Sa isang Bar.. nag kita kita ang mag kakaibigang sila Mayumi at ang apat nyang alipores...
"oo nga pala Mayumi.. nabalitaan mo ba nagising na daw si Mirella?"
Sabi ni Minion1
pero hindi nag salita si Mayumi...
"talaga? ang akala ko mamamatay na yun..."
sabi naman ni Minion2
"oo tama yun nga yung kumakalat na balita...natatanggalan nasya ng life suport"
sabi naman ni Minion3
"ay naku ano ba girls naandito tayo para mag saya kalimutan nyo muna.. yang tungkol sa Girl nayan... Party Party na!"
sabi ni Minion4pero ng mag simula ng mag sayawan... tumayo na si Mayumi...
"Teka Girl saan kanaman pupunta?"
tanong ni Minion2
"Naku hayaan mo na sya"
sabi ni Minion4...
naglakad lakad si Mayumi...hanggang sa makarating sya sa Hospital kung saan naka confine..si Mirella...
may nakita si Mayumi na lumabas sa kwarto ni Mirella.. kaya nagtago muna sya... sumunod na lumabas si Koji...na kinakausap ng Doctor...bahagyang lumayo ang Doctor.. at si Koji kaya nagkaroon sya ng pagkakataon para makapasok sa Loob ng kwarto... ni Lock nya yun para hindi kagad makapasok ang sino mang papasok...
"Matagal ko ng inaantay ang pagkakataon nato...akalain mo yun nagising kapa dapat...pagsisisihan mong nagising kapa..."
inangat sya ang kamay nya may hawak na maliit na punyal...at idadaretsyo na sana nya ng saksak sa may puso.. ni Mirella ang hawak nya... pero.. biglang lumakas ang Hangin... nagulat si Mayumi...dahil biglang bumukas ang bintana... at namamatay matay ang ilaw....
nanlaki ang mata nya.. ng may makita syang lalaki na na nakatayo... sa tabi ng kama ni Mirella... napa atras sya...
"Wala namang taon ng pumasok ako dito..."
habang patay bukas ng ilaw.. unti unti lumalapit ang lalaki na ito,..sa kanya.. napaatras sya... nangangatog na sya sa Takot...dahil nakita nya itong tumagos sa kama kung saan nakahiga si Mirella... tatakbo na sana sya papalabas ng kwarto...pero bigla nalang may humila sa Paa nya....kaya napasigaw sya..
"Ahhhhhhhhhhhhh"
napansin iyon ng Doctor at ni Koji kaya agad na sinubukang buksan ni Koji ang kwarto pero hindi nya magawa.. tumawag ng nurse ang Doctor para ipakuhi ang susi ng kwarto..samantalang habang natatarantang... sinusubukan nila buksan ang pintuansakal sakal na sa leeg ng isang lalaki.. si Mayumi...
"Magbabayad ka!!!!!!"
sigaw ng galit na lalaki sakanya.. galit na galit ito at nanlilisik ang mga mata... sinusubukan ni Mayumi saksakin ang lalaki pero tumatagos lang ang punyal sa katawan nito...unti unti lang ito nawala ng mabuksan na nila Koji ang pintuan...
Koji POV...
isang sigaw ang narinig namin ni Doc habang sinasabisakin ang dapat gawin kay Mirella...para maging mas mabilis ang pag galing nito....napatakbo kagad ako sa kwarto ng makarinig ako ng sigaw... pero hindi ko mabuksan ang pintuan...
"ni Lock mo ba ito?"
tanong ni Doc sakin...
"Hindi po hindi po ako nag Lolock ng pintuan"
sagot ko sakanya....
"Nurse lakad kunin mo ang susi sa kwarto na ito..."
agad na sumunod ang nurse...tumakbo ito... para mabilis na makuha ang susi.... pag bukas nila madilim at tanging ilaw na malapit kay Mirella ang may liwanag... isang babae ang napansin naming nasa sahig at takot ang makikita mo sa itsura nito...hawak nito ang leeg nya at may Hawak na punyal.. at itinapat pa samin...
"Mayumi!!! Anong ginawa mo"
wala akong pakialam kahit nakatutok pa ang punyal samin..basta mapuntahan kolang si Mirella....kaya tumakbo kagad ako para tignan kung may ginawa nanaman ba si Mayumi....
"Mirella?.... "
Tumawag naman ng Guardya ang Doctor... at pinakuha si Mayumi palabas ng kuwarto at dinala..sa Guard Office...tinignan din ng Doctor si Mirella...
"Buti nalang.. walang ng yari sa pasyente... kilala mo ba ang dalaga nayun?"
"Opo Doc.. natatandaan nyo po ba nung unang beses na dalhin sa Hospital nato si Mirella... bugbog sarado nasya nun..at ang akala naming lahat... hindi na sya mabubuhay.. ang taong gumawa nun sakanya... ay ang babae nayun si Mayumi..."
"Ganun ba..? ok sige.. ako ng bahala tatawagan ko si Kai.. at ang kuya nya para ayusin ang bagay nato... dito kalang... bantayan mo ang pasyente... huwag ka ng umalis ok.. kung hindi kita kinausap kanina hindi ito mangyayari... oh sya.. aalis nako"
iniwan nako ni Doc... nanlambot ang mga tuhod ko..akala ko...sinaktan nanaman sya ni Mayumi..
"Mirella....Salamat naman..at hindi ka nasaktan..."
nilapit ko ang noo ko sa Noo nya....hinawakan ko ang muka nya....
"Hindi ko na alam ang gagawin ko kung may mangyayari nanaman sayo bilisan mo na ang paggaling... marami pakong dapat sabihin sayo Mirella bumalik kana samin"
bigla nalang lumakas ang hangin...pag lingon ko...bukas pala ang bintana...pero ang pagkakaalam ko sarado ito...kaya isinara ko ang bintana at ni Lock iyon para siguradong hindi na magbubukas...may kakaiba..sarado na ang bintana pero malamig sa loob ng kwarto.. chineck ko ang aircon... nasa mababa lang naman ito pero bakit ang lamig... isang lalaki ang napansin kong nasa may pintuan... agad kong binuksan ang ilaw.. pero wala naman...
"Guni guni ko lang siguro"
pero ng muli akong lumapit kay Mirella namatay ulit ang ilaw...
"Akin lang sya"
mahina pero malinaw ko yun narinig sa tenga ko...nanlaki ang mata ko... at kinilabutan ako..agad akong lumingon sa likod ko at biglang nag bukas ang ilaw...syang dating naman ni Kai...
"oh bat parang nakakita ka ng Multo?"
bungad sakin ni Kai...
"si Kuya Brion?"
"kausap ni Doc...pinapunta nako dito ni Brion para tignan kayong dalwa...ok kalang?"
tanong nya sakin...
"Oo"
lumapit din si Kai kay Mirella at kumuha ng upuan para umupo sa Tabi ng kama nito... hinawakan nito ang kamay ni Mirella...
"buti nalang at hindi sya nagawang saktan ulit ng babae nayun at hindi na nya ulit magagawa iyon..."
"Bakit... kung ano ano sinabi ni Mayumi kanina..."
"bakit anoba pinag sasabi nya..."
umupo naman ako samay paahan ni Mirella....
"Sinugod daw sya ng isang lalaki dito sa kwarto...at pinag gigiitan nyang multo yun dahil sinusubukan nya daw saksakin pero tumatagos lang daw dito ang punyal...kaya takot na takot ito.... kaso nalaman namin na lango pala ito sa alak..at malinaw nyang sinabi samin na si Mirella lang naman ang pakay nya...dahil sa ginawa nya...ipinakulong sya ngayon ni Brion... kaya nauna nako pumunta dito"
multo....multo nga kaya yun..nasabi ko sa sarili ko
"Kung sino man yung tinutukoy ni Mayumi... nagpapasalamat ako at hindi nya hinayaan masaktan si Mirella"
"Tama kadun...Hindi kaya-"
hindi na tinuloy ni Kai ang sasabihin nya at nagkatinginan nalang kami...
"Imposible yun sa kwento ni Mayumi sinaktan sya.. hindi naman nya magagawa iyon napaka bait nya diba?"
nginitian ko lang si Kai ang totoo nyan....
Koji's Throwback...
"Sinabi ko diba ayoko nyan...!"
si Taro galit na galit...
"anak...kailangan mo ito.."
"Bakit mapapagaling ba ako ng gamot nayan! hindi ma... narinig ko ang Doctor! ng kausapin nya kayo akala nyo ba tulog ako!"
"Taro huwag ka ng magalit...buti pa isasama nalang kita sa School..ko..i eenroll kita"
sabi ko sakanya...medyo nag isip muna sya....
"Gusto ko yan..."
salamat napakalma din namin si Taro... lagi mainit ang ulo nya... ng wala syang sakit lalo pa ngayon..na ilang buwan nalang ang itatagal nya..dahil Stage4 na ang Cancer nya sa sikmura...iniuwi na sya dito nila mama dahil...gusto nito kung mamamatay daw sya dito sya sa pilipinas at hindi sa ibang bansa... pero sa ibang bansa kasi suportado panggagamot nya pero hindi para gumaling kundi para madagdagan pa buhay nya..inuunawa nalang namin sya ni mama...
"Anak maraming salamat huh..lalo ng lumalala ang Emosyon nya..."
umiiyak si mama... at umakap sakin...kaya nagulat nalang ako ng makita kong kasama nya si Mirella...ng araw ng pasukan...Habang kinukwento nya ang pagkikita nila ni Mirella at kung ano ang naramdaman nya..ng mahawakan nya ito...nagagalit ako..nagagalit ako sa sarili ko..bakit sya pa...ako ang may kasalanan dahil idea ko ang i enroll sya sa School.... nakita ko sya napakasaya nya...ang kapatid ko na laging nakasigaw at mainit lagi ang ulo... nakangiti ito...nakangiti sya habang kinakain nya... ang pagkaing binigay ni Mirella sa kanya....
Present Time...
"Teka Koji kumain kanaba?"
umiling ako...
"bibili lang ako ng makakain natin... Mirella babalik din ako huh"
paalam nya kay Mirella na ilang segundo nyadin tinitigan....bago sya tumayo....
"Oongapala... Hindi padin ako sumusuko"
sabi nya sakin bago sya umalis....natawa ako sa sinabi nya....parang kelan lang nag aaway kaming dalwa...tungkol kay Mirella... dahil parehas kaming di maamin ang pag kagusto kay Mirella..ngayon nag tutulungan naman kami... para lang kay Mirella....naramdaman ko nalang na may humawak sa kamay ko... napatingin ako sa kamay ko at napatingin ako sa kanya...gising na si Mirella...at ngumiti pa sya sakin....
"Oh bat ka umiiiyak..."
sabi nya sakin.. hindi ko na namalayang..tumu tulo na ang luha ko... sinusubukan nyang bumangon... agad kong pinunasan ang luha ko....
"Huwag ka.. muna mag kikilos..."
agad kong itinaas ang higaan nya....
"Koji nasaan si Taro?"
napatingin ako sakanya at nagtataka....
"Bat ganyan ka makatingin..."
"sapanaginip ko may tumatawag ng tumatawag sa pangalan ko... ng minulat ko ng bahagya ang mata ko iniisip ko kung sino..ang lalaking umiiyak sa harapan ko.. bago ako ulit makatulog napansin kong hindi ka si Taro kasi naka facemask ka at naconfirm ko na hindi ikaw si Taro dahil sa taling mo sa leeg... kanina lang kasi nakita ko si Taro sa likod mo...nasaan nasya?"
hindi ko magawang magsalita...tandang tanda ko pa... ng araw nayun.. pumasok ako sa kwarto...at nakita kong dinala ni Taro si Mirella sa Garden namin...ang sumunod dun....
"Ma! Ma! Tulungan nyo kami..."
umiiyak si Mirella habang... akap akap nya si Taro... kaya agad kaming napatakbo ni mama sakanilang dalwa...wala ng malay si Taro...
"Ma..may sakit po ba sya..? bakit hindi na sya nagising...?"
sinugod kagad namin si Taro sa Hospital... iyak parin ng iyak si Mirella.. sinubukan pang irevive ng Doctor si Taro pero... umiling na ang Doctor...umiyak na ng umiyak si Mama... nakatulala nalang si Mirella...
"Anong ibig nyong sabihin? imposible yang sinasabi nyo... kausap ko lang sya kanina"
sabi ni Mirella samin... nilapitan ni mama si Mirella at inakap...
"Patawarin mo kami... Kung hindi namin sinabi sayo...ayaw nya kasi malaman mo ang totoong kalagayan nya...akala namin magiging ok nasya...dahil naging masigla at masayahin sya ng nakilala kanya...pero... kahapon ng dinala kanya sa bahay kaya sya pumasok sa kwarto...dahil umatake na ang sakit nya... gustong gusto ko ng sabihin sayo... pero seryoso syang huwag ipaalam sayo... matapos kanyang ihatid... bigla nalang sya nawalan ng malay.. kaya na isugod namin sya sa Hospital...at yun din ang dahilan kung bakit hindi sya nakapasok sa School... kinausap ko si Koji na pumasok at baka sakaling pumunta ka sa bahay...hindi ka masyado mag aalala... kasalanan ko to.. hindi ko dapat sinunod ang gusto nya... pero.. gusto nyang ikaw ang makasama nya... sa huli ng buhay nya..."
"hindi ko po kayo maintindihan"umiiyak parin si Mirella.. lumapit sya kay Koji...
"Bumangon kana dyan... hahanapin ko pa yung pinapahanap mo diba..."
hinawakan nya ang kamay ni Taro....
"Mainit pa ang kamay nya.. hindi sya patay tama... nawalan lang sya ng malay hindi ba Doc"
pero yumuko lang ang Doctor...
"Pasensya kana Miss... pero patay na sya...may Stage4 cancer na si Taro.. pinayagan ko syang umuwi ngayon para makasama nya ang mga mahal nya sa buhay sa huling araw ng buhay nya.."
"Hindi yan totoo...!!!"
"Lahat kayo... nag sisinungaling sakin... hindi nya ko iiwan sinabi nya yun sakin kanina lang... nag mamakaawa ako Doctor... gumawa po kayo ng paraan"
lumuhod na sya... sa pakiusap nya.. pero itinayo na sya ulit ng Doctor...
"Hindi tama Hindi totoo ang ng yayari ngayon... nananaginip lang ako.. diba"
tumingin samin si Mirella... pero iniwas kolang ang tingin ko sakanya... tinakpan na ng mga Doctor ng kumot ang ang katawan ni Taro habang si mama wala nading tigil sa kakaiyak...
"Huwag nyo syang Takpan buhay pa sya BUHAY SYA!!!!"
sigaw ni Mirella... matapos nyang tanggalin ang kumot sa katawan ni Taro... akap akap nyalang ito...halos lahat ng pasyente at mga kasama nito nagtitinginan na samin... kaya naglakas loob nako lapitan sya... hinawakan ko sya sa balikat...
"Koji..tulungan mo ko... hindi pa sya patay...huwag mo hayaang kunin nila si Taro...pakiusap"
hindi ko na pigilan ang luha ko... inakap ko nalang sya... habang inaasikaso na ng mga nurse ang katawan ni Taro...
"Hindi!!! Taro....sabi mo hindi mo ko iiwan.... ano tong ng yayari"
humahagulgol na si Mirella sa pag iyak....at halos himatayin na sya...kaya... iniupo muna namin sya.... kahit handa nakami nila mama... sa mga mangyayari kay Taro.. masakit parin ito samin.. maslalo na kay Mirella na siguradong gulat na gulat sa pangyayari dahil... wala syang alam... sa tunay na kalagayan ni Taro.. kaya hindi sya handa.... kinausap kami ng Doctor ni mama at iniwan muna naming nakaupo si Mirella.. tulala sya.. pero patuloy lang ang pag luha nya...matapos kami makausap ng Doctor...
"Ma..si Mirella"
wala si Mirella sa pinag iwanan namin sakanya...
"sige na anak ako ng bahala dito.. hanapin mo sya baka kung anong mangyari sakanya"
agad akong tumakbo nag tanong tanong sa mga nurse kung napansin ba nila ang isang babae.. na naka uniform at tulala...
"Sya ba.. oo nakita ko sya lumabas sya.. tinatanong ko nga sya.. kung may problema ba pero hindi sya nagsalita at nag daredaretsyo lang sya sa pag labas... sa itsura nya kasi parang may dinaramdam sya"
sabi ng isang gwardya sakin...
"Maraming salamat po..."
nagmadali ako hanapin sa labas ng Hospital si Mirella nakita ko sya nakatayo sa gilid ng kalsada...pero bago ko sya maabutan... isang sasakyan na kotse ang bumangga sakanya.....
"Mirella...!"
agad kong nilapitan si Mirella...duguan sya at wala ng malay atang nakabanggang kotse sa kanya..iniwan sya...napag alaman namin na ang kotseng nakabangga sa kanya ay ninakaw lang.. kaya hindi namin nahuli kung sino man ang bumangga kay Mirella....dahil sa aksidente isang Taon na Comatos si Mirella... sawakas nagising nasya ngayon...kaso pano ko sasagutin ang tanong nya tungkol kay Taro...hindi kaya nalimutan nya...
"Huy Koji.... nasaan si Taro..."
tanong nya ulit sakin....pero tinitigan ko lang sya... hindi pa tama na malaman nya ngayon...
"Mire!"
buti nalang dumating si Kuya Brion...
"Kuya!"
umalis muna ako... at hinayaan ko muna ang magkapatid...
Mirella POV..
"Mirella?...."
"Mirella....Salamat naman..at hindi ka nasaktan..."
"Hindi ko na alam ang gagawin ko kung may mangyayari nanaman sayo bilisan mo na ang paggaling... marami pakong dapat sabihin sayo Mirella bumalik kana samin"
mga salitang naririnig ko habang natutulog ako..sino kaya yun.. kaya sinubukan kong imulat ang mata ko...pamilyar ang muka nito...nakalapit ang muka sa muka ko at nakalapat ang noo nya sa noo ko.... naka facemask ito...sa gilid ng mata ko.. isang hugis ng lalaki ang nakita ko..ng luminaw linaw ng bahagya ang paningin ko nakita ko si Taro...galit ang itsura nito...pero nahilo ako kaya muli ako napapikit... si Koji ang tumatawag sakin habang natutulog ako... maya maya lang...nakarinig ulit ako ng boses... naramdaman kong may humawak sa kamay ko... ng sinubukan kong idilat ulit ang mata ko... wala na..yung taong nakahawak sa kamay ko at nakita ko nalang si Koji... aalis sya kaya sinubukan kong igalaw ang kamay ko at hinawakan ko ang kamay nya.....
napatingin sya sakin at nginitian ko sya...bigla nalang syang umiyak... kaya sinubukan kong bumangon pero... pinigilan nya ko at inayos nya ang higaan itinaas nya ito para hindi kona kailanganin pa ang umupo...
"Koji si Taro"
napatingin lang sya sakin at nakatitiglang sya ang mga mata nya...parang nagtataka...matagal syang hindi nag sasalita...
"Huy Koji.... nasaan si Taro..."
Tanong ko ulit kay Koji...
"Mirella!!!"
napalingon ako..at nagulat ako sa nakita ko....
"Kuya!"
tumakbo papalapit sakin si Kuya at inakap ako ng napakahigpit....inakap ko din sya...at tinapik tapik ang likod ko...namalayan kong wala na si Koji...iniwan nya nakami ni Kuya...
"Kuya anong ginagawa mo dito? diba nasa ibang bansa ka wala kanabang trabaho ngayon"
umiling sya...
"Bakasyon ako ng isang buwan dito sa pilipinas..."
"talaga masaya yan...pero kuya bat ngapala ako nasa Hospital? alam ko nakalabas nako.. bat naandito parin ako?"tinitigan ako ni kuya....
"Hindi mo ba naaalala...?"
"Naaalala ang alin?"
"Naaksidente ka nabangga ka...at halos isang taon kang comatose...."
natigilan ako...isang taon? bat hindi ko maalala... hindi ko maalalang nabangga ako... ang huling naaalala kolang pumunta kami ni Taro sa Garden...
"Kuya na meet mo naba si Taro? nandito lang sya kanina kasama ni Koji.. kaso bigla din sya nawala baka lumabas lang...."
"Mire wala kaba talaga maalala..?"
"Kuya naman meron syempre kilala ko pa kayong lahat si Zita si Art Tita Aira Tito Troy si Sir.Kai Nani Dion si Koji si Mama... ang mama nila Taro at si Taro.. ay pati ikaw..."
inakap ulit ako ni Kuya...umiiyak sya..
"Ang mahal kong kapatid..."
"Kuya...."
maya maya lang pumasok ang isang Doctor kasama si Koji tinignan ako at tinanong ng konti...kung may nararamdaman bako na may masakit sakin at kung kilala ko pa lahat...
"Kailangan kitang makausap"
sabi ng Doctor kay Kuya....lumabas silang dalwa ni kuya at naiwan kaming dalwa ni Koji...may kakaiba... hindi ba dapat si Taro ang nagbabantay sakin.. pero bakit si Koji...
"Nagugutom kaba?"
tanong nya sakin...
"ngayong natanong mo yan...parang na gugutom ngako. pero sabi ni Doc.. huwag daw muna masyado madami baka mabigla daw sikmura ko Teka may gatas ba? hindi ko alam pano ng yari pero isang taon daw ako comatose? hindi ako makapaniwala.. kung isang taon ako nawala... ehdi dapat -"
natigilan ako ng ilabas ni Koji.. ang kahon kahon na gatas...
"katumbas nito isang taong pagkakatulog mo Sleeping Beauty"
"Talaga ibig sabihin kahit comatose ako patuloy lang ako pinadadalhan ng gatas.. ni Milk Man"
"Milk Man?"
"Oo Milk Man...sana makilala ko nasya... gusto ko mag pasalamat sakanya...napaka consistent nya..."
"Malakas kana talaga...napaka daldal mo na ulit Napakasaya ko..."
halatang halata sa mga mata nya na nakangiti sya.. kumuha sya ng isang gatas.. sa kahon.. lumapit sya sakin..at umupo sa Tabi ko... kinabahan ako...naalala ko ang itsura nyakanina ng napakalapit ng muka nya samuka ko...
"Wala ka namang ibang gagawin diba?"
narinig ko ang mahina nyang tawa...
"Kung ano ano nanaman yang tumatakbo sa isipan mo"
"Eh kasi kanina ano...bat kasi sobrang lapit ng muka mo sa muka ko... hindi mo dapat ginagawa yun.. kapatid mo si Taro..."
biglang lumungkot ang mata nya....at inabot na nya ang gatas sakin....
"May nasabi bako na hindi mo nagustuhan?"
nag alala ako kasi...nag iba ang mood sa paligid namin...umiling lang sya sa tanong ko... ang mga mata nila.. parehas na parehas... talaga...
"Mamaya mo nayan inumin pag nakakain kana...baka kasi sikmurain ka matagal tagal kadin kasing hindi nakakain.."
matapos nyang sabihin iyon itinabi ko muna.. ang gatas sa tabi ko... at sinubukan kong tanggalin ang facemask nya... pero bago ko pa magawa iyon...nahawakan nya kagad ang kamay ko... natatandaan ko ang init ng kamay nya...yun yung naramdaman ko ng unang beses nyang hawakan ang kamay ko... may mali ata...bat bumibilis ang t***k ng puso ko....
"Bat ganun....?"
ibinaba na nya ang kamay ko pero hawak nya padin iyon...
"Hindi pa ngayon"
"Ang alin?"
binitawan na nya ang kamay ko... at tumayo nasya
"Tatanggalin ko din ito pagsatingin ko.. handa kana...."
"ganun bakit pangit ba ang nasalikod ng facemask nayan...hindi naman problema sakin kung may diperensya yan....na cucurious lang ako.. ang mga mata mo kasi ang hugis ng muka mo...malaki ang pagkakatulad kay Taro kaya minsan akala ko ikaw si Taro...na nag fafacemask lang..."
"Nagkakamali ka...kilala mo sya hindi sya nag fafacemask lalo na sa harapan mo"
"Kaya nga yun nga pinag tatakahan ko.. kung hindi nga ikaw si Taro pano mo ipapaliwanag... ang pag-"
"Ano?"
natigilan ako kasi humarap na sya sakin....
"Ahh wala kalimutan mo na..."
ipinikit ko ulit ang mata ko habang nakasandal ako sa unan naramdaman kong parang may umupo sa kama ko... pag dilat ng mata ko.... ang muka ni Koji masyadong malapit sa muka ko....nanlaki ang mga mata ko...palapit ng palapit akala ko hahalikan nya ko pero nag kamali ako buti nalang ni lihis nya ang muka nya at nilapit nya ang muka nya sa may Tenga ko...bumulong sya
"Kung ako si Taro.. hindi ko na pipigilan ang sarili ko at nahalikan na kita...."
nanlaki ang mga mata ko... kakaiba pakiramdam ko...akala ko hihimatayin ako...
"Koji!"
agad ko syang tinulak... sa pagtulak ko sa dibdib nya, hinawakan nya ang dalwa kong kamay at hindi nya iyon tinanggal.. ramdam na ramdam ko ang pagtibik n puso nya... malakas at mabilis ang t***k nito kaya napatingin ako sakanya ang init ng katawan nya.... tumingin naman sya sakin....
"May sakit kaba? kasi kanina ko pa napapansing ang inti mo"
(Patay malisya)
natawa sya sa tanong ko... at binitawan nya na ang kamay ko.. ng makarinig kami ng kakaibang tunog.....napatingin kami pareho sa bintana dun ng gagaling ang kakaibang tunog... napansin naming nag c***k ang bintana... ang sumond na ngyari... bigla nalang ako inakap ni Koji hinarang nya ang katawan nya sabiglang nabasag nasalamin ng bintana.... gulat na gulat ako ni hindi ako nakasigaw.... lalo na ng mamukaan ko ang nasa labas ng bintana...
"Okkalang wala bang nadali sayo?"
tanong sakin ni Koji habang... tinitignan nya ko kung may tumama basaking bubog...
"Koji"
"Bakit may masakit ba sayo?"
"Si Taro"
(bababa ako para tignan ang bintana pero ppinigilan ako ni Koji)
gulat na gulat si Koji nananlalaki ang mga mata nyang nakatingin sakin
"Dito kalang!"
umalis sya at agad na tinignan ang bintana.... malakas ang hanging pumapasok dito....
"Anong ng yari?"
si kuya na andito na kasama si Kai... agad na lumapit ang dalwa sakin...at tinignan kung ok lang ako...
"si Taro"
tinuro ko ang bintana at nagkatinginan silang tatlo....