"Doon ka na sa may guest room.malapit sa kwarto ni Gino." ani Mrs. Alcantara kay Jenny. "Ready ka na ba sa sasabakin mo? Sigurado ka na ba dito?" sunod sunod na tanong naman ni Steph. "Oo kaya ko na 'to. Salamat sa paghatid Steph." pasasalamat niya kay Stephany. "So pa'no 'yan Tita, kailangan ko na ring bumalik sa Laguna. May aasikasuhin pa kasi ako ngayon." paalam ni Steph. "Hindi ka lang ba naman magtanghalian dito?" alok ng Ginang. "Naku Tita, gagabihin na ako sa daan pag ganun. Maybe next time po. Magpapaalam lang ako kay Gino." aniya saka pinuntahan si Gino sa beranda. "Pa'no 'yan, aalis na ako." aniya habang papalapit kay Gino na nakatingin sa malayo. "Magtanghalian ka muna bago ka umalis." walang lingon lingon na alok niya. "Gagabihin ako msyado sa daan. Nagtatampo ka ba sa

