Prologue

771 Words
ANDRAY'S POV Year 2030... "WELCOME TO THE GRAND FINALS OF POP TEENS PHILIPPINES! Here's our contestant." Dahil sa announcement na iyon, excited na excited ako, ang anak ko na si Sansan ay Grand Finalist sa contest na ito. "Starting off... From Rizal, Catherine Manalo." "From Cebu City, Joshua Dela Cruz." "From Cotabato City, Candice Ynares." "From Ilocos Norte, Xyriel Lim." "From Sultan Kudarat, Elvina Abdul-Rallim." "From Negros Oriental, Choi Torres." "From Quezon City, Beronica Raymundo." Isa nalang at maitatawag na nila ang pangalan ng anak ko. "And From Bulacan, Sansan Lamboloto." Dahil sa pangalan na iyon, lumabas na siya sa stage. Nakasuot ng Yellow Gown dahil maliban sa Favorite color niya ito, maswerte kasinang Yellow para sa akin. Makintab pa nga ang suot niyang gown kaya ayun! Ang gandang tignan. Dahil sa pagtawag ng pangalan ng anak ko, masigaw ko na ang pangalang SANSAN. Todo cheer at support ako ngayon, hindi na baling matalo ay mahalaga lumaban siya. **** "Sansan? Sansan?" Tinatawag ko siya sa backstage habang lumalapit ako sa kanya. Lumingon siya sa akin habang sabing "Oh Itay, buti ay lumapit ka pa sa akin." "Bakit? May problema ba?" Tanong ko sa kanya. "K-kinakabahan kase ako, Itay." Sabi niya kaya siya ay nauutal nalang kasi kabado. "Grandfinals na kase, tapos hindi ko na alam ang gagawin ko. H-hindi ko nga sure ka kakantahin ko." "Anak... Para hindi ka kabahan, tumingin ka sa akin." Payo ko sa kanya na naman. "Ako kase ang number one fan mo, diba?" "Pero mas malaki ang impact kung sa judge ako titingin eh." Sagot naman ni Sansan kaya napasang-ayon nalang ako sa kanya. "Sabagay..." "Hindi ko nga sure sa kanta ko dahil ang iba ay pang mataasan ang kinanta, ang sa akin naman ay-" "Ooh! Kayo palang mag-ama." Interrupt ng isang babae. Siya lang naman si Beatriz at kasama niya ang anak niya na si Beronica. Dahil rito ay hindi na pang nagsalita si Sansan at tumingin kami sa kanya. "Hello, spoiled brat." Pagbati ni Beronica sa anak ko. "Beronica..." pagigil ni Sansan kaya hinawakan ko siya sa balikad bilang pampakalma ng galit niya. "Kalma lang, anak." Sabi ko sa kanya. "Pero Itay-" "Ako na bahala, sa likod ka lang ah." Wala na magawa si Sansan kaya napapunta siya sa likuran ko para protektahan ko siya sa kanila. "Mukhang natatakot ang anak natin, Dray." Pangising wika ni Beatriz. "Like father like Daughter nga naman." "Hanggang dito ay sinisiraan mo kaming mag-ama?" Seryosong sabi ko sa kanya pagkatapos ako tumitingin ng diretso kay Beatriz. "Wohoh! Sinisiraan ba? Baka ikaw ang naninira sa amin." Sabi nalang ni Beatriz at naiba ang mood ko sa sinabi niya. "Hindi ka ba talaga titigil hanggang buhay pa kaming mag-ama, noh?" Galit kong sabi sa kanya. "Huwag mong kalimutang ang deal natin na once na manalo si Beronica sa contest, maging first ang anak ko habang second runner up ang anak mo o maging second runner up ang anak ko." Pangising ani Beatriz. "Ikaw? Ano ba deal mo sa akin." "Itay, diba sabi ko na huwag ka magkikipagdeal sa babae na iyan?" Pag-aalalang wika nalang ni Sansan. Napatingin ako sa kanya habang sabing "Ipanalo mo ang laban, sapat na." "Pero-" "Trust the process, anak." Sabi ko nalang kaya hindi na nakapagsalita si Sansan at sumang-ayon. May director na lumapit sa akin at sabing "Miss Raymundo at Miss Lamboloto, you have one minute para maghanda na sa Stage." at sabay alis sa amin. May round 1 and 2 sa contest na ito, ang round 1 ay solo na at ang round 2 ay ang duet. Sa round 2 kasi makikita ng judge kung sino karapat-dapat na manalo. "So! Goodluck sa inyong mag-ama." Iwang linya ni Beatriz at umalis sa amin kasama si Beronica. Nang kami nalang ang matira, dito sinabi ni Sansan sa about sa deal. "Bakit ka pa nakipagdeal sa tao na iyon? Ayokong masaktan ka pa ulit." Pag-aalala ni Sansan. "Anak, para sa future mo ang ginagawa ko." Wika ko naman pero mahinahon lang na tono. "Future? Sa tingin mo ba, makikita mo ba ang future ko?" Pagalit na linya ni Sansan. "Sabi mo-" "Pangatlong sasalang... Sansan Lamboloto." Dahil sa announcement na iyon, natigil nalang si Sansan sa pagsasalita. "Anak, game na." "Pero-" "Kumanta kana." Hindi na makapagsalita si Sansan habang nakatingin sa akin. "Magtiwala ka basta ipanalo mo nalang ang laban, ok?" Bilin ko sa kanya. Tumungo nalang si Sansan bilang tugon niya at daling pumunta na ng stage. Pinagmamasdan ko lang siya mula sa malayo. Ang laki na niya at ang layo ng narating niya. Ang swerte kong ama dahil may anak akong kagaya ni Sansan. -CHAPTER END-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD