Sana man lang sumilip tayo saglit kagabi kay Mate! Napailing si Prinsesa Frenelyn sa panay reklamo ng wolf niya. Kung hindi lang niya nakontrol ang init ng katawan niya malamang nga pinasok na nila si Capt. Cally pero gising ito. Naging alerto ito ng marinig sila ng wolf niya. I'm sure may hawak yun baril habang pinapakiramdaman tayo! Napabuga naman ng hangin ang prinsesa. Nabitin sa ere ang pagsubo niya sana sa kinakain na orange fruit ng marinig ang ingay ng motor. Si Mate! Agad na tinungo niya ang salas niya at hinintay na kumatok ang binata. "Captain," bungad bati niya rito. Agad na ngumiti ito sa kanya. "Frenelyn," anito. Tumawa siya ng mahina. "Ayaw mo kong tawagin Eskovar?" Napangisi ito. "Why,maganda naman ang tunay mong pangalan,Frenelyn.." Muli siyang tumawa ng mahina.

