Nakanguso ako habang nakatingin sa labas ng gate namin. Hindi talaga ako sinundo ni Jeiko.
Alam naman niyang iritado ako sa girlfriend ng kakambal ko kaya ayokong sumama sa kanila. Lagi kasi namin itong sinusundo. Palibhasa kasi, magka-course silang dalawa—engineering.
Napapadyak nalang ako. Tinext ko siya kagabi, as in ginulo ko ang inbox niya pero hindi talaga siya nag-reply, pero tinawagan niya ako.
Pero ang tanging narinig ko lang ay ang malakas na tugtog ng music sa isang bar nanaman at maharot na boses ng mga babae.
At meron pa, isang mariing 'You're so annoying...' na galing sa kaniya. Kaya ko siya ginugulo, eh. Para pansinin niya ako. Para tawagan niya ako. It never fails. Haha!
Alam 'kong nakakainis ako pero hindi niya naman kami umabot sa puntong, mag-aaway kami ng bongga. Parang kahit alam kong annoying ako para sa kaniya, ayaw niyang umalis ako sa tabi niya. Ganoon siya sakin!
Pagkatapos niyang marinig ang maganda kong boses, he hang up just like that. Mukhang kasama niya nanaman ang mga kaklase niyang babaero din tulad niya.
Ang maganda lang talaga kay Jeiko ngayon ay masipag na talaga siyang mag-aral, dean lister pa nga! At mayroon pa! Medyo, okay na sila ng Dad niya. Ang Dad niya kasi nagpatapon sa kaniya sa Cebu.
Paanong nasabi 'kong okay na sila? Kasi, minsan nakong dinala roon ni Jeiko sa mansion nila—I mean, more like pinilit ko siya na dalhin ako doon kasi gusto 'kong dalawin ang tree house namin. Oo mayroon kami.
Simula kasi nung namatay si Tita Jenelyn—Mom ni Jeiko. Nagrebelde siya at nagpakabad boy pero hindi ko siya iniwan kahit ang tigas ng ulo.
Inaaway pa nga niya ang Dad niya dahil babaero ito. May malaking problema talaga si Jeiko sa pamilya niya at alam ko lahat ng 'yun dahil lagi akong nasa bahay nila.
I'm super close with her mother. Pinagawaan pa nga kami ni Jeiko ng tree house at hanggang ngayon nakatayo parin 'yun doon.
Nakakalungkot lang dahil minsan nalang kaming mag-hang out doon. Pwede na atang tirhan ng ibon 'yun, e! But, anyways, mabuti na'yun at may dahilan para magsama kaming dalawa. Naglilinis ako roon!
Mamaya talaga kapag nakita ko siya sa school, kukurutin ko siya sa pisnge at pipingutin ko ang tenga niya. Ako lang ang nakakagawa nun sa kaniya. Aba! Kung siya nga makasapok sa noo ko wagas, e!
"Sasama ka sa Prive mamaya?" tanong ni Sheun habang nagmamaneho siya. Papunta kami sa village ni Daphne.
Sheun and I are identical twins. Magkamukha kaming dalawa pero gaya nga ng sabi nila. Kambal man pero nagkakaiba ng pag-uugali. Ako masiyahin habang siya naman ay masungit at strikto pero pagdating sa girlfriend niya para siyang aso. Underdog kasi. Tsss...like right now dapat nasa shotgun seat ako pero ito ako nasa backseat!
"Oo, magkasama kami ni Jeiko..." sagot ko ngunit kumunot ang noo niya sa sinagot ko.
"Kailan ka pa sinama ni Jeiko? I bet he's hooking up with Daphne's friends tonight..." sabi niya. "Umaasa ka nanaman sa kaniya..." aniya sa matigas na boses.
Ngumuso ako, "Eh ano naman ngayon? Sanay nako at sanay narin ako na hindi naman siya magtatagal sa mga babaeng 'yun. Di 'yun seryoso!"
"So sa tingin mo seseryoso siya sayo?"
"Oo naman! Ako kaya si Shian Aldeguer. Best friend niya. Close friend niya. Kilala namin ang isa't-isa,"
Nakita 'kong napairap siya. Nakakunot ang noo niya and his brown eyes like mine were saying he doesn't want me to stick around with Jeiko anymore kasi alam niyang iba na ang nararamdaman ko but all in all, magkaibigan sila.
Hindi ko kasi nakakalaro si Sheun noon dahil lagi siyang kasama ni Daddy sa work niya.
Gusto niya kasing maging si Daddy someday habang ako naman ay maging katulad ni Mommy. Isang architect.
"Your best friend is not your best friend anymore, Shian. Nagbago na si Jeiko. Nagbago ulit..." sabi niya at inihinto ang sasakyan sa tapat ng mansion ni Daphne.
Noon nagbago din si Jeiko. Naging bad boy pero hindi mo siya makikitang nambababae kasi puro pagbubulakbol ang alam, ngayon namang bumalik na siya, tumino nga nambababae naman. Well, at least diba?
"At least tumino sa pag-aaral. May future!" sabi ko at humalakhak. Iling lang ang isinagot sakin ni Sheun na parang wala na siyang magagawa.
When Daphne opened the shotgun's door his grumpy face disappear. Napalitan ng isang in love na mukha.
Naisip ko...ganyan din kaya ang itsyura ko kapag in love? Do I really look stupid but undeniably gorgeous? Well, fair enough.
Binati ako ni Daphne sa maarteng paraan. Lihim akong napairap ng mag-usap na sila.
Daphne's a strawberry. Ayoko sa kaniya para kay Sheun, pero wala akong magagawa dahil masyadong in love sa kaniya si Sheun.
Hindi ko naman kilalang talaga si Daphne, base sa pananamit niya at kaartehan niya sa katawan, hate ko na siya. Iniisip ko nalang na may puso rin siya para matanggap ko siya kay Sheun.
"Babe, can you drive me to the mall, right after our morning class? I just really need to buy this super pretty top sa favorite boutique ko..." maarteng sinabi ni Daphne habang hinihimas pa ang balikat ni Sheun.
Ngumiti naman ang loko, "Sure babe," aniya at humilig para halikan si Daphne sa labi.
Humagikhik naman ang babae. Mygod, sa harap ko pa talaga, ha? Umiling nalang ako at nag-iwas ng tingin.
Kung si Castielle na pinsan kong ubod ng kalandian at babaero ay gusto kong magseryoso, ang kambal ko namang loyal at seryoso ang gusto kong magloko. Baliktad talaga ang buhay.
"Prive or sa Core?" tanong ni Pons habang naglalakad kami papunta sa building namin. Good thing talaga at pareho kaming architecture.
Magka-block kaming dalawa. 4th year high school ng maging magkaibigan kami ni Pons. Nagkaroon ako ng kaibigan habang wala si Jeiko. Kahit naman kasi magkaklase kami ni Sheun noon, iba parin talaga kapag may best friend ka.
At may sarili naman kasing buhay si Sheun. Isa siyang swimmer sa school namin. Ang Thaguro Univerisity kasi puno ng magagaling na manlalaro.
Kung hindi lang siguro sa pagiging busy ni Sheun sa paglalangoy ay siya na ang valedictorian nung high school, so it's a good thing for me kasi ako yung valedictorian!
"Sa Prive syempre, doon may party diba?" sagot ko a matter of factly.
Umirap siya, "Lahat naman may party, Shian Demetry. Hindi mo ba alam na tutugtog ang pinsan mo sa Core mamaya?" tanong niya at pinanliitan ako ng mata na parang di siya makapaniwalang hindi ko alam.
Nanlaki ang mata ko. Napatakip ako ng bibig. "Oh shoot! I almost forgot! Si Arix nga pala! I told him manonood ako!" I said at napakagat labi pero paano si Jeiko?
Umirap nalang si Pons at nag-smirked, "Kung sa Prive ka pupunta, mukhang walang pupunta masyado. Alam mo naman ang hatak ng pinsan mo at ang mga kabanda niya diba?" tanong niya sakin at lumiko kami sa isa pang corridor na maraming nagkalat na estudyante.
Someone waved at me and greeted me na kaagad ko namang binati at nginitian pabalik. Habang si Pons naman ay umirap lang.
Minsan tinatanong na ako ng mga batchmates ko kung bakit ko daw ba naging kaibigan si Ponsithia, eh, magkabalikdad naman ang ugali namin.
Well, I like Pons kasi hindi siya plastic and I'm happy with her kahit lagi niya akong binabara.
I'd rather be with her than to be friends with some plastic girls na alam kong kakaibiganin lang ako dahil pinsan ko ang tatlong nag-gwagwapohang lalake dito sa Thaguro U at kambal ko naman ang isa.
I have three guy cousins sa mother side ko. Castielle Ongcuanco, Arixton Estrebal and Jucas Estrebal and all of them are playboys—well except Jucas.
Pinakamatindi si Castielle sa lahat-lahat, paano ko nasabi? Kahit ako ay nabobola niya! Pati mga Mommy namin gusto siya! Paborito!
"Imposible, Pons. DJ si Castielle sa Prive, remember? Marami parin ang pupunta, isama mo pa na pupunta din si Jeiko pati si Sheun!" sabi ko at sumang-ayon naman siya.
"Oo nga nuh? Pero, kung iisipin, minsan lang talaga tumugtog ang banda ng pinsan mo. Lalo na't nagwagwapohan din ang mga kabanda niya! Alam mo naman na kahit may pagka-demonyo ang pinsan mong si Arix, gwapo talaga, lalo na kapag humahampas na siya sa mga drums niya!" sabi niya at kinilig pa.
Kinurot ko siya, "Ikaw talaga! Wag mo ngang pagsalitaan ng ganyan si Arix! Sa lahat ng pinsan ko siya lang ang sweet at mapagmahal!" depensa ko.
Totoo naman kasi. Close naman kami ni Castielle pero talagang manyak. Lagi kasing kabastusan ang lumalabas sa bibig niya.
Habang si Jucas naman ay sobrang tahimik. Suplado. Malamig. Batang-bata pa! Kaya di nakakasabay. High school pa kasi, pero habulin ng babae.
Napairap siya, "Totoo naman, ah? Ikaw lang ang bulag-bulagan. Pinsan ka kasi kaya ayun di mo nararanasan ang paghahasik nun ng lagim. Dakilang bully 'yan ng T.U remember?" pagpapaalala niya sakin.
Ang pinsan 'kong mga lalake ay may sari-sariling title sa school o sa labas man ng school. Castielle will always be the Master Casanova. Yan ang tawag sa kaniya.
He's also a second year college, pagmemedisina naman ang kurso nun at hindi ko alam kung seryoso ba siya kasi, lagi namang nasa Prive kapag gabi, ewan lang. DJ minsan, bartender naman siya kung trip niya.
Masasabi kong may ipagmamalaki naman talaga ang pinsan kong ito. Bukod sa Estrebal siya, nananalaytay sa kaniya ang pagkahapon. Medyo singkit ang mata.
Castielle Angelo Ongcuanco. Mataas siyang lalake. Blonde ang kaniyang buhok at talaga namang agaw pansin siya. Idagdag mo pa ang magkabilang fiercing sa tenga niya.
Si Arix naman, ang tinatawag nilang Devil. But, some call him, Master Devil. Para na nga daw siyang si Jum Pyo sa F4 isali mo pa ang tatlo niyang gwapong kabanda. Partida, hindi pa siya ang bokalista.
Jum Pyo na Jum Pyo siya dahil kulot ang buhok niyang brown. Idagdag mo pa ang matangos niyang ilong at medyo mahahaba niyang tenga. Manipis na labi na nakakapang-akit ng mga babae.
3rd year college na si Arix and he's taking up engineering also. Expected na'yan dahil siya ang tagapagmana ng ADEH.
And lastly, si Jucas. Wala pa naman siyang title dahil nasa high school pa lang siya. He's in his junior year, Grade 10. Naabutan pa siya ng bagong curriculum.
Magkapatid sila ni Arix pero ang alam ko, may mas malalim pang dahilan kung bakit hindi silang magkasundong dalawa.
Well, syempre, hindi magpapahuli ang kambal ko. Sheun is the king of this school. Hindi man halata, pero siya talaga. Kung bakit?
Kasi isa siya sa mga pinagmamalaki sa school. Hindi lang siya magaling na swimmer kundi matalino din. Engineering ba naman ang kurso tapos isa ka pang magaling na swimmer?
At hindi lang 'yan! Swimmer man siya pero isa din siyang black belter sa taekwondo. At minsan makikita mong nagbabasketball tsyaka nag-vo-volleyball.
Athlete talaga siya kumbaga. May pakinabang sa school, pero minsan lang naman kasi talagang gusto niya maging swimmer.
But, no one calls him King of course, kinatatakutan lang siyang kalabanin dahil nakakatakot makipagbasag ulo sa kaniya.
At mayroon ding dahilan sila Mommy at Daddy kung bakit pinapayagan siya nila. Para maging active naman daw siya dahil saming dalawa siya ang mahina ang puso pero wala siyang sakit sa puso!
Habang ako pa-chill chill lang. Pasali-sali lang kami ni Pons sa cheering squad. Minsan naglalaro din kami ng volleyball kapag foundation day.
"So, ano na? Prive or Core? Itetext ko na si Dennis." sabi niya tukoy sa boyfriend niyang parang hindi kasi di niya naman lagi kasama kahit same university lang kami. Ang laki ba naman kasi ng T.U goodness!
"Oo na sa Core na. Ayoko namang paghasikan ako ng lagim ni Arix kung hindi ako pupunta. Pero..." ngumuso ako. Paano si Jeiko? Sinong babantay kung sakaling i-take home siya?
Pinanliitan ako ng mata ni Pons, "Alam ko na'yang panguso-nguso mo...Sa Core na tayo! Gulatin mo naman si Jeiko mamaya na hindi ka nakabuntot sa kaniya ng mapansin ka." Aniya na nagpaliwanag ng mata ko.
Malaking salita talaga ang mapansin sa akin, lalo na kapag si Jeiko. Kaya pumayag akong sa Core kami pumunta.
She even told me not to inform Jeiko about our plan. At sa tingin ni Pons at the way siyang magsalita parang pakiramdam ko may binabalak siya...
"Ako bahala sayo mamaya..." yun lang ang sinabi niya sabay kindat.
Minsan ang hirap ispellingin ni Ponsithia. Kahit alam kong may boyfriend siya? Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko nararamdaman na may pagmamahal siya sa katawan. Para siyang evil witch sa aking story except hindi ko siya karibal kay Jeiko.
Pagkapasok ko ng room ay kaagad kong namataan ang lalakeng nakaupo malapit sa bintana, pinalilibutan ng mga kaklase ko.
Marami sila pero siya lang ang kapansin-pansin dahil sa kagwapohan niya. Singkit niyang mata. Manipis niyang labi.
Sobrang puti ng kutis niya na para bang maiinsecure ka bigla sa kutis mo. At mas lalong itong nagdepina dahil sa itim niyang buhok.
"Hoy! Natameme kana diyan!" sita ni Pons at sinapak ang balikat ko kaya naalis ang tingin ko sa kaniya.
Napailing nalamang ako. Kahit kailan talaga at nag-gwagwapohan ako sa kaniya. Gwapo lang naman siya pero ewan ko ba kung bakit natutulala nalang ako bigla.
Umupo ako sa tabi ni Pons sa bandang unahan. Alam niyo na, active kami sa klase ni Pons. Tamang-tama ang pagdating ng prof namin.
Napatingin ako sa likod ko at nakitang nagbubuklat na siya ng libro niya at di na pinansin ang sumusubok kumausap sa kaniya.
Humilig si Pons palapit sakin, "Crush mo si Franco?" tanong niya sakin.
Gulat akong napalingon sa kaniya, "Hindi nu! Gwapo lang siya..." sagot ko at kinuha na ang bag ko para ilabas ang librong nilabas ni Franco.
Franco Dashel Silvestre. Ang mahirap talunin sa klase. Laging nauuna sakin sa dean lister. Hindi ko siya malampasan kaya napapansin ko siya. Simula nung first year.
"Weeeh? Di nga! Crush mo, e!"
"Di nga sabi...alam mo namang si Jeiko yung gusto ko..."
Umirap siya, "Wala kang karapatang maging loyal Shian. Maging loyal ka lang kung nakaamin kana kay Jeiko..."
Napanguso ako at sumulyap sa labas ng room namin. Haay. Bakit ko naman kaya iisiping dadaan si Jeiko sa building namin? Psh.
"Ah! Basta! Loyal ako!"
Napalakas ata ang pagkakasabi ko kaya tinanong ako ni Prof Martinez kung saan ako loyal kaya naman natawa ang mga kaklase ko.
"Kay Jeiko syempre!" sabat ng isang lalake. Hmmm, I like him!
"Loyal sakin! Boom!" ani ng isang lalakeng--kahit may mukha--eeew!
Awtomatikong napatingin ako kay Franco sa likod at nakikipag-usap ng seryoso sa katabi. Aish, paki ko ba sa kaniya?
Nang magtama ang mata namin ay nag-iwas kaagad ako ng tingin. Strawberry! Baka mag-assume siya!
Pagkatapos ng klase namin. Tumayo nako at isinukbit ang itim kong bag sa balikat ko at naramdaman kong may nasagi ang bag ko.
Humarap ako sa taong nasagi nito, "Ay sorry..." sabi ko at natigilan ng makitang si Franco 'yun na diretsyo lang ang lakad na parang wala naman siyang paki kung natamaan siya ng bag ko.
Tsyaka isa pa, kung bakit napapansin ko si Franco ay dahil kahit gwapo siya at habulin ng babae, hindi siya babaero. Good boy kahit suplado.
Sinundan ko ng tingin si Franco na sinalubong ng isang babaeng katulad niya'y singkit at may porselanang kutis.
Thria Tupaz clung on his arm. Kung hindi ko alam ay aakalain kong girlfried niya ito pero kagaya ko, best friend lang din siya ni Franco.
Franco patted her head the smiled at her. Naaalala ko ang dating kami ni Jeiko noon.
"Admit it, Shian Demetry. May crush ka talaga kay Franco..." panunukso sakin ni Pons habang naglalakad kami papuntang cafeteria.
Umiling ako, "Hindi ko siya crush, Pons. Naalala ko lang talaga sa kaniya si Jeiko. We used to be like that. Nung buhay pa ang mommy niya..." malungkot na sagot ko.
Mukhang nahawa naman si Pons sa kalungkutan ko, "Kunsabagay, halatang pareho kayong in love ni Thria sa best friend niyo..." aniya at inakbayan ako.
"But, of course, like you also, walang gusto si Franco sa kaniya." sabi niya at tumawa, tawa ng isang kontrabida.
Sinamaan ko siya ng tingin, "Strawberry ka talaga!" asik ko.
Humalakhak lang siya. Papasok kami ng cafeteria ng makita ko si Castielle na pinapyepyestahan ng mga kababaehan.
Mayroon din siyang kasamang mga lalake, barkada niyang mga babaero din. Sa samahan ng mga babaero siya ang Master. Master Casanova nga diba?
Napailing nalang ako habang nakikitang dala-dalawa ang kaakbay na babae ni Castielle pagkatapos ay parang may binubulong pa siya sa isa tapos nakasimangot naman 'yung babae sa kabila. Strawberries.
Hindi sana ako lalapit sa direksyon kung saan si Castielle but I saw Jeiko there with a girl on his lap.
Lihim akong napairap ng isukbit ng babae ang kamay niya sa leeg ni Jeiko. Jeiko just smirked from what she did.
Bigla akong nakaramdam ng takot na baka maghalikan sila. Alam kong babaero si Jeiko at sanay nako roon na may babae siya pero hindi ko pa kailanman nasaksihan na may kahalikan siyang babae.
Nakita ako ni Castielle kaya tinawag niya ako. Lumingon si Jeiko sakin kaya nginitian ko siya.
I was about to call him ng bigla siyang halikan ng babae sa labi. He was surprised from what the girl did kaya't napapikit siya sa ginawang paghalik ng babae.
Umawang ang bibig ko. Biglang sumikip ang dibdib ko sa nakita. Nabalot ng hiyawan sa loob ng cafeteria at nanggaling ang ingay sa mga barkada ni Castielle.
Akala ko kakalas si Jeiko dahil nakita niya ko pero hindi. Buong puso niyang tinugunan ang halik ng babae.
"Oh, s**t! Umalis na tayo dito..." sabi ni Pons at hinila nako paalis doon. Habang ako naman ay hinang-hina sa nakita ko.
Ramdam ko ang pagsikip ng puso ko. I bit my lips. Dapat masanay nako sa kaniya. Jeiko is a playboy. Nagbago na siya simula nung dumating siya mula sa Cebu.
But this time is new. Nasaksihan ko ang paghahalikan nila. Ang halik ni Jeiko na palagi kong napapanaginipan.
I know why he's been like that. It's because of the girl he likes there in Cebu back then. I know that girl.
Natatakot lang akong i-stalk siya kasi natatakot akong ma-insecure sa kaniya. Natatakot akong baka kamuhian ko ang babaeng 'yun kahit wala naman itong ginagawang masama sakin.
I just don't know how she tamed, Jeiko. I mean, bago umalis si Jeiko dito sa Manila, sirang-sira siya, pakikipagbasag ulo ang laging hanap at wala man lang interes sa babae, but when he came back, naging malandi na ito.
Sabi nga sakin ni Ponsithia, baka nagbago si Jeiko dahil sa babaeng 'yun sa Cebu. Pinigilan ko ang sarili kong wag kausapin ang babaeng 'yun. How could she hurt someone I value the most? Tanga ba siya? Jeiko has it all.
Pero, naisip ko, if she didn't dumped Jeiko, paano na ako? How can I move on? Hindi pa nga niya nalalaman ang feelings ko, move on na kaagad ako?
So, I silently thank her. And become determined that I will be the one to fix Jeiko.
That I will be the right girl for him someday. Kaya kahit makita ko pa siyang makipaglampungan sa iba, makipaglandian sa ibang babae, kaya kong tiisin kahit masakit.
Because, I know one day, mapapasakin din si Jeiko Karlo Valerio. Kung bakit? It's because ako lang ang tanging babaeng alam ng pinagdaanan ni Jeiko na kahit sungitan niya ako ngayon, alam kong sakin parin siya tatakbo pagdating ng panahon.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Pons ng makalabas kaming cafeteria.
Guminhawa naman ang pakiramdam ko matapos kung paalalahanan ang sarili ko na ako lang talaga ang para kay Jeiko.
Ako ang leading lady ng story na'to at 'yung strawberry'ng babaeng kahalikan niya?
Supporting character lang siya na hanggang ngayong araw lang ang itatagal niya kay Jeiko, habang ako naman, tatagal, mananatili...
"Ayos lang, si Jeiko Valerio 'yun, e! Dapat masanay nako." pilit kong sinabi ng nakangiti.
Umirap siya, "Tsss, 'yang Jeiko Valerio na'yan. Kapag ako nasiraan ng ulo, Shian? Ako na mismo ang magsasabi kay JEIKO VALERIO na ikaw, SHIAN ALDEGUER ay patay na patay sa ka---"
Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. "Ano kaba! Wag ka ngang maingay!" puna ko sa kaniya.
Nakahinga ako ng malalim ng makitang walang nakarinig. Woooh! Pahamak talaga si Pons.
At halos lumuwa ang mata ko ng makitang lumabas si Jeiko ng cafeteria.
He looked at me with his intense eyes like parang may gusto siyang sabihin. Nakaawang pa ang bibig niya.
Holy strawberry shortcake, narinig niya kaya!? Oh, boy...