CHAPTER 35 Ang paghatid ay naging house visit. In fact, kasalo namin si Ludwig sa haponan. Hindi na nahiya ang talipandas. Hindi ko naman siya inalok na dito na kumain. Masaya silang nagku-kwentohan ni Laviña. Posible pala iyong maging close sila na parang sila lang ni Stevan gayong kanina lang niya nakilala ang ama. Ako naman mukha lang audience nila. Tahimik na lang akong kumain habang iniisip ang mga nangyayari sa buhay ko. Napaisip tuloy ako. How would Ludwig react if ever hindi niya talaga anak si Aristotle? Pero mas naawa ako sa bata. It will be hard for him. Ang punot-dulo talaga ng lahat ng ito ay si Caroline. How can she use her son for her own interest? Noon, habang kami ni Ludwig ay hindi ko naman nakitang threat sa relasyon namin si Caroline kahit pa sabihing e

