CHAPTER 26 Hindi na halos ako humihinga dahil sa samu't saring negatibong emosyon sa loob ko. Nanginginig ang kalooban ko. Wala na akong panahon para magdalawang isip pa. Natatakot akong harapin siya pero mas nangingibabaw sa akin ang takot sa posibleng mangyari sa anak ko kapag nagpaka-duwag na naman ako. Gaya nga ng sabi ni Pina, "Clarke you have to face him. You have to be brave para sa anak mo. I know it's not that easy but you'll get through it. We will be here for you." "Ate I'll come with you." "Sasamahan ka namin girl." Nagpresenta sina Tratra at Pina na samahan ako pero tumanggi ako. "Salamat sa inyo but I have to do this on my own. Hintayin niyo na lang ako. Babalik ako as soon as possible." Sabi ko. Mas mabuti ng may nag-aabang ng update mula sa Morris

