ARYLL'S POV
LORRINE seems okay and fine. Hindi ko maiwasang hindi malungkot. Lorrine doesn't deserve this kind of manipulation and dictation from us. She does not deserve this kind of treatment. She should know the truth. We have no right to take away the truth from her.
Pero ano ang magagawa ko? This is her fate. That was what she had to do because that was her destiny. that is what is written on her palms. At wala akong magagawa kundi ang sumabay sa agos niyon dahil maski ako, hindi alam ang gagawin ko.
At habang kausap ko si Lorrine, hindi ko maiwasang hindi mainis sa sarili ko. Tinuturing ko siyang kaibigan, tinuturing niya rin akong kaibigan at nararamdaman ko iyon. Ngunit hindi magawa ng isang tulad kong kaibigan niya ang sabihin sa kaniya ang totoo. Nagpapadala ako sa kanila dahil iyon ang dapat kong gawin sa ngayon.
"What are you thinking?" Lumapit si Nyx sa akin. Narito ako ngayon sa lawa, nakaupo sa kahoy na tulay habang nakalawit ang mga paa sa gilid niyon. Bagaman hindi naaabot ng aking mga paa ang tubig ng lawa, natutuwa ako sapagkat nakakakita ako ng tubig. "Are you thinking of her again?"
"I don't deserve to be called her friend, Nyx," malungkot kong saad.
Kakatapos lang namin i-rehistro ang salitang napili namin para sa aming napiling armas. At humiwalay na kami ni Nyx sa mga kasama namin dahil gusto ko sanang mapag-isa. Ngunit hindi iyon hinayaan ni Nyx. Gusto niya talaga na nasa tabi ko siya palagi. Nagpapasalamat naman ako roon. Ngunit hindi ko pa rin maitatanggi sa puso ko na nalulungkot ako.
"Hey, don't say that, okay?"
I want to be everyone's friend. Ewan ko ba, pero likas na sa akin ang makipagkaibigan. Gusto kong makipagkaibigan sa lahat kasi kaibigan na lang ang mayroon ako. I want to treasure my friends because they are all precious to me. And I want to be their friend too. I want to be precious. I want them to treasure me. I want someone who can share the same feelings with me.
And I felt that to Lorrine. Alam kong tulad ko, mahalaga din ako sa kaniya. Nararamdaman ko iyon. Alam kong natutuwa rin siya dahil mayroon siya 'ako' sa buhay niya. Alam kong nagpapasalamat din siya dahil naging kaibigan niya ako.
But I don't think I deserve her friendship.
They said, friendship should share secrets, pain and happiness. Pero nagdadamot ako ngayon. Am I really deserving of her friendship?
Lumaylay ang balikat ko at matamang tiningnan si Nyx. "How can I not say if that is the truth?"
Hindi katulad ni Nyx, wala siyang maitatago sa akin. Wala rin akong maitatago sa kaniya dahil magkaibigan kami simula bata pa lang. Kaya kung ano ang pagpapahalagang nararamdaman ko para kay Nyx, sigurado akong ganoon din siya sa akin. And I deserve that.
Hindi ko nga lang alam kung batid niya ang nararamdaman ko kay Loie. Sa tingin ko kasi ay oo. Wala naman akong maitatago sa kaniya. Pero hindi niya lang kinukumpirma sa akin dahil batid niyang tatanggi ako. Mas mabuti na iyon. Iyong ako na lang ang nakakaalam.
"Para sa kapakanan niya iyon."
Bumuntong-hininga ako. Wala na akong masabi dahil totoo naman ang sinasabi ni Nyx. Kaya wala akong magawa dahil para iyon sa kapakanan ni Lorrine.
Mas mabuti nang wala siyang alam. Dahil kapag nalaman niya iyon, baka iwan niya kami. Baka kamuhian niya kami. Baka mas piliin niya iyon kaysa sa amin at iyon ang kinatatakot naming lahat.
Maybe one day, she will leave. She will choose them over me, over Nyx, over Czearine and Loie, over the queen of Questhora and worse, over her so-called family in the Verphasa.
At iyon ang ayaw naming mangyari.
Alam naming lahat na hindi maganda ang ginagawa naming pagtatago kay Lorrine. But that was the best and least we could do for her.
"Come here." Nyx patted his shoulder as a sign that I should lean on him. Iyon nga ang ginawa ko. I rested my head on his shoulders as he caressed my hair. "You still have me. You always have me."
Pinangiliran ako ng luha dahil sa sinabi ni Nyx. I always have my best friend with me. I always have him. Yet I always neglected his feelings for me.
I am not that numb. Alam ko ang nararamdaman sa akin ni Nyx. Hindi ako bulag. Hindi ako bingi. At lalong hindi ako ganoon kamanhid para hindi maramdaman na hindi lang pagkakaibigan ang nararamdaman sa akin ng matalik kong kaibigang si Nyx. Pero lagi ko iyong binabalewala. Instead, ginugusto ko ang salamangkerong hindi naman ako. Ginugusto ko ang nilalang na alam kong hindi naman ako magugustuhan.
Bakit kaya hindi na lang kay Nyx tumibok ang puso ko? Mas mainam naman kung siya ang mamamahalin ko dahil alam kong safe and secured ang puso ko sa kaniya. Pero bakit hindi na lang siya?
I guess, tama ang sinasabi nila tungkol sa pag-ibig. Hindi iyon natuturuan, hindi napag-aaralan, hindi iyon nadidiktahan. Kusa iyong nararamdaman.
"Nyx…" tawag ko sa kaniya.
Napangiti ako sa kawalan. Hindi ko nakikita ang mukha niya ngunit nararamdaman ko ang mga titig niya sa akin habang nakasandal ang ulo ko sa kaniyang balikat. Kakatwang rinig na rinig ko rin ang malakas na t***k ng puso niya dahilan para gumaan ang aking pakiramdam.
"Hmm?"
Huminga ako nang malalim. "Thank you for always choosing me."
Naramdaman kong ngumiti si Nyx kahit hindi ko nakikita. At nahawa ako sa masayang pakiramdam na iyon.
"Even if they teach me to choose others, I will still choose you, Aryll."
LORRINE'S POV
I TWISTED my right arm para makakuha ng buwelo at makawala sa pagkakahawak niya sa akin nang mahigpit. Sunod-sunod kong pinakawalan ang mga malalakas kong suntok ngunit mabilis niyang iniwas sa akin ang sarili. Dinoble ko ang bilis ng aking naging pag-atake ngunit tila pinaglalaruan lang ako nito. Kitang-kita ko ang ngisi sa kaniyang labi habang sinusubukan ko pa ring mataman ang parte ng katawan nito.
Sa inis ay mabilis kong pinikit ang aking mata. Handa na sana akong gumawa ng senaryo sa aking isip at tapusin ang laban na ito ngunit napadilat ako nang marinig siyang magsalita.
"Violating the rules of the game, huh?" Marahas akong huminga nang malalim nang magsalita si Loie.
"Tsh!"
Nakakainis talaga. Bakit kasi hindi puwedeng gamitin ang kapangyarihan? Ano'ng klaseng pag-eensayo ito? Paano ko matatalo ang isang 'to kung lakas lang namin ang pagbabasehan? Hindi pa ba malinaw sa kanila na matatalo ako dahil magkaiba ang lakas na mayroon kami? Lalaki siya samantalang ako ay babae. Iyon ang pinagkaiba namin. May lakas siyang taglay na wala ako. At wala akong lakas na hindi niya kayang gawin.
Tinitigan ko nang masama ang lalaking kaharap ko. Gusto kong ibuhos sa kaniya ang lahat ng inis ko pero walang-wala iyon sa lakas na mayroon siya. Ni hindi nga ako makatama ng suntok maski isa.
Nandirito kami ngayon sa arena kasama si Professor Mark upang hasain ang galing namin sa pakikipaglaban nang walang gamit na kapangyarihan. Unang pagsubok ay mano-mano, walang armas na gamit. Purong tibay at lakas lang ang kinakailangan upang manalo. Lahat ng parte ng aming katawan ay maaari naming gamitin ngunit hindi kami maaaring gumamit ng kapangyarihan at armas.
Alam ko namang hindi ako mananalo kay Loie dahil mas malakas siya kumpara sa akin. Naiinis ako, oo, inaamin ko naman. Dahil ayokong matalo lang ng lalaking ito. Mas pinamumukha kasi sa akin na kapag babae, mahina kumpara sa mga lalaki at iyon ang ayaw ko. Ngunit mas gugustuhin kong makalaban ang malalakas na salamangkero upang mas makuha ko ang kanilang estratehiya.
Iyon nga lang, naiinis ako dahil hindi ko siya magawang talunin. Iba-iba rin ang paraan na ginagamit niya sa pakikipaglaban dahilan upang hindi ko mabasa ang mga galaw niya. At upang hindi ko makuha ang estratehiyang ginagamit niya.
Kahapon, nang isa-isa naming makuha ang mga armas na makakatulong sa amin sa pakikipaglaban, si Aryll ang pinakanatuwa. Nasa kaniya kasi ang arnis na gusto niya at isang espada. Isang arnis na lubha niyang kinatutuwa dahil doon daw siya sinanay ng mga kawal noon— noong sila ay paslit pa lamang. Kakaiba ang lakas ng arnis na iyon dahil may sarili iyong galaw, sa oras na tumama iyon sa isang bagay o salamangkero, maaaring magdulot iyon ng pagkaputol ng buto sa katawan o pagkawakas. Kaya kinakailangan ni Aryll na maging maingat sa paggamit niyon at makontrol niya ang lakas niyon. Siya lang ang makakagawa niyon dahil siya ang amo niyo. Isang espada naman ang kasama ng arnis na kinuha niya. Sa espada na iyon, lubha ring kakaiba. Sa unang tingin, hindi iyon ganoon kahaba. Ngunit may pinipindot sa espada na iyon para humaba ng halos isang daang metro. Sobrang mahal na ni Aryll ang mga armas na iyon. Tila nga ayaw nang bitawan.
Si Nyx naman ay makapangyarihang itim na bato ang kinuha at isang maliit na saucer. Ang bato na iyon ay sasampong piraso. Ngunit sa bawat bato mo niyon ay parang bombang sumasabog, nakakabulag at nakamamatay. Ang sampong piraso na iyon ay hindi nababawasan. Dahil sa bawat paghagis ng bato ay siya ring pagdagdag nito. Lubhang makapangyarihan at nakakatulong ang mga bato na iyon ngunit isang maling paggamit sa mga bato, mawawala itong lahat sa kaniya. Ang bawat pagdagdag ng mga maliliit na bato ay isa replika na lamang. Hanggat parami nang parami ang pagbawas sa mga orihinal na bato, pahina naman nang pahina ang kapangyarihan ng mga replikang nadadagdag doon.
Ang maliit na saucer na iyon ay tunay na matalim. Isang hagis ni Nyx doon ay higit pa sa sampo ang matatamaan. Depende sa kung ilan ang kaniyang kalaban. Ngunit dahil lubhang matalim ang bagay na iyon, kailangan pag-aralan ni Nyx ang tamang paghawak sa saucer na iyon upang hindi siya masugatan.
Kay Czearine napunta ang isang itim na supot na buhangin ang laman. Kakaiba ang buhangin na iyon dahil kapag isinaboy mo iyon sa kalaban ay malalapnos ang balat nito dahilan upang ikamatay ng kung sinong matatapunan ng buhangin na iyon ang lapnos sa katawan. Hindi tulad ng mga armas na nasabi ko kina Aryll at Nyx, ito ay hindi na niya kailangan pag-aralan dahil nasa boses niya ang paraan para mapaamo ito. Ang kapangyarihan niya ay kanyang boses. Napunta rin sa kaniya ang pamaypay na umuulan ng matutulis na patusok. Sa sandaling iwagayway niya ang pamaypay na iyon ay sigurong uulan ng maliliit na punyal.
Nasa akin ang bow and arrow. Ang pinangangarap kong armas. Mas namamangha kasi akong gamitin ito. Mula nang ako ay paslit pa lamang ay gustong-gusto ko nang maranasan na gamitin ito. Kung tutuusin ay mayroon nito sa Verphasa ngunit masyado iyong mahal. Kahit magtrabaho ako sa bayan ng ilang taon ay hindi ko magagawang bilhin iyon. Ngayon, mahahawakan ko na siya basta babanggitin ko lang ang sarili gamit ko.
Kasama ng mga pana at kalasag, isang makapangyarihang baraha naman ang kinuha ko, iyon ang kapalit ng baril na nagugustuhan ko na siyang kakarehistro na kay Loie. Ang barahang iyon ay kakaiba dahil tulad iyon ng flying saucer na nasa pangangalaga ni Nyx. Lubha rin iyong matalim ngunit hindi kagaya ng kay Nyx na nakakamatay. Ito ay nakakasugat lamang at nakakapanghina sa kung sino man matatamaan.
Napangiti ako nang maalala kung anong salita ang binigkas ko sa harap ng armas na aking napili... ang Verphasa. Dahil iyon ang bayan kung saan ako nagmula. Hindi ko magawang hindi ilakip iyon kasama ng katauhan ko. Ang kailangan ko lang gawin ay hindi lakasan ang boses ko kapag tinawag ko ang aking mga armas dahil sigurado akong may makakarinig sa akin. Hanggat maaari ay ibubulong ko iyon.
Napasinghap ako sa gulat nang hilahin ni Loie ang aking braso. Kasunod na iyon ang takot dahil walang kahirap-hirap ako nitong naihagis. Nainis ako sa katotohanang nagpadala ako sa aking mga naalala at nakalimutang nasa gitna ako ng laban. Hindi pa naging huli ang lahat upang pigilan ko ang pagkakatalsik ng aking katawan. Buong puwera kong pinigilan ang katawan ko upang hindi humalik sa pader ng Arena. Nang magtagumpay ay halos mawalan ako ng lakas, hindi birong pigilan ang dumadausdos na katawan.
Inis kong binalingan ng tingin ang lalaking ngayon ay kitang-kita kong nakangisi sa akin. Kahit malayo ang kaniyang distansya mula sa akin ay nakikita ko kung paanong ngumisi ito dahil sa ginawa niya sa akin.
Nakakainis. Hindi siya patas kung lumaban! Alam niyang wala sa reyalidad ang iyon ko at sinamantala niya iyon. Ginamit niya ng paglalakbay ng isip ko upang makakuha ng tyempo para pabagsakin ako. At isa itong malaking pandaraya.
Hindi ako nagkasaya ng panahon. Mabilis akong naglakad. Mabigat ang mga hakbang ko dahil abot hanggang kalangitan ang inis na nararamdaman ko. Sa pagkakatanda ko ay nag-eensayo lang kami. Bakit gusto yata akong patayin ng nilalang na ito? Kailan pa naging pagsasanay ang pumatay ng kaanib ng grupo?
"Papatayin mo ba ako?" galit na sigaw ko nang makalapit sa kaniya.
Mas tumaas ang inis na nararamdaman ko nang makitang blangko ang kaniyang mukha nang salubungin ang aking tingin. "I didn't do that," maang-maangan niya.
Hindi niya raw ginawa. Eh, ano 'tong ginawa niya sa akin ngayon lang? Kung sakaling humalik ang likuran ko sa pader ng arena, sigurado akong katapusan na iyon ng buhay ko dahil malakas ang pwersang ginawa niya. At kung hindi ko nakontrol iyon, malamang sa malamang, hindi na ako humihinga ngayon.
Nakuyom ko ang mga kamao ko. Gusto ko siyang saktan pero pinipigilan ko ang sarili ko. Oo, naglalaban kami dahil parte ito ng aming pagsasanay. Ngunit sinamantala niya ang paglalakbay ng isip ko bagay na isang pandaraya ang naganap.
Siguro ay gumaganti siya sa nagawa ko sa kaniya noong unang beses na nagtuos kami. Siguro, hanggang ngayon ay hindi niya nakakalimutan na dahil sa akin kaya nagamit niya nang sabay ang salamangka na mayroon siya dahilan para malapnos ang kaniyang kanang braso at mawalan ng ulirat.
Pero bakit niya ako pinaghihigantihan? As if naman ginusto ko 'yon?
"May balak ka sigurong patayin ako sa sobrang galit mo, 'no? Gustong-gusto mong gumanti dahil sa naganap noong una tayong nagtuos?" Tumaas ang boses ko ngunit nakita kong walang reaksyon ang mukha niya dahilan upang lalo akong mainis.
Inayos niya ang kapa na suot nang makita ang ilang dumi roon. Pinagpagan niya iyon nang mabagal na para bang hindi nasisindak sa taas ng aking boses. Marahas akong bumuntong-hininga.
"Walang katotohanan 'yang paratang mo." Naroon pa rin ang paningin niya sa laylayan ng kaniyang kapa.
Hindi ako naniniwala. Sa ginawa niyang iyon, sinasabi niya pang wala siyang balak na patayin ako? Noong una, gustong-gusto niya akong paalisin. Siguro ay wala na siyang magagawa sa bagay na iyon kaya kung hindi niya ako mapapaalis, papatayin niya na lang ako.
Due to my severe madness, I can't think properly. I am overthinking and I can't help but to think that he really wants me to be dead. He wants me to die. He wants to kill me.
"Gusto mo akong patayin dahil lang sa galit mo? Eh, hindi ko nga alam kung bakit ka nagagalit sa akin, eh!" muling sigaw ko. "Napaka-isip bata mo sa paningin ko. Sa kagustuhan mong mawala ako sa landas mo, papatayin mo ako?"
Nakita ko sa gilid ng aking mata na papunta na sa aming gawi ang mga kasama namin, gayon din si Professor Mark na kunot na kunot ang noong nakatingin sa amin.
"What happened?"
"What's going on here?"
"Dude. Lorrine. Ano 'to?"
"Hindi kita pag-aaksayahan ng panahon," mapakla niyang saad pero hindi ako naniniwala. Inismiran ko siya nang sabihin niya iyon.
Ang usapan ay mag-eensayo kaming dalawa dahil ilang araw akong nawala. Tuturuan niya ako ng mga itinuro sa kanila upang hindi ako mahuli. Pero hindi kasama sa mga iyon ay patayin ako.
"Ano'ng nangyayari sa inyong dalawa?" rinig kong tanong ni Professor Mark, hindi nawala ang sakit na dinulot ng katotohanang gusto akong patayin ni Loie.
Nanginginig ang kalamnan ko. Dahil sa galit. Dahil sa sakit. Ngayon lang ako nakatagpo ng salamangkero na kaanib pero nais kang patayin. Ngayon lang ako nakatagpo ng salamangkerong tulad niya na wala naman akong ginagawang masama pero sukdulan ang pagkamuhi sa akin.
Hindi ko maiwasang hindi masaktan. Wala naman akong intensyong maging isa sa kanila. Pero bakit ako lahat ang sumasalo ng init ng ulo nila? Napapagod na ako. Napapagod na akong intindihin sila. Napapagod na akong makisama sa mga nilalang na walang gusto kundi ang maialis ako sa buhay nila.
Hinarap ko si Professor Mark. "Itong si Loie ay balak wakasan ang aking buhay," usal ko habang hindi pinuputol ang masamang tingin kay Loie.
"Nasa gitna tayo ng laban. Hindi puwedeng kaibiganin kita habang nakikipaglaban."
"Ngunit sa ginagawa mo, para bang doon na lang magtatapos ang buhay ko. Ano bang ginawa kong mali sa iyo? Nakakapagod na kayo! Napapagod na akong intindihin 'yang mga topak ninyo!"
Bumuhos ang lahat ng emosyon ko. Gusto kong isigaw ang lahat ng frustrations ko pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Lorrine…" narinig ko ang mahinang usal ni Aryll sa gilid ko. Pinapakalma niya ako, alam ko. Pero sadyang hindi ko magawang kumalma.
Maybe I deserve to die.
"No. Please, stop. I can't kill you." Tila nawawalan na siya ng pasensya sa akin. Nagsimulang mamula ang kaniyang tainga dahil sa galit. Dahil nga ba sa galit? Bakit mukhang naiinis na rin siya? "Bakit naman kita papatayin?"
Umangat ang gilid ng aking labi saka pinagkrus ang mga braso. "Bakit mo nga ba ako papatayin? Hindi mo balak ang patayin ako ngunit sa ginagawa mo'y nasasaktan ako! Sige patayin ninyo na lang ako kung iyan ang gusto ninyo. Wakasan ninyo ang buhay ko kung iyon ang makakapagpasaya sa inyo. Kung ito ang makakapagpatahimik sa inyo, sige, saktan ninyo ako!"
Isa-isa kong tinapunan ng masasamang tingin ang lahat. Nagbaba ng tingin si Aryll, umiiyak. Niyakap naman siya agad ni Nyx. Isa sa tiningnan ko nang masama ay si Czearine na ngayon ay nakita kong ilang beses napalunok.
Muli ay ibinalik ko ang masamang tingin kay Loie. Doon ay unti-unting napalitan ng gulat ang mga galit na mata ng aking kaharap. Lumamlam iyon at nagbaba siya ng tingin.
"Nasasaktan na ba kita?" mahinang tugon niya.
Nang sandaling iyon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nabigla ako sa paraan niya ng pagtatanong kaya naramdaman ko ang sarili na kumalma. Ang maitim at mabigat na awra na bumabalot sa aking katawan ay tila humupa.
Iba ang naging epekto sa akin ng tanong na iyon ni Loie. Hindi ako mapakali at kusang nanginig ang aking katawan. Para bang may dalang kilabot ang boses niyang iyon dahilan ng pagkabog nang malakas ng boses ko. Natuliro ako't hindi na siya ngayon matingnan nang mata sa mata. Tila tumakas ang lahat ng tapang sa akin katawan.
"H-Ha? H-Hindi ko alam." Iyon na lang ang sinabi ko at nagsimulang umiwas sa kanila. "Magpapahinga na ako, hindi pa yata tuluyang nanunumbalik ang lakas ko," pagdadahilan ko kahit ilang araw na simula nang umuwi ako mula sa Verphasa.
At tuluyan ko nang nilisan ang Arena. Ngunit narinig ko ang malakas na pagtawag sa akin ni Aryll. Hindi ko siya nilingon. Tuloy-tuloy akong naglakad na parang walang naririnig.
Ang kaninang galit sa puso ko ay unti-unting humupa. Para ngang bigla akong nahiya. Hindi ko alam. Parang wala akong mukhang maihaharap. Nakakahiya sa kanila na umakto ako ng ganoon. Pero hindi ko naman pinagsisisihan. Iyon ang gusto kong sabihin. Iyon ang naramdaman ko. And I have all the rights to say whatever I want to say.
"Teka, Lorrine! Hintayin mo ako!" sigaw niya nang makalapit sa akin. "Masama ba ang pakiramdam mo?"
Iniwas ko ang paningin. "H-Hindi ko alam. Nais ko lang magpahinga."
"May nais pa sana akong sabihin sa iyo," aniya habang habol ang paghinga dahil sa ginawang pagtakbo. "Bukas ng gabi... magkakaroon ng pagdiriwang dito sa Questhora. Imbitado ang lahat ng magulang, kapatid at kaibigan ng mga salamangkerong narito. Bukas din ay makikilala mo ang iba't ibang grupo. Hindi lang ang Atramentous. Pupunta ka ba?"
Saglit kong sinalubong ang tingin niya at agad binawi. Sumimangot ako. Ayoko nga sanang makaharap muna ang mga kasamahan ko. Tapos ngayon, may pagdiriwang pang magaganap. Sigurado akong nandoon iyon sila.
"Required bang pumunta?" tanong ko.
Umiling si Aryll. "Hindi naman. Pero isa kang Atramentous. Hindi ka dapat mawala roon."
Sumakit ang ulo ko sa sinabi niya. Hindi daw required pumunta pero hindi ako dapat mawala. Sana sinabi niya na lang na required para hindi na masakit sa ulo ang pag-iisip.
Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating sa loob ng palasyo. Sinalubong kami ng mga servus at kawal. Sabay-sabay na napayuko nang dumaan kami ni Aryll. Hindi naman namin sila pinansin dahil abala ang isip ko.
Nasa likod naman ang mga servus at ilang kawal. Sinusundan kami para protektahan o pagsilbihan. Hinayaan lang namin sila dahil hindi ko gusto na makipag-usap ngayon, kay Aryll lang dahil makulit siya.
Para saan ba ang pagdiriwang na iyon? Imbitado raw ang mga magulang at kapatid. Mukha bang mayroon ako niyon? Kung mayroon man ako, hindi dito sa kaharian na ito nakatira. Kundi sa malayong bayan… sa Verphasa.
Huminga ako nang malalim. "Nasa Verphasa ang pamilya ko, hindi ko alam kung puwede silang tumungtong dito sa Questhora." Hindi ko na naitago ang lungkot sa aking mahinang boses. Hininaan ko talaga iyon. Halos bulong na nga lang dahil may mga serbus sa paligid. "Aryll, batid ko naman kung sino lang ang mga salamangkerong nakakapasok sa lugar na ito. At batid ko ring hindi kasama ang taga-Verphasa roon."
Napaiwas siya ng tingin saka bumuntong-hininga. "Baka puwede naman nating kausapin si Lady Aurea tungkol dito."
Sunod-sunod akong napailing habang binabagtas namin ang daan tungo sa aking kuwarto. Unti-unti ay nakakabisado ko na ang daan patungo roon. Hindi ko na rin alam kung gaano na ako katagal dito sa Questhora dahilan para unti-unting maging pamilyar sa akin ang mga nakakalitong daan.
"At isa pa...hindi naman ako mahilig sa pagdiriwang. Mas nanaisin ko pang matulog buong araw kaysa pag-aksayahan iyon ng panahon."
"Ngunit isang beses sa tatlong taon lang ang pagdiriwang na iyon. Kung saan... maaaring makasama ng mga salamangkerong narito sa Questhora ang kanilang mga magulang. Isang beses lang iyon sa tatlong taon, Lorrine." Naroon ang pangungumbinsi sa tono ng kaniyang boses.
Sarkastiko akong napatawa. "Baka nakakalimutan mong wala pang isang taon akong narito."
Sumama siya sa akin sa pagpasok ng aking kuwarto nang marating namin ito. Hinayaan ko lang naman siya na pumasok. Masyadong pagod ang isip at katawan ko para aksayahin ang oras na bawalin siya.
Inalis ko ang kapang suot saka ibinagsak ang sarili sa malambot na kama.
"Ay, oo nga 'no! Pero sumama ka pa rin," saad niya saka tumabi sa akin sa paghiga. Inusog naman niya ang sarili sa akin dahilan para umusog din ako. Nang makomportable siya sa espasyo ay tumigil na siya sa pag-usog. At ganoon din ako.
Pareho kaming nakatunghay lang sa kisame habang nag-uusap.
"Ano naman ang gagawin ko roon? Tutunganga?" tanong ko.
"Ano ka ba?! Siyempre, hindi."
Kahit anong isip ang gawin ko, pakiramdam ko, hindi naman ako kailangan sa pagdiriwang na iyon. Wala akong pamilya, walang bibisita sa akin. Wala akong gagawin kundi tingnan ang mga pamilyang masayang nagsasama-sama.
Hindi kasi maaaring makatapak ng palasyo ang mga miyembro ng pamilya kung hindi naman kasali sa grupo ng mga lalaban para sa Questhora. Simula nang ihandog sila dito para sa kaharian na ito, dito na rin sila tumira dahilan upang mawalay sila sa kanilang mga pamilya.
Ngunit gaya ng sinabi ni Aryll, isang beses sa tatlong taon ay nagkakaroon ng pagdiriwang upang magsilbing reunion ng mga pamilya.
Huminga ako nang malalim. "Maninibugho lang ako sa inyo. Mas nanaisin ko na lamang ang magpahinga." Lumungkot ang aking tinig. Totoo namang ganoon lang ang gagawin ko. Tutunganga at maiinggit sa mga salamangkerong kapiling ang kaniyang pamilya. "Sige na, magpapahinga na ako."
Bumangon siya atsaka makulit na tumingin sa akin. "Teka. Isa na lang. May itatanong lang ako."
"Bilisan mo at inaantok na ako," walang ganang sagot ko. Pagod na pagod ang utak ko. At mas pinagod pa ako nang marinig ang tanong ni Aryll.
"Itatanong ko lang sana kung umiibig ka na sa isang salamangkero." Ang mga ngiti niya'y nanunukso. Para bang may ibig ipahiwatig iyon.
Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos ay sinamaan siya ng tingin.
"Tsh. Ano'ng umiibig? What a word, Aryll. Puwede ba? Wala sa bokabularyo ko ang salitang iyon." Mula nang mabuhay ako sa mundong kinagagalawan namin ngayon, wala sa isip ko ang pagkakaroon ng iniibig. Kaya naman, hindi ko alam kung bakit naitanong ito sa akin ni Aryll.
"Kahit sino, Lorrine?"
"Kahit sino," mabilis kong sagot.
"Kahit pagkakagusto lang ba, wala?" pangungulit niya.
Nag-isip ako nang malalim. Pagkagusto? Siguro may nagugustuhan ako pero hindi sa puntong iibig ako sa kaniya. Paano ako iibig sa nilalang na iyon? Napakaimposible para sa akin ang umibig sa ganoong klase ng salamangkero.
"Wala," maagap kong sagot. "At isa pa, bakit ako iibig sa salamangkerong walang ginawa kundi ang magalit?"
"Magalit? Nagagalit ba siya?"
Eh? Nasisiraan na ba ng bait ito si Aryll at hindi niya napapansing galit na galit sa akin ang lalaking iyon? Hindi niya ba alam na sukdulan ang galit sa akin niyon ay tila ayaw na ayaw ang makita ako?
Hindi ba nakikita ni Aryll na simula nang tumuntong ako sa lugar na ito, hindi na maganda ang pakikitungo sa akin ng nilalang na iyon? Hindi niya ba naririnig kung papaano ako pagsalitaan ng masasakit ng lalaking iyon?
"Bulag at bingi ka ba, Aryll? Hindi mo ba nakikita at naririnig kung paano ako kagalitan ni Loie? Tsh. Kung magalit siya sa akin para akong nakapaslang."
Napanguso ako dahil naaalala ko na naman ang ginawa niyang pagtangka sa buhay ko. Ilang beses na niya akong nilabanan at ilang beses niya na ring pinaramdam sa akin na dapat na akong mamatay. Kanina lang talaga iyong sukdulan. Iyong naramdaman kong malapit na akong pumanaw. Kanina ko lang naramdaman iyong takot na baka hindi ko magawang kontrolin ang katawan ko at mawalan ako ng buhay.
Kaya hindi niya ako masisisi kung bakit naiinis ako sa kaniya. Siya rin naman gumagawa ng dahilan para kainisan ko siya. At ako? Iibig sa kaniya?
Gusto ko lang iyong tapang niya but that doesn't mean na iniibig ko na siya.
"Lorrine..."
Inis akong lumingon sa gawi niya. "Oh?!"
"Paano napunta si Loie sa usapan?" Nanlaki ang mata ko nang maalalang wala siyang binanggit na pangalan ng salamangkerong tinutukoy niya. Napabungisngis siya nang magdilim ang aking mukha. "Ikaw ba ay umiibig na sa kaniya?" Nanunukso ang kaniyang tinig.
"S-Shut up, A-Aryll. Matutulog na ako," pagtataboy ko sa kaniya. Tinulak-tulak ko siya dahilan para lalo siyang matawa na siyang kinainit ng pisngi ko.
Ano ba 'tong babae na 'to? Bakit ayaw sumunod?
"Are you inlove with him?" makulit niyang tanong. Pati boses niya, makulit din.
"Maaari ka nang lumabas!"
Tumayo si Aryll sa gilid ng aking kama at hinawakan ang parehong pisngi gamit ang magkabilang palad. "Oh my God! You are—"
"Labas!"
Tumango-tango siya habang malawak na nakangiti. "Okay! Secret lang natin 'to! Hindi ko ipagsasabi. Promise!" Nakita ko pang itinaas niya ang kanang kamay habang bumubungisngis. "Sige na. Matulog ka na." Hindi pa rin nawawala ang panunukso niya.
"Isa pa!"
Nagtipon ang inis at pagpahiya sa loob ko kaya hindi ko masisisi ang sarili ko kung nasisigawan ko ngayon si Aryll. Ayoko kasing makarating pa sa iba ang nalaman niya. Though, wala naman talaga akong pag-ibig para kay Loie. At hindi rin ako nagkakagusto sa kaniya. Walang rason para gustuhin ko siya dahil isa siyang dakilang mainitin ang ulo.
"Bye!" anito saka lumabas ng aking kuwarto habang tumatawa nang malakas.
Bakit naman ako magkakagusto sa lalaking pinaglihi sa sama ng loob?