ARYLL'S POV
NEW FRIENDS. I can now call them my friends. I am thankful that Lorrine introduced Nhykira and Miandro to me. Nagkaroon ulit ako ng mga bagong kaibigan dahil sa kaniya.
I can't help but laugh at myself. Para kasing uhaw na uhaw ako sa mga kaibigan where in fact, lahat naman kaibigan ko. Lahat ng mga bagong kakilala o kahit mga luma, kaibigan ko. Kahit pa magkaiba ang grupong kinabibilangan namin dito sa Questhora, still, they are my friends. Pero feeling ko, kulang pa. I need friends. Friends can give energy to me.
"What about your hobbies?" I asked Nhykira. I smiled when she giggled.
Saglit siya nag-isip. "Hilig ko ang maghabi ng kasuotan. Iyon din kasi ang nakagawain ng aming ina. Natuto lang din ako sa kaniya," sagot nito.
Kung hindi ako nagkakamali, ang ina ni Nhykira ay siyang kinalakihang magulang ni Lorrine. Siya ang tinatawag ni Lorrine na Inay Serra.
"Really?"
Tumango-tango si Nhykira habang masayang nakangiti sa akin. "Oo, iyon kasi ang hanapbuhay ng aming ina. Ang paggawa ng kasuotan."
"Wow! Nagagalak ako sa iyong tinuran! Magkuwento ka pa!"
Tunay na nagagalak ako sa kwento ni Nhykira. Lubha itong masalita kumpara sa kuya nitong si Miandro. Hindi naman sobrang tahimik ng lalaki ngunit mukhang bibihira sa kaniya ang kumausap ng isang nilalang. Nababasa ko sa kaniyang kilos na hindi ito sanay sa pakikipagsalamuha. Ngunit natutuwa ako sapagkat hindi niya sinasarado ang pinto para sa mga kakatok upang kausapin siya.
Paminsan-minsan ay nakikisabay ito sa tawa. Lalo pa kapag si Nyx ang nagbibiro. Palibhasa'y parehong lalaki, mas nagkakaintindihan sila. Tulad na lang namin ni Nhykira. Para nga kaming may sariling mundo dahil iba ang usapan namin, iba rin ang usapan nila. Habang si Lorrine naman, nasa gitna lang. Parehong sumasali sa usapan.
Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ni Lorrine. Siguro ay dahil napanatag siya dahil maayos kaming nag-uusap ng mga kaibigan niya. And I am happy too because she is happy. Kahit ito man lang, makabawi kami sa lahat ng sakit na naranasan niya rito.
Nagpatuloy sa kwento si Nhykira at magiliw ko naman itong pinakinggan. Natutuwa ako sa pagkukuwento niya dahil pakiramdam ko, nai-imagine ko ang bawat senaryong iyon sa isip ko. But somehow, I felt jealousy. I know it wasn't right to feel that but I really am jealous.
Mabuti pa sila, hindi nga karangyaan ang buhay na mayroon sila. Minsan pa nga, ayon sa kwento ni Nhykira ay walang-wala silang pangkain. Kulang ang salapi na nakukuha ng kanilang itay sa pagtatrabaho nito sa bayan, sumabay pa na walang bumili sa panindang kasuotan ng kanilang inay. Ngunit masaya pa rin sila kahit wala silang masasarap na pagkain na nakahain sa kanilang mesa.
Samantalang ako, I almost have everything. My both parents, money, shoes, bags, clothes and anything na hindi kayang bilhin ng mga salamangkerong salat sa yaman. Ngunit wala naman akong parents na nakakasama. They were all busy. They can't even greet me. They didn't even ask me if I was okay.
Just like now, we are in the same place but I don’t have their attention. Naroon sila sa grupo ng mga tulad nilang magulang, binibida ang kani-kaniyang mga anak. Magpapahuli ba ang parents ko? Siyempre, hindi. Binibida rin nila ako. Tungkol sa mga achievements ko at ang katotohanang nasa grupo ako ng Atramentous. Pinagmamalaki nila ako pero kahit minsan, hindi ko naman naramdaman na proud sila sa akin.
Isang beses sa tatlong taon lang kung magkita ang magkakapamilya. Pero ako? Parang hindi naman tatlong taon lang. I really feel like they just go to this celebration not to celebrate but because it’s the norm. They only come so that others will not make fun of our family. So that others will not make fun of me.
I should be glad since I know they still care for me, for my reputation and for our family name. Pero hindi ko maiwasang hindi malungkot. Doon lang naman kasi sila may pakialam, hindi sa akin mismo… hindi sa anak nila mismo.
"Hey."
"What!?"
Nagulat ako nang bigla akong kalabitin nang malakas ni Nyx dahilan para manlaki ang mga mata kong mapatingin sa kanila.
"Mukhang malalim yata ang iyong iniisip," ani Nhykira kaya lalo akong nagtaka.
Napatingin ako sa lahat ng salamangkerong kaharap ko ngayon sa malaking lamesa at lahat sila ay nakatingin sa akin.
"What happened? Did I spaced out?" I asked… curiously.
Hindi ko nalamayan na masyado na palang lumalim ang pag-iisip ko dahilan para mahalata nila ako.
"You want to go outside?" Nyx offered his hand to me but I just shrugged.
"No. I'm fine," sagot ko kahit hindi naman talaga. Ayoko lang din kasi iwan sina Nhykira and Miandro. They looked so bothered with my actions.
I saw a big question mark written all over their faces. But I am also glad I saw the worries in their eyes. Feeling ko, mahalaga na rin ako sa kanila.
Kaya siguro uhaw ako sa kaibigan, dahil sa kanila ko na lang nararamdaman na mahalaga ako, na importante ako, na may silbi ako sa mundo. Dahil sa kanila ko na lang nararamdaman na mahal din nila ako katulad ng pagmamahal na binibigay ko sa kanila.
"You don't look fine, Aryll. Quit lying. Sa akin pa talaga, ah?"
Bumuntong-hininga ako. Nyx is right. He is always right. I am not fine. I am not okay. But I need to be okay. I am Aryll Schyler, I need to be okay… always.
LORRINE'S POV
"SANDALI. Tutungo lang ako sa palikuran," pagpapaalam ko sa kanila pagkatapos ay tumayo na ako at tinalikuran sila.
Kasalukuyan kaming nakaupo nang muli sa harap ng malaking lamesa. Matapos ang pag-uusap namin ni Loie nang sandali ay nakaramdam naman ako ng pagkapanatag sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero pinaniwalaan ko ang sinabi niya kahit pa alam kong sukdulan ang galit nito sa akin at maaaring nililinlang niya lang ako. Ngunit sa huli, nanaig sa puso ko ang pagtitiwala sa kaniya.
After all, he is one of the Atramentous. He is one of us.
Nakampante naman akong iwan ang magkapatid dahil napapalagay na ang loob nila kay Aryll at Nyx. Nagpapasalamat naman ako sa dalawang iyon at hindi nila tinuring na iba ang mga kaibigan ko. Masaya akong kahit papaano ay maayos ang pakikitungo nila sa isa't isa.
Hindi nga lang kahit papaano dahil totoong maayos ang pakikutungo nila. Despite the truth that Miandro and Nhykira was from the land of the weakest wizard— the land of Verphasa.
Nagtuloy na lang ako sa paglalakad. Bitbit ang isang malawak na ngiti sa aking labi.
"Narinig ko ang usapan ng ibang servus, may isa raw na taga-Verphasa ang kinupkop dito."
Awtomatikong napahinto ako sa paglalakad nang maraanan ang isang lamesa kung saan naroon nakaupo ang mga nasa bayan ng Dettesia— Ang mararangyang salamangkero. Nakapaloob ito sa kaharian ng Questhora kaya alam kong mga malalakas na salamangkero din ito. Mararangya pa.
Sa bayan na 'yan nakatira ang halos lahat ng pamilya ng mga salamangkerong tulad nina Aryll na tumira na rito sa kaharian na ito.
Ngunit kung karangyaan lamang ang pag-uusapan, kakaiba ang karangyaan na mayroon ang mga miyembro ng Atramentous bukod sa akin. Dahil hindi sa bayan ng Dettesia sila nakatira. Kundi sa isang lupain na tanging mga ekslusibong salamangkero lang ang nakatira.
"Totoo 'yan! Narinig ko rin ang usapan ng kawal tungkol sa salamangkerang iyon." Huminga ako nang malalim upang ikalma ang sarili dahil nagsisimula na naman ang takot sa puso ko.
"Kung gayon, babae ang kanilang kinupkop?" tanong ng isang ginang sa kapwa niya ginang. Pawa silang mga magulang ng mga salamangkerong narito nakatira sa palasyo.
"Oo! Hindi ako makapaniwalang tumanggap sila ng taga-Verphasa. Ang bayan ng mga mahihinang salamangkera." Tumaas ang inis sa puso ko nang marinig iyon.
Naikuyom ko ang aking kamao. Nabuhay sa akin ang matinding inis nang insultuhin nila ang bayan kung saan ako lumaki.
Anong karapatan ng mga nilalang na ito na maliit ang Verphasa? Saan nanggagaling ang karapatan nilang tapak-tapakan ang bayan kung saan ako nagmula? Dahil ba sa karangyaang mayroon sila? Dahil ba sa sumisigaw nilang mga alahas sa iba't ibang parte ng kanilang katawan? Dahil ba mula sila sa bayan ng mga mararangyang salamangkera? Ganoon ba?
Kung ganoon, hindi bagay ang karangyaan nila sa kanilang ugali. Tama lang talaga na nasa Atramentous ako dahil malaking sampal iyon sa kanila. Ang rangya ng kanilang buhay, mayroon silang maraming salapi, sumisigaw ang kanilang kapangyarihan. And yet, wala sila sa grupo ng Atramentous. Or I should say, wala ang mga anak nila sa pinakamalakas na grupo ng Questhora.
"At ito pa ang sabi, sinali raw iyon sa isang grupo na lalaban sa digmaan pagdating ng panahon." Napangisi ako dahil sa katotohanan na nakalap nila.
Kakaibang ugali na namang muli ang lumalabas sa akin. At wala akong pakialam ngayon kung malaman nila ang tungkol sa akin. Kayang-kaya ko silang sampalin ng katotohanan. Kayang-kaya ko ipamukha sa kanila na ang bayan na kinukutya nila, nandito sa loob ng Questhora nakatira ang mga nilalang na galing doon at ang iba'y nakadalo pa sa pagdiriwang na ito.
"Ano?! Hindi maaari 'yan. Siya ang magpapahamak sa Questhora! Ano ba ang alam ng mga taga-Verphasa sa pakikipaglaban? Ang alam lang nila ay magtrabaho upang may makain sa araw-araw."
Ang inis ay agarang napalitan ng lungkot. Alam kong ako ang tinutukoy nila. Alam ko rin naman na tunay ang sinasabi nila. Alam ko rin na totoong ang alam lang naming taga-Verphasa ay magtrabaho. Kung tutuusin, mas mayaman pa ang mga servus na narito kumpara sa amin. Mas maayos pa ang kanilang trabaho kaysa roon sa Verphasa. Masyadong mahirap ang trabaho roon.
Naninilbihan din naman ang mga nilalang sa Verphasa ngunit hindi sa magagaang gawain tulad ng sa servus. Ang mga taga-Verphasa, lubhang mabibigat ang mga trabahong ginagawa namin upang kumita ng maaari naming gamitin upang makabili nang nais.
Oo, alam kong wala sa kalingkingan ng nga taga-Questhora ang mga nilalang sa Verphasa. Pero hindi naman kami dapat insulthin. Wala ni sinoman ang may karapatang tapak-tapakan ang pagiging kami.
"Sana lang ay hindi siya sa Atramentous napunta. Matatanggap ko pa siguro kung sa Meishin siya napunta. Ang pinakamababang grupo ng Questhora," anang isang ginang na may maikling buhok.
Sana nga hindi na lang ako sa Atramentous napunta. Huwag siyang mag-alala dahil ko rin namang ginusto na mapunta sa grupong iyon. Basta na lang ako inilagay doon. Wala rin naman akong choice dahil kailangan kong iligtas ang tinuturing kong kapatid.
Kung sa sinasabi nilang Meishin ako napunta, ayos lang naman sa akin. Baka nga mas magaganda pang kasama ang mga salamangkero doon dahil tulad ng sinabi ng ginang, pinakamababang grupo iyon. Ibig sabihin, hindi kasinlakas ng Atramentous. Baka doon talaga ako nababagay.
"Hindi ako makapapayag na may nakapasok dito sa Questhora na galing lang sa Verphasa. Mamaya ay kakausapin ko ang reyna tungkol dito."
Napangiti ako nang mapait at nakaramdam nang kaunting takot— dahil kakausapin nito ang reyna. Likas na mabait at busilak ang puso ng reyna, sa pakiwari ko'y hindi ito tatanggi sa paratang na purong katotohanan.
Muli kong naisip ang sinabi ng ginang. Pinamukha niya talaga sa akin na hindi kami nababagay sa lugar na ito. Ganoon kahina ang turing nila sa amin. At mas ikinalungkot ko ang pag-uugaling mayroon sila. Kung alam lang nila, hindi ko rin naman ginusto ang mapunta rito. Isinusuka ko ang katotohanang dito na ako nakatira. Mas ipinagmamalaki ko pa ang bayan kung saan ako isinilang. Hindi man kami kasing yaman nila. Alam kong hindi ganito kung mag-isip sa kapwa ang mga salamengkero sa Verphasa.
"Oh, salamangkera. May kailangan ka ba?"
Napapitlag ako nang marinig ang isa sa kanila na nagsalita. Agad nanlaki ang mga mata ko sa gulat atsaka napapahiyang yumuko ako nang mapansin nilang nakikinig ako sa kanilang usapan.
"W-Wala po." Atsaka ako biglang tumalikod. Dali-dali akong naglakad palayo dahil pakiramdam ko, may ginawa akong kasalanan.
Though, kasalanan naman talaga ang makinig sa usapan nang may usapan. Hindi naman talaga dapat ako nakikinig. Ngunit hindi ko pinagsisisihan na nakinig ako sa usapan nila. Nalaman ko ang tunay na ugali ng mga nilalang dito sa Questhora. Lamang ang mga masasamang pag-uugali kaysa sa mga mabubuti.
Nagpatuloy ako sa mabilis na paglalakad patungo sa palikuran ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang may mabangga. At sa pagkakataong iyon ay hindi ko na nabalanse ang aking katawan. Napapikit ako nang maramdaman ang pagbagsak. Pero imbes na malamig na marmol ang sasalubong sa akin, matigas na katawan ang naging dahilan upang hindi ako masaktan sa aking pagbagsak.
Nang imulat ko ang mata ay ibayong kabog sa dibdib ang aking naramdaman.
"Mabuti na lamang at sa akin ka bumagsak. Dahil sasaluhin kita gaano ka man kabigat."