Chapter 6

3630 Words
Mirella POV... nasisislaw na ako.... parang sobrang liwanag....kaya minulat ko na ang mata ko.... may bintana pala sa kaliwang banda ng higaan ko... dahil kita ko ang langit mula sa kinahihigaan ko may maliit na lamesa naman sa may bintana na iyon.....isang pamilyar na bagay ang nakita ko...yung gatas na araw araw kong iniinom nakapatong sa lamesa... "Oh gising kanapala..." "Sir Kai... yung gatas na iyon..." turo ko sakanya... "ahh ok" lumapit sa lamesang iyon si Sir.Kai kinuha Ang gatas at iniabot sakin.. "Sino nag bigay nito..?" "Yan ba? nagising ako naandyan nayan...aalis muna ako..mamaya pag dating ni Taro..." Itinaas ni Sir.Kai ang higaan ko para hindi ako mapwersa sa pag upo at sinimulan ko ng inumin ang gatas.... "Hindi ba sya dito natulog?" "Hindi pinauwi ko sya at pinagpahinga muna....." "Saan ka pupunta?" "Sa School mo...may kailangan kaming gawin para hindi na maulit yan sayo at sa iba pang estudyante..." "sila Zita at Art pumasok naba?" "Satingin ko oo..kasama silang kakausapin balita ko kasi sinugod ni Zita ang mga nanakit sayo at nakipag rambulan sya" "Ano!? si Zita kamusta sya...ginawa ba nila kay Zita ang ginawa nila sakin" umiling si Sir.Kai...at nakahinga nako ng maluwag...........hindi ko gusto madamay pasila.. "Huwag ka mag alala..kay Zita... sa pagkakakwento nya...yung Mayumi ba iyon...nabugbog nya..lumabas ang malahalimaw na the move ni Zita..ganun ka kamahal ng BFF mo na iyon...iyak sya ng iyak...dahil hindi kamanlang daw nya nagawang tulungan" yumuko ako... "Huwag ka malungkot..dyan lahat kami.. mahal ka...hindi kami papayag na hindi mananagot ang gumawa sayo nyan..." umupo si Sir.Kai sa gilid ng kama ko...inayos nya ang buhok ko... at hinawakan nya ang pisngi ng muka ko... "Mahal na mahal kanamin..." ngumit sya.....at naramdaman naming nag bukas ang pintuan... "oh sya...pano bayan aalis nako (Tumayo sya) ikaw na ang bahala sakanya huwag ka mag alala sa pagkain...meron na dyan.. huwag mo hayaang magutom si Mirella...masyado matataas ang dosage ng gamot nya...maliwanag ba!" sabay lingon ni Sir.Kai sa pintuan... "Maraming salamat sa pag aasikaso sakanya habang wala ako" si Taro... ang dumating.. "sya maiwan ko na kayong dalwa...huwag mong pababayan si Mirella... galingan mo" sabay tapik ni Sir.Kai sa balikat nya....naging tahimik na ng lumabas na ng kwarto Sir.Kai... nakatayo lang si Taro...sa may pintuan naaaninag ko sya samay kurtina na humaharang sa higaan ko...may kurtina pala dun hindi ko masyado napansin yun kagabi... bat parang gulat na gulat sya...?kaya ako na ang unang nag salita.. "nakapag pahinga kaba ng maayos kagabi?" Taro POV... hindi ako makapaniwala... sa nakikita ko hindi ko magawang makalapit sakanya hindi ko alam kung gaano nako katagal nakatayo at pinagmamasdan sya kahit may kurtina...Puti iyon at manipis kaya kita ko sya mula sa kinatatayuan ko... ng marinig ko syang mag salita agad na akong lumapit sakanya hinawi ko ang kurtina na nakaharang sa higaan.... ngumiti sya sakin..at umupo ako sa tabi ng kama nya...nilapat ko ang noo ko sa noo nya... "Pasensya kana at hindi kita nasamahan ng matagal kagabi...pinauwi na kasi ako ni Kai...mabuti naman at hindi kanya pinabayaan..." "Masaya akong makita ka ulit" dahan dahan itinaas ni Mirella ang kamay nya sa may bewang ko at inakap nya ko...kaya inakap ko din sya pero hindi ko magawa yung tulad dati na mahigpit masasaktan sya...ang init nya padin ibigsabihin lang totoo na nakakarecover na sya... "Nagugutom kanaba?" tanong ko kay Mirella tumango sya habang nakangiti...inasikaso ko na kagad ang pagkain...at nilagay sa higaan sa harapan nya....napansin ko ang gatas sa maliit na basurahan na malapit lang sa higaan... "sino nag bigay ng gatas nayan?" "hindi ko alam nagising ako na andyan nayan...tinanong ko din si Sir.Kai sabi nya nakita nyang nasalamesa na yung gatas ng magising sya......." "Ibig sabihin na may nakakapasok dito na iba..ng hindi nyo namamalayan" yumuko lang si Mirella...hindi dapat ako magalit.....pero nag aalala lang ako... "Naiintindihan kita...satingin ko kasi isadin sa mga kaibigan ni kuya ang nag bibigay sakin ng gatas araw araw...maraming mabubuting kaibigan si Kuya kaya ni minsan hindi ako nag hinala o alamin kung sino nag bibigay nyan halata naman na ayaw nya mag pakilala kung sino sya" "Nag aalala lang ako" "Anoba! kung may gagawin sya sakin sana matagal na nyang ginawa..ilang taon nadin ako nakakatanggap ng gatas na ito.. nag simula pa ito.. ng mag abroad si kuya..." ngumiti nadin sa wakas si Taro... "Tama ka mabuti pa kumain kana..teka susubuan nalang kita" namula si Mirella...ang cute nya talaga...pag namumula sya.... "ako na ka-kaya ko naman kumain mag isa" ngumiti ako at umiling...sinimulan ko ng ilapit ang pagkain sa bibig nya...napatingin ako sa mga labi nya... "Teka nga ang dami nyan untian mo naman" nilapag ko ang pagkain...sa plato.. "ok sige" nilapit ko ang muka ko sa muka nya sinusubukan ko sya asarin nanlaki ang mga mata nya "Eto ba ang gusto mo?" ...pero hindi ko yun itinuloy kahit gustong gusto ko ng halikan sya...tumawa ako at sinimula ko ng subuan sya ng maayos sobrang pulang pula na kasi ng muka nya.... kamusta na kaya sa School ngayon...sumeryoso napala ang itsura ko hindi ko namalayan kung hindi pa napuna ni Mirella... "Bat ganyan ang muka mo napaka seryoso mo naman...bagay sayo kahit anong expresion ng muka mo...pero yung expresion mo napara kang manununtok napaka astig tignan..." masaya ako..makitang masigal ulit si Mirella... halos ilang oras nakami nag uusap...at nag tatawanan ngayon ko lang sya na solo ng matagal..at nkausap ng kami lang dalwa...mas lalo pang tumindi ang pagmamahal ko sakanya... natigil lang ang pag uusap namin ng tunduan na sya ng gamot... "Taro... pasensya kana pero mukang makakatulog nanaman ako...yung gamot na ito kakaiba..." "Ok lang mag pahinga kalang tatabihan kita..." ibinaba ko ng bahagya ang higaan nya.. ipinikit na nya ang mata nya at tumabi nako sakanya... pinagmasdan ko ang muka nya...kinabisa bawat detalye ng muka nya...hanggang sa kabilang mundo hinding hindi ko malilimutan ang muka nya... hindi ko na nagawang pigilan ang sarili ko na halikan sya sa labi nya....ni hindi manlang sya nagising...kaya binuhat ko ang ulo nya at inilagay ko sa mga braso ko... hindi na nila alam na dalawa kung gaano naba sila katagal nakatulog....hindi na nga nila namalayan ang pagdating ng mama ni Taro at ni Kai... "Natutulog silang dalwa...hayaan na muna natin sila" sabi ni Mrs.Yong kay Kai.....pumunta sila sa isang cafe at duon nag usap... "wala napalang magulang si Mirella.. at kayo kayo lang ang umaaruga sa kanya....wala din ang kuya nya para mag trabaho sa ibang bansa..alam na ba ng kuya nya?" "OO nsabi ko na kagabi..." "Kamusta naman sya" "Hindi maganda... masyado syang nag aalala dahil hindi nya pa nakakausap si Mirella...hindi sya nakakapag trabaho ng maayos...at miyat miya tumatawag sya sakin at umiiyak...." "Na iintindihan ko sya.. si Mirella nalang ang nag iisang pamilya nya kaya ganun nalang sya makapag alala" "kaya nga ho...salamat ngapala sa tulong nyo at hindi lang basta suspended ang mga gumawa nun kay Mirella.. Ban na sila sa School kung saan nag aaral sila Mire..." "Na ngako ako sa anak ko na gagawin ko ang lahat.. para hindi na maulit ito" "Magiging kampante na si Brion kapag nalaman nyang hindi na makakasama ni Mirella sa isang School ang mga nanakit sa kapatid nya..." "Pero kung nasalabas na ng School...hindi kaya balikan nila si Mirella" "Hindi kadapat nag iisip ng ganyan... at kung may gawin sila kay Mirella outside ng School...hindi sila magtatagumpay... may tiwala ako sa Anak...ko kilala mo sya" "Tama nga po kayo...hindi dapat tayo mag alala...pero hindi din tayo pede mag paka kampante..." patuloy pang nag usap ang dalawa bago sila bumalik..sa Hospital... Mirella POV.. "Uh!" si Taro katabi ko???? at natutulog din anong gagawin ko...gigisingin ko ba sya? "Bakit may kailangan kaba.. nagugutom kanab?" gising napala ito....at nakatingin napala sakin... "Ano kasi anong oras naba?" "magpahinga kapa para... gumaling ka kagad..." lalo nya pako inakap at ayaw manlang ako pabangunin pumikit uli sya.....nag mulat sya ng mata ng marinig nyang bumukas ang pintuan.... dahan dahan nyang tinanggal ang braso nya sa ulo ko at tumayo na sya mula sa pag kakahiga.... "Oh kanina paba ikaw gising..?" tinig yun ng isang babae...kinabahan ako... ngayon ko lang narinig ang boses nun.. lumingon ako.. pero hindi ko makita kasi nakaharang si Taro... si Sir.Kai ang lumapit sakin... "Gising kanapala... gusto mo ba kumain..." tumango ako.. "OOnga pala may bisita ka" bat parang lalo ata ako kinabahan.... lumapit sakin si Taro at ngumiti... "Oongapala Mirella ang Mama ko" "Hi Iha.." agad akong napabangon ng higaan.. "He - Hello po kamusta po kayo" natataranta ako.. at kinakabahan... bakit ngayon? sa ganitong sitwasyon... "Naku hindi mo na kailangan bumangon" lumapit sya at...inihiga nya ko ulit... "Kumain kamuna Mire.." nilapag na ni Kai... ang lamesa sa harapan ko at isa isa nyang nilagay ang mga pagkain.... umupo sa kaliwang higaan si Taro...samantalang sa kanan naman nakaupo ang mama nya.... isusubo sana sakin ni Taro ang pagkain...pero pinangdilatan ko sya ng mata....tumawa lang sya.. "Ok lang yan..dali na ahhhh!" "Ay naku iha huwag ka ng mahiya sakin...." habang hinihimas nya ang buhok ko... "MA!.. lalo syang nahihiya sa ginagawa nyo tignan nyo pulang pula na" tumawa si Kai...at ang mama nya.. "Oh sya duon muna ako uupo... kumain kalang ng kumain iha" tumayo na ang mama ni Taro at umupo sa Mini sofa na nasaloob ng kwarto.... isinubo ko na ang