Katatapos lang tulungan ng mga katulong si Gino na humiga sa kama ng tumunog ang phone niya. Agad iyun inabot ng isa sa mga katulong. Si Stephany ang tumatawag. "Kamusta ka na Gino?" tanong ni Steph sa kanya. "Okay lang. Ito lumpo pa rin." may bahid sama ng loob na sagot niya. "Lalo na ah kung hindi mo ginagawa ang dapat mong gawin na therapy." ani Steph. "So nagsumbong na pala ang Mama' sa 'yo." may bahid sama ng loob sa kanyang boses. "Hindi naman. Natanong ko lang ang kalagayan mo kaya nakwento niya." paliwanag naman ni Steph sa kanya. Ramdam niya ang lungkot sa mga mata nito. Sino ba naman kasi ang hindi malukungkot sa kalagayang mayroon siya. "Steph tanggapin na lang natin na ganito na lang ako. Walang silbi, at lumpo pa." may lungkot sa himig niya. "Paano ka gagaling kung gany

