Natatabunan ng malaking kuryusidad ang buong sistema ni Capt.Cally sa tunay na pagkatao ni Frenelyn Eskovar. Alam niya sa sarili niya na walang pagdududa na may kakaiba talaga sa dalaga..maliban sa ubod na ganda nito at ubod ng kamanghang-mangha babae ay may iba pa rito na nais niyang malaman. Isa na roon ang katanungan kung bakit hindi niya malimutan ang napanaginipan niya. Isang lobo. May kinalaman ba iyun sa tunay na pagkatao ng dalaga? Napamura siya sa kanyang sarili. Kalokohan lang ang gumugulo sa isip niya at hindi naman lahat ng panaginip ay totoo bagkus kabaliktaran pa nga yun. Pero..coincidence lang ba ang nakita niyang painting ng isang lobo na nasa bahay nito? Ang lobong na nasa panaginip niya na pag-aari pa ng dalaga?! Marahas siyang napabuga ng hangin. "Malayo ata ang in