pagkain na pinipilit iapakain sakin ni Taro.... nakangiti sya sakin... hindi ko malaman kung masaya ba sya oh inaasar lang ako... matapos kong kumain... nag bukas uli ang pintuan.... "Mire!" pamilyar sakin ang boses na iyon...si Zita... kasunod nyang pumasok si Art.... agad akong inakap ni Zita.. "Zita!" inakap ko din sya...lumapit nadin si Art...inilapit nya ang ulo nya sa noo ko at inakap nya kaming dalwa.... matagal tagal din silang umakap sakin at ng bumitaw sila pareho silang nag punas ng mga luha nila... "Umiiyak kayo...?" Natawa ako.. sa itsura nilang dalwa... "Ikaw! nakuha mo pang tumawa! hindi nakakatuwa ang ng yari sayo...akala namin... iiwan mo na kami" umiiyak ulit si Zita.... hinimas himas ko ang likod nya.... "hindi ba kayo pumasok" "Pumasok... alam mo naman si Mama... pinabibigay ni Mama.. kailangan mo ito" inabot ni Art ang pagkaing niluto ni Tita Aira... "Maraming salamat..." "Magpalakas ka!" sabi ni Art... "Malakas nakaya ako..." Taro POV.... lumapit si mama sakin... "Sila ba ang mga kaibigan mo?" bulong ni Mama sakin... "Oo mama wait pakilala ko kayo... Art.. Zita ipinakikilala ko ngapala sainyo ang mama ko... si Zita ma Bestfriend ni Mirella.. Si Art naman po pinsan ni Zita..." "Nice to Meet you po" sabi ng dalwa.... "Grabe Mire hindi ako makapaniwala dinalaw kapa ng Mama ni Taro dito..." gulat na gulat si Zita...habang kinakausap si Mirella... maya maya lang naging masaya na ang usapan...sa loob ng kwarto lalo na ng sabihin ng Doctor na pwede ng lumabas si Mirella bukas... mabilis daw ang pag recover ni Mirella...yun ay dahil sa mga taong nag mamahal sa kanya... Mirella POV... Gabi na... nakauwi na sila Art at Zita maging si Taro ng mama nya.... saglit na umalis si Sir.Kia... ng gabing iyon.. inuubos nalang ng mga nurse ang...suero ko pwede ng hindi ako mag suero... nag CR lang ako saglit narinig kong may pumasok...sa loob... "Sir.Kai?" pero walang nasagot...pag labas ko ng CR.. may nag patay ng ilaw...at binuksan ang Dimlight... napalingon ako may nakatayo sa may tabi ng pintuan.... ngumiti sya sakin.... "Ikaw lang pala akala ko naman kung sino na...ang bilis mo naman makabalik... hinatid mo lang ba si Tita?" "bat ka tumayo ng mag isa...." lumapit sya sakin.. at inakap ako..... "Na CCR kasi ako hindi ko kasi alam kung makakabalik ba kagad si Sir.Kai" matapos kong sagutin ang tanong nya unti unti ng lumuwag ang pag kakaakap nya sakin...inalalayan nya na ako...papunta sa higaan at tinulungan nyadin ako makasampa dito..... umiwas sya sakin ng tingin ng tignan ko sya...hahawakan ko sana ang muka nya... pero hinawakan nya ang kamay ko.... "Anong oras na dapat nagpapahinga kana teka nakakain kanaba?" "Oo diba nalimutan mo na...bago kayo umalis ni Tita sinugurado nyong kakain ako..." napansin kong dumilim ang muka nya... "Bakit may problema ba?" ngumiti sya sakin...at inalalayan nya ko sa paghiga.... "Magpahinga kana...." "ikaw din halos mag hapon muna ako sinasamahan tapos hanggang magdamag pa ba naman baka napapagod kana" umiling lang sya.... "Ni minsan hindi ako..napagod sa pagbabantay sayo maaaring nakalingat ako..kaya ng yari yan sayo...pero hinding hindi ako mapapagod...bantayan ka" "Matulog kana..dito lang ako...." hinawakan