Chapter 1

1569 Words
ANDRAY'S POV Year 2015... "Alam mo ang ganda mo pala... Pagtumawa ang yong mata..." pakanta kong linya habang nagtutugtog ako ng gitara sa harap ng madla dito sa Entertainment Bar. "Hinahabol ko ang bawat mong tingin~ Ngunit ito'y di' mo napapansin..." "Wala akong maipagmamayabang... Porma ko pasimple simple lang..." tuloy parin ako sa pagkanta habang nakatingin sa isang babae. "Sino ba ako walang dating sayo... Di tayo bagay sobra mong ganda... talaga..." "Di ko alam hanggang kailan tayo... Di ko mabago ang ikot ng mundo... Pero sama ka sa aking biyahe... Atin lamang ang araw na ito..." "Ang buhay ng'yon sinasakyan lang yan... Di ko alam ang tungo kung saan... Pagsumama ka sa aking biyahe... Iaalay ko ang puso ko ohhhh..." Palakpakan na silang lahat after mag-perform ako ng isang kanta. Bago muna ang lahat, isa akong singer sa isang bar malapit sa amin. Simula pa noong 2013 pa ako nandito at walang aberya na nagaganap sa pagiging singer maliban aa pagperform na paos ang boses. Mabait naman ang amo ko dito at nag-aalala sa akin iyon, maliban sa malugi ang bar niya ay baka mawala na ako ng boses sa kakanta ng matataas. Pagkatapos iyon, dito ko muna mag-introduction. "So good evening, ako nga pala si Dray. So ngayon ay mag-suggest kayo kung ano kakantahin natin ngayong gabi na ito. Pasensya na dahil absent ako ng ilan araw dahil sa karamdaman ko pero mabuti naman ay nawalan iyong kaya tugtog na tayo. Ano gusto ninyong kanta?" **** "Mabuti na okey-okey na ang boses mo." Sabi ng amo ko na si Mr. C. "Nakuha mo pang mag-soprano ah." Soprano ang tawag sa high notes na ginagawa nila Duncan Ramos, Jay-R at Gary V. Same lang din sila sa babae like Regine Velasquez, Maria Carey at Witney Houston. "Ang mahalaga po ngayon ay nakaraos-raos din ako ngayon sa pagkanta." Sabi ko naman. "Nalulugi na kasi minsan ang bar pag nagkakaroon ng something ang lalamunan ko." "Kaya sabi ko sayo na magpahinga ka muna pag may karamdaman ka, ok?" Bilin ni Mr. C sa akin. "Huwag mo kasi ipili ang sarili mo, baka mawalan ka pa ng boses dahil sa ginagawa mo." "Ginagawa ko naman kasi ang lahat para hindi lang sa inyo kundi na rin sa pamilya ko." Ani ko. "Gusto ko lang kasi na umangat kami sa hirap, lalo na't magbobotohan na this year." "Teka lang, kailan ako magpe-perform ulit? Sa Friday ba o next Week na?" Tanong ko sa kanya. "Well, Friday ka ulit magpe-perform." Sagot ni Mr. C habang binigay na niya sa aking ang sweldo kong nakalagay sa envelop. "Gaya ng sabi ko, 2k ang talent fee ko dito pero dahil sa concern ko sayo ay ginawa ko nang two-five para ma-stable ang boses mo." "Kahit magkano lang naman ay dapat na sa akin." Sabi ko nalang habang tinanggap ko ang sweldo ko. "Basta may matulong ako sa pamilya ko." "Sige! Salamat at bumalik ka dito sa bar.", tumayo si Mr. C at bago siya umalis ay may iniwan siyang linyang "Keep it up, Dray." Pagkatapos umalis ni Mr. C, binuksan ko ang Envelop at dito ko binilang na hindi lang two-five kundi three thousand na ang sweldo ko. Nabasa ko ang nakalagay sa envelop, MAY 500 KA AS YOIR BONUS ang nakasulat. Napatayo ako at hanapin ko sana si Mr. C pero huli na dahil wala na ito sa Bar. *riiiiing!* ganito ang tunog ng phone ko kaya kaagad na dinukot ko sa bulsa at sinagot ko. "Hello?" "Mahal, sarado ba ang bar diyan? Diyan nalang sana tayo mag-date?" "Ah... sarado na eh, pero may mas alam akong resto na pagkakainan nating dalawa." "Saan?" **** "Mabuti naman na may bonus ka." Komento ng aking kasintahan na si Mallorie. "Siguro, viral ka na naman ngayon." "Hindi naman pero dahil natuwa siguro ang mga audience." Sabi ko kaya tumawa nalang si Mallorie. "Well, madidiscover kana ata sa pagkanta mo." Sabi niya. "Baka siguro magkakaroon na tayo ng unang duet song sa susunod ng taon." "Sana nga." "Ay nga pala! Alam mo ba na top one parin ang kanta ko ngayon?" Pangiti-ngiti sabi ni Mallorie kaya hindi parin ako makapaniwala na number one na naman ang kanta niya sa chart. "Pang-limang linggo na iyon at number one parin ang single mo." Sabi ko habang ako'y namangha dahil nga sa kanya. "Hindi ko aakalain na number one ulit pa iyon for the fifth time ah." "Alam mo, hindi naman mabubuo ang single na iyon kung wala ka." Pangiti-ngiti lang niyang sabi habang hinawakan niya ang kamay ko. "Nagpapasalamat ako sa iyo dahil kung wala ka sa tabi ko ay paniguradong nasa baba na naman ako." "Naku! Walang anuman iyon." Sabi ko nalang habang inayos ko ang upo ko at nakangiting tingin sa kanya. "Basta't kasama kita ay hindi ka lalaos, okay?" "Siguradong ka talaga mahal ah." Sabi pa ni Mallorie sa akin. Pero biglang napaisip nalang ako na paano kung ito araw na iyon ang hinihintay namin. Pumiglas ako sa hawak niya sa kamay ko, napatayo at pumunta sa side niya. Nagtataka nalang si Mallorie sa akin na bakit ko ito ginagawa sa kanya ngayon at parang sabi niya sa utak niya na ano na ang ginagawa ko ngayon. "Mahal... Hindi ko na magpapaligoy-ligoy pa dahil gusto ko na ito itanong sa iyo." Sabi ko da kanya kaya hindi pa makapagsalita si Mallorie. "Handang handa na ko makasama ka sa lahat ng araw hanggang sa dulo ng walang hanggan. Nais ko lang naman sagutin ang aking kaisa isang tanong na tanging oo at hindi lang ang pagpipilian mo sa tanong ko." Kaagad dinukot ko ang isang maliit ng karton kulay kulay mula sa bulsa, lumuhod sa harapan niya at binuksan ko iyon para ipakita sa kanya ang nilalaman ng box, walang iba kundi isang mahalagang bagay na sumisimbolo ng aming pagsasama sa iisang dibdib. Nakatingin ako sa kanya at pinagmasdan ko ang mga luhang lumalabas sa kanyang mga mata. "Mallorie Winter Paje, can you be my-" Nahinto ako sa pagsasalita dshil biglang hinalikan niya ako sa labi ng napakatagal kaya sang-ayon ang sagot niya sa tanong ko. **** "ANO?!" Pagkagulat ni Mama sakin. "MAGPAPAKASAL NA KAYONG DALAWA?!" "Ah oo Tita." Sagot nalang ni Mallorie. "Wala na akong magagawa pa kundi sagutin ko ang anak ninyo." Kinakabahan ako dahil magagalit na naman si Mama sa akin. Once na ayaw ni Mama ay ayaw na niya kaya takot na takot ako sa kanya. Bago ako magdedesisyon ay kay Mama muna magpupunta at kahit ayaw ko ay susundin ko iyon dahil nanay siya at anak lang niya ako. "Mama, hindi ko kasi naisip na ganito ang mangyayari kagabi kasi gusto ko subukang tanungin siya kung-" "Hala! Alam mo, magkakaroon na ako ng apo." Biglang sinabi ni Mama at tuwang tuwa pa nga kaya nagtataka ako sa sinabi niya at nagpakamot-ulo nalang. "Mama, akala ko ba ay-" "Naku! Kailan ba balak ninyo nagpakasal?" Tanong ni Mama sa akin. Ngumiti nalang ako dahil sa kanya, hindi ko aakalain na nagustuhan niya ang desisyon naming dalawa na magpapakasal at naninirahan sa iisang bubong. Ilan buwan na nakalipas ay kinasal na kaming dalawa ni Mallorie sa simbahan kung saan kami nabinyag. **** 1 year later... "SIGE MISIS IREEEEE!!!" "AAAAAAGH!!" "SIGE PA MISIS ISA PA!!!" "EEEEEEEGH!!!" Ganito ang naririnig ko ngayon sa hospital, first time ko lang naman kasi magkaganito. Dahil sa sobrang kaba ko ay baka mahinatay pa ako na hindi ko pa nakikita ang anak ko. Ilan segundo na nakalipas ay may isang doktor na lumabas at tinawag niya ang pangalan ko. "Mister Lamboloto?" Kaagad akong naglakad papunta sa harapan ng doktor at sabing "Ano na nangyari sa mag-ina ko? Nakalabas na ba ang bata?" "It's a girl, Mister. Congratulations." Pangiti-ngiti sabi ng doktor kaya ngumiti ako sa kanya bilang ikinatutuwa ko. "Musta na po ang asawa ko?" Tanong ko namang sa kanya. "Sumunod ka sa akin.", Kaagad na pumasok muli ang doktor sa silid at sinundan ko siya. Nang maisara ko ang pinto, nakita ko nalang ang aking mag-ina. Mayroon ngiti sa mukha ni Mallorie habang pinagmamasdan niya ang aming sanggol na babae. Kaagad na lumapit ako sa kanya at lumuhod ako para akbayan ko ang asawa't anak ko. "Ang ganda ng anak natin, parang ikaw lang." Sabi ko kay Mallorie habang nakatingin sa sanggol. "Nangbola ka pa, ako kasi ang nanay ng anak natin kaya manang-mana sa akin." Sabi naman ni Mallorie. "Misis, ano po pangalan ng anak ninyo?" Tanong ng isang Nurse kay Mallorie. Napatingin nalang si Mallorie sa akin bilang ako na ang sasagot sa tanong ng nurse kaya napatingin nalang rin ako sa kanya. "Mahal, alam mo naman kung ano ang pangalan ng magiging anak natin." "S... Chanelle...", Lumingon ako sa Nurse at kinumpleto ko ang pangalan ng anak namin na "Chanelle Phateemah ang pangalan ng magiging anak namin." "Spell?" "C-H-A-N-E-double L-E ang Chanelle at P-H-A-T-double E-M-A-H ang Phateemah." Sinabi ko sa kanya kaya sinulat ni Nurse iyon. "Ang gandang pangalan." Komento nt nurse pagkatapos niyang isulat ang pangalan ng anak namin. "Oh siya! Dadalhin muna namin ang bata sa isang pang silid." "Sige po!" Tugon naming dalawa ni Mallorie kaya kinarga ng nurse ang sanggol sila na bahala para panatilihing malusog ang bata namin. Dito ko nagsimula ang pagiging magulang namin. Maswerte kami dahil babae ang una naming anak. Nagkaroon na ako ng sariling pamilya, kailangan ko na maging padre de pamilya sa anak ko para sa kinabukasan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD