Chapter 2
Pakiramdam ko nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Narinig kaya niya? Ang lakas ba naman ng boses ni Pons! Posible!
"K-kanina ka pa diyan?" nauutal na tanong ko kay Jeiko at lihim na sinamaan ng tingin si Pons na ngumisi lang.
Nakakunot parin ang noo niya, "Bakit umalis ka?" mariing tanong niya.
"Anong gusto mo, Jeiko? Panuorin ka ni Shian makipaghalikan?" bwelta naman ni Pons sa tabi ko na nakahalukipkip.
Napatingin sa kaniya si Jeiko. Tumawa ako at umiling-iling, I even shook my two hands, "Hindi, ahmm, ano kasi, masakit 'yung tiyan ko, Jeiko. Ang sakit!" sabi ko at ngumiwi at napahawak sa tiyan ko. Ang sakit ng puso ko!
"Sumakit siguro dahil sa kissing scene na nakita niya..." bulong naman ni Pons kaya napatingin ulit si Jeiko sa kaniya ng nakakunot ang noo.
Siniko ko si Pons at tinignan ng masama. Isa pa, Ponsithia! Magiging smashed strawberry ka sakin, mamaya!
Nang tignan ko si Jeiko ay kalmado na ang mukha niya pero 'yung mata niya parang iritado.
Iritado ba siya dahil naudlot ang halikan nila ng babae? Eh bakit pala siya sumunod? Hmmm? Is it because he's concerned sa nakita ko?
And that means also na hindi niya narinig ang sinabi ni Pons. Wooh! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung malaman niya na. Hindi pa ito ang right time!
It's sooo okay, Jeiko. Pinapatawad na kita!
"Castielle pulled the girl, he wants me to chase you..." sabi niya na ikinawala ng ngiti sa labi ko.
What?! So, it means hindi naman talaga dapat niya ko sinundan? Strawberry talaga kahit kailan si Castielle!
"And also...PDA isn't allowed in school. I was taken aback..." pag-eexplain niya.
Woah! Woah! Am I hearing this now? He's explaning! He shouldn't be right?
"Naiintindihan ka ni Shian, Jeiko. Kahit makipaghalikan ka pa daw, best friend lang naman kayo, eh. Oh siya, iwan ko muna kayo. Shian, puntahan ko lang si Dennis. Bye!"
Bago pa kami maka-react ni Jeiko sa sinabi niya ay nakalayo na si Pons. Nagulat naman ako ng hilahin ako ni Jeiko.
"Tell me the truth, Shian Demetry..." biglang sabi niya kaya halos lumuwa ang puso ko sa kaba. I gulped.
"A-ang alin?"
"The truth..." oh my...
"W-what truth?" Diyos ko! Wag muna please!
"Umutot kaba? Ang baho kasi!" sabi niya at nagulat ako ng tumawa siya at bahagyang lumayo at nagtakip ng ilong.
Napanguso ako. Sinapak ko siya sa balikat niya at kinurot sa binti.
"Aray! Ang sadista mo!" asik niya at pinaikot ang braso sa leeg ko at ginulo ang buhok ko.
Halos malagutan ako ng hininga sa ginawa niya. God! Ughhh! Kakaiba din talaga tong lalakeng to, e! Bigla bigla nalang nagbabago ang mood!
At kapag ganito siya alam kong tinamaan nanaman siya ng best friend syndrome niya.
"Hindi ako umutot nu! Sa ganda kong to?!"
Mas ginulo niya ang buhok ko. "Who told you that? You're the ugliest!" asik niya at di man siya tumawa ulit but I know he's wearing a smug smile.
Alam kong gusto kong lambingin ako ni Jeiko, like hugging me at the back, giving me a peck in my lips. Ganoong lambing yung pinapangarap ko mula sa kaniya. Hindi ganitong lambing!
Ang lambing niya para kay Shian Aldeguer ay sakit sa katawan. Sakit din sa puso! Walang kasweetan!
Bukod kay Ponsithia, si Jeiko din ay sinasabihan akong panget. Sheun can't tell me I'm ugly because we're twins. Castielle is a playboy and he love my looks, Arix also says I'm so beautiful! Si Jucas, ewan ko. Di kami close!
"Maganda kaya ako! Bulag kaba ha?" tanong ko sa kaniya at dinungaw siya kahit na halos isiksik niya nako sa kili-kili niyang super bango! Ano kayang shower gel nito?
Nang magtama ang mata naming dalawa. Doon ko lang narealize na sobrang lapit na pala ng mukha naming dalawa. Ulo ko ba namang nasa kili-kili niya na malapit.
"Hindi ka ba talaga nagagandahan sakin?" tanong ko ulit, gusto ko talaga kapag ganito kami kalapit.
Kahit tahip tahip nanaman ang t***k ng puso ko. Ayos lang, minsan lang to. Dapat indahin.
Napakurap siya at napaawang ang labi. My! Ang pula ng labi niya and I hate to think that his lips were red because of the kiss from someone.
Nagulat naman ako ng binatukan niya ko sa noo para malayo ako sa kaniya. Binitiwan niya narin ang leeg ko.
"You've got a face to bragged. After all your Sheun's twin sister..." sabi niya habang di nakatingin sakin.
Ngumuso ako, "Psh, hirap na hirap ka talagang sabihing maganda ako nu?" inis kong sinabi.
"It's hard because it's not what I see. Dalhin na nga kita sa infirmary! Oh baka naman gusto mong magbanyo nalang?" masungit na tanong niya. Wala man lang humor.
Sinapak ko siya sa balikat. "Wag na! Ako na!" asik ko.
"Tsss, arte pa!"
"Paiba-iba kadin ng mood ano? Paano na'yung girlfriend mo sa loob? Yung kahalikan mo..." bitter kong tanong. Kahit na gustong gusto ko ang pagyaya niya.
Nagkibit balikat siya, "Break na kami..." mabilis na sagot niya at hinawakan niya ang itim 'kong bag at hinila ito kaya nahihila niya narin ako.
Nanlaki ang mata ko, "What!? Break na kayo? Paano nang--"
He gave me a bored looked, "No one kisses me first, Shian. It's my rule, if they break it, we're done," seryoso niyang sagot.
Napanguso ako. May ganoong rule pala? What if I kiss him first, done na kami? Done as best friend? Omo!
Bigla akong nanlumo. I can't take that. Hindi ko kayang maging done din kami. Kaya isa din ito sa dahilan kung bakit ayoko pang magtapat.
Natatakot ako sa magiging sagot ni Jeiko. Natatakot akong hindi niya nako itrato katulad ngayon, ang paglalambing niyang masakit sa katawan. Natatakot din akong baka hindi pa siya handang magseryoso.
Habang naglalakad kami ni Jeiko papunta sa infirmary may nadaanan kaming mga babae sumisilip sa isang room.
Nang makita ng isang babae si Jeiko ay kinalabit niya ang iba pa niyang kasama kaya't napalingon na ang iba pang mga babae. Tumili pa ang iba. The effect of him!
"Hi Jeiko! Hi Shian!" bati ng babae sakin. Ngumiti lang ako, I know this girl. Isa to sa
mga naging babae ni Jeiko.
"Hi!" bati ko dahil wala atang balak magsalita ni Jeiko at nakatingin sa loob ng room kung saan sila nakasilip.
Sumulyap ako sa room bago bumaling sa babae, "May ano?" tanong ko.
"May nag-aaway," sagot niya at muling tumingin kay Jeiko na ngayo'y nakakunot ang noo. Sorry ka girl, di na umuulit si Jeiko sa naging girlfriend niya na. Wag kang umasa!
Nakisiksik ako sa mga babae at binigyan naman nila ako ng daan.
"Kawawa naman si girl!"
"Bagay lang sa kaniya 'yan! Ang taba taba niya kaya!"
"Tama naman si Lerry! Ambisyosa talaga si Farana."
Nang makita ko ang isang babaeng binabatukan ang isang matabang babaeng nakaupo at basa na ang ulo. At dahil sa hawak na baso ng babae ay alam ko na kung anong nangyari.
Nagmadali akong sumugod sa dalawa. "Lerrybel Priesly. Stop what you're doing." mariin kong sinabi.
Napalingon ang babaeng may hawak na baso sakin. The fat girl only sobbed. I know this strawberry. Pinsan siya ng isang artistang si Josan Priesly.
Tumaas ang kilay ni Lerry, "Oh, Shian. What are you doing here?" tanong niya sakin sabay tapon ng basong hawak niya sa sahig.
Umirap ako at pinanliitan siya ng mata bago bumaling kay fat girl. "Alam mong bullying ang ginagawa mo sa kaniya, hindi ba?"
She laughed, "I don't think so. It's called teaching someone a lesson." sagot niya in a bratty way.
My goodness! Isa ka talagang brat, Lerrybel. Mabuti nalang at may alas ako sayo. Patay
na patay lang naman ito sa isang pinsan ko.
"No, it's bullying." lumapit ako kay fat girl at dinukot ang panyo sa bulsa ko.
And before I can give her my hanky, naunahan nako ni Jeiko. Siya pa nga ang nagpunas ng panyo niya sa ulo ni fat girl.
"Wooah, you best friend's are really something, ha? Hindi ko alam na kasali na kayo sa students council." Humalakhak pa si Lerrybel.
Nakatingin parin ako sa ginagawa ni Jeiko. Nakaangat na pala ang mukha ni fat girl kay Jeiko na di akalaing pinupunasan siya ng isang gwapong lalake!
Ha! Bagay na bagay talaga kami ni Jeiko. Pareho kaming tagapagtanggol! Napangiti nalang ako sa ginawa niya.
Even though he's a playboy and sometimes rough. Mabait na tao si Jeiko. Super bait like her mother Tita Jenelyn.
Tumingin ako kay Lerry, "Why are you so mean to her? Ano bang ginawa niya sayo?" tanong ko.
Umirap siya at humalukipkip, "I just saw her phone full of Arix's picture! My god! Ambisyosa! She doesn't have a right to have a crush on MY Arixton!" nanggigigil niyang sinabi.
Napanganga ako sa sinagot niya. My goodness! Is that even a proper reason to humiliate a person? To bully a person?
"Ikaw ang ambisyosa. Arixton isn't yours..." biglang sinabi ni Jeiko sa gilid ko.
Nalaglag ang panga ni Lerry sa sinabi ni Jeiko. Tumawa ang mga nakarinig sa kaniya and also me, I can't help but to chuckle. Sometimes, Jeiko can be so straightforward. Hindi lang pala minsan, madalas pala!
I patted Lerry's back. "Maraming nagkakagusto sa pinsan ko, Lerrybel. Maraming gusto siyang angkinin pero walang nagtatagumpay. And even this girl won't have him and also you..." sabi ko gamit ang mababa 'kong boses.
Sumimangot naman siya, "How can you say that to me, Shian!? Psh!" inis na sabi niya at nagmartsya paalis.
Nagpalakpakan naman ang ibang tao sa room like, I was the hero, and I save the poor girl. Ngumiti ako sa kanilang lahat. Ito talaga 'yung gawain ng mga bida. Oh kaya naman. ay role ng mga leading lady...
Bumaling ako kay fat girl at kay Jeiko. Fat girl is now standing and cleaning up the messed that Lerrybel did.
"Are you okay?" tanong ko kay fat girl. Concern tone, of course. Kahit inis nako sa kakaiba niyang tingin kay Jeiko.
Tumango siya sakin at sabay tingin kay Jeiko. Jeiko's just busy kicking the cup away. He's not even aware na humanga si fat girl sa kaniya.
"Don't worry, hindi kana guguluhin ni Lerry. Itago mo nalang 'yung phone mo. Shian Aldeguer nga pala..." sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kaniya.
She looked at my hand and shyly smile, "Kilala kita, Shian Aldeguer, sikat ka..." aniya sabay tingin kay Jeiko. "...kayo ni Jeiko Valerio. Paborito ko kayong love team..." dugtong niya sabay tanggap ng kamay ko.
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Agad akong napatingin kay Jeiko na seryoso lang ang mukha pero halatang gulat.
Ngumiti ako sa kaniya. Hmmmm, she's not bad. Tumingin ako kay Jeiko na ngayo'y sinusuri si fat girl. Hahayaan ko na sana siyang isipin na ganoon ng magsalita si Jeiko.
"We're not in some kind of a love team. We're just friends. If whoever said that to you, tell them, we're not." malamig nitong sinabi at tumalikod na at dumiretsyo sa pintuan.
Humalakhak ako to lighten up the mood, "Best friends kami. Yun lang. Sige, aalis na kami. Ano nga name mo?" I said while walking out pero nakaharap parin sa kaniya.
She tried to smile, "Farana Mendez po," sagot niya bago ako tuloyang makalabas. I waved goodbye after that.
Hinabol ko naman si Jeiko. Hindi siya kataasan pero ang laki ng hakbang niya, ah?
I clung on Jeiko's arm, "Akala ko ba dadalhin mo ko sa infirmary?" tanong ko sa kaniya. Iba kasi yung daan niya.
He shrugged, "Mukhang ayos kana rin naman," walang ganang sagot niya.
Bakit naman nawalan ng gana ito? Di kaya'y gutom na?
"Masakit parin 'yung tiyan ko."
Kumunot ang noo niya, "Quit, pretending..."
Ngumuso ako, "Totoo! Gutom ako. Kaya masakit tiyan ko! Dali na! Kain tayo!" sagot ko.
He glared at me. Nginitian ko lang siya at hinila na siya sa braso, while I'm still clinging to him.
Dahil may klase pa kami, sa tapat ng Thaguro lang kami kumain and good thing maraming fast food sa labas.
Pumasok kami ni Jeiko sa MCDO, syempre, sa paborito ko at sa paborito niya, maliban nalang sa molohan sa kanto. Gusto niya talaga doon. Ako ang nagturo sa kaniya nun!
"Sana doon nalang tayo kay Aling Loti." sabi niya habang nasa pila kami.
"Mamayang hapon nalang, Jeiko. Sabay tayong umuwi para makakain tayo doon." sagot ko at lihim na napangiti. Now I have a reason to go with him!
"Tsss, gusto mo lang sumabay sakin pauwi..." supladong sagot niya.
Napanguso ako ngunit nangingiti. Hindi ko nalang siya kinibo at binigyan lang siya ng maganda kong smile.
"Fine, hinahanap kana rin ni Aling Loti."
"Dapat kasi araw-araw tayo doon! Takaw mo kaya!" sabi ko sabay pindot sa tiyan niya. "Buti di kana tumaba ano? Work out ka ng work out..." dugtong ko.
Nasabi ko na bang mataba si Jeiko noong bata palang kami? Super spoiled kasi at only child kaya tumaba. Lagig kumakain.
Kaya minsan ganoon nalang siya ka soft hearted sa mga fat people or chubby. That's the reason why he helped fat girl kanina.
"Tsss, maghanap kana nga ng lamesa natin. Ako na pipila..." walang ganang sabi niya.
Napatingin ako sa mga estudyanteng nakapila rin na kanina pa nakamasid kay Jeiko. Tsss, supporting characters lamang sila, Shian. Don't worry.
"Alam mo na order ko ha? Yung burger ko cheese!" paalala ko sa kaniya at umalis na sa pila.
Naghanap ako ng upuan at halos manlumo ako ng wala nakong makitang bakante. Break time kasi kaya maraming kumakain.
Habang naghahanap ako ng upuan namataan ko si Thria. Kumakain sila ni Franco sa pang-apatang table.
They we're seriously talking then Thria will just laugh then Franco will shook his head. Napakagat labi ako. Why do I feel like I'm jealous?
There's some pain in my heart while seeing them. Alam kog crush ko noon si Franco pero hindi bumibilis ang t***k ng puso ko hindi katulad ni Jeiko.
I must be feeling hurt because I'm jealous sa relasyon nilang dalawa. Namimiss ko siguro ang dating relasyon namin ni Jeiko noon.
"Shian!" tawag sakin ni Thria. Lumingon si Franco sa direksyon ko. Ang ngiti niya'y biglang nawala.
Thria knows me. My mother knows her Tita. At minsan narin kaming nag-bonding sa isang party.
Kumaway ako at lumapit sa kanila. "Naghahanap kaba ng upuan?" tanong ni Thria.
Tumango ako sa kaniya. "Sino kasama m---oh! You're with Jeiko..." sabi ni Thria sabay tingin sa likod ko.
"Franco," Jeiko called with a greeting tone.
Napatingin ako sa kaniya. Magkakilala sila? Bakit hindi ko alam? Well, Shian, you're not that attentive to Franco.
Tipid na ngumiti si Franco, "Jeiko, upo na kayo dito..." sagot ni Franco sabay turo sa bakanteng upuan.
Tumango lang si Jeiko at uupo na sana sa tabi ni Thria ng tumingin siya sakin at kay Franco. Lumipat si Jeiko sa tabi ni Franco at tumingin ulit sakin.
"Upo na," aniya at nginuso ang upuan.
Tumango ako at tumabi na kay Thria. I was taken aback when Franco was looking at me intently like I did something wrong. Weird.
"Magkakilala pala kayo?" tanong ko kay Jeiko sabay nguso kay Franco na ngayo'y abala sa pagkain niya.
"You don't know?" tanong ni Thria sa gilid ko. "Magpinsan sila sa mother side..." dugtong niya.
Nanlaki ang mata ko, "Really? Bustamante karin?" tanong ko kay Franco.
He only looked at me and nodded then again looked away. What's the matter with this guy? Hindi naman kami nagpapansin nito. Or maybe Shian, nahuli ka niya sometime na nakatingin sa kaniya. Argh!
"I didn't mention it to you. Ang dami kong pinsan hindi ko sila maisa-isa..."
"Diba, pinsan niyo si Arianna Bustamante? She's really pretty. Kayo na may magagandang lahi," biro ni Thria habang nakatingin kay Franco.
I know Arianna Bustamante and now I realized may pagkakahawig din sila ni Jeiko. Natawa ako sa sinabi ni Thria. Tama nga naman siya.
Now I realized, attracted ako sa magpinsan. Magkalahi. Magkadugo. My...my...
Tinignan ko ang tray na may lamang isang 1 piece chicken, 1 cheese burger, 1 regular fries at 1 sundae, pero pang isahan lang ito. Kukunin ko na sana ng tinapik niya ang kamay ko.
"Awww. Bakit?"
"Di pa dumadating 'yung sayo..." sagot niya at sinimula ng kainin ang chicken niya.
Tamang-tama naman ay may waiter na naglapag ng isang tray na puno ng pagkain. Isang 2 piece chicken, 1 large float, 1 sundae, 1 cheese burger, 1 large fries. OMG!
Halos malaglag ang panga ko sa inorder niya sakin, "Holy strawberry! Seryoso kabang itong inorder mo sakin? Nagkapalit ata tayo Jeiko Karlo!" asik ko sa kaniya na para bang wala kaming kasamang iba dito ngayon.
He glared at me, "Diba ang sabi mo gutom ka? Oh ayan. Kumain ka ng marami ng tumaba ka. Ang panget mo na nga, mas pumapanget ka pa." masungit na sinabi niya.
Napanguso ako, "Kainis ka! Ang ganda ko kaya!" depensa ko. Then, I remember nandito si Franco. Namula ako and shut my mouth. Napansin ni Jeiko 'yun kaya kumunot ang noo niya.
Narinig ko ang paghalakhak ni Thria. "I didn't know you're so harsh, Jeiko. Pareho kayo ni Franco. Minsan iniisip ko kung totoong bakla ba siya. He's admitting he is." sabi ni Thria.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Thria. Bakla? Sino? Si Franco? Oh my! Franco Silvestre is gay?
Mabuti nalang at madaldal talaga tong si Thria dahil kung ganoon ay tahimik lang sila ni Franco at hindi ko rin malalaman na bakla siya. Sayang!
Napatingin ako kay Franco na gulat din ang mata. He looked at me like he's saying he wasn't.
"Psh, ang ingay mo talaga..." asik niya kay Thria. Sabay tingin sakin then looked away.
Is he really? My god. Wag naman sana. Sayang talaga siya!
"Of course, joke lang!" bawi ni Thria.
Napabuga ako ng hininga. He's not gay! Good! Mukhang napansin ni Jeiko ang pagbuga ko kaya napakunot ang noo niya.
"Si Jeiko naman, masungit, mataray, suplado, maharo--mmmmm!!"
Bigla akong sinubuan ni Jeiko ng maraming french fries sa bunganga kaya natigil ako sa pagsasalita.
Humalakhak si Thria, "Ang sweet niyo namang mag best friend! Franco's not that masungit. Suplado, oo! But, were best friends, so wala siyang magagawa kung hindi ang tiisin ako..." sabi niya at tumingin kay Franco na umiling-iling lang.
"Sometimes I don't know why agreed to be your best friend. You just declared it," sabi ni Franco na ikinanguso ni Thria.
"Bukod kay Damon, ako ang best friend mo diba? At dahil hindi mo maatim ang pagiging maingay niya, sakin ka lagi sumasama so that means we're best friends!" masiglang sinabi niya sabay tingin sa akin.
"Ikaw, Shian, Jeiko, kailan niyo narealize na mag-best friend na kayo?" tanong ni Thria samin.
Jeiko looked at me like he wanted me to answer it. In fairness kay Jeiko at nakiki-join. Mamaya baka target na pala si Thria. Nagpapa-impress! Tsk!
Nilunok ko muna ang fries na sinubo ni Jeiko kanina na kanina kopa pilit nginunguya.
"Well, it just happen. No one declares it. Kami lang namang dalawa ang magkaibigan noong bata palang kami. I'm not friends with my cousins nung bata palang ako kasi malayo naman sila sakin, and also to Sheun, magkalayo din kami. So, Jeiko was all I got as a friend. Hanggang ngayon we're still together...as friends..." saklap!
Naramdaman ko ang pagtalim ng tingin ni Franco sakin like he was reading my mind. The way he looked at me, para bang may alam siya sa mga sekreto ko? Now, he's becoming mysterious.
"Wow, kulang nalang naging kayo. No offense, ha? I think being best friends since childhood is romantic. Kami naman kasi ni Franco, second year high school lang kami naging close. Close kasi kami ng kapatid niyang si Aleyna. So we got along, hanggang sabay na kaming lumipat sa T.U nung first year college, architecture siya while arts and design ako."
Napakagat labi ako sabay tingin ka Jeiko. Hindi ito ang unang beses na merong bumanggit na pwedeng maging kami dahil na nga rin sa matibay na relasyon namin as friends.
But looking at Jeiko right now. Wala man lang bakas na amusement sa mukha niya. Walang bakas na pag-asa na baka sakaling gusto niya rin ang ideyang 'yun.
"Shian and I are platonic. Our relationship isn't romance. She's almost my sister..." matigas na sabi niya tila wala ng makakagiba at makakapagpabago ng isip niya.
Tumungo ako at sinubukan ngumiti but deep inside, my heart is strawberry aching.
This kind of situation is cliché. I'm aware of best friend's falling in love with one another, but in my case, with Jeiko as your best friend, medyo mahirap, kasi itinuri niya talaga ako bilang kapatid niya.
But it doesn't mean, that he said we're platonic means we will stay platonic forever.
Alam kong pagdating ng panahon, that platonic relationship he's saying. Babawiin niya 'yun.