CHAPTER 15 Nasa Korea ako. Hindi parin ako makapaniwala na nasa Korea na ako. Sa kabila ng pinaghalo-halong emosyon dama ko ang excite. Hindi ko mapigilang magpalinga-linga sa paligi na parang ignoranteng bata. Ang daming mapuputing singkit. True, nasa Korea nga ako. Excited man ako ng lytch I can't help but to feel guilty. Nagsinungaling ako kay Laviña at kay Agripina na pinag-iwanan ko sa anak ko. Mabuti na lang talaga at wala siyang ganap sa buhay. Wala naman kasi akong pwedeng iwanan ng matagal sa anak ko. Ang sabi ko kasi may seminar kami saka team building activity. Hindi ko na din sinabi na sa Korea. Baka maloka sila. Ang sosyal naman kung sa korea pa talaga ang seminar at team building. I can do this. Apat na araw lang naman. Apat na araw. Para naman akong naluging insik. Tapos

