Dawnyel POV
Dalawang araw pa Ang lumipas pero Ni anino Ni Jahleel at Hindi ko na nakita Hindi na sya pumupunta sa Shop pero Ang Sabi ni Ate ay tumawag sa kanya si Jahleel nung nakaraang at sinasabing may aasikasuhin Lang sya Kaya Hindi muna sya makakapunta dito.
Pero nalungkot ako dahil Hindi sya tumawag sa akin bakit Kay Ate nya pa sasabihin Hindi ba?
Pero iniisip ko Naman bakit ano ba ako Sa kanya? Hindi ba walang kami Kaya Hindi nya na dapat sabihin Kung saan man sya pupunta oh Kung anong gagawin nya.
" Hello!!!!"
Napa lingon ako Sa bumukas na Pinto Ng Shop at nagulat ako at nakita ko si Teacher Gil, bibihira ko na syang Makita sa loob ng Campus dahil masyado na syang busy sa mga meeting at seminar na pinupuntahan nya.
" Good evening Teacher Gil"
Masayang Sabi ko sa kanya.
" Naku! Ngayon na Naman uli tayo nag Kita Dawnyel! Kamusta ka Naman dito?"
Tanong Ni Teacher Gil sa akin at ngumiti Naman ako Sa kanya bago mag salita.
" Okey na Okey Teacher Gil...ano pong order nyo?"
Tanong ko sa kanya.
" Ah isang Caramel Coffee Milktea Ang sa akin"
Sabi ni Teacher Gil at sinabi ko Ito Kay Ate at ginawa nya Naman Ito at pag katapos ay binigay ko Ito Kay Teacher Gil.
" Ito na po Yung Order Nyo Teacher Gil"
Sabi ko sa kanya at ngumiti sya sa akin.
" Sya nga pala Kaya ako pumunta dito dahil may sasabihin ako Sa iyo,pwede ba kitang makausap ngayon?"
Sabi Ni Teacher Gil at lumingon ako Sa paligid at tumingin ako Kay Ate at tumango Lang sya na parang sinasabi na okey Lang.
" Sige Po Teacher Gil"
Sabi ko Naman a kanya at umupo ako sa harapan nya.
" Hmm Teacher Gil ano Po bang sasabihin nyo?"
Magalang Kong Sabi sa kanya.
At Napa butong hininga Naman sya bago mag salita.
" Kamusta Naman Kayo ng Pamangkin ko?"
Sabi Ni Teacher Gil sa akin Kaya Napa kunot Naman ako.
" Okey na okey Naman po"
Sabi ko sa kanya.
" Hindi Yun Ang punto ko Dawnyel, Alam ko kahit Wala ako dito sa loob Ng Shop at Hindi ka nakikita parati Alam ko Ang mga nangyayari dito"
Sabi no Teacher Gil.
" Anong ibig nyong sabihin Teacher Gil? "
Takhang Tanong ko naman sa kanya.
Ngumiti sya sa akin at yumuko at saka tinginan ako Ng seryoso.
" Dawnyel tatanungin Kita... may gusto ka ba Kay Jahleel?"
Tanong nya Ng daretso sa akin Kaya biglang kumabong Ang dibdib ko at Sobrang bilis at lakas Ng t***k Ng puso ko.
" Ah-eh bakit ko Naman Po magugustuhan Ang Pamangkin nyo Alam nyo Naman hindi kami mag kasundo nun at saka pareho Po kaming lalake Kaya wag nyo pong isipin Yun"
Naka ngiti Kong Sabi pero sa loob loob kanina pa ako kinakabahan Ng matindi.
" Hayyyy... Gaya Ng inaasahan ko.. Hindi ka aamin pero Dawnyel, Tandaan mo walang pinipiling kasarian Ang pag ibig Hindi iyon Ang mag didikta Kung Sino Ang magugustuhan mo puso mo Ang pipili Hindi Ang Taong naka paligid sayo Yan Ang dapat ko Lang sabihin sayo"
Sabi nya sa akin sabay ngiti at inom Ng kanyang Milktea.
" Pero Kaya talaga ako pumunta dito Kasi pinapasundo ka Ni Jahleel sa akin gusto ka raw nyang Makita ngayon ano? G ka ba?"
Tanong Ni Teacher Gil sa akin at Napa isip Naman ako Kung sasama ba ako kung Hindi dahil walang kasama si Ate.
" Ah eh Wala po kasing kasama si Ate dito sa Milktea shop pwede Po bang mamayang na Lang pag kasara Ng Shop?"
Tanong ko Naman Kay Teacher Gil.
" Okey Deal hayaan mong maghintay Naman sya kahit saglit"
Sabi Ni Teacher Gil at sabay higop uli sa inumin nya. Kaya ngumiti muna ako bago umalis para aasikasuhin muna Ang mga customer na paparating.
At Gaya Ng dati saktong alas-syete na uli Ng Gabi Ng mag Sara Ang Milktea shop tinulungan ko muna so Ate bago ako sumama Kay Teacher Gil.
" Tara na Dawnyel kanina pa Ang text ni Jahleel naiinip na ata sya"
Sabi Ni Teacher Gil sa akin.
" Ate Mauna na kami Ingat sa pag uwi"
Sabi ko Naman Kay Ate at ngumiti sya sa akin.
" Wag mo akong isipin Dawnyel sige na baka gabihin Kayo sa lakad nyo Ni Tito"
Sabi Ni Ate at nag paalam uli ako Sa kanya bago kami tuluyang pumasok sa Kotse Ni Teacher Gil at umalis papunta Naman kina Jahleel.
At habang nasa daan kami ay kinakabahan ako dahil sa ilang araw Kong Hindi ko sya nakikita gusto ko uli syang sungitan at Kung maaari ay sapakin para mawala Ang inis ko sa kanya sa Hindi pag text man Lang sa akin,pero gaya nga Ng Sabi ko dati walang kami para ipaalam nga Lahat Ang ginagawa nya.
" Hmmm Teacher Gil saan Po ba tayo pupunta?"
Tanong ko Kay Teacher Gil dahil pamilyar ako Sa pupuntahan namin papunta kami sa Mall,Kung Tama Ang hinala ko ay sa likod Ng Mall nandun si Jahleel.
" Mukhang Alam mo Naman Kung saan tayo pupunta Dawnyel Hindi ba?"
Sabi nya sa akin at tumango Naman ako sa kanya.
Hinayaan ko Lang mag maneho si Teacher Gil at saka naka tingin Lang ako sa labas Ng bintana Ng Sasakyan at iniisip ko Kung bakit ako pinapasundo Ni Jahleel at Kay Teacher Gil pa talaga?.
Ganoon ba ka importante Ang sasabihin nya Kaya ngayon Gabi nya pa ako pinatawag? Ang daming pumapasok ba Tanong sa isipan ko pero Wala Rin Naman akong makukuha na sagot mula sa sarili ko.
Napahinto ako Sa pag mumuni Ng biglang nagsalita si Teacher Gil sa tabi ko.
" Okey nandito na tayo Dawnyel Baba ka na"
Sabi Ni Teacher Gil Ng nasa harapan na kami Ng parking lot Ng Mall.
Bumaba ako Sa Kotse at ganoon din Ang ginawa Ni Teacher Gil.
" Tara na! Dawnyel naiinip na si Jahleel...pero bago Ito ay kailangan isuot mo itong piring"
Sabi Ni Teacher Gil Kaya Naman ay nag tataka ako Kung para saan Ang piring na hawak ji Teacher Gil.
"Para saan Po iyan Teacher Gil?"
Tanong ko sa kanya.
" Basta wag Ng maraming Tanong okey?,halika na at isusuot mo na Ito"
Sabi nya at inilagay nya Ang piring sa Mata ko.
Maya Maya ay Wala na akong Makita.
" Teacher Gil saan na tayo pupunta?"
Tanong ko sa kanya.
" Basta hahawakan ko Ang Kamay mo tapos sumunod ka na Lang sa akin"
Sabi nya sa akin at mag sasalita sana ako Ng bigla nya akong hilain at nag lakad na kami na sa tingin ko papunta na kami sa likod Ng Mall pero para saan pa itong piring na to Kung Alam ko Naman na Ang pupuntahan ko Hindi ba? Kahit kailan talaga itong si Jahleel Kung ano ano Ang pinagagawa, Ito talaga Ang masasabi Kong trip Lang nya talaga.
Pag karaan Ng ilang minuto na nag lalakad kami,pinag papasalamat ko na Lang na hindi ako natatalisod oh di Kaya ay nadadapa.
" Okey malapit na tayo, pero mula dito sa kinalalagyan mo mga sampung hakbang pasulong, at pag huminto ka na tanggalin mo Ang piring mo"
Sabi Ni Teacher Gil at mag sasalita sana ako Ng bigla nyang binitawan Ang Kamay ko at hinanap ko sya pero Wala na Hindi ko na makapa si Teacher Gil Kaya Napa buntong hininga na Lang ako.
Sinunod ko Ang sinabi ni Teacher Gil humakbang ako Ng pa Isa Isa.
Hanggang sa naka siyam na akong hakbang at bumuntong hininga ako at saka humakbang ko Ang huling hakbang pero nagulat ako Ng may mabangga ako at nawalan ako Ng balanse.
Pero naramdaman ko Ang mga bisig na sumalo sa akin at pumulupot sa baywang ko.
Gulat na gulat ako pero pamilyar Ang pabango Ng taong Ito.
Kaya dahan dahan Kong tinanggal Ang pagkaka-piring sa aking mga Mata at dahan dahan Kong minulat Ang Mata ko at Halo Halong mga emosyon Ang naramdaman ko, inis,pagtatampo,saya, at pananabik.
Hindi ko Alam naiinis ako at nag tatampo sa kanya dahil Hindi sya nag paramdam man lang, masaya ako dahil nakita ko uli sya at nananbik ako Sa kanya...Oo na hulog na hulog na talaga ako Sa kanya Wala Ng urungan to Kung kailangan Kong harapin Ang mundo para sa aming dalawa gagawin ko dahil Mahal na Mahal ko sya.
" Jahleel"
Banggit ko sa pangalan nya at tuluyan Ng kumawala Ang luha ko na Kanina pa pinipigilan Kong wag tumulo.
Agad ko syang niyakap at Napa hangulgol ako Ng tuluyan, para tuloy akong iyakin na Bata.
" Shhhh Tama na wag ka Ng umiyak pasensya na Hindi Kita tinawagan may ginagawa Kasi ako"
Sabi nya sa Akin Kaya humiwalay ako sa pag kakayakap sa kanya pero patuloy parin akong umiiyak.
" Ang sama mo kahit kailan Jahleel, Kay Ate nag te-text ka pero bakit sa akin Hindi? Alam Kong walang tayo pero naiinis ako pag Wala ka namimiss Kita pag di Kita nakikita nalulungkot ako pag Wala ang presensya mo Jahleel Alam mo ba iyon?"
Tanong ko sa kanya.
At niyakap ko uli sya Ng mahigpit at hinaplos nya Ang likod ko at humiwalay sya sa akin at nagulat ako Ng bigla nya akong hinalikan sa Labi pero Ang kaninang gulat ay napalitan Ng pananabik Kaya pumikit ako at ninamnam Ang bawat sandali na kami ay nag hahalikan.
Maya Maya ay pareho kaming nag hahabol Ng aming mga hininga at pinagdikit namin Ang mga noo namin habang lumalanghap kami Ng hangin.
" Alam kong trip mo Lang Yun Kaya hinalikan mo ako hindi mo naman ako gusto Hindi ba? Pero gusto Kong sabihin sayo na gusto Kita Jahleel, Hindi bilang Boss ko oh kaibigan Gusto Kita dahil Mahal kita, Mahal na Mahal Kita,at okey lang sa akin na kahit na pag katapos nito ay Hindi na tayo mag Kita Kung ayaw mo Sa akin"
Sabi ko sa kanya.
" Sinong nag sabing Trip ko Lang Lahat Ng ginagawa ko sayo Dawnyel? Oo sinasabi kong trip ko Lang iyon dahil baka pag nalaman mo ay Hindi mo na ako papansinin at Hindi ka na lalapit sa akin Kaya ayokong sabihin sayo Ang totoo pero ngayon gusto Kong sabihin na
Mahan na Mahal Kita Dawnyel simula pa nung una, simula pa Lang nung binangayan mo ako nahulog na ako Sa iyo Hindi ko Lang pinahalata pero Mahal na Mahal Kita simula una pa Lang"
Sabi nya sa akin. Napa ngiti ako Ng matamis at saka hinalikan uli sya sa Labi ng malumanay at banayad.
Humawak ako Sa batok nya at sya Naman ay pinulupot nya Ang Kamay nya parin sa bewang ko magkadikit Ang aming mga katawan at inanamnam Ang malamig na simoy Ng hangin at Ang ganda Ng buwan ngayon Gabi pero katulad Ng ibang istorya na bawat masasayang sandali ay may kaakibat na masamang mangyayari.
" Please Jamaica Don't ruined their moment!"
" I'm not ruining their moment Tito, Wala silang moment Kasi walang sila Hindi magiging sila at kahit Kailan Hindi sila mag kakatuluyan"
Pinutol ko Ang halikan Naming dalawa ni Jahleel at saka tumingin sa pinanggalingan Ng boses at nakita ko si Teacher Gil at kasama si Donny kasama Ang isang babaeng pamilyar sa akin.
Pilit Kong inaalala Kung saan ko sya nakita at bigla Kong na alala na nakita ko sya sa Grocery store kasama si Jahleel ibig sabihin ay..Tama Ang nakita ko at Hindi guni guni.
" Jahleel sino sya?"
Tanong ko sa kanya Ng makalapit sa Amin Ang babae.
" Aba? Tinatanong mo pa Kung Sino ako? C'mon Jahleel Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya na mag papakasal na tayo next month"?
" Jamaica Stop it!"
Galit na Sabi ni Jahleel.
Napa ngisi Naman si Jamaica.
" Alam mo Jahleel Hindi ako naniniwalang bading ka, dahil kasalan to Lahat Ng bading na ambisyosa na to!"
Sigaw nya at nagulat ako Ng dumapo Ang Kamay nya sa mukha ko at kasabay Ng malutong na tunog Ng sampal.
" Ayan para magising ka sa katotohanan nakahit Kailan walang mag mamahal sa katulad mong bading Isa Kang salot sa lipunan at mangaagaw!"
Sigaw nya at sinampal nya uli ako at sinaway sya Ni Jahleel at hinala papaalis. Pero habang papalayo sila ay rinig na rinig ko parin Ang galit na boses Ng babae na Yun.
" Babalikan kitang Bading ka! Hindi pa tayo tapos sisiguraduhin Kong magdudusa ka!"
Naiwan ako na naka tulala at umiiyak habang pinapatahan ako Ni Teacher Gil at Donny.
Hindi ko Alam na Tama pala sila na for every action and decision their are always consequences.
Wakas Ng Panglabing-Tatlo na Bahagi