MAAGANG NAGISING si Henry kinabukasan, dahil kailangan na naman siya sa kanyang Station sa araw na iyon. Tulog na tulog pa si Lynnette ng iwanan niya ang babae sa loob ng kanyang Chamber. Naka dalawang round pa kasi sila bago mag umaga, kaya pagod na pagod ang katawan kanyang asawa sa mga ginawa nilang dalawa. Napapa ngiti naman si Henry, dahil sa kanyang naalala. Hinila muna nito ang comforter, upang takpan ang hubad na katawan ni Lynnette. Tila naka inom naman ng sampung bote ng Redbull si Henry, dahil sa lakas nito at sigla ngayong umaga. Kakaiba talaga ang hatid ng pakikipag niig nito sa asawa sa kanyang katawan. Dahil para itong vitamins sa kanya, at mas lalo din siyang naging ganado sa kanyang trabaho ngayong araw. Hinatiran lang niya ng pagkain si Lynnette sa loob ng Chamber, sak

