"Sinimulan na ang pagtugis kay Erwin Ruson,Captain Callias," inporma sa kanya ng commander nila ng ipatawag siya nito sa opisina nito para ipaalam sa kanya ng tungkol sa pagkakasangkot ng isa sa kamag-anak niya sa isang sindikato. Naikuyom niya ang mga palad. "Papayagan pa rin kita kung gusto mo," anito na timutukoy ay kung makikipag-ugnayan siya sa paghuli kay Erwin. Matiim na umiling siya. "Hindi na..sila na ang bahala sa kanya..ilang beses ko na siya binalaan pero hindi niya ko pinakinggan,"tugon niya rito. Maraming beses na niya ito binalaan pero masyado ng nalamom ng kasakiman sa pera ang lalaking yun. Nakakaunawang tumango na lang ang komander niya. " Alright,"anito. "Sino ang humawak sa kaso?" bago pa matapos agad na tinanong niya iyun. "Ang SAF...pero may misyon ang Team ng

