"Mahal, dito ka lang. Pupuntahan ko lang ang mga magulang mo. Huwag kang mag alala sa kanila, walang mangyayaring masama sa kanila." paalam ni Henry sa asawa, habang yakap niya ito ng mahigpit. "Mahal, iligtas mo sila... Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kanilang dalawa." umiiyak na wika ni Lynnette. Agad na pinayapa ni Henry ang damdamin ng asawa, saka siya nagmadaling nag bihis. Naka tingin lang si Lynnette sa monitor at pinapanood ang mga magulang at kasambahay na nagkakagulo sa loob ng mansion. Mabilis din umalis ang mga sasakyan na ginamit ng mga taong namaril sa malaking bahay. Tahimik lang siyang lumuha, dahil sa kanyang awa sa mga magulang. Matatanda na rin ang mga ito at wala ng kalaban laban sa sino man. Lalo na ang kanyang ama na hanggang ngayon ay hindi p