nya ulit ang kamay ko at pumikit nako... ng magising ako... nakita ko ulit ang gatas nasa tabi ko na...napangiti nalang ako...nakalabas nako ng Hospital.. si Sir.Kai, ang mama ni Taro at si Taro ang naghatid sakin sabahay samantalang sila Zita, Art at Tita Aira naman... ang nag asikaso sakin pag dating sabahay... naging sobrang bilis ng pag recover ko... ilang araw lang ang lumipas...nakapasok nako ulit ng School... sobrang bantay sarado nako kay Taro kahit hindi na sa School namin nag aaral sila Mayumi at ang mga kasama nyang nanakit sakin... kahit saan nako magpunta...lagi ko syang kasama.. araw araw sabay sabay kaming pumapasok sa School na apat sobrang saya ko makasama si Taro ok lang sakin maging sobrang higpit nya.....sobra ko kasi sya pinag alala... hindi nako pinayagan ni Sir.Kai na mag trabaho pa...at nakausap ko nadin si Kuya na iyak ng iyak matapos akong makita.... kung pwede ngalang daw tawirin ang cellphone para mapuntahan ako kagad ginawa nya na... hindi ko naman masisisi si kuya kung over na sya sa pag aalala sakin..miski ako naman pag may ng yayari sa kanya sobra din ako nag aalala..kami nalang dalwa ang mag kasama...kaya naiintindihan kosya...halos sobra sobra na ang padala nya sakin...ng pera wag lang ako mag trabaho... pati si Sir.Kai.. araw araw pinadadalhan ako ng mga Groceries...kaya ang perang pinapadala ni kuya iniipon ko padin...nag karoon pakami ng mahabang oras ni Taro...yung oras na dapat nag ttrabaho ako...sakanya ko nalang ibinigay...madalas syang pumunta sa bahay... madalas ko din sila ipag bake...mas lalo pang tumibay... ang samahan naming Apat...hanggang sa dumating na ang araw na iniimbitahan nako ng mama ni Taro sabahay nila.... "Ano tara na kanina pa tayo inaantay ni Mama at ni Koji.." nasa labas nakami ng bahay nila..ang simple lang pero napaka ganda ng bahay nila...natural nurse kasi sa ibang bansa ang tatay ni Taro... hinawakan ni Taro ang kamay ko... at binuksan nya na ang pintuan.... nakita kong nag aayos ng hapagkainan ang mama nya.. at may kasama pa itong isa...naka Jacket ito ng puti namay hood nanakasaklob sa ulo nya....naka white mask din ito... "Tuloy ka iha... salamat naman at pinaunlakan mo ang aking imbitasyon" inakap ako ni Tita at hinalikan ang pisngi ko... nahawakan ko ang pisngi ko...at napatingin sakin si Taro...tumingin din ako sakanya at ngumiti sya sakin... inilapag muna ni Taro ang gamit ko sa Sofa nila... "tamang tama ang dating nyo... handa na ang pagkain" sabi ni Tita.....pinaupo nako ni Taro sa upuan sa harap ng lamesa....ang sasarap ng nakahaing pag kain... sa totoo lang hindi nako makapag antay magsimula sa pag kain.... "Ah Tita may Dessert po ba?" natawa ang mama ni Taro... "Syempre meron noh.. pero sa ngayon eto muna ang kakainin natin" "Halatang hindi kana makapag pigil dyan huh" natatawa si Taro... bakit may mali ba sa sinabi ko... mahilig naman kasi ako sa Dessert.. "Oongapala Mirella... eto ngapala ang anak ko pang isa si Koji..."pakilala ni Tita... "Nice too meet you Koji... matagal ko na gusto makilala ang nag iisang kapatid ni Taro" inabot ko ang kamay ko pero tinitigan nya lang iyon...mukang ayaw nya sakin kaya ng aalisin ko na ang kamay ko hinawakan na nya iyon.... at nakipag kamay sya sakin... "Masaya akong makilala ka" sabay bitaw sa kamay ko... hindi ko napansin na nakatingin napala sakin si Taro at Tita... tumayo na si Koji at pumasok sa Kwarto nya... ngumiti ako sakanila... pero bat parang hindi ako welcome sa kapatid nya.... kaya hindi ko mapigilan ang yumuko... inakbayan ako ni Taro... "May problema ba?" "para kasing ayaw sakin ng kapatid mo" "Imposible yun" sabi ni Tita samin.. napatingin kami ni Taro sakanya... "mabuti pa kumain na tayo" sabi ni Taro sakin na nag sisimula ng lagyan ng pagkain ang plato ko... "Ok lang ba iyon kahit hindi natin sya kasalo" "Huwag ka mag alala lalabas din yun.. ganyan talaga sya mahiyain... Koji!! lumabas kana dyan" sigaw ni Tita...maya maya bumukas na ang pintuan.. tinaggal na nya ang Jacket na suot nya kanina... maliban sa Facemask...paano kaya sya kakain nun eh may facemask sya... umupo sya sa tapat ko... nagsisimula na kaming kumain pero sya... ni hindi nya ginagalaw ang pagkain nya...hindi ako komportable pakiramdam ko pinapanood nya ko kumain... maya maya...tumayo sya at dinala nya ang pagkain nya na upo sya sa sala nila..binuksan nya ang TV... nakahinga ako ng maluwag..' matapos kumain..ng kanin at ulam nag pahinga lang saglit..at hinainan naman ako ng isang grahams cake "Wow maraming salamat po Tita nag abala pa po kayo ng ganitong kasarap na Dessert..." "Mabuti naman at nagustuhan mo mamaya magdala ka sapag uwi mo bigyan mo din sila Zita at Art" "Talaga po??! Sobrang maraming salamat po tita..." "Tita?? Mama na itawag mo sakin....sige nga mag practice tayo..." "Ma..maiwan ko lang kayo saglit" paalam ni Taro... at pumasok sya sa isang kuwarto na katabi lang ng kuwarto ni Koji... "Ok sige anak... na itatawag ko sayo tatawagin mo akong mama..." "Mama" "yan...saglit lang puntahan ko lang si Taro" "Ok lang po ba sya?" "oonaman baka kasi may gustong ipagawa nahihiya lang sabihin sa harapan mo...." naiwan ako mag isa sa lamesa...nahihiya ako.. pero kailangan ko syang tawaging Mama... matagal tagal nadin ng huling beses akong tumawag ng Mama... kaya napa ngiti ako.... maya maya lumapit sakin si Koji.. inaabot sakin isang gatas na paborito ko...napatingin ako sakanya nagtataka... "ayaw mo ba?" "Gusto paborito ko nga ito.. salamat" matapos nyang ma iabot bumalik na sya sa pagkakaupo sa harapan ng TV at sinimulan ko ng inumin ang gatas... mahilig din pala sya sa ganitong klase ng gatas.. parang antagal na ata ni Taro sa Kwarto..kaya niligpitan ko nalang muna ang mga pinagkainan namin.... sisimulan ko na sana ligpitan ang pinag kainan namin ng lumabas si Tita sa kwarto ni Taro... "Ano kaba... bisita kanamin... bitawan mo yan at pumasok kana sa kwarto..."tinutulak pako nito... "Ok po Tita Mama..." "Mama lang walang Tita ok lakad na" kinakabahan ako papasok ako sa kwarto nya....bakit naman hindi ba pwedeng sa sala nalang kami...bubuksan ko palang ang pintuan.. ng kusa natong bumukas...binuksan na pala ni Taro...hinila nalang nya ako bigla...papasok ng kwarto... nya... inakap nyako ng sobrang higpit... "Mahal na mahal kita" bulong nya sakin... "Mahal na mahal din kita" sabi ko sakanya habang nakatitig ako sa mga mata nya....pero ngumiti lang sya sakin...bat pakiramdam ko parang may mali sakanya.... mag sasalita pasana ako pero... sinimulan na nyang halikan ako...matagal nadin ang huling beses na hinalikan nyako...yun ay ng nasa Hospital pako... akala ko saglit lang iyon tulad ng ginawa nya dati..pero sa pag kakataong ito... matagal ang halik na iyon..mga ilang minuto hindi ko alam... lumalakas lalo ang t***k ng puso ko...napahawak nako sa batok nya... ng itigil na nya ang pag halik hindi ko sya matignan sa mata..pero nakita ko sa labi nya ang pag ngiti nya.....kaya bumitaw nako sa pag kakahawak sa batok nya...napalunok ako..ang pakiramdam na ito kakaiba pakiramdam ko uminit sa loob ng kwarto nya kahit naka aircon dito.. "Tara na..." yakag nya sakin habang hawak hawak na nya ang kamay ko...hindi ko na alam kung gaano na kapula ang muka ko...nabibingi padin ako sa t***k ng puso ko...nakakabaliw sa pakiramdam ang halik nayun... ng buksan nya ang pintuan...hindi kagad sya nakalabas... si Koji.. nasa may pintuan hindi namin alam kung kanina paba sya nanduon hindi sila nag uusap na dalwa.. at nag titigan lang... "Mali iniisip nyo...walang ng yari ibig kong sabihin wala kaming ginawang kakaiba" paliwanag ko sakanila...nakakahiya sa kapatid at mama nya baka isipin nila may ginawa nakaming milagro... "teka bat nag papaliwanag ka...wala nga tayong kakaibang ginawa hinalikan lang naman kita..isa pa natural lang yun dahil girlfriend kita..." "ano kaba naman bat mo sinabi sakanila yun" hiyang hiya ako..nakatago nako sa likod nya..dahil alam kong pulang pula na ang muka ko...sabihin banaman nya yun ng walang pag dadalawang isip... napatingin ako kay Koji at ang sama ng tingin nya...kung kutsilyo lang ang mata nya nahiwa nya nako sa talas ng titig nya... umalis na si Koji at pumasok ng kwarto... tumingin sakin si Taro at nginitian ako...hinampas ko sya sa balikat nya... "kulang nalang bumaon ako sa kinatatayuan ko nakakahiya sa mama mo at kapatid mo proud kapang sabihin iyon" "abay oo...naman alam naman nila kung gaano kita kamahal kaya hindi na sila magugulat kung halikan kita..kahit sa harap nila" nilapit nya ulit ang muka nya sa muka ko..hindi panga ako nakaka getover sa halik na ginawa nya sakin..tapos uulitin nya pa sa harap ng mama nya..agad kong inharang ang kamay ko sa muka nya..at tumawa sya ng malakas....hinawakan nya ang dalwa kong pisngi sa Muka at hinila hila nya iyon.... isa nanamang masayang buong araw na kasama si Taro...matapos makapg hapunan hinatid nako ni Taro.. pa uwi sa bahay.... makalipas..ang buong magdamag maaga akong nagising... dahil maaga daw ako susunduin ni Taro..pero anong oras na wala pa sya...malalate nakami kung hindi pakami aalis nila Zita... "Mirella tara na mahuhuli tayo nyan pag inantay mo pa sya" sumunod na kagad ako.. kala Zita at Art...tetxt ko nalang sya na mauna na akong pumasok... baka nalate lang sya ng gising...pero nag daan ang mahabang oras sa school.. na tapos na lahat lahat ang klase...wala si Taro...hindi sya nag rereply sa tawag ko kahit sa txt ko.. nag aalala nako...nalaman ko kay Art na Absent si Taro walang nakakaalam ng dahilan... kaya nag pasya akong pumunta sa bahay nila... ng uwian na..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD