Chapter 3 - Date

4602 Words
Hello guys! Thank you for keep on reading. Hope to hear your comments! *** Nang makabalik kami sa school, awkward dahil iniwan ako ni Jeiko sa dalawa. Baliw din ang lalakeng 'yun eh. Nasa gitna namin ni Franco si Thria na kwento ng kwento. "I'm sure pupunta ka sa gig ng KingSipe, ano?" tanong ni Thria sakin, tukoy sa banda ni Arix. Tumango ako, "Uh huh, minsan lang sila tumugtog. Punta kayo?" tanong ko sabay sulyap kay Franco. Franco was just walking seriously like his mind isn't with us. Siguro hindi siya komportable na nandito ako. "Of course, yun nga yung kanina ko pa sinasabi kay Franco. Tutal ay tutugtog naman si Damon." sabi ni Thria sabay baling kay Franco. Tumingin si Franco sa kaniya, "I told you I'm coming right?" Aniya at tumingin sakin. I just gave him a smile even though hindi ako komportable sa mga tingin niya. Pakiramdam ko, nawala bigla 'yung paghanga ko sa kaniya noon. Maybe because he has Thria na alam kong may lihim ding pagtingin sa kaniya like me with Jeiko and I respect those girls na kapareho ko ng kapalarang mahalin ang best friend nila. May expiration date din pala ang crushes pero bakit kaya hindi ma-expire expire 'yung feelings ko kay Jeiko? Pumalakpak si Thria, "Good! So, it settle then! Sunduin mo ko mamaya, ha?" sabi nito with matching beautiful eyes pa. Lihim akong napangiti at hindi 'yun naging lihim kay Franco. Kumunot ang noo niya. Problema nito? Bakit masama bang ngumiti? Ha? Pareho lang talaga kami ni Thria! I'm sure magkakasundo kaming dalawa! "I don't want to. Get a life, Thria Liyanne." supladong sabi ni Franco at nauna ng maglakad ng nakapamulsa. Halos malaglag ang panga ko. Holy strawberry cake! Magpinsan nga sila ni Jeiko!! My gosh! Sumimangot si Thria habang pinapanood maglakad palayo si Franco. Siniko ko siya, "Ganyan din si Jeiko, get a life Shian Demetry..." I said imitating Jeiko's voice. Napa-oh siya sa sinabi ko. I wiggled my brows at her. Natawa nalang kaming dalawa at sinundan si Franco. Pagkarating ko sa next subject ko na magiging classmate ko din si Franco ay umupo nako sa upuan ko. Wala pa pala si Ponsithia. Naghiwalay na kami ng landas ni Thria. Naisip kong mabuti nalang pala at naunang maglakad si Franco, kung hindi ay sabay pa ata kaming maglalakad papunta dito. After my afternoon class, dumiretsyo na ako sa building ni Jeiko. Kahit indirect ang pagkakasabi niya, alam kong pumayag siyang dalhin ako sa molohan ni Aling Loti. Habang naglalakad ako papunta roon ay nakita ko si Castielle na papalapit sakin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Yow, strawberry cousin!" he called. Pagkalapit niya'y kaagad niya 'kong inakbayan. "Pupunta ka sa Core mamaya?" tanong niya sakin. Ngumiwi ako at inalis ang pagkakaakbay niya. I looked at those girls gawking at my cousin. Psh, gwapo nga si Castielle. Kinahuhumalingan ng mga kababaehan just like right now, pero di parin ba sila nadadala? Playboy siya! Habang nakatingin sila kay Castielle ay laglag ang panga nila at 'yung mga mata nila mapupungay! "Oo, bakit?" tipid kong tanong sa kaniya sabay sulyap sa wristwatch ko. "Why? May bago akong remix ngayon! Sa Prive kana punta!" pilit niya. "Ayoko nga, mas gusto ko pang manood ng tugtog nila Arix kaysa sa mga waley mong remix..." pang-aasar ko at benelatan siya. "Suplada nito! You should thank me for making Jeiko chase you..." sabi niya at tinaas baba pa ang kilay. Nanliit ang mata ko, "Wow, thank you, ha! May magandang dinulot 'yung ginawa mo." sarkastikong sabi ko. Natawa siya, "Bakit wala ba? He chased you right after I said baka na shock ka sa paghalik sa kaniya ni Gina." Nanlaki ang mata ko at ng makita niya 'yun ay mas lumapad ang ngiti niya. Napakagat labi ako. "And what could be the meaning of that!" I spatted and cross my arms. Ginulo ni Castielle ang buhok ko, "The only meaning of that is that you have a chance, couz! He doesn't want you to see it! Then he chased you to explain!" Napakagat labi ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko may pumasok na paru-paro sa tiyan ko. I can't even help but to smile! Tama si Castielle! Jeiko really did explain! My god! So my perception of what I saw is important to him. "Oh, saan kana susuporta? Kay Arix o sakin?" tanong niya. Biglang nawala ang ngiti ko. Psh! Muntik ko ng makalimutang si Castielle nga pala ang kausap ko. Babaero talaga! Magaling magsalita. "Nope, Si Arix parin pipiliin ko. Bye, Casty!" paalam ko sa kaniya at dinaanan siya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong piliting suportahan siya eh siya naman itong laging DJ sa Prive. Kahit kailan talaga ay inggit siya kay Arix. "How 'bout Jeiko? Nandoon siya! It's your time to tell him your feelings!" rinig kong sabi niya sa gilid ko, sinundan pa ako. Arrggh! He really needs to shut up. Paano kung nandito lang sa tabi-tabi si Jeiko? Malapit na ako sa building niya! "Would you please shut it? Gusto mo rin bang ipagsigawan ko rito na si Castielle Ongcuanco ang Master Casanova ng Thaguro University ay isang malaking TORPE sa crush niy--" Hindi ko na napatapos ang sinasabi ko ng takpan niya ang bibig ko. "What the f**k! How many times do I have to tell you that she's not my crush!" he hissed at bigla siyang namula. I smirked. Kaya hindi kami magkasundo ni Castielle, e. Nalaman niya sekreto ko, nalaman ko din ang sa kaniya. At pareho kaming may pang-black mail sa isa't-isa at hanggang ngayon wala paring nananalo. "Bahala ka sa buhay mo, sa Core ako..." sabi ko at nilayasan na siya. Dumiretsyo ako sa room ni Jeiko. I know hos schedule. Palihim ko itong kinuha sa notebook niya. At tamang-tama ang pagdating ko at palabas na ang mga estudyante. I saw Jeiko went out and some girls are following him. "Jeiko, can you come with me tonight? Prive parin. Diba pupunta ka?" girl 1. "Sama rin ako!" girl 2. "Sure, just find me there..." sagot ni Jeiko and gave them a smug smile. Napairap ako. Girls really flocked everyday at him, ha? And he just always gave in with them. "Jeiko diba break na kayo ni Gina? Pwede ako naman?" Humagikhik na tawa ni girl 3. "Pagkatapos niya, ako naman!" sabi ni girl 2. Halos malaglag ang panga ko. Wala nabang mas ikakadesperada pa sa kanila? My god! At nahiya pa daw 'yung girl 1! Napatingin sa direksyon ko si Jeiko. Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Sure, just remind me..." yun nalamang ang sinabi ni Jeiko bago siya maglakad palapit sakin. Tumili naman 'yung tatlo na parang baliw. Like, saan doon banda ang nakakakilig? Sinong babae ang matutuwa? "Why are you here?" tanong ni Jeiko. Nakasukbit ang bag niya sa kanang balikat niya while his left hand is inside his pocket. I was taken aback. His brooding eyes are like daggers. His forehead was creasing. Like he's not glad to see me. See? He changed his mood again. Ngumiti ako sa kaniya, "Sabi mo, pupunta tayo kay Aling Loti. Kakain tayo ng molo," sagot ko at sinukbit na ang kamay sa braso niya. Like I always do! "I changed my mind." sagot niya at unti-unting inalis ang kamay ko sa braso niya. Napaatras ako at napanguso. "Why are you always changing your mind when it comes to me? I never change my mind when it comes to you..." seryoso sabi ko. Napakurap siya sa sinabi ko at napaawang ang bibig. From the looked of his face, he was surprised from what I said. Bahagya akong tumalikod sa kaniya so he won't see me being really affected. Tumingala pa ako. Totoo naman kasi. Lagi nalang nagbabago isip niya. Aayain niya akong umalis, magbabago isip niya. Something like that, something like this. Masakit na nga, sasaktan pa lalo. "I have a practice, alam mo 'yun..." aniya at hinatak ang itim kong bag paharap sa kaniya. Sumasali na nga pala siya ngayon sa volleyball men. Nag-iwas ako ng tingin, "Okay...sige....alis nako..." sabi ko at tumingin sa kaniya bago siya talikuran para umalis. Without giving him my pretty smile. Seryoso parin ang mukha niya na parang wala lang sa kaniya ang nararamdaman kong tampo. Fine, then! Umuwi ako sa bahay, nag-taxi dahil iniwan nako ni Sheun. Iniwan na nila ako ni Daphne. Talaga isusumbong ko na siya kay Mommy! Ayaw pa naman ni Mommy kay Daphne kaya di sila magkasundo ni Sheun. Daddy's boy kasi siya! Ako naman ay Mommy's girl. "Break na kayo ni Dennis? Bilis ah?" di makapaniwalang tanong ko kay Pons habang narito siya ngayon sa bahay namin. Dito na kami magmumula papuntang Core. "Kapal ng mukha niyang tawagin akong clingy!" asik niya habang kinukulot ang mahaba at brown 'kong buhok. May konte din akong side bangs na inayos ko. Natawa ako, "Pang-ilang ex mo na nga si Dennis?" tanong ko sa kaniya habang naglalagay ng lipstick sa labi ko. "53 or pang 54. Nakalimutan ko na..." seryosong sagot niya na parang wala nanaman sa kaniya. Halos malaglag ang panga ko. Alam kong maraming beses na siyang nagka-boyfriend pero hindi ko parin maiwasang magulat kapag nalalaman ko kung nakailan na siya. "Bakit ako wala pang nagiging-EX?" tanong ko sa kaniya, "Kahit boyfriend!" dugtong ko at napanguso. She smirked, "Paanong hindi eh puro ka Jeiko! Jeiko ka parin ng Jeiko kahit na isang Priesly na ang nanliligaw sayo noon!" "Kung ako ang niligawan ni Josan ay magpapakatino na ako..." sabi niya and there's not even a smile crept on her lips! Napanguso ako, "Masyadong showbiz si Josan, ayoko sa kaniya..." sagot ko at umiling. "Mabuti sana kung kasing tahimik ni--" She cut me off. "ni Franco!?" dugtong niya sa sasabihin ko. Natawa ako at napailing. Franco is for Thria. Ayoko. "Sabihin mo nga sakin, kahit konte, nagkaroon ka ba ng feelings kay Franco Silvestre?" tanong niya habang nakatingin sakin sa salamin. Last year lang naman and I really hid it from Pons kasi alam kong ipupush niya ako na doon nalang kaysa kay Jeiko. But, I know malalaman at malalaman niya rin. Tsyaka, wala narin naman akong feelings na nararamdaman. "Hmmm, last year, oo..." Nanlaki ang mata niya. Napadaing ako ng sabunutan niya ako, "Nagkaroon ka ng ibang crush!? Damn! Achievement! Kay Franco kana lang Shian!" anya at ngumiti ng malapad. I shook my head, "Ayoko, may Thria 'yun..." sagot ko at inabot ang face powder upang maglagay sa mukha ko. Bigla niya kong sinabunutan ulit kaya napangiwi ako, "Pons naman!" sita ko. She just eyed on me, "Anong Thria ka diyan! Best friend lang sila! Hindi sila! Kaya wag kang ano riyan! Flirt with him tonight. Alam kong pupunta siya sa Core!" aniya in her excited tone. Umiling-iling ako, "There is no way I'm going to flirt with Franco Silvestre, Pons. No, no, no! Mamaya niyan makita kami ni Jeiko, isipin nun, pinagpapalit ko siya..." Binatukan naman daw niya ako kaya napadaing ako. Argggh! This strawberry girl! "Siraulo kaba? Paano niya iisipin 'yun eh hindi naman siya aware sa feelings mo? Hoy, Shian, wala kang karapatan maging loyal, wala kang jowa! At isa pa, nasa Prive si Jeiko." asik niya. "Hindi ko nga siya jowa. At wala nga siya roon. But, I want to show him that I am the girl who won't leave him. A girl who has the ability to be loyal and a girl—" "And a girl who's stupidly in love with a guy who doesn't even notice her as a woman. Mind you..."giit niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Ponsithia and her painful comments. "I'm no stupid, alam ko lang na para sakin siya. I mean, who would fit to be her girl? Ako lang, Pons. I know every bits of him," Bumuntong hininga si Pons, "Hay nako, Shian. Tigas talaga ng ulo mo. Bahala ka kasi ako maghahanap ako ng lalake mamaya..." sabi niya at siya naman ang nag-ayos ng mukha niya. Psh. Talaga 'tong si Pons, ang hilig sa lalake, katulad din siya ni Jeiko, e. Di nagseseryoso. Parehong may sira ang ulo. Biglang may kumatok sa kwarto ko and I know who it was. Kumatok siya ulit, "Are you naked or something? Papasok ako..." tanong ni Sheun sa labas ng pintuan. Tumingin ako kay Pons na nakatingin na sa pintuan. Hindi naman awkward si Pons kay Sheun pero kapag nandyan si Sheun, tahimik na siya. Ewan ko ba sa babaeng 'yun kung anong nakita kay Sheun. Kesyo, intimidating daw. Tumayo ako para pagbuksan si Sheun. Pagkabukas ko ay bumungad sakin ang nakakunot niyang noo, "What took you so long to open the door?" masungit niyang tanong. Umirap ako, "What do you want? Hindi pa kami tapos ni Pons mag-ayos..." sagot ko at humalukipkip. He looked at me intently, "Bilisan niyo ni Pons. Dadaanan ko pa si Daphne sa Trinoma," anya at sinilip ang kwarto ko. "Why are you always tailing around that brat?" Sinamaan niya ako ng tingin, "Stop calling her that, you don't know her..." masungit niyang saad at umiwas ng tingin. Oh, sure. Whatever. "She's popular with that name. Anong magagawa ko? I'm just asking, though." "You know what, I changed my mind. I will not wait for you two..." pikon niyang sabi at tinalikuran ako. "Then don't, tsss..." sabi ko bago isara ang pintuan. Ayan nanaman ang I changed my mind, ilang beses ko bang maririnig yan sa araw na ito? Nakakairita! Dumidilim talaga ang paningin ni Sheun pagdating sa bratinela niyang mahal. Daphne Rodriguez is a pain in his butt. He's just blinded by her looks and sweet voice. Brat siya kaya ayoko sa kaniya para kay Sheun. Pagkaharap ko kay Pons ay nakatingin siya sa salamin at tinitignan ang damit. "I changed my mind, I'll go with the sleeveless top. Ikaw?" tanong niya. Napalunok ako. Isa din tong si Ponsithia! "No, I won't changed my mind." Pagkarating namin sa Core marami ng nagdadagsaang tao. I remember when I turned 18, the first bar na napuntahan ko ay ang Core. Samu't saring tao ang nakikita ko papasok sa Core, actually di naman ganoon ka layo ang Prive sa Core and this two clubs ang madalas tambayan ng mga pinsan at mga schoolmates ko. May mga nakilala pa ako at binati ako and as usual, head turner parin ako. Head turner kami ni Pons. She's wearing a black sleeveless crop top and she matched it with a black skirt above the knee and black heels. She curled up her brown hair and it looks so sexy with a choker. Ako naman, I'm wearing a white sleeveless inside my black leather jacket. I matched it with my silver skirt above the knee and white shoes. Binuhaghag ko ang buhok ko na kinulot ni Pons kanina. Now it's swaying down my hips and it's moving kahit konteng galaw lang. "Wow, Shian, kahit kailan talaga, you're so stunning!" bati sakin ng isang kakilala sa engineering, a guy with a girl and the girl he's with was glaring at me. I smiled at him, "Thank you! You look good too," sabi ko nalang at tinaasan muna ng kilay ang babae bago siya talikuran. Hindi ako suplada, ha? I just did that para hindi niya masabing natakot ako sa paninitig niya sakin. Like, wala akong mapapala kung papatol ako sa hamak na supporting character lang na walang kapapel papel sa buhay ko. Sa di kalayuan ay nakita ko ang mga kabanda ni Arix sa isang malapad na table na pinalilibutan ng mga babae, and there I saw Franco with Damon Alcalde. Ang bokalista ng KingSipe, isa ding playboy. Kasama niya pa ang iba, si Claus Montañez and Russel Santillia ang dalawang gitarista nila. They all look good, really. Kaya maraming nagtra-transfer sa Thaguro, ang dadaming gwapo. Dito ata tinapon 'yung mga gwapong lalake sa Pilipinas, e. "Look naroon na si Franco at wala si Thria!" masiglang sabi ni Pons at hinila na ako papunta sa direksyon nila. Damon saw us he smiled and looked at Arix then is it me or he just gave Franco a sly smile. When Arix saw me, he gave me a smile and a wave. "Shishi, you came," Arix with his baritone voice. Umirap ako at ngumiti sa kaniya. He always call me Shishi. It's sounds like sushi. Claus gave me an Pons a seat. Tumayo sila ni Russel para sa amin. Even though, mga mukha silang bastardo, gentleman naman. "Thank you," I sweetly said to Claus and Russel. Ngumiti naman si Russel sakin and Claus just shrugged with a pokerface. Phew. "I thought you forgot. I didn't have time to remind you..." ani ni Arix and gave me a cocktail drink. Tinanggap ko 'yun and my eyes automatically looked at his attire. He's only wearing a white v-neck tshirt, his hair, of course, is still kulot, and he's wearing a skull necklace. His wearing a maong pants and he looked like a rockstar. Drummer na drummer! "Muntik ko na ngang makalimutan. Good thing Pons reminded me. Alam mo bang naiinggit nanaman si Castielle sayo?" I said then looked at someone's direction. Franco is chatting with Damon and with some familiar girls. Russel is also joining and the poker-faced Claus was just listening. Some girls are trying to talk to Pons and lucky them, may mood ngayon makipag-plastikan. Arix smirked, "Immature parin talaga siya. He asked me what will we play tonight, gagawan niya malamang ng mash up." aniya at ininom ang alak na hindi ko alam kung ano. Cocktail lang naman ang alam ko at tequila and also wines I knew because of my family's fetish for wines. Sumimsim muna ako sa cocktail ko, "Hayaan mo na at kulang lang 'yun sa pansin!" pasigaw na sagot ko dahil lumalakas na ang tugtog and I guess the party is really starting. "Jeiko's not here, I really thought you're not going..." Ngumuso ako, "Minsan lang kayo tumanggap ng gig kaya support muna ako sayo." nakangisi kong sinabi. He smiled and patted my head. I really don't know why they call him Master Devil when in fact he's so good to me. Siguro dahil ako lang ang babae sa aming magpipinsan na halos kaedad niya. I have a twin cousin too, mga kapatid ni Castielle. Si Vale at si Dale. They're girls. Muriah Vale at si Meriah Dale Ongcuangco. Five years old palang ngayon kaya baby pa and that's why ganoon nalang ka immature si Castielle, kulang na sa pansin ni Tita Sarah. "Mukhang alam ko na kung bakit wala si Thria..." bulong ni Pons sakin ng makaalis na sila Arix para mag-set up. Franco was with his other friends, wala na siya sa upuan. Mga babae nalang ang natira, kasama na kami ni Pons. "Saan ba siya?" Tinaasan niya ako ng kilay, "Nasa Prive siya ngayon. Diba sabi mo magkasama dapat sila ni Franco? So where is she? Nasa Prive..." aniya at lumagok ng isang shot. Kumunot ang noo ko, "What? Pinipilit niya pa nga si Franco kanina. Baka papunta palang..." Umiling si Pons, "I don't think so, Shian. Noon paman ay wala akong gusto sa Thria na'yan." bitter na sabi niya. "Wala ka namang gusto lagi. Ako lang 'yung gusto mong kaibigan..." sabi ko at tinusok tusok pa ang tagiliran niya. She gave me her pokerface. "Hindi ibig sabihin na lagi tayong magkasama, gusto na kita. Pinagtitiisan lang kita kasi alam 'kong baliw ka." masakit na salita nanamang sagot niya. "Psh, oo nalang, Ponsithia. I like you too," pang-asar na sambit ko. Umiling-iling lang siya, "Ang sinasabi ko lang kasi sayo, Shian Demetry, hindi lahat ng nginingitian ka, mabait. Wag kang pakampante." Ngumuso ako, "So you're saying that lumayo layo ako kay Thria? Hindi naman kami friends, plinaplano pa lang..." sabi ko at sumimsim sa cocktail 'kong inuunti-unti ko talaga, mahirap kasi kapag nalasing ako. Nung unang pag-inom ko kasi, kasama namin nila Pons si Jeiko at sila Castielle. After ng debut ko at muntik ko ng masabing, mahal kita Jeiko, ang kupad mo! Buti nalang at pinigilan ako ni Pons. She did everything to stop me. Muntik na talaga 'yun! But, anyway, wala naman si Jeiko dito kaya pwede akong maging tipsy man lang. "Wag mo ng i-friend 'yun. Pakiramdam ko, may interior motive ang babaeng 'yun. 'Lam mo naman na pinsan ka ng mga nagwagwapohang lalake sa school, close mo pa si Jeiko." "May gusto siya sa mga pinsan ko? Akala ko ba may gusto siya kay Franco?" Umiling si Pons, "Akala ko rin. It could be Castielle, kasi nasa Prive siya ngayon, or Sheun...baka si Jeiko..." Kumunot ang noo ko ng banggitin niya ang pangalan ni Jeiko. What the! Imposible namang may gusto siya kay Jeiko! Tinutukso pa nga niya ako kanina kay Jeiko. "Lika na, Shian. Tutugtog na sila," sabi ni Pons at hinila ako patayo. Medyo nahihilo na ako, maybe because I'm already tipsy. Ang hina talaga ng alcohol intake ko. Nakihalo kami ni Pons sa mga nagsasayawang tao sa dance floor dahil sa pinatugtog muna ng DJ na kanta. Kaya nag-umpisa nakong sumayaw sayaw at tumalon talon. Nang mag-umpisa ng pumatik ng drums si Arix ay naghiyawan na ang mga tao at ang pagtugtog ni Claus at Russel ng electric guitar. "Na na na nananana nananananana na yeah yeah" Damon, Russel and Claus. "Na na na nananana nananananana na yeah yeah" pagsabay ng mga tao at winagayway ang kamay sa ere. "They come from miles away Just to see how you get down Feels like an earthquake Everytime you come around You hear 'em saying yeah..." "Yeaaaah~!" sigaw ko, sinabayan ang hiyaw ng mga tao sa masiglang kanta. Nagulat ako ng hatakin ako ni Pons. Nagpahila naman ako at nagulat ako ng itulak niya ako konte kaya nabunggo ako sa isang lalake. Nanlaki ang mata ko ng makitang si Franco 'yun. Oh, sweet strawberry cake! Si Pons talaga! "Sorry!" I said sabay peace sign. Franco just looked at me with his brows furrowed. Does he think I bumped myself to him intenionally? Ha! "Pons pushed me. Sorry!" I said again. Iniwas niya ang tingin sakin without saying a word like okay lang. Kung napapanis at nabubulok lang talaga ang laway...tsss! Panis na 'yung kaniya! "More to love when your hands are free Baby put your pom poms down for me Come on shake it up 123 Baby put your pom poms down for me" Hinanap ko si Pons sa mga tao sa paligid. Everyone's jumping because of the lively song na kinakanta nila. Because of my skinny body, muntik na'kong ma-out balanced ng masagi ako ng matabang babae na gumegewang at sinisigaw pa ang pangalan ni Damon. "When you move I fall to my knees Baby put your pom poms down for me Come on shake it up 543 Baby put your pom poms down for me" I thought I was going to fall when I felt someone caught me. I clung my hands to that person's neck. I thought it was Franco, kasi siya lang naman ang nasa likod ko but when I saw who caught me. My heart started to race fast. He lifts me up and gave me a deathly stare. Now, I'm starting to feel the butterflies in my stomach. "J-jeiko..." I said as I looked at his attire for the night. He's wearing a white shirt inside his leather jacket. Pareho kami ng damit and holy strawberry! He's also wearing a white Nike shoes, same color with my shoes! Napakagat labi ako habang nakatingin roon. Kung titignan ay pareho kami ng damit ni Jeiko. Sobrang destiny! "Why are you here? I thought you said, sa Prive ka pupunta?" mariing tanong niya. His brooding eyes gives me a chill. Ha! Now he's asking why. Nag-iba nanaman ba ang mood nito? Hinahanap niya ba ako roon? "Well, I changed my mind," sabi ko at humalukipkip. Almost mimicking what he said to me kanina. Humalukipkip siya kung kaya't nagdepina ang mga tinatago niyang muscles. Bumabakat ito sa leather jacket niya. Napakagat labi ako. Sinamaan niya ako ng tingin, "Are you mimicking me?" masungit na tanong niya. Humalukipkip din ako and lift up my chin a little, tila naghahamon, "No, I just changed my mind. Kasi pwede rin magbago isip ko..." para malaman mo! Narinig ko ang bagong pagtugtog ng KingSipe. They're singing a new song. I bet it's one of their favorite band, Parokya ni Edgar. Naiinis na ako sa iyo Bakit mo ba ako ginaganito Lumapit si Jeiko sakin at hinawakan ang isang braso ko, giving me that unusual looked, "Nagtatampo ka," he said. It wasn't a question, but a statement. Ikaw ba ay naguguluhan sa 'king tunay na nararamdaman sa iyo Why do I feel like the song is really hitting me right now? What are you really doing Jeiko? Umiling ako sa kaniya, "No. I am not. I just came here to support, Arix..." nahihirapang sagot ko habang pinipilit iharap ang mukha sa kaniya even when I know I looked like a red tomato. Ano pa bang dapat na gawin pa Sa 'king pananamit at pananalita He smirked, "Really, ha? You came all over here to support your cousin..." aniya na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Upang iyong mapagbigyang pansin aking paghanga at pagtingin sa iyo Kumunot ang noo ko, "Tsss, why would I lie to you?" seryoso kong tanong at umirap rin. Wag mo na sana akong pahirapan pa Kung ayaw mo sa 'kin ay sabihin mo na He smirked again at bumaling sa likod niya kung nasaan si Franco kanina. Wala na siya roon ngayon. Bumalik ang tingin ni Jeiko sa akin. Wag mo na sana akong ipaasa sa wala "Pumunta ka dito so that you can freely flirt and find a boyfriend, right?" seryosong tanong niya. Saan niya naman nakuha ang impormasyon na'yun? Oo na mahal na kung mahal kita Nanlaki ang mata ko. Is that why he's here? Is he jealous? "Who told you I'm going to flirt? Tsss, wala pa sa bokabularyo ko ang pag-dadate..." When he stepped a little bit more closer to mine. Biglang nawala lahat ng tao sa mata ko, bigla akong nabingi kahit nakakabingi na ang mga tao rito sa Core. "You're flirting with Franco, I saw how you look at him, you're interested..." matigas na sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Ito na nga ba ang sinasabi ko kay Ponsihia, e. Hindi niya dapat ako pinupush kay Franco. Now, he's thinking I'm not loyal. Oo at alam 'kong hindi pa niya alam ang nararamdaman ko, pero kung may nararamdaman naman pala siya sakin, bakit di niya ako ligawan? Ba't di siya magtapat. Yun lang naman ang hinihintay ko. Haay nako, Jeiko Karlo Valerio, napakupad mo! I smiled at him, "How do I looked at him, kung ganoon?" tanong ko sa kaniya at tiningala ang mata niya. He didn't say a thing, but his eyes were locked in my eyes like he was confused and contemplating. Nag-iwas siya ng tingin sakin at napaatras. Hindi parin mawala-wala ang ngiti ko. Is he jealous? Is he? Is he? "I'm not flirting with your cousin, Jeiko. I just accidentaly bum--" he cut me off giving me a cold stare. "Date him," mahina ngunit klarong klaro ang pagkakarinig kong sinabi niya. Nalaglag ang panga ko, "H-ha?" baka nagkamali lang ng rinig. He looked away and licked his lower lip. "Date him, Shian Demetry. Date him..." sabi niya like he was convincing his self that it was the best thing for me. Biglang nawala ang ngiti ko. Sumikip bigla ang puso kong kanina nakaramdam ng pag-asa. Date him? Bakit hindi nalang ikaw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD