Humugot na hininga si Prinsesa Frenelyn at gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya na nilapat ang kabila niyang pisngi sa likuran ni Aldrin. Nakaangkas siya sa motor nito. Nag-aya kasi magstroll ang binata at nagustuhan naman niya ang paglilibot nila gamit ang sasakyan nito. Dinama niya ang hangin na tumatama sa kanya. Napapaligiran sila ng nagtataasan puno at sa kabilang dako naman tanaw ang karagatan na ang araw ay malapit ng lumubog sa likod ng malawak na karagatan. "You okay?!" lingon sa kanya ng binata. Ipinatong niya ang baba sa balikat nito. Wala silang suot na helmet tutal naman wala naman sisita sa kanila kaya inalis na nila. "Ayos lang ako!"medyo malakas niyang tugon dahil sa ingay ng motor nito. Mabilis na pinatakan siya ng halik sa mga labi niya ng binata. Napapangiti na

