Chapter 22 Marami akong naging desisyon sa nakaraan na hindi ko inaasahang magdudulot ng kapahamakan sa akin at sa mga mahal ko sa buhay. Ngunit gusto kong ayusin ang lahat ng mga iyon kahit kapalit man nito ay ang aking buhay. Tao ako at hindi Diyos. Mga santo man ay may pagkakataon din sa buhay nilang nagkakamali sila sa kanilang inaakala. May mga naging desisyon ang karamihan sa atin at may mga panahong naglihim tayo na ang kinalabasan ay malayo sa ating inaakala. Sa pagkakataong ito, gusto kong gumawa ng tama ayon sa aking sariling pananaw. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may masamang mangyari kina Baby Jay-ar at sa mahal kong si Lando. "Huwag si baby Jay-ar Jc. Parang awa mo na. Luluhod ako sa harapan mo, huwag mo siyang idamay dito. Walang kamuwang-muwang ang bata para m

