Itinutok niya ang hawak na baril sa isang malaking nilalang na kanina pa niyang hinahabol sa gitna ng kagubatan. Kahit madilim alam niyang isang mapanganib na hayop iyun kaya bago pa man makapanakit ito kailangan niya iyun mapaslang. Pigil ang hininga na inabangan niya ang pagsulpot ng subject niya. Mabilis na tumibok ang puso niya ng gumalaw ang mga sanga sa harapan niya na ilang hakbang lang ang layo mula sa kanya. Nasa gitna siya ng kagubatan tila ba ang lugar na iyun ay nilaan para sa pagtatagpo nila ng malaking halimaw na yun! Nang tuluyan makalabas iyun agad na kinilabit niya ang gatilyo ng baril niya. Hindi na nakahakbang pa palapit sa kanya..ang isang kulay Kahel na halimaw! Napakalaki nito! Nakakamangha ang taglay ng kulay nito na tila isang malaking araw sa dapit-hapon! Namam

