Agad na gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Prinsesa Frenelyn ng marinig ang ingay ng sasakyan ni Captain Callias. He's here!!! Kalmante lang ang prinsesa na hinintay ito habang nakaharap sa TV na mahina lang ang volume. Kumatok ito at bumukas iyun pagkaraan. "Frenelyn.."pagtawag nito sa pangalan niya. Agad na tiningala niya ito. " Aldrin,"aniya at isinenyas ang single sofa na nasa kanan bahagi ng inuupuan niya. Tumalima agad ito. Matiim at seryoso ang anyo nito. "So..?" umpisa niya sa pananahimik nito. Bumuga ito ng hangin na sinabayan ng paghilamos sa mukha nito. Uh-oh! Mukhang negative ata,mahal na prinsesa! Muli ito bumuga ng hangin. "Ikaw ang hahawak ng misyon sa paghuli sa Jack Syndicate...kay..Erwin Ruzon?"untag nito. Humalukipkip siya at nagkibit ng balikat. " Tinanggap k

