Mirella PoV,
nakarating nadin ako sawakas ng bahay...
"Tao po? may tao po ba? Taro... Tita Este Ma?"
katok nako ng katok pero walang nasagot sinubukan kong tawagan si Taro pero hindi nya padin sinasagot nag riring lang ng nag riring...kaya tnxt ko nalang sya... at sinabi kong na andti ako ngayon sa bahay nila....
"Mirella?"
may tumawag sa pangalan ko mula sa likod...kaya lumingon ako...tinitigan ko sya sino ba sya?
nakasumbleron itim naka facemask na itim..naka jacket na itim nakasumblero na nga sya nakahood pasya...ano to..
"Sino ka?"
"mamaya pa sila uuwi..may importante silang nilakad ni Mama..."
ah si Koji pala ito.. hindi ko sya nakilala kagad pero..familiar sakin ang itsura nya..parang nakita ko nasya... Malamang Mire nakita mo na sya kahapon... nasabi ko tuloy sa sarili ko...naglakad sya papuntang pintuan at binuksan iyon...
"Ano papasok kaba? magagalit sakin si Taro kung hahayaan lang kita dyan sa labas..."
nauna na syang pumasok sa loob at sumunod nalang ako... umupo ako sa sofa nila..at sya naman pumasok na sa kwarto nya...naalala ko naka uniform din sya ng tulad namin...lumapit ako sa harap ng kwarto nya dalwang katok ang ginawa ko pasintabi ba..
"Koji.. may itatanong ako"
pero nagulat ako ng binuksan nya ang pintuan...
"Hindi mo naman kailangan buksan ang pintuan...saglit lang yung tanong ko.."
"Kumatok ka kasi kaya akala ko papasok ka dito..."
"Hindi (Iling ko sakanya) itatanong ko -"
bigla nya ko hinila papasok sa loob ng kwarto sabay sara ng pintuan...sa sobrang gulat ng ginawa nya hindi ko ma igalaw ang mga katawan ko at ramdam ko na lumaki ang mata ko...syempre... wala dapat ako dito... sobrang lakas ng t***k ng puso ko halos wala nako marinig... naramdaman kong may humawak sa balikat ko...
"Huwag!"
napasigaw ako...nagulat naman sya sa ginawa ko...nanlaki din ang mata nya sabay tawa ng malakas.....
"Nakakatuwa ka talaga!"
sabi nya habang walang tigil sya sa kakatawa.....
"bakit mo kasi ginawa to...hindi mo naman kasi ako dapat ipinasok dito..."
nawala ang tawa..nya at sumeryoso ang tingin nya sakin...dahil sobrang tagal ko ng nakatitig sa kanya... napansin ko ang mga mata nya... lumapit ako para.. mas lalo kong ma confirm...hindi kaya si Taro to pinag ttripan ako... magkatulad na magkatulad sila ng mata ni Taro... mga mata..na nakikipag usap...na iintindihan ko ang mga mata nya kahit hindi sya nag sasalita.. nilapit ko ang kamay ko sa muka nya...
"Taro?"
balak ko sana tanggalin ang facemask nya pero..nahawakan nya ang kamay ko...ang mga kamay...sobrang init.. napatingin ako sa kanya...naging malungkot ang mga mata nya...
"Hindi ako si Taro"
inialis ko na ang kamay ko sapag kakahawak nya... tama hind sya si Taro...ma Brown ang kulay ng Buhok ni Taro.. tulad ng sa mama nya..pero ang nasaharapan ko ngayon itim ang kulay ng Buhok..ngayon mas malapit ako sakanya.. napansin ko din na mas mataas din sya kay Taro ng mga ilang centimeters... hanggang pisngi lang ako ni Taro... pero sya..hanggang balikat nya ako..
"Oo ngayon alam ko na..pasensya na kung napag kamalan kita..ang mga mata nyo kasi...mag katulad na magkatulad.. nag aalala na kasi ako sakanya...hindi ko sya ma contact..."
inaamin ko namay part ng sarili ko na hiniling na sana si Taro nga sya pero.. hindi..
"Gusto mo ba mag miryenda?"
tanong nya sakin...ngumit lang ako sakanya...binuksan nya na ang pintuan...at hinayaan nya muna ako makalabas...bago sya sumunod...
"Umupo ka muna dyan... titignan ko kung anong pagkain ang meron sa Ref"
umupo naman ako sa harap ng lamesa...
"bago kalang din ba sa School namin tulad ni Taro?"
tanong ko sakanya habang hinahanda nya ang pagkain....
"Grahams cake lang ang meron dito na pwede ng kainin ok lang ba sayo?"
"Oo naman hindi naman ako masyado mapili sa pag kain lalo na pag dating sa mga Sweets..."
kinuha nya na ito.. at hinati... nilagay nya sa Platito.. at inihain nya na sakin kasama ang isang baso ng Ice Tea...at kutsarita..para sa grahamscake...
"Hindi..."
anodaw hindi? anong hindi...
"Matagal nako nag aaral sa School kung saan kayo nag aaral ni Taro..."ang shunga ko talaga tinanong ko sya tapos nalimutan ko na nakakita lang ako ng pagkain...nakatingin sya sakin habang sinasabi nya yun...
"Oh matagal na pala?Pero bat hindi kita nakikita?"
nag tatanog ako sakanya habang kumakain napakasarap talaga ng Mango Grahams Cake...
"Nasa kabilang building ako...iba ang Schedule namin sa Schedule nyo...mas maaga kami nauwi kesa sainyo.."
napaisip ako.. may gusto akong alalahanin pero hindi ko na maalala..feeling ko importante yun...hinawakan ko ang ulo ko at minasahe....
"Ok kalang ba? (lumapit sya sakin...) may masakit ba sayo?"
"ano kaba ok lang ako...may gusto lang ako alalahanin hindi ko maalala... mahina kasi ako pag dating sa pag alala ng mga bagay bagay..."
"Napansin ko nga.. kanina ngalang tinanong mo pa kung sino ako..."
"Pasensya kana pala kanina"
"Ok lang.. pasensya kanadin pala sa ginawa ko kanina...binibiro lang kita hindi ko naman akalaing mag rereact ka ng ganun"
"Teka yung kanina? hindi kaya magandang biro yun...akala ko sasabog na ang puso ko sobrang kinabahan ako sa ginawa mo..."
"talagang nag isip ka ng hindi maganda sakin"
"Hindi naman pero kasi...may hindi ako magandang karanasan ayoko ng alalahanin yun"
nginitian ko lang sya ulit.. at nag patuloy ulit ako sa pagkain..nkakalahati ko na ang pagkain...
"Napakasarap talaga nito...alam mo ba salahat ng Grahams ito ang pinaka paborit ko (naalala ko ni hindi ko manlang sya inalok) napakasama ko"
"Hmm bakit naman?"
"sa sobrang sarap nito ni hindi ko na nagawang alukin ka..pasensya kana gusto mo ba?"tinitigan nya lang ako...
"Bakit may dumi ba sa muka ko...?"
sinubukan kong punasan ang muka ko...pero hindi ko namalayang lalo ko nakalat yung cream sa muka ko.... bigla nalang lumapit si Koji sakin at pinunasan nya ang muka ko...
"Napakadungis mo talaga kumain pag kumakain kanyan"
bat ganun ang sinabi nya...ah baka napansin nyadin kahapon.. napaka kalat ko kasi kumain kaya siguro nakatingin lang sya sakin..nawalan sya ng gana kaya humiwalay sya samin sa pagkain...
bigla ako nahiya...
"hindi mo kailangan gawin ito ako na"
sinusubukan kong agawin sa kanya ang pamunas.. pero tinaas nya ang kamay nya para hindi ko maabot... narinig ko syang tumatawa....napangiti ako...tumingin sya sakin...
"Bakit ka nakangiti dyan"
"Kahapon kasi akala ko ayaw mo sakin..ang suplado mo kasi..marunong kanaman pala tumawa para kang bata"
bigla nalang nya hinagis ang panyo sa muka ko...pero ok lang mali naman pala ang akala ko...hindi na sya nag salita pinunasan ko na ang muka ko...tinignan ko sya pero iniiwas nya ang muka nya....napailing nalang ako...ng tignan ko sya...may dumi sya sa leeg...hinagis ko din sakanya ang panyo...
"Oh bakit mo hinagis to sakin?"
"Punasan mo yang leeg mo kaya may dumi din..."
pinunasan nya pero hindi ito natnggal..
"hindi naman maayos pag punas mo hindi manlang natanggal..."
lumapit ako..at ako naman ang nag punas...bat ganun hindi natatanggal.. nagtataka ako...
napansin kong pulang pula na sya kahit may facemask pasya...
"naku pasensya na masyado ko bang kinuskos..."
"Taling"
sobrang hina nya mag salita...
"Ano?"
"Taling ko yang sinusubukan mong tanggalin..."
OMG!!! Taling pala yun.. akala ko...dumi yun..
"Pasensya kana akala ko kasi"
"Ok lang..."
yumuko sya..tila ba nahihiya nakakahiya naman kasi yung ginawa ko bat ko banaman napag kamalang dumi yung taling sa leeg nya....
"si Taro wala nyan..."
Biglang bumukas ang pintuan... si Taro... napangiti ako...at agad akong lumapit sakanya at inakap sya...
"Pasensya kana..kung hindi ko sinagot ang tawag mo"
"Nag alala ako.. ok kalang ba may masakit ba sayo?"
itsura ni Taro parang nasasaktan sya...
pumasok ang mama nya..napansin kong madilim napala sa labas...
"Ma.. kamusta po..."
malungkot ang Mata.. ni Taro...
"May ng yariba?"
tahimik lang silang lahat... inakap ako ng mama ni Taro...
"Sige na anak..."
"Maraming salamat mama"
inakap din ni Tita Mama si Taro...hinawakan ako sakamay ni Taro... at lumabas kami ng bahay...
"Bakit ang lungkot ng mama mo? bat parang maysakit ka?"
ang dami kong tanong sakanya pero hindi nya ako sinasagot.....
sa isang garden ako dinala ni Taro binuksan nya ang ilaw sa GreenHouse nila.... napakaraming bulaklak at napaka ganda....parang nasa ibang mundo ako ng mga oras nayun...
"Wow...may garden pala kayo? napaka ganda dito..."
mangha mangha ako sanakikita ko..
"mga halaman ko lahat ito"
sabi ni Taro sakin...
"oh talaga ngayon ko lang nalaman na.. Flowers lovers kapala... marami padapat akong malaman sayo"
nakangiti kong sabi sa kanya
"hanapin mo ang kakaiba salahat..."
"Bakit?"
ngumiti lang sya...pero sinimulan ko na tignan ang mga bulaklak at hanapin ang naiiba...ano kaya ibig nyang sabihin naiiba ang kulay na bulak lak oh naiibang uri... habang pinag mamasdan ko ang mga bulaklak...pero medyo gabi na kasi at liwanag nalang sa mga ilaw ang dahilaw kaya maliwanag dito...sa kalagitnaan ng pag hahanap konarinig kong may tumatawag sa pangalan ko...
napalingon ako kay Taro sa pag aakalang tinatawag nya ko...bigla nalang nyako inakap...
"Mahal na mahal kita....lagi lang ako nasatabi mo"
inakap nya ko ng sobrang higpit...hindi ko malaman bakit biga nalang lumayo ang katawan ko sakanya...at sobrang lakas ng hangin na humihila sakin..
"Anong ng yayari?"
hawak parin ni Taro ang kamay ko.....at hindi nya binibitawan...
"Mirella!"
may nag salita pero hindi sakanya ng galing ang boses... napatingin ako kay Taro..habang sinusubukan nyang makuha ako ulit....
"Taro!"
sigaw ko sakanya ng mabitawan nya ko....hindi ko marinig pero alam kong sinisigaw nyadin ang pangalan ko....anoba kasi ang ng yayari...unti unti...nako napapalayo kay Taro...hanggang sa dumilim na ang buong paligid ko....
nasaan ba ako? ano ba ang ng yari nayun kanina....nakita ko nalang ang sarili ko na lumulutang lutang sa kawalan...napakadilim ng buong paligid...wala akong makita sinubukan ko itapak ang paa ko kung may matatapakan ba ako at meron naman ako nakapa nasahig kaya nagawa ko makababa mula sa pag kakalutang lutang ... isang napakaliit na liwanag ang nakita ko sa bandang kanan ko....nilapitan ko ito hindi ko na alam kung gaano nako katagal nag lalakad...sawakas ang maliit na liwanag ay unti unti ng lumalaki..
pero bago pako makarating sa liwanag isang boses ang naririnig kong tumatawag sakin...mula sa likuran ko...oh baka guni guni ko lang iyon..baka sa liwanag ko talaga naririnig ang tinig na tumatawag sakin.... hindi ko alam...hindi ko kasi alam kung nasaan ako kaya sinusubukan ko makapunta sa liwanag....
kaya pinagpatuloy ko ang maglakad papunta..sa maliwanag na lugar nayun....
unti - unti nako nakakakita...pero hindi ko magawang magsalita...hindi ko magalaw ang katawan ko...sinubukan kong ilibot ang paningin ko nasaan ba ako..maliwanag sa lugar na ito..kanina lang...kasama ko si Taro..ano bang ginagawa ko dito...kahit gusto ko gumalaw hindi ko magawa...sinubukan kong igalaw ang mga daliri sa kamay ko...
"Mirella..."
Boses ng isang lalaki...na nasa tabi ko... hindi ko masyado maaninag ang muka nya...yun lang ang narinig ko at wala na...maya maya pa... may mga dumating.. na mga nakaputi... isang pamilyar na muka ang nakita ko sa likod ng mga taong nakaputi... hindi ako maaaring magkamali...sinubukan kong ibuka ang bibig ko...
"Taro..."
hindi ko alam kung may lumabas ba na tunog sa bibig ko ng tawagin ko ang pangalan nya...hindi ko ma intindihan ang pinag uusapan ng mga taong nakaputi...umalis na sila.. sa tabi ko... lumapit si taro sakin...at hinawakan nya ang muka ko....may sinasabi sya pero hindi ko iyon maintindihan.. matapos nyang magsalita... lumayo na sya sakin...pero nakikita ko parin sya...ano ba kasi talaga ang ng yayari... maya maya...may lumapit ulit sakin.. umiiyak sya.. may pagkakahawig sya kay Kuya...medyo nag mature ngalang ang muka nito at pumayat.... imposible maging si kuya ito.. nasa ibang bansa si kuya... may isa pang lumapit si Kai...tama hindi ko nasya Boss kaya Kai na ngapala ang tawag ko sa kanya...kung ganun... si kuya nga ang lalaki na ito na umiiyak...kelan pasya umuwi... nakangiti sya..pero umiiyak....ganun din si Kai...hawak nila parehas ang kamay ko...hinimas himas ni Kuya ang Ulo ko... at hinalikan nyako sa noo... isinubsob nya ang muka nya sa tabi ng muka ko...ramdam na ramdam ko ang pagiyak nya...
"Ku- ya"
hindi ko alam kung narinig nyako.. pero napatingin sya sakin...at lalo pang humagulgol....pinikit ko ulit ang mata ko pakiramdam ko kasi napagod... ako....
Kai POV...
pumunta ako sa Airport para sunduin si Brion... malapit nakami sa Hospital...ng makarinig ako ng tawag galing kay Koji..
"Sino yan..si Koji tumatawag"
"si Koji yung kinukwento mo sakin...?"
"oo..sya kasi nag babantay kay Mirella sa Hospital.."
"Sagutin mo na baka kung ano na ang ngyari..."
"oo eto na nga..."
agad kong sinagot ang tawag ni Koji
"hello Koji...may problema ba?"
"si Mirella gising na...."
umiiyak si Koji habang sinasabi nya sakin... na nagising na si Mirella hindi ko alam ang mararamdaman ko...naiiyak din ako sa tuwa...
"Ano... anong ng yari... bat ka tumatawa na umiiyak dyan nababaliw kanaba?"
"si Mire"
"anong ng yari kay Mire sabihin mo na"
niyuyugyog nya nako...
"Gising na sya..."
pagkadating na pagkadating namin ng Hospital... patakbo kaming bumaba ni Brion ng sasakyan
"ano bayan na una na sya sakin sa pag pasok ng hospital hindi ko pa nasasabi kung saan ang kuwarto ni Mirella"
agad akong tumakbo...para mahabol ko si Brion...nakita kong nagtatanong na si Brion sa Nurse..
"Brion saglit"
pero parang hindi nyako narinig...naabutan ko naman sya samay Elevator...sa hallway ng hospital nakita naming kausap ni Koji ang mga Doctor... itinuro kami ni Koji sa mga Doctor..
"Maiwan ko na po muna kayo"
paalam ni Koji samin...at pumasok uli sya sa kwarto kung nasaan si Mirella...
"Kai sya ba ang kuya ng Pasyente...?"
"Opo Doctor..."
"Isang Himala na ang maitatawag sa ng yari sa kapatid mo.. sa lahat ng na cocomatos ng halos ilang taon at nagigising ay isang himala kung maitatawag...chineck nanamin lahat ng Vital signs nya at normal.. na..pero bago mangyari lahat halos 50 50 sya kanina.. matapos namin sya i revive naging ok na ang lahat....mag papalab test padin ako...at itutuloy lang ang mga gamot sa kanya..para maging mabilis ang kanyang pag galing...huwag nyo muna masyado pagudin ang pasyente kailangan nya padin magpahinga... ang mahalaga... nagising na sya ibig sabihin mag tutuloy tuloy na ang pag galing nya...kahit gising na sya sa observation ko kanina hindi nya pa magawang igalaw ang ibang mga parte ng katawan nya..daliri palang ang nasimulan nyang magalaw base sa sinabi ni Koji...maging ang pag sasalita medyo hirap pasya pero nagagawa nyanaman kaya huwag nyo pwersahin ang pasyente sa pag sasalita pa unti unti lang isa pa ang importante sa lahat kailangan nya ang pagmamahal at pagkalinga ng mga taong tulad nyong nag mamahal sa kanya"
"Maraming salamat po Doc...Maraming maraming salamat po sa pag aasikaso ng mabuti sa kapatid ko..."
hawak hawak ni Brion ang kamay ng Doctor at umiiyak...
nag pasalamat din ako sa Doctor...
"Mag pasalamat din kayo sa Diyos...ginamit nyalang ako para... gamutin ang kapatid mo.."
tama ang Doctor...matapos sabihin ng Doctor ang dapat nyang sabihin...umalis na ito...
"Ayusin mo sarili mo hindi matutuwa si Mirella na ganyan ang itsura mo..."
matapos ayusin ang sarili pumasok na kami..sa loob...tumayo si Koji mula sa pag kakaupo sa tabi ni Mirella..
hindi na napigilan ang umiyak ng lumapit sya kay.. Mirella..
"Salamat sa Dios... salamat at hindi nyo kinuha sakin si Mirella hindi ko na alam mangyayari sakin kung pati sya ay kukunin nyo"
nasabi ni Brion...habang hawak nya ang kaliwang kamay ni Mirella....hinawakan ko din ang kanang kamay ni Mirella...at hinimas himas iyon..hindi ko nadin napigilan ang pag iyak...napaka importante sakin ni Mirella...wala akong pakialam kahit gumastos pako ng milyon...masigurado lang na gagaling sya... gusto ko palagi nakikita ang ngiti nya...kaya palagi ko sya binibigyan ng regalo ng mga bata pakami... sa lahat ng binibigay ko sa pagkain sya tuwang tuwa.. kaya nga nag tayo ako ng Cafe.. pag nagustuhan nya ang ginawa ko isinasama ko sa menu...para hindi nyalang mahalata pati ibang empleyado ko pinapakitunguhan ko ng maayos... pumayag ako na mag part time sya sa Cafe para.. nababantayan ko sya....
KAI's Throwback...
8years ago..
ng mga panahon nayun... 14years old palang ako pero nasa Grade10 na ako samantalang... 18years old na si Brion at nag tatrabaho na sa Company ng magulang ko maaga syang nag trabaho dahil ng mga panahon nayun kamamatay lang ng magulang nila...grade3 naman si Mirella at 8years old palang sya....
nasa Cementeryo kami...dahil death Anniversary ng lolo ko nakaugalian na ng pamilya namin na dumalaw sa puntod ng lolo.. at ng panahon na iyon may inililibing... akap akap ng isang kuya ang kapatid nyang babae.. dalawa ang kabaong na dala ng mga tao... walang tigil sa kaiiyak ang mag kuya kahit umalis na ang mga kasama nila hindi parin sila umaalis dun sa pinaglibingan ng dalawang kabaong...
naaawa ako sakanila...
"Ma..Ok lang ba kung bigyan ko sila ng pagkain?"
turo ko sa magkapatid na nakaupo sa lupa...ngumiti si mama sakin...
"Hon samahan mo si Kai.."
sabi ni mama sa papako...pinuntahan namin ni Papa ang dalwa andun nalaman namin kung ano ang ngyari namatay ang magulang nila sa pag sunog ng bahay... habang natutulog... si Mirella at si Brion lamang ang nakaligtas... sila ang unang inlabas ng tatay nila..bago bumalik ulit sa loob ng nasusunog nabahay ang tatay nila para iligtas ang nanay nila na nawalan na ng malay dahil sa usok..hanggang sa hindi nadin nakalabas ang tatay nila...inofferan ni papa si Brion ng trbaho...
"Maraming Salamat po...."
umiiyak si Brion habang nagpapasalamat.... inakap sya ni papa
"Kaya nyo yan iHo...mapagtatagumpayan nyo din yang mga pagsubok dapat maging matatag ka para sa kapatid mo"
tumingin sakin si papa at tumango...agad akong lumapit...at inalok ko ng pagkain.. ng time nayun si Brion... nilapitan ko din ang Batang si Mirella...na nakatulala nalang mukang napagod na sa kakaiyak..
"Hi.. ako ngapala si Kai ito oh mama ko ang nag bake nyan..sana magustuhan mo"
inabot ko sakanya..ang isang cake...
"Maraming salamat!"
tumingin sya sakin umiiyak sya habang naka ngiti...
"malalagpasan nyo din ang pagsubok nyo...
pinatira namin sila sa isa sa mga apartment namin na malapit lang sa School....pag kagaling sa School pinupuntahan ko sila sa bahay nila at dinadalhan ko ng pagkain na niluluto ng mama ko... bagay naman na magagamit sa pag tatrabaho ang binibigay ko kay Brion....lumipas pa ang pitong taon...isang araw kinausap ako..ni Brion..bago sya mag Abroad
"May gusto kaba sa kapatid ko?"
nagulat ako sa Tanong nya limang taon ang tanda ko kay Mirella.. hindi ko masagot ang tanong nya nakakahiyang sabihin ko sa kanya...alam ko iisipin nya na parang kuya nako ni Mirella...
"Ok lang kung hindi mo ko masagot alam ko naman matagal na... kung ikaw ang mapapangasawa ng kapatid ko sigurado ako na magiging maganda ang buhay nya.. pero ang desisyon nasa kanya padin....isa pa masyado pa syang bata.. aalis ako..tanging ikaw lang at sila Tita Aira at Tito Troy lang ang tanging mapagkakatiwalaan ko... huwag mo sya pababayaan..."
hindi ako makapag salita.. tinapik nya pa ako...sa balikat ko...
"sya nga pala Goodluck nalang... sa pag diskarte mo"
tumayo si Brion...
"Kayong Dalwa anong ginagaw nyo dyan...Bilisan nyo na pumasok dali..."
si Mirella tumatakbo papunta samin... tinutulak nya na ang kuya nya papasok sabahay...nagulat ako ng hawakan ako ni Mirella sa braso.. at hinihila na nya ako...
"Ano kabanaman bat naka upo kapadyan"
napatayo ako at hinayaan ko lang na hilain nya ko habang tinutulak naman nya ang kuya nya....
"kalalaki nyong tao kailangan pang itulak at hilain.."
reklamo nya samin... ang araw nayun naging masaya kaming lahat..despedida...para kay Brion dahil mag aabroad na sya...walang tigil sa pag iyak naman si Mirella ng ihahatid nanamin sa Airport para lang tumigil sya sapag iyak.. iginala ko sya sa amusement park syempre kasama nya si Zita at Art...Present Time....
"Maraming salamat Kai...sobrang laki na ng utang na loob namin sa iyo at sa magulang mo..."
umiling lang ako...
"Wala kang utang na loob samin..tulong yun na walang hinihinging kapalit..alam mo naman kung gaano ko kamahal ang kapatid mo... kaso natalo nya ko..."
sabay turo ko kay Koji..
"Oh natalo ka ng isang bata napakahina mo naman..."
tumawa lang ako...
"Natalo naman sya ng kapatid nya...ang kapatid nya.. ang naging Boyfriend ni Mirella.. hanggang ngayon hindi alam ni Mirella na si Taro at Koji ay Kambal... hindi lang yun... identical pa sila...mag kamukhang mag kamukha silang dalwa maliban lang sa Height kulay ng buhok at may taling sa leeg si Koji..."
"sya ba yung?"hindi na tinuloy ni Brion ang sasabihin nya...
"oo sya nga...sa ngayon hindi nya pa pwede malaman kailangan muna nya maka recover ng maayos..."
bigla nalang bumukas ang pintuan....
"Koji...totoo ba nagising na sya?!"
napatingin kami sa pumasok mama pala ni Koji at Taro... tumango lang sya samin at dumaretsyo sya ng punta sa hinihigaan ni Mirella...
"Sino naman sya?"
tanong ni Brion sakin...
"papakilala kita..."
lumapit kami sa Ginang.. na hinihimas himas ang mga braso at muka ni Mirella...
"Mrs. Yong... eto nga po pala ang kuya ni Mirella kakauwi nya lang galing sa ibang bansa kasusundo kolang sakanya sa Airport..."
"Ako po pala si Brion Aspasia..."
biglang lumuhod ang mama ni Koji..
"Ma..."
hinawakan ni Koji ang mama nya sa balikat...
"Patawarin mo ko dapat sinabi ko na sakanya habang maaga...masyado syang nagulat sa mga pangyayari..kaya sya nag kaganyan...biglaan ang ng yari...at hindi nanamin sya nagawang ihanda"
"huwag po kayong lumuhod.. at humingi ng tawad lahat tayo hindi gusto ang ng yari...tumayo na ho kayo.. alam ko na po ang lahat...na ipaliwanag na po sakin ni Kai ang lahat...dapat nga po ako mag pasalamat sa inyo.. dahil kahit hindi nyo anak si Mirella inaaruga nyo sya na Parang anak nyo...salamat sa pag aalaga at pag babantay sakanya ng mga panahon na wala ako...salamat at naging isa kayong tunay na Ina sa kanya..."
umiyak lalo ang mama ni Koji... inakap ito ni Brion at sinusubukang pakalmahin...
kaya pinaupo nyadin...kumuha naman ng tubig si Koji para ipainom sa mama nya....tama walang dapat sisihin sa ng yari... namatayan sya ng anak.. at naaksidente naman si Mirella isang taon.. na comatos sya.... hindi na nakapag aral si Koji.. paralang magbantay kay Mirella... minsan ng dumating ang tatay nila Koji..at tumulong din sa pag aasikaso dito sa Hospital... sya ang nag turo kay Koji kung ano dapat gawin kay Mirella... dahil isang nurse.. ang papa nito...at ang mama naman nya pumupunta araw araw..syang nag lilinis kay Mirella pag kailangan ng linisin... pag kagaling ng School.. si Art at Zita naman ang pumupunta... kinakausap at kinukwentuhan nila si Mirella kahit... alam nilang hindi sila naririnig nito..samantala pag walang pasok.. si Art ang kapalitan ni Koji sa pagbabantay.. pag sarado na ang Cafe ako naman ang pumupunta para pumalit kay Art...halos lahat kami nag tutulungan para lang gumaling na sya....isang gabi... pagkagaling ko sa Cafe..
si Koji... kinakantahan si Mirella pagkatapos nya kumanta umiiyak sya.... halos gabi gabi nyang ginagawa yun...
"Hindi kaba napapagod?"t
anong ko sakanya.......umiling sya.....
"sinabi ko na sakanya dati...hinding hindi ako mapapagod alagaan sya....alam mo yan..."
ngumit lang ako...parehas lang kami na hindi napapagod..at parehas kaming dalwa na hindi maamin ang nararamdaman....