CHAPTER 34 Nadatnan ko sa garden sina Laviña, Tita Felicia and Tito Herald. Mukhang siyang-siya ang dalawa kay Laviña. Nasa likod ko si Ludwig, nakasunod lang sa akin at pinipilit parin akong magpahinga. Siraulo talaga. Pangiti-ngiti pa siya, akala niya natutuwa ako sa kanya. Biglang nanumbalik ang inis ko sa pagpapahintay niya sa amin ni Laviña. Tapos bigla na lang niyang sinapak si Ruiz. "Hello po. Pasensya na po kayo sa ginawa ko kanina." Sincere kong sabi. Ngayon lang sumanib sa akin ang espiritu ng hiya. I was so barbaric, nakakahiya. "That was uncalled for." Tumango si Tito Herald. Si Tita Felicia naman ay ngumiti ng tipid. They have this look that says, I must apologize to Caroline too. Nun ka! Kulang pa iyong ginawa ko. Huwag talagang magkakamaling magpak

