Agad na gumuhit sa mga labi ni Aldrin ang isang ngiti ng masilayan ang pinakamamahal niyang prinsesa na si Frenelyn. Mahimbing ito natutulog pa. Nakadapa ito at bahagya pang nakaawang ang mga labi nito. Hindi na niya napigilan pa ang sarili na ilapat ang mga labi niya rito. Ang ilang beses na nangyari sa kanila ng dalaga nang nakaraan gabi ay isang bagay na hindi kailanman mabubura sa isip niya. "Morning,"malat ang boses na pagbati nito sa kanya. "Morning,my princess.." agad na tugon niya. Hinapit niya ito padikit sa kanya at agad naman ito umayos ng pwesto. Patagilid na niyakap din siya nito. Pinatakan niya ng halik ang nuo nito. Ayaw niya bumangon. Gusto niya ganito lang sila. Yakap niya buong maghapon ang kasintahan. "Magli-leave ako,gusto ko makasama ka kahit ilang araw lang,hmm..gu

