KINAbukasan ay isinagawa ang operasyon sa binti ni Gino. Si Stephany ang nag-opera sa kanya. Dahil sa matinding tama ng kanyang binti akaya kailangan talagang operahan. They attached a rod inside and screwed it to make the bones back to its normal shape upon healing. Aabutin din ng ilang buwan bago tuluyang gumaling ang sugat at bumalik sa dating porma ng buto ng kanyang binti. But Steph made sure na in time gagaling din siya basta ba gawin niya lahat ang dapat niyang gawin. Tumagal ng limang oras ang operasyon, mabuti na lang at walang naging problema at naging cooperative din kasi ang katawan ng binata. Laking pasasalamat iyun ng kaibigang doktor. Hindi pa din nagpapakita si Jenny kay Gino mula nung tinaboy siya nito. Mas mabuti ng umiwas siya kaysa pag-initan siya ng lalaki at makarin

