LORRINE'S POV "MABUTI na lamang at sa akin ka bumagsak. Dahil sasaluhin kita, gaano ka man kabigat." Saglit kaming nagkatitigan ngunit agad akong tumayo nang mapagtanto kung sino ang salamangkerong sumalo sa akin. Mabilis na dinaga ang puso ko nang ma-ilang sa posisyon namin kanina. Mabuti na lang talaga at hindi ako bumagsak sa marmol na sahig dahil kung hindi, sigurado akong pagtitinginan ako ng mga nilalang na narito sa bulwagan. Ito ngang hindi pa ako bumabagsak, may mangilan-ngilan nang salamangkero ang nakatingin sa amin at pinanonood kaming dalawa. Ano pa kaya kung maagaw ko ang atensyon ng lahat dahil sa pagkabagsak. "P-Pasensya na," nahihiyang sambit ko sa harap ni Launt nang pareho kaming nakatayo na. Nangingiti-ngiti naman siya bagay na lalong nakapagparamdam sa akin ng pagka

