He's dying to ask her about what happen to her wound na bigla na lang nawala ng parang bula pero..sa huli,sino ba siya? Paano kung mahimasukan niya ang pribado nitong buhay na kahit siya ay hindi niya hahayaan na may makielam. Naikuyom niya ang mga palad habang hinihintay ang dalaga na kinuha siya ng maiinom at sinamantala niya iyun na ilibot ang mga mata sa buong kabahayan. Simple lang pero kapuna-puna ang kulay ng bawat sulok. Napangiti siya. Sigurado siya paborito nito ang kulay kahel. Napahinto ang mga mata niya sa isang painting. Hindi inaalis ang mga mata na tumayo siya sa kinauupuan at malalaki ang hakbang na nilapitan niya iyun. Napaawang ang kanyang mga labi habang titig na titig sa painting. Ang halimaw sa panaginip niya! "Painting yan ng isa sa kambal na anak ni Zei," puk

