"Kuya...gusto ko makita si Taro"
nag pupumilit ako bumaba para silipin ang bintana... pero pinigilan.. ako nila kuya
"Anong ng yari dito?"
tanong ng nurse na pumasok..nilapitan ni Koji ang nurse at lumabas ito... katabi ko lang si Kuya at nag uusap si Kai at Koji... tumitingin sila sakin....
Koji POV...
"Ano bang ng yari? tanong sakin ni Kai...?"
"Bigla nalang nabasag ang salamin.. ng bintana...una muna nakarinig kami ng kakaibang tunog... sa bandang bintana napansin kong parang unti unting nagccrack ito,,, bago pa mabasag sinugurado ko ng hindi matatamaan si Mirella... at buti nalang walang ni isang bubog ang tumama sakanya....tinuro nya ang bintana binabanggit nya pangalan ni Taro...gustong gusto ko ng sabihin sakanya ang tungkol sa kapatid ko..."
"nakausap ni Brion ang Doctor at kinuwento nya kung ano ang naaalala ni Mirella.. sabi ng Doctor sya mismo ang gumawa nun ang kalimutan ang masakit na pangyayari sakanya...kaya hanggang dun lang sa bahagi na masaya silang dalwa ni Taro ang naaalala nya simula nakilala nya ito hanggang sa huling araw na nakasama nyang buhay si Taro...."
"Satingin ko pati ang mga ibang pangyayari na hindi related kay Taro naaalala nya padin... maliban lang sa pagkamatay nito oh maaaring lahat ng nakasakit sakanya ay hindi nya na maalala"
"anong gagawin natin?"
"Sabihin na natin sakanya ang Totoo"
napatingin kami pareho kay Mirella....
"Pero paano..wala ni isa satin nag lalakas ng loob para sabihin yun...lahat tayo nagaalala sa kung ano nanaman ang mangyayari...baka kung anong gawin nya sa sarili nya.."
sakalagitnaan ng paguusap namin.. pumasok ang isang Janitor para linisin ang,, mga bubog ng salamin na nag kalat sa sahig..dumating din ang Doctor,,para kausapin kami...tungkol sa ng yari...nilapitan ni Kai si Mirella...
Mirella POV.
Lumapit si Kai sakin habang kinakausap ni kuya at ni Koji ang Doctor.....
"Gutom kanaba?"
napatingin ako sakanya...
"Kanina oo kaso matapos ang ng yari..hindi ko alam kung makakakain pako"
"Kailangan...bumili ako ng makakain.. kailangan mong kumain kailangang maging malakas ka ok"
"pero -"
hinawakan nya ang kamay ko....
"Wala ng pero pero.... oongapala binilhan kita ng ipit sa buhok... masyado ng mahaba ang buhok mo...."
hahawakan nya sana ang buhok ko pero pinigilan ko sya...
"Huwag... huwag mong hawakan ang buhok ko... madumi payan...hindi ko alam kung kelan ang huling beses na nalinis ang ulo ko..."
"ano kaba.. araw araw... tignan mo sarili mo sa salamin"inabot nya sakin ang isang maliit na salamin...
"oonga ang haba na ngbuhok ko...umabot na sya hanggang bewang...pero pano ng yari malinis ang buhok ko isang taon na siguro ako hindi nakakaligo"
"Nagkakamali ka araw araw na punta dito si Tita Kora...."
"Sino yun?"
"Hindi mo kilala? mama nila Koji araw araw sya napunta dito para linisan ka...liguan ang ulo mo...hindi naman kasi pwede nakami nila Koji ang gumawa nun sayo..."
"si Mama? alam nya ba na nagising nako...?"
"Oo pumunta sya dito ng unang beses kang nagising kaso tulog ka na ulit ng dumating sya,..."
"Sila Zita at Art"
"nadaan dito si Zita pag kagaling sa School samantalang si Art...ones a week lang nakakapunta dito tuwing saturday ng gabi hanggang sunday ng hapon... sya ang kapalitan namin ni Koji sapagbabantay sayo ng ganoong araw..."
"Anong araw naba ngayon?"
"Ngayon? Friday August 9,2019 naaksidente March...2018 hindi ko na matandaan anong date basta alam ko malapit na matapos ang Schooling nyo"
"Ang tagal narin pala...tama College na ngayon si Art...ni hindi ko manlang napanood ang pag graduate nya dibale nasa senior na ngayon si Zita... pupunta ba sila dito...na Mimiss ko na sila..."
"kaya nga magpalakas ka kagad para... magkakasama na ulit kayo... ano pwede ko nabang ayusin yang buhok mo para naman hindi nakasabog yan"
tumango nalang ako.. at sinimulan na nya ang pag ipit sa buhok ko...
"Teka! Masakit,,, marunong kaba talaga mag ipit?"
sabi ko hindi nya alam nahihigit nya na mga buhok ko sa anit...napapakamot ako pag may nahihigot na buhok...
"Teka malapit na"
ng matapos na pinakita na nya sakin sa salamin...
"Ano to? parang feeling ko lalo ako naging bruha"
"Grabe ka himbis na thank you marinig ko sayo nilait mo pa"
"Nagtatampo ka ohsya ok na ito para kang bata"
"ANO YAN!"
sigaw ni kuya samin nginitian ko lang sila.....
"Ako nag ipit sakanya... diba maganda"
"Kai mag bake kanalang at mag luto dun ka mahusay"
sabi ni kuya sakanya.
"Grabe kanaman"
"Lakad na ihain mo na yung pagkain ako na aayos nito"
tinanggal ni kuya ang ipit ko sa buhok...
"Kuya!!! pereho lang kayo ni Kai"
sigaw ko sakanya...katulad ni Kai hinigit higit nya din ang buhok ko...at hindi din maayos ang pagkakaipit..
"diba mas maganda na"
"Anong maganda maayos pa ang gawa ni Kai sayo"
"Oh diba sabi ko sayo maayos pa pagkakaipit ko sakanya"
pagmamalaki ni Kai...
"Tumahimik kadyan ayusin mo nalang yung pagkain"
parang tutang sumunod si Kai kay kuya... samantalang narinig kong tumawa si Koji na nakaupo sa tabi ng kama ko...tumingin sya sakin...
"Gusto mo ayusin ko yan?"
tinignan ko sya ng masama
"Huwag mo na subukan..."
"Trust me nagawa ko na ito dati"
"Ahmm ok sige....tignan nga natin"
naglabas sya ng suklay at dahan dahan nyang sinuklay ang buhok ko...bago nya inipitan pataas ang buhok ko para kahit nakahiga ako hindi matatanggal...
"Wow!"
sabi ni Kai at ni Kuya...
"Grabe may talent kapala Koji"
sabi ni Kuya...grabe para kay kuya at Kai talent na ang ginawa nya...hindi pa tapos si Koji.. hinahangaan na nila...tinitigan nya muna ako...
"Ayan ok na"
matapos nyang ayusin ang buhok ko may naalala ako....ng panahon na nasa Hospital din ako..dati dahil sa nabugbog ako... ganito din ang ginawa sakin ni Taro...gabi nun kahit dimlight lang ang ilaw... maayos nyang na ayos ang buhok ko...
Throwback One year ago
"Wow...ang husay mo naman sa pag ayos ng buhok..."
"Talaga? buti naman nagustuhan mo...matagal kong pinaractice yan... para gawin sayo"
"Ahh ang sweet naman..."
pinisil pisil ko ang muka nya...
Balik tayo sa Kasalukuyan....
nawala ang ngiti ko ng maalala ko iyon...
"Bakit hindi mo ba nagustuhan?"
"ikaw? sino kaba talaga..."
mahina kong tanong sakanya..nawala ang ngiti sa mga mata nya matapos kong itanong sa kanya yun...tinitigan nya lang ako...
Koji POV...
"anong ibig mong sabihin?"
tanong ko sakanya... habang nakatingin sa mga mata...nyang nagtataka....
"Kasi..etong ginawa mo sakin"
yumuko sya...nakita kong nagkuyom ang mga palad nya habang hawak nya ang kumot....hindi kaya naalala nya...? gusto kong sabihin sayo kung naalala mo yung araw na iyon...ako ngayon... hindi si Taro...hinawakan ko ang kamay nya...tumingin sya ulit sakin at ngumiti....
"Kung ano ano kasi iniisip ko"
ngumiti sya pero bigla ding nawala ang ngiti nayun....
"Hoy kayong dalwa dyan.. kakain na tayo (Tinutukoy ni Kai si Brion at Koji) ...at etong pagkain naito specialy made for my Princess"
Pagkalapag ng pagkain sa harapan ko... tinitigan pako ni Kai...
"Bakit? Dismayado ka dahil masmaganda pag kakaipit ni Koji kesa sayo?"
umiling sya.....
"Mas lalo kang gumanda..matagal tagal nadin... bago ko nakita ang maaliwalas mong muka..."
hahawakan sana ni Kai ang muka ko pero hinampas yun ni Kuya...
"Hoy Mamaya nayan kumain ka muna"
saway nya kay Kai si kuya talaga....napangiti ako....napansin kong palihim pang tumingin si Kai....
"Dali na Kai pumunta kana dito..hayaan mo muna kumain si Mirella"
"Oo andyan na"
bago umalis nakita kong bumuka ang bibig nya...at may sinabi sya pero hindi ko marinig sa sobrang hina.. tumingin sya ulit sakin bago sya umalis.....
Sa Kulungan...
"Mayumi ano tong ginawa mo..."
tanong ni Minion one na si Ica... pero walang reaction si Mayuma naka tulala lang sya....
"Papunta na dito...ang magulang mo..tinawagan ko na sila"
tumingin si Mayumi sa kanya... isang lalaki ang nakita nya...nanalilisik ang mata...
"Umalis ka dyan Ica! andyan sya..andyan lang sya!!! Wahhhhh layuan mo ako... hindi ko na uultitin hindi ko na sasaktan si Mirella kaya tigilan mo na ako...!"
sigaw ni Mayumi sa kulungan...
"ikaw wag ka ngang maingay Dyan..."
sigaw ng mga preso kay Mayumi....
sumiksik sa isang sulok si Mayumi... at tinatakpan ang tenga nya...may paulit ulit na bumubulong sa kanya kahit wala...
matapos mapiyansahan si Mayumi..dinala si Mayumi sa isang Hospital..pina rehab nila ito..samantalang hindi natapos ang pagsunod ng lalaking multo sakanila....
maging ang apat panyang kasama.. ay hindi tinitigilan ng multo na ito...
pauwi na si Ica at si Minion2 na si Jess ng biglang lumamig ang paligid...nag taasan ang balahibo nilang dalwa................
ng di sakalayuan may nakita silang lalaki na nakatayo at nakatalikod
"Ay grabe wag naman kayo manakot...Kuya.."
sabi ni Jess....
pero hindi ito nag sasalita...
"Jess umalis na tayo..may kakaiba. dito hindi maganda ang pakiramdam ko..."
lumihis na sila ng Daan...pero nandun ulit ang lalaki ngayon naman nakaharap na ito sakanila pero hindi nila maaninag ang itsura nito.. napaatras sila...ng papalapit na sakanila ito... tumakbo na sila pero...
"Jess!!!!!!"
huling sigaw ni Ica matapos makita ni... Jess na hinihila ito... nanalaki ang mga mata nya..at nagpatuloy sya sa pag takbo....hanggang makarating sya sa Dorm nila... ni Lock nya ang pintuan.. ang bintana sinara nya....
"Ano yun?"
tanong nya sa sarili nya habang nangangatog ang katawan nya...matagal syang nakatingin sa pintuan... dahil my pilit na nag bubukas noon...pagtalikod nya
"Wag!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"
...isang sigaw ang bumulabog sa Buong Dorm....
Sa Hospital...
Koji POV...
"Magandang umaga sa inyo... mamaya po andito napo yung mag gagawa ng bintana.. maaari nyo po muna igala ang pasyente...sa labas ng Hospital meron pong...garden sa labas nito"
sabi ng Nurse samin....
"Ok sige po"
sagot ni Kuya Brion sakanya..
"Brion...papasok na muna ako sa Cafe..babalik nalang ulit ako dito mamayang gabi..."
palam ni Kai samin....
"Ok sige salamat huh...Kai.."
"Sige"
paalam nya pero papunta sya...kay Mirella...
"Anong gagawin mo?"
tanong ni kuya Brion habang nakakapit sa balikat nya...
"Ano pa mag Gogoodbye kiss kay Mirella"
"Magtigil kanga Kai....lakad na...mga empleyado mo nag aantay nasayo...sasamantalahin mo pa ang kapatid kong mahimbing pa ang tulog..."
"Ehdi gigisingin ko....si Sleeping Beauty"
pilit parin... lumalapit kay Mirella para halikan sa pisngi....
"Kai Lakad na!"
pigil ko sa muka nya....natawa sya...
"Sobrang higpit naman ng bantay ni Mirella pano ako nyan makakadiskarte"
nasabi nalang nya.....
"Sige na aalis nako..."
paalam nya samin bago sya... umalis....ng tuluyan...
"Koji ok lang ba kung kunin mo yung wheelchair... at magdala nadin tayo ng Konting makakain ni Mirella..."
"sige po"
agad akong sumunod...sa ipinag uutos sakin ni Brion....
"Ok na.. Kuya Brion eto na ang Wheelchair at nasa bag nato nadin ang ilang pagkain..."
sinusubukan nya pang gisingin si Mirella... pero nadilat lang ito tapos napikit ulit...
"Oongapala balita ko.. tumigil ka sa pag aaral para lang bantayan si Mirella bakit mo ginawa yun...?"
natigilan ako sa tinatanong sakin Ni Kuya Brion.. Bakit ngaba?
"Mahal ko sya"
lumingon si Kuya Brion sakin kinakabahan ako pakiramdam ko.. mali ata ang sinagot ko...
kaya nag salita ulit ako...
"Matapos kong makita paano sya naaksidente... Hindi nako makatulog ng Maayos... Gusto ko lagi bantayan sya walang problema sakin kahit gaano pa katagal...hindi ako nawawalan ng pag asa.. na gagaling sya kaya binuhos ko buong Oras ko sa pagaalaga sakanya... hindi ako nakakaramdam ng pagod...matagl ko ng Mahal si Mirella bago pa sya makilala ni Taro...matagal ko na syang binabantayan at sinisigurado na makakauwi sya ng ligtas tuwing gabi ng hindi nya nalalaman...masaya nako dati ng ganun lang..pero nag bago na ang lahat simula ng yari ito simula namatay si Taro...kahit hanggang ngayon natatakot ako sa magiging reaksyon nya pag nakita nya ang totong itsura ko"
"bakit hinayaan mo na ang kapatid mo ang magustuhan nya..."
"Hiniling sakin ni Taro..."
Koji Throwback...
"Koji... ikaw ikaw ang araw araw na naglalagay ng Gatas sa Locker ni Mirella diba?"
napatingin ako kay Taro seryoso ang muka nya..at hindi kagad ako makasagot...
"Nakita kita.... Gusto mo ba sya?"
hindi pako nakakapag salita nag salita nasya...
"Mahal ko sya... sya lang ang dahilan kung bakit hanggang ngayon sinusubukan ko paring mabuhay...Gusto ko gumaling sasakit ko kahit alam ko na imposible yun.. lumalakas ako pagkasama ko sya... Comportable ako kasama sya..Ikamamatay ko ng Maaga...pag nawala sya sakin kaya kung maybalak ka umamin nakikiusap ako.. huwag mo na ituloy yang binabalak mo.. alam ko rin na ikaw ang nagbabantay sakanya sa Hospital tuwing gabi...Tandaan mo akin lang sya"
yun lang ang sinabi nya at umalis na sya npakuyom nalang ako ng palad ko.. at napayuko habang hawak ko ang noo ko...gustong gusto ko ng sabihin pero hindi pwede
Present Time..
"Kaya kahit alam ko na Walang ibang iniisip si Taro kundi ang sarili nya... nag paubaya ako hanggat nakikita ko na Masaya si Mirella at ang Kapatid ko masaya nako...pero hindi ko parin tinitigil ang pagbabantay kay Mirella...hindi ko kaya itigil...ang bagay nayun...dahil hindi ako sumusuko na balang araw... maaabot ko din ang puso nya..."
lumapit si Kuya Brion sakin at Tinapik tapik ako sa Balikat...
"Alam ko na ang dahilan bakit natalo si Kai sayo... Pero gusto ko tapusin mo padin ang pag aaral mo... kapag naka Full Recover na si Mirella.. ang Gusto ko bumalik ulit kayong dalwa sa pag aaral... Sobrang laki ng pasasalamat ko sayo at sa mga magulang mo.. hindi nyo pinabayaan ang kapatid ko...alam mong napakahalaga sakin ng kapaid ko sya nalang ang meron ako tulad ni Taro.. hindi ko kakayanig mabuhay pa pagnawala sya.. Masaya ako kasi..may...mga Taong nagmamahal at nag aalaga sakanya tulad nyo at ni Kai.. kaya tanggap nya matalo sya sayo kasi alam nyang hindi mo pababayaan si Mirella...."
"Kuya?"
natigil ang pag uusap namin ni Kuya Brion... dahil nagising na ito...
"Satingin ko kailangan mo na ipakita ang tunay na ikaw"
bulong sakin ni Kuya Brion bago... nya pinuntahan si Mirella...
Mirella POV...
may naririnig akong nag uusap pero hindi ko masyado maintindihan... mahina lang ang pag uusap nila...
"Kuya..."
agaw ko sa atensyon nila... lumapit si Kuya sakin
Garden ng Hospital
"Wow naman may garden pala dito sa Hospital...naalala ko tuloy yung garden dun sabahay nyo Koji... oongapala... bakit minsan kolang makita si Taro... sa tuwing napapamulat ako ng mata..nakikita ko lagi sya sa tabi ng kama ko.. nakatayo lang sya at nakatitig sakin..kaya nag tataka ako nasaan sya ngayon?"
tumingin ako kay Koji pero iniwas nyalang ang tingin sakin....maya maya pa...
"BFF!!!!!!!"
si Zita patakbong papunta sakin.. at inakap ako ng mahigpit....
"Zita buti nakapunta ka?"
"lagi naman ako na punta kaso lagi kanamang tulog... oongapala kasama ko sila Tito at Tita"
"Aba mukang malakas kana huh... may binili kami ng Tita mo para sayo.."
si Tito Troy inabutan ako... ng mga prutas... at inakap naman ako ni Tita Aira,..
"si Art po hindi nyo po ba kasama?"
"NAku hindi ko maintindihan sa batang yun kahapon panamin sya kinocontac pero hindi namin ma contact patay lagi ang Cellphone"
paliwanag ni Tita Aira sakin....
"Zita subukan mo nga ulit tawagan ngayon"
"Yes po tita...."
maya maya dumating na si Kuya kaya nag kamustahan sila ni Tito Troy hindi pa kasi nauwi si Kuya ng BAhay simula pagbaba nya ng Eroplano..sa Hospital nakagad sya nag tigil at pinauwi nalang nya kay Kai ang mga bagahe na dala nya kaya hindi pa sila nag kikita ni Tito Troy... napansin kong tahimik lang si Koji.....kaya inalok ko sya ng pagkain
at tinanggap nya iyon..
Koji POV...
Dumating ang mga magulang ni Art at si Zita,.....
"Oh Koji..."
ngayon nyalang ako napansin
"Magkakilala na kayo?"
tanong ni Mirella samin...
"OO naman syempre uma-"
bago pa nya ituloy ang sasabihin nya pinandilatan ko na sya ng mata at umiling ako....napatingin samin si Mirella...
"Kailangan nating mag usap"
sabi ko kay Zita...
"ok Sige... Wait lang BFF"
iniwan muna namin si Mirella kay Tita Aira...
"Hindi na nya matandaan"
"ang alin?"
"ang pag kamatay ni Taro.. ang lahat ng bagay na nakasakit sa damdamin nya nalimutan nya na...Short Memory Lost ba ang Tawag dun o Amnesia..basta ang sabi ng Doctor...binablock ng utak nya ang memory na nagbigay sakanya ng sakit Emosionaly,, ang pag kamatay ng magulang nya pano namatay ang magulang nya ang pagkamatay ni Taro,, hindi na nya matandaan nagawa ng maipaliwanag ni Kuya Brion pano namatay ang magulang nila at gaano na katagal iyon..pero ang tungkol kay Taro,,, hindi panamin nasasabi"
"Kawawa naman BFF ko eh yung Tungkol kay Art natatandaan nya pa kaya?"
"Anong tungkol kay Art?"
"Wala yun kalimutan muna hehe..."napaisip ako sa sinabi ni Zita ano yung tungkol kay Art ano kaya yun?...
"Zita hanggat maaari iwasan mo makwento o mabanggit si Taro sakanya... lagi nya kasing sinasabi nakikita nya si Taro.. kagabi lang... may Weird na ng yari... si Mayumi nagpunta dito balak nyang saktan ulit si Mirella pero hindi natuloy ang balak nya dahil may lalaki daw na pumigil sakanya... nakakatakot na lalaki...hindi alam ni Mirella kasi ng Time nayun tulog pasya... naka Expirience din ako.. may bumulong sakin na salitang ("Akin lang sya") isa pa ang pinaka matindi salahat... ng mabasag ang salamin ng bintana ng kwarto ni Mirella nag uusap kaming dalwa ni Mirella ng Bigla kaming nakarinig ng kakaibang tunog hinanap namin ang tunog kaya parehas kaming napatangin sa gawi ng bintana nag c***k ang bintana at tuluyang nabasag buti nalang hindi nasaktan si Mirella...matapos mabasag ang bintana...pinagpipilitan ni Mirella nakita nya si Taro sa may Bintana na imposibleng mangyari nasa Private Room si Mirella pang pitong palapag...imposible namang may Tao... na mapadaan"
"Creepy naman yan Ngayong na kwento mo yan...tungkol kay Mayumi alam mo bang naka Rehab sya ngayon at yung apat nyang alipores ilang araw nawala at natagpuang tulala at hindi na makausap laging sinisigaw.... ("huwag hindi na mauulit") satingin mo kapatid mo kaya may kagagawan nun hindi kaya naghihiganti sya sa mga nanakit kay Mirella...balita ko kasi... Ang Grupo nila Mayumi ang bumangga kay Mirella nung araw nayun"
nagulat ako sa sinabi ni Zita... ibig sabihin si Mayumi ang gumawa nun kay Mirella...
"Hindi ko sya mapapatawad..."
"Huwag ka ng magalala satingin ko...Karma na sakanila yung mga ngyayari ngayon sakanila napakasama nila...para gawin yun kay Mirella hindi man tayo sigurado kung si Taro ngayon..salamat sakanya at binabantayan nya padin si Mirella"
"Zita ang tungkol sa ng yari kala Mayumi pwede bang huwag mo na ikwento kay Mirella"
"Oonaman maaasahan mo ko ayoko ipaalala sakanya mga kawalang hiyaan ng mga iyon... magaling na si Mirella ayoko sumama ulit pakiramdam nya.... yung tungkol kay Taro,, pano nyo ipapaliwanag paniguradong makakahalata yan namay tinatago tayo sakanya..."
matapos nyang sabihin yun... umalis na sya... umupo muna ako sa isang bench....pinag mamasdan ang saya sa muka ni Mirella... Kung si Taro nga yun.. bakit nya nagagawa lahat ito anong kailangan nya..... hindi kaya? mali sana iniisip ko... na si Mirella ang kailangan nya.... Hindi maaari iyon
Art POV......
Hapon na sa Mall
"Art dun tayo... Tara guys"
sabi ni Trish habang hinihila ako...pilit ko tinatanggal ang kamay nya pero para syang linta kung makalapit... nabubwisit nako... kukunin ko sana ang phone ko pero pinigilan nya ako...hindi lang naman kami kasama namin iba pa naming kaklase... Project daw ang gagawin namin pero nag gagala lang naman sila sa Mall at nag shoshoping... kailangan kong makauwi ngayon...papalitan ko si Koji sa pagbabantay kay Mirella..dala ko na gamit ko para daretso nako sa Hospital...masyado nako naging busy sa School simula nag College ako.. sa Sport sa Study eto nalang ang time ko para kay Mirella inagaw pa ng mga ito..
"Punta lang ako sa CR.."
iniwan ko muna muna sila at dinala ko ang bag ko sa CR...tinignan ko ang Phone ko...20 Misscall na 19 miscall galing kay Zita....nanlaki ang mga mata ko.. ng makita ko ang isang misscall na ay galing kay Mirella... agad kong tinawagan iyon pero out of Coverage area na....nag mamadali akong umalis...at sinubukang tawagan si Zita... nag Riring iyon....
"Art gusto mo ba nag mag amusement park tayo after this"
yaya ni Trish sakin..
"Pasensya na Guys...kailangan ko ng umalis"
"Hello Art kanina pakita tinatawagan...."
sinagot na ni Zita sa Wakas....
"Wait Zita papunta nako.."
patakbo nakong lumabas ng Mall...
"Teka Art"
hindi na sya narinig ni Art...
"Zita? diba yun yung pinsan nya na lagi nyang tinatawagan ano kaya ng yari..?"
"Oo ngapala sabado ngayon diba sya nakatoka mag bantay sa lagi nyang nababangit sakin na babae nasa Hospital yun isang taon ng Comatose nagtutulungan sila sa pagaasikaso....observasion ko sakanya,,, sa tuwing kinukwento nya yun nalulungkot sya at parang nasasaktan..."
"Hindi kaya yun yung babae na sinasabi nyang napaka importante sakanya?"
"Siguro nga yun nayun... ano kaya ng yari at nagmamadali sya"
"Hindi kaya namatay na"
"Naku marinig ka ni Art... paniguradong masasaktan ka"
pag uusap ng dalwa...
"Sige guys mauna nako....sundan ko lang si Art"
paalam ni Trish at nagmamadali sya para mahabol nya si Art..nakasakay na ito ng buss kaya agad sya nag para ng taxi para masundan nya saan pupunta si Art....
"Hinahanap ka ni Mirella... nasaan kaba kasi lahat kami nag punta na sa Hospital...nagising na sya...."
umiiyak sa kabilang linya si Zita....
"Salamat sa Dios dininig nya panalangin ko...."
dugtong nya......
"Kamusta sya?"
"MAdaldal na ulit sya ang dami naming pinagkwentuhan,,, pero hindi ko alam isasagot sakanya ng tanongin nya ako tungkol kay Taro...hindi ko alam ang isasagot ko Art...na tigil lang ang pag uusap namin ng dumating ang Mama ni Koji..kasama ang Papa nila kakauwi lang din galing Abroad.. umuwi sya kagad ng malaman nyang nagising na si Mirella..."
"Kelan pa nagising si Mirella?"
"Kahapon ng hapon.. pagkagaling ko ng Hospital...si Kuya Brion ngapala naandito nadin,,,"Kahapon pa,,, naiinis ako
"Bakit ngayon mo lang sinasabi sakin kung kahapon papala"
"ano to sinisisi mo pa ko na ngayon mo lang nalaman tinatawagan kita kahapon pa...pero hindi ka ma contact pati sila Tita tinatawagan ka ano ba kasi mga pinaggagagawa mo dyan...dati naman na cocontact kapanamin ngayon madalas patay ang Cellphone mo"
"Mamaya ko na ipapaliwanag pag dating ko nasa byahe na ako"
"Ok sige mag iingat ka...malayo layo pa ang byahe mo traffic pa ngayon"
ng matapos ang pag uusap namin inisip ko anong dahilan bakit hindi nila ako na contact kahapon.. hindi naman talaga ako nag papatay ng Cellphone..... naalala ko ngapala na hinawakan ni Trish ang Cellphone ko ang babae nayun... nanggigigil lalo ako sa inis,..