sa kanya ay Napalingon sa kanya. At ganoon din ako at nagulat ako Ng Makita ko Ang babaeng iyon na nag Sabi na babalikan nya ako wag nyang sabihin nandito sya para ipahiya ako? Para sugurin ako...wag Naman Sana Hindi pa ako okey sa mga nalaman ko. Ng makalapit sya sa akin at nagulat Ang Lahat at halos mabingi ako Sa lakas Ng pag kakasampal nya sa akin. Tinignan ko sya sa Mata gamit Ang walang emosyon Kong mukha, Hindi Tama ba patulan ko sya dahil kahit anong mangyari babae parin sya. " Anong ginawa mo dito? Hindi ka Naman estudyante dito ah" Sabi ko sa kanya . " Aba? Matapang ka palang Bading ka? Ikaw pa tong matapang ikaw na nga tong! Nang agaw Ng Boyfriend ko!...No Mali Ng Fiance ko! Tapos gayan Ang isasagot mo Sa akin? Ganya ba ka ba talaga ka Desperado para makuha Ang Finance ko!?" Sigaw nya sa akin at tumingin ako Sa paligid at nakikita Kong marami ng nakikinig sa Amin at Alam Kong pinagtatawanan na Nila ako ngayon. Akmang sasagot na uli ako pero isang malutong na sampal na Naman Ang dumapo sa pisngi ko. " Para sayo Yan para magising ka sa katotohanan na walang mag mamahal sayo at walang mag mamahal sa katulad mong bading dahil Isa Kang peste! Na sumisira sa relasyon namin Ni Jahleel! Wala Kang lugar dito sa mundo natin! Dahil Isa Kang salot! At walang tatanggap sayo! Walang mag mamahal sayo Kasi bading ka! Bading ka!!!!" Inis nya sigaw sa akin at sinampal nya uli ako Ng dalawang beses. Tinignan ko sya kahit na naiiyak na ako at pinipigilan Kong pumatak Ang mga luha ko. " At aba? May gana ka pang tignan ako Ng ganyan? Alam mo? hanggang nakikita ko Ang mukha mo Hindi mawawala Ang galit ko sayo Kasi mang-aagaw ka!" Sigaw nya uli sa akin sabay tulak nito Kaya Napa upo ako Sa sahig. " Unang una...Wala akong inaagaw sayo...dahil walang nabanggit si Jahleel na may kasintahan sya" Sabi ko Naman at tumayo ako kahit na masakit parin Ang pisngi ko sa sampal nya. Kung meron bagay man Ang Hindi ko pinag sisihan? Yun ay ang ipaglaban ko Ang pag ibig ko para Kay Jahleel dahil nangyari na Ang nangyari Ang kailangan at mabuti Kong gawin ngayon ay panindigan Ito...Kung may natutunan man ako Sa pag mamahal ko sa kanya ay Yun ay dapat panindigan ko na Lahat. " Huh! Ang kapal Ng mukha mong sabihin sa akin Yan! Tsk tsk Hindi nya sinabi sayo Kasi Hindi ka nya minahal dahil ginamit ka Lang nya pansamantala! Kaya wag kang mag mayabag dahil walang Wala ka sa akin! Dahil ako Kaya Kong bigyan sya Ng pamilyang pinaplano nya samantalang ikaw Hindi! Kaya kahit kailan hinding Hindi sya magiging masaya sayo Kaya Kung ako sayo? lumayo kana sa kanya...at Kung mas mabuti na Rin na mag resign ka na sa Milktea shop nya dahil nakaka abala ka Lang sa gaganapin namin kasal wag ka Ng umasa" Sabi nya pa sa akin at Parang sinaksak ako Ng katotohanan na kahit na anong gawin ko ay Hindi ko sya mabibigyan Ng pamilyang pinaplano nya dahil lalake ako at kahit Kailan Hindi ako mag kakaanak. " Pero kahit ikaw Ang pakasalan nya ako Ang Mahal nya... pasensya na pero kailangan Kong sabihin na ako na Ang Mahal nya ngayon at Hindi na ikaw...Sana maintindihan mo Yun" Malumanay parin na Sabi ko kahit Ang totoo ay nasasaktan na ko sa mga sinasabi nya mas masakit pa Ang mga sinasabi nya kaysa sa mga ginawang pag sampal at pag papahiya sa akin ngayon. Nakita Kong galit na galit sya at nanliliksik Ang mga Mata nya at biglang may dalawang lalake na naka suot Ng itim na kasuotan tuxedo at itim na pantalon mukhang mga bodyguard sila Ng Babaeng Ito. " Ginagalit mo talaga akong Bading ka, Wala ka Rin namang magagawa Kung mag papakasal kami ni Jahleel...pero ngayon sisiguraduhin kong hinding Hindi ka makakapanggulo sa Amin dahil sisiguraduhin Kong malulumpo ka ngayon....sige! Bugbugin nyo Yan!" Sigaw nya sa dalawang Bodyguard nya Kaya naging alerto ako. Maraming natakot at nanonood parin sa amin marami Ng sumisigaw na tumawag na Ng mga teacher at awatin kami at may nag sasabi Naman na ituloy Lang Ang pag bugbog sa akin. Maya Maya ay biglang hinawakan ako Ng Isa Ang dalawa Kong kamay nag pupumiglas ako para makawala. " Bitawan mo ako!" Sigaw ko at Ng lalapit sa Akin Ang Isa pa ay sinapa ko Ito Ng malakas pero tinulak ako Ng lalake na nakahawak sa likod ko Kaya sumubsob ako Sa sahig at dahil sa sobrang sakit ay Hindi kaagad ako naka tayo at nakita Ko Kung paano inapakan Ng babaeng iyon Ang likod ko bago ako nginisian. " Alam mo? Kung sinabi mo na Lang Sana na iiwan mo na si Jahleel at lalayuan sya baka Hindi na mangyayari sayo to" Sabi nya sa akin at saka tinanggal nya Ang paa nya at nagulat ako Ng sunodsunod akong pinag sisipa Ng dalawang lalakeng bodyguard nya marami Ng naawa sa akin at sumigaw Ng tulong akala ko Hindi natatapos Ang Hindi na sila mag sasama sa pag sipa sa akin hanggang sa tumigil sila at halos Ang sakit na Ng katawan ko at sa tingin ko ay mukha na Ewan Ang itsura ko. Pinipilit Kong minulat Ang Mata ko pero ano mang oras ay mawawalan na ako Ng lakas. Hanggang sa may narinig akong boses. " Kuya Dawnyel!!!!" Sigaw nito at Napa ngiti Naman ako Ng Makita Kong papalapit sa akin si Donny niyakap nya ako at nakita Kong umiiyak na sya. Gusto ko syang patahanin at sabihin na okey Lang ako pero Hindi na Kaya Ng katawan ko at pinikit ko na Ang mga Mata ko at nandilim na Ang paningin ko. Wakas Ng Panglabing-Apat na Bahagi
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD