ARYLL'S POV "SUNDAN kaya natin?" I sighed once again. Hindi ko alam kung ilang beses na akong bumuntong-hininga upang pakalmahin ang sarili ko ngunit sadyang hindi ko magawa. Sino bang kakalma matapos malaman na nasa panganib ngayon ang kaibigan mo? Siguro sa iba kaya nilang kumalma, pero ako, hindi. Knowing the fact that Lorrine was taken by the Thadelux, I can do nothing but to worry. That was Thadelux for heaven's sake. Hindi iyon basta-bastang kaharian. Dahil naroon lahat ng mga sakim sa kapangyarihan, ganid sa kasinungalingan at nananalaytay sa kanila ang kasamaan. Natatakot ako. Natatakot ako na baka kung ano ang gawin nila kay Lorrine. Natatakot ako dahil baka hindi kayanin ni Lorrine ang kapangyarihang mayroon ang Thadelux. Isa pa, sigurado akong hindi makakalaban si Lorrine d

