Chapter 21 Nakita ko sa mukha ni Lando ang pagtataka. Ngunit nanatiling naroon ang mapang-unawang ngiti. Ako ang hindi nakatagal sa mga titig na iyon. Ako ang parang napahiya sa aking sarili. Alam ko, ginusto niyang malaman ang mga nangyari bago dumating ang ganito ngunit mas pinili kong nanahimik. Pinili kong matakot. Hindi ko napaghandaan ang lahat. Dahil sa paglilihim ko'y hindi rin alam ni Lando na may dalang kapahamakan ang dumating na bisita. Maluwang ang pagkakabukas ng pintuan dahil gusto ni Lando na papasukin kami sa loob kaysa sa nagtatalo kami ni Jc sa labas. Sasabihan ko sana siyang isara muna ang pintuan at uuwi na si JC pero nang magsasalita na sana ako ay kinuha ni Jc ang pagkakataon para makapasok siya sa loob. "Bakit ka pumasok Jc. Tapos na tayong mag-usap. Wala na tayon

