CHAPTER 16 Nagising ako na nasa kwarto ko na. Diba nasa couch ako kagabi? Hindi ko na lang binigyang pansin iyon. Pupungas-pungas naman akong bumangon. Hinanap ko agad ang cellphone ko at tiningnan ang oras. Nakanganga ako nang makita kung anong oras na. Nyemas! Mabilis ang bawat galaw ko. Jusko! Unang araw pa lang palpak na ako. Nang magbibihis na ako at makita ang laman ng language sa harap ko para akong binuhusan ng malamig na tubig. Mag-iisip pa sana ako kaya lang mali-late na talaga ako. Baka ano pang masabi ni Ludwig. That's the least thing I want now. We have an appointment at 7:00 am. Nyemas to the ninth level talaga! Pikit mata kong hinablot ang navy blue off shoulder lacy dress. Ingat na ingat pa ako sa pagsusuot baka mapunit. Pinasadahan ko ng tingin ang sarili k

